Hindi maipaliwanag ni Oceane, sobra sobra ang pag aasikaso ni Zaiden Alfiro sa kanya. Kakatapos lang nila kumain ng hapunan at tumambay sila sa library. Nakaupo sila sa carpet mula sa balat ng isang bear. Ang sabi ni Zaiden iyon ay isang souvenir mula sa kaibigan ng kanyang mga magulang mula sa half normal half wizard na kaibigan.
Isang makapal na libro ang nakapatong sa binti ni Oceane habang nakaupo. Katabi naman nito si Zaiden na may hawak lang na dyaryo.
"Zaiden bakit di pa yata dumadating ang mga magulang mo?"
"Hindi na sila uuwi."
"Ha? Busy ba sila sa trabaho?"
Lumingon si Zaiden sa kanya. May lungkot sa mga mata nito. At ang t***k ng puso nito ay unti unting bumibilis. Nararamdaman ni Oceane iyon.
"A-ang Mama ko... Wala na siya. She's dead."
"I'm sorry..."
Ngumiti si Zaiden.
"Bakit ka nagsosorry? Hindi mo naman kasalanan kung bakit wala na siya."
Nalungkot si Oceane sa narinig niya. Akala niya noon ay perpekto na ang buhay ni Zaiden, magkapareho pa sila. Wala siyang mga magulang katulad ni Zaiden. Lumaki siya sa ampunan.
"Ang Papa mo?"
"Si Papa siya yun busy... minsan nga nakakalimutan ko na may Ama pa pala ako." simpleng sabi ni Zaiden
Isinara ni Oceane ang hawak na libro. Mukhang si Zaiden ang tamang tao na makakatulong sa kanya.
"Bakit? Hindi na ba kayo nagkikita?"
Umiling si Zaiden. " I last saw him 3 months ago same with my brother Justin."
"Akala ko ako lang madrama ang buhay... Dalawa pala tayo." ngumiti is Oceane. "Hindi na ako nag iisa."
"Hindi kaya sign ito na tayong dalawa ang nakatadhana?" biro ni Zaiden
"I'm sure hindi."
Tumawa naman ang dalawa.
"Saan nagtatrabaho ang Papa mo?"
"Sa Magicae Ministerium."
'Bakit hindi pa rin siya lumalabas ng bahay? Hindi ba siya babalik sa Academy? Lumalalim na ang gabi ah! Pasaway na babae!'
Nakaupo pa rin sa bubong ng di kalayuan na bahay si Castor. Matyaga niyang hinihintay si Oceane na lumabas sa gate mula sa bahay ni Zaiden.
'Ano bang ginagawa nila doon at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya lumalabas?'
Huminga ng malalim si Castor. Mabilis itong tumayo at tinitigan ang mansion ng mga Alfiro.
'Kailangan ko malaman kung anong nangyayari.'
"Sino yun babaeng nagligtas sa atin nun gabi ng retreat? Kilala mo siya diba?" tanong ni Oceane
Tumango si Zaiden.
"Yeah! Isa siya sa nagtatrabaho sa Magecae Ministerium.."
"Talaga? Pero bakit umalis siya kaagad? Di man lang ako nakapagpasalamat sa kanya."
"Alam mo kasi palaging subsob yun sa trabaho. Nagulat nga ako nun makilala ko siya nun gabing yon."
"Parang ang sarap magtrabaho sa Ministerium.."
Ngumiti lang si Zaiden.
"Zaiden, bakit nagkagulo nun retreat? Alam mo ba kung bakit? May narinig ka ba na usap usapan tungkol doon?"
"Yeah!"
Flashback 3days ago (After Retreat)
Pagkatapos maligo at magbihis ay dadalawin niya si Oceane sa clinic sa kabilang building. May dala rin siyang isang red roses para sa dalaga. Hindi maalis ang ngiti niya habang papalapit siya sa building.
