Chapter 10: Castor Spying

1033 Words
Ang huli nilang pinasok na silid ay ang silid ni Zaiden. Malinis malaki at simple ang silid ng binata. Sabay silang pumasok ni Zaiden sa loob. "Ayos ang room mo. Very manly at simple." Sabi ni Oceane "Thanks." Naupo sa dulo ng kama si Oceane. Patuloy sa pag ikot ang kanyang paningin sa silid na iyon. "Can I ask you?" "Oo naman." "Bakit walang picture dito sa bahay nyo? Wala ba kayong family picture?" Nag iba ang timpla ng mukha ni Zaiden. May pait ang ngiti ng binata. "I'm sorry kung..." "Master, ang inyong merienda ay handa na sa hardin." Napalingon silang dalawa sa nagsalita. Ang nakakatakot na nilalang ay nakatayo ngayon sa labas ng silid ni Zaiden. "Salamat." Nawala na ang hob sa labas ng pintuan. "Halika doon sa paborito kong tambayan." "Tambayan?" "Wow!" Nanlaki ang mata ni Oceane nun lumabas sila sa pintuan mula sa sala. Ang magandang hardin sa harapan ng bahay ang nakikita niya. Ang pinaka likod nito. Hinawakan muli ni Zaiden ang kanyang kamay para makarating sila sa isang animoy bahay kubo sa gitna ng hardin. "Nagustuhan mo ba ang hardin?" Tumango si Oceane ng sunod sunod. Ibat ibang kulay at uri ng bulaklak ang naroroon. Bukod pa sa mabango ang hangin sa hardin na iyon, isa pa sa nagpaganda ng hardin ay ang mga fairies na nag aalaga sa mga ito. "Tikman mo ang cake... Mula iyan sa pollen syrup ng mga bulaklak na nakikita mo." Tinikamn niya ang cake. Masarap ang pagkakabake dito. Bukod sa di pangkaraniwan ang lasa nito, hindi ito nakakaumay at ang bawat ingridients na inihalo ay matitikman o malalasahan ng taste buds mo. "Amazing! Ngayon lang ako nakatikim ng ganito kasarap na cake." Sabi ni Oceane "Masaya ako at nagustuhan mo." Halos mauubos na ang laman ng platito ng mapansin ni Zaiden na nakatitig pala sa kanya ang dalaga. Tumigil siya sa pagsubo. "Sorry..." May pilyong ngiti ang mapapansin sa labi ni Zaiden. "Ikaw ha, nakatitig ka sa akin. Siguro...." "Nagkakamali ka!" 'Wah mali agad? Wala pa nga ako sinasabi.!' "M-may gusto akong ipakita sayo." "Huh? Ano?" "Mangako ka muna na tayong dalawa lamang ang makakaalam nito. Maliwanag ba?" "Kahit buhay mo maari mong ipagkatiwala sa akin Oceane." Inilabas ni Oceane ang wand niya mula sa bulsa. Nakatingin lang si Zaiden sa dalaga. Habang hawak nito ang wand nito, isang maliit na parchment ang inilabas nito mula sa bulsa. Para itong notebook ngunit kung mapapansin ito sa unang tingin ay isang manipis na papel lang ito. Gamit ang daliri parang may hinahanap ito sa mga nakasulat roon sa parchment. Umiinom ng kulay dilaw na likido si Zaiden. Makalipas ang ilang minuto nagulat ang binata ng biglang bumagsak sa lamesa ang ulo ng dalaga. Mabilis na tumayo si Zaiden at nilapitan sa kabilang bahagi ng lamesa ang dalaga. Hinawakan niya ang balikat nito. "Are you okay?" Nag alalang tanong niya "I'm useless..." sabi ni Oceane habang nakapatong ang ulo nito sa lamesa "Ha? What are you talking about? Umayos ka so we can talk." sabi ni Zaiden habang inaalalayan na iangat sana ang ulo ng dalaga. "Gusto ko mag cast ng spell para di mo ipagkalat sa iba ang ipapakita ko sayo pero hindi ko alam ang tamang spell na gagamitin ko." Iniangat ng dalaga ang ulo nito. Naupo ulit si Zaiden sa kabilang bahagi ng lamesa. "Bakit mo kailangan saktan ang sarili mo ha? Ayan dumudugo ang noo mo." sabi nito. "Kukuha lang ako ng gamot sandali lang ha!" Agad na pumasok sa loob ng bahay si Zaiden. Naiwan si Oceane sa garden. Naramdaman niyang may umagos na mainit na likido papalapit sa gilid ng kanyang mata. Katulad ng dati, nararamdaman na naman niya ang bagay na iyon. Ang mga mata niya, ilang kilometro ang nakikita niya, malinaw iyon. Ang mga boses ng mga tao sa paligid niya, maging ang mga malilit na hayop ay naririnig niya ng malinaw. Ilang sandali pa bumalik na si Zaiden may dalang first aid kit. Base sa itsura nito ay nag aalala ito. Unti unti naman inilapit ni Zaiden ang mukha niya sa dalaga. Halos nararamdaman na nga ng balat niya ang hininga nito. Napalunok siya habang nadadaanan ng kanyang paningin ang chinitang mata nito, ang matangos na ilong at mapulang labi. Naririnig naman ni Oceane ang bilis ng t***k ng puso ng binatang kaharap niya. Halos parang ninenerbyos ito habang maingat na nililinis ang dugo na umagos mula sa kanyang noo hanggang sa gilid ng kanyang mata. "Bakit ang bait mo sa akin Zaiden?" tanong ni Oceane Kakatapos lang idikit ni Zaiden ang telang iyon sa noo ng dalaga. Inaayos na nito ang first aid box. "You're special to me..." isang simpleng ngiti ang ginawa ni Zaiden "Pag nakilala mo ako for sure hindi na yan ang sasabihin mo." "Do you believe in Love at First Sight?" Nagsmirked si Oceane. "Hindi." "Kasi ako, naniwala mula nun una kitang makita." Nakangiting sabi ni Zaiden "Wag mo akong inuuto Zaiden ha! Para lang ibahin ang usapan. Anyway, bumalik na tayo sa Academy." "Nope hindi tayo babalik dun." "What?" "Dito ka na matulog." "Ha? Hindi..." "Okay lang yan... Hindi ka naman babalik sa kabilang mundo tapos ang boring sa Academy atleast dito, we can have time to bond and to know each other." "Pero.." "Promise behave ako wala akong gagawin masama or anything na hindi mo magugustuhan. Promise to Merlin's tomb!" Itinaas pa ni Zaiden ang kaliwang kamay bilang sign na sa kanyang pangako. "Okay." "Yes!" malakas na sabi ni Zaiden Natawa naman si Oceane. Biglang nataranta si Zaiden habang malawak ang ngiti nito sa labi. "Anong gusto mong dinner mamaya?" masayang tanong ni Zaiden "Ha? Kahit ano naman basta pagkain ng tao kinakain ko. Go easy on me okay. Ordinaryong tao lang ako." "No! You're no ordinary guest. Remember, you're special so I want everything to be perfect while you're staying here." Simpleng ngiti lang ang ginawa ni Oceane. 'Bakit kaya hindi pa sila lumalabas? Malapit na dumilim hindi pa ba siya babalik sa Academy?' Nakaupo sa bubong ng kabilang bahay si Castor ilang bahayan ang layo mula sa mansion ng mga Alfiro. Kanina pa niya inaabangan na lumabas ng mansion si Oceane at bumalik sa Academy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD