Sulit ang paghunt ni Castor ng pagkain. Halos kakatapos lang niya sa kanyang hapunan ng isang malakas na aura ang papalapit sa kinaroroonan niya.
Agad siyang nagtago. Habang papalapit iyon ay nararamdaman niya na pamilyar ang aura, huling naradaman niya iyon 3 years ago.
Isang tao mahaba ang buhok, punit at sira sira ang damit nito ang naglalakad papalapit sa pinatay niyang oso. Ngunit bago pa ito tuluyang nakalapit roon ay natumba na ito. Unti unti na rin niya nararamdaman ang pagkawala ng aura ng lalaki.
Lumabas siya sa pagkakatago at nilapitan ang walang malay na iyon. Nakadapa itong natumba kaya naman hindi niya makita ang mukha nito. Hinawi niya ang buhok na tumakip sa mukha nito.
'Nazar?!'
Malapit na mag eve of fullmoon ng magising si Zaiden. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala sila ni Oceane sa library. Agad na hinanap niya ang babae.
Napangiti siya ng makita itong nakaupo sa di kalayuang sofa habang nakatakip sa mukha nito ang binabasang libro.
Nilapita niya ito at tinangka niyang gisingin ngunit di ito gumagalaw. Inalis niya ang libro na nakatakip sa mukha nito. Napangiti siya ng makita ang mukha nito. Mahimbing na ang tulog ng dalaga.
Gamit ang wand ay nabuksan niya ang cabinet mula sa kanyang likuran at inilabas mula roon ang isang tela. Nakangiti niyang hinawi ang buhok na tumakip sa maamo nitong mukha.
"Master bubuhatin ba siya sa silid?"
Bahagyang nagulat si Zaiden ng marinig ang maliit na tinig ng hob sa kanyang likuran. Napalingon siya dito.
"Bakit ka naggugulat?" singhal niya
"Master di ka naman dating ganyan. May ginawa ka ba na di maganda at bigla kang nagulat sa pagdating ko. Hindi ba't sanay ka na sa akin?"
Napasimangot siya sa sinabi ng hob.
'Grabe talaga ito, daig pa si daddy at kuya..tsk..'
"Oo bubuhatin ko siya sa silid, ihanda mo na iyon."
"Masusunod Master." pilyong ngiti ang ipinakita ng hob sa kanya
Dahan dahan na idinilat ni Nazar ang kanyang mga mata. Maliwanag ang paligid at maiinit. Napabalikwas siya.
Lumingon siya sa liwanag na iyon. Isang lalaki ang nakaupo habang nakatingin sa kanya. Nakangiti ito.
"You're awake!" nakangiting sabi nito
"C-castor ikaw ba iyan?"
Nakatitig siya sa binata. Sing bilis ng hangin siyang nalapitan nito. Nakaupo na ito sa tabi niya.
"Ako ng Nazar.." sabi ni Castor
Walang sabi sabing niyakap niya ang binata. Ilang taon din silang hindi nagkita nito.
"Tama na yan Nazar, lilinisin ko ang sugat mo." sabi ni Castor
Abala sa paglilinis ng sugat niya sa binti ang binata. Nabalian siya ng buto nun tumalon siya mula sa bangin. Matapos malinis ang kanyang sugat ay inabutan siya nito ng pagkain.
Agad niya itong sinunggaban dahil ilang araw na rin siyang di kumakain. Pagod na pagod siya. Habang abala siya sa mabilis na pagsubo nakatingin lang sa kanya ang binata.
"Anong nangyari sayo Nazar?" tanong ni Castor
Sasagutan sana siya nguniy nabulunan siya, inubo siya at halos maubos ang laman na pagkain ng bibig niya. Inabutan naman siya ni Castor ng basong may tubig. Agad niya itong ininom.
"Bakit ganyan ang itsura mo? Anong ginawa sayo ng mga normal na tao sa kabilang mundo?"
"Hindi taga kabilang mundo ang gumawa sa akin nito. Ang mga Dark Wizards.."
"Anong ibig mong sabihin?"
Flashback 3 years ago....
"Sasamahan kita Nazar!"
"Wag matigas ang ulo mo Castor. Babalik ako kaagad. Mapanganib sa kabilang mundo para sayo."
Nakatayo sa di kalayuan sa portal sina Nazar at Castor. Ang portal ang nagsisilbing pintuan para sa magkabilang mundo. Ang mundo ng mga normal na tao at ang mundo ng mga wizards.
"Hindi ba't sinanay mo na ako, kaya ko ng ipagtanggol ang aking sarili."
Ngumiti si Nazar. Hinawakan nito ang ulo ng bata saka ginulo ang buhok.
"Alam kong malakas ka Castor, ngunit ang kabilang mundo ay hindi katulad ng mundo natin. Maari kang mapatay doon."
"Ngunit...."
"Hahanapin ko lang siya at pag nakita ko babalik ako dito kasama siya. Huwag kang mag alala sa akin."
Napasimangot si Castor. Ito ang unang beses na magkakahiwalay sila ni Nazar. Masyado na siyang napalapit sa taong kumupkop at nag alaga sa kanya matapos siyang muntikan ng mapatay ng isang bampira.
Nilusob noon ang kanyang bayan ng mga Dark Wizards na pureblood vampire. Dahil sa nangyayaring paghuli at pagpatay sa mga bampira noon ng pinuno ng Ministerium na si Miranda, nahirapan maghanap ng pagkain ang mga bampira.
Isinagawaa ng mga dark vampire wizards ang pagpatay sa kanyang buong clan sa taunan Feast for the Elemental Guardians ng buong Wizarding World.
Abala sa sentro ng bayan sa Lumnesca ang lahat ng mga witch at wizard. Lahat ay nakisaya at nagdiwang ng magarbong pasasalamat para sa apat na elementong espirito na tagapagbantay.
Dahil na rin sa pagdiriwang na iyon, hindi nagawang protektahan ng Ministerium ang bayan nila sa pag atake ng mga bampira.
Ang huling natatandaan niya ay pauwi na siya mula sa bahay ng kanyang matalik na kaibigan ng makita niya ang pagkasunog at pagpatay sa kanyang mga kalahi.
Dahil sa nakita, mabilis siyang tumakbo palabas muli ng bayan. Umiiyak siyang tumakbo ng tumakbo hanggang sa makarating siya sa gubat.
Ang hindi niya inaasahan ay ang pagsunod sa kanya ng isang bampira. Nagulat pa siya ng bigla itong sumulpot sa kanyang harapan. Napahinto siya sa pagtakbo.
"B-bampira!" Takot niyang sabi
"Bata plano mo bang tumakas?"
Hindi siya sumagot. Imbes ay mabilis siyang tumalikod at muling tumakbo papalayo. Ngunit sa bawat puntahan niya ay mabilis siyang nasusundan ng bampira.
Pagod na siya sa pagtakbo. Napahinto siya at dumapa sa damuhan. Pagod na pagod na siya, hindi niya masabi kung ilang oras siyang tumakbo matakasan lang ang humahabol na bampira, ngunit kagaya ng inaasahan sa mga bampira, nasundan na naman siya nito.
Nakangiting naupo ito sa harapan niya, hinila ang buhok niya para maiangat ang ulo niya. Pagkