Time check: 11:30 P.M “Jo, can you please pass me the Tupperware?” Mariin na kinagat ko ang ibabang labi para itago ang ngiti na gustong mamutawi sa mga labi ko. Huminga ako ng malalim saka iniabot kay Clyden ang isang pack ng tupperware na binili namin sa convenience store na nasa tapat lang ng building na ito. Ang goal namin ay dapat mapamigay na namin ang mga food before 12 midnight para makakain na ang mga homeless people na nandoon sa school. Marami-rami naman na ang na-i-pa-pack namin but because of Clyden cheesiness ay hindi ako makapag-focus sa ginagawa ko. Si Clyden ang nagsasandok ng mga food na nilalagay sa tupperware while I do the packing which is ang paglalagay ng tupperware na may laman ng food sa eco bag kasama ang pair of disposable utensils. Bumili rin