Bago pa siya nakalapit sa pintuan ng building ay iniluwa ng pintuan sina Principal Alyora, Nurse Ayo, Prof Laryn at Miranda kasama ang tatlo pang taga Mimisterium. Mabilis siyang nagtago sa likod ng pillar. Kaya naman naririnig niya ang usapan ng mga iyon.
"Kamusta na si Ms Gyresky?"
"Maayos naman siya Alyora. Hindi naman nadurog ang buto niya dahil kung nangyari iyon imposibleng maibalik ko pa yon."
"Salamat Nurse Ayo, at sayo na rin Prof Laryn... Malaki ang naitulong ninyo sa pagpapagaling sa mga bata."
Bumaling si Miranda kay Principal Alyora. Nagpaalam naman sina Nurse Ayo at Prof Laryn. Pumasok na si Nurse Ayo sa building, umalis naman si Prof Laryn pabalik sa office nito. Ang tatlong kasama naman ni Miranda ay nanatili roon.
"Bakit Miranda?"
"May kakaiba akong nararamdaman sa batang iyon."
"Anong ibig mong sabihin?"
"May itim na aura na pumapalibot sa bata, mukhang walang alam ang batang iyon sa kapangyarihan na meron siya."
"Sa tingin namin Alyora, hindi siya isang normal kagaya ng nakasulat sa record niya. Sa palagay ko ay isa siyang pureblood." sabi ng lalaking nakatayo sa kanan ni Miranda
"Pureblood!! Iyan din ang tingin ko kanina nun makita ko siya sa silid." Sabi ni Alyora
"Maari ko bang makuha ang pangalan ng kanyang mga magulang para ma trace ko kung saan clan siya nagmula?" tanong ni Miranda
Umiling si Alyora. "Ulila ang batang iyon. Lumaki siya sa ampunan at mga madre ang nakasama niya."
"Ulila siya?!" sabi ni Miranda
"Oo Miranda, ulila ang bata." sabi naman ng babaeng nasa kaliwa ni Miranda
"Kung ganoon, kailangan makakuha ka ng impormasyon sa kanya Alyora. May kakaiba sa bata at hindi ako mapalagay doon. Kailangan ko iyon malaman." sabi ni Miranda na halos pabulong na ang huling salita na sinabi nito.
"Sige ako na ang bahala."
"Mauna na kami Alyora." paalam na sabi ni Miranda
Tumango naman si Alyora at ang dalawang kasama ni Miranda.
End of Flashback
"Tama sila. Lumaki ako sa ampunan." malungkot na sabi ni Oceane
Hindi na nagsalita pa si Zaiden, nahihiya siya magtanong kahit pa gustong gusto niyang malaman ang buhay ni Oceane. At kung bakit sinabi ni Miranda na may itm na aura na nakapalibot sa aura ng dalaga.
'Kilala mo ba mga magulang mo? I mean bago ka dinala sa ampunan..." tanong ni Zaiden
Umiling naman si Oceane.
"Wala akong pictures o kahit anong natatandaan na imahe nila kaya wala akong idea kung nakaharap ko na ba sila o sadyang patay na lang."
"Iniisip mo na patay na sila? Bakit? Hindi ba dapat isipin mo na buhay sila at hahanapin mo sila?"
"Bakit pa ako maghahanap, pinabayaan na nila ako diba?"
"Pero Oceane.. di mo naman alam ang totoong nangyari. Mas maganda ay mahanap mo ang parents mo... para mabigyan sila ng pagkakataon na makapagpaliwanag sayo."
"Tapos... Anong mangyayari? Okay na kami na parang totoong masayang pamilya?"
"What I mean Oceane, kung ma explain nila sayo ang lahat... saka ka gumawa ng desisyon. Hindi ko sinasabi na huwag kang magalit sa kanila pero...."
Napansin ni Zaiden na pumatak ang luha ni Oceane sa cover ng libro. Napatingin siya sa dalaga. Mabilis nitong pinunasan ang luha gamit ang likod ng palad.
