Hapon nang magising kami ni Clyden kaya hindi namin nagawa ang plano namin na magpunta sa park. At dahil pareho rin kami na tinamad ng lumabas dahil na rin sa pagod kahapon ay nag-stay na lamang kami sa unit niya at maghapon na natulog. Around seven P.M nang muli akong magising. Wala na si Clyden sa tabi ko kaya agad ako na bumangon at lumabas ng kuwarto niya. Naabutan ko siya sa kusina at kasalukuyan na iniinit ang carbonara at lumpiang shanghai na natira kahapon. Nagtungo ako sa fridge at binuksan iyon para kumuha ng tubig. Agad naman napalingon naman sa akin si Clyden nang mapansin ako. “How was your sleep?” tanong nito. Inubos ko muna ang tubig sa bottled water saka itinapon iyon sa trash can bago siya sagutin. “Very good. Ikaw? Kanina ka pa gising?” wika ko dito. Nagl