"Sinasabi mo yan Zaiden kasi di mo alam ang nararamdaman ko, kung ano ang pinagdadaanan ko..."
"Wala naman tayo pinagkaiba Oceane, kaya alam ko ang nararamdaman mo."
Napalingon ang dalaga sa kanya. Mapula ang singkit nitong mata. Gayon din ang pisngi nito at ilong, halatang umiyak ito.
Agad na hinila ni Zaiden ang braso ni Oceane papalapit sa kanya. Niyakap niya ito ng mahigpit. Ewan ba niya pero nahabag siya nun makita ang itsura ni Oceane na para bang may tumusok sa kanyang puso.
"Nandito ako Oceane, kung kailangan mo ng makakausap, makikinig at magmamahal sayo. Ako... Hinding hindi kita iiwan."
Bumulong si Zaiden sa tenga niya. Naramdaman niya ang pag iinit ng kanyang mukha. Ewan ba niya dahil kahit alam niya na nagtake advantage ang binata sa kanya, hindi niya naramdaman na binastos siya nito.
Everytime he caress her, it's so gentle and warm, manhid na lang ang hindi makakaramdam ng pagmamahal.
Bahagyang inangat ng binata ang kanyang mukha nun tanggalin nito ang pagkakayap sa kanya. Nakatitig ito sa kanyang mga mata, walang kurap.
"I-ikaw lang..ikaw lang ang babaeng nagpabilis sa t***k ng puso ko.."
Bulong lang iyon mula kay Zaiden habang unti unti nitong inilalapit ang mukha nito sa kanya.
"Oceane... Can I kiss you?"
Tanong ng binata na halos 3inches na lang ang layo ng mukha nila sa isa't isa. Nararamdaman na nga niya ang hininga ng binata.
Hindi niya alam ang sasabihin. Nahihiya siya sumagot. Baka isipin ni Zaiden na may gusto na rin siya dito. At bakit kailangan pa magpaalam nito gayon kayang kaya na nito halikan siya dahil sa sobrang lapit ng mukha nito sa kanya.
"I-i will kiss you Oceane..."
Pagkasabi nun ay naramdaman na lang niya ang labi nito sa kanya.
Parang na excite ang puso ni Zaiden ng maglapat ang kanilang mga labi. Nahalikan na niya ang labi ni Oceane noon, sandali lang yon pero halos malaglag ang puso niya. Ngayon ay iba, magkalapat ang kanilang labi, he even taste her soft red lips.
Hindi si Oceane ang first kiss niya dahil ninakaw na ito a year ago, pero ang babaeng kaharap niya ngayon ang unang babae na nagparamdam sa kanya ng sobrang kaba na halos di na siya makapag isip ng tama.
'Mahal ko siya... Mahal ko talaga siya.'
Nakatayo sa labas ng binata ng library si Castor habang nakatingin lang sa dalawa. Nakaramdam siya ng kakaiba pero binalewala niya ito.
'Kaya pala hindi pa lumalabas ng bahay...'
Nagsmirked siya. Umalis na lang siya sa tapat ng bintana. Mas okay pa na mag hunt siya ng pagkain niya.
Habang abala siya sa pagtalon talon sa mga puno papunta sa gubat. Hindi maiwasan na mag isip siya dahil sa nakita niya.
'Ang sabi ni Miranda may kakaiba siyang nararamdaman kay Oceane, may itim na aura din ito at may palagay sila na pureblood si Oceane dahil sa malakas nitong kapangyarihan na marahil ay hindi niya alam..'
Huminto sa pagtalon si Castor. Tumayo siya sa sanga ng puno at tumingin sa lawa. Matatanaw mula sa kanyang kinatatayuan ang lawak ng lawa na may kakaibang kulay mula sa mga fairies na naglalaro doon at liwanag mula sa buwan.
'Kailangan maunahan ko sila sa pag iimbestiga. Kailangan ko malaman ang totoo sa katauhan ni Oceane at bakit palagi siyang nasa panaginip ko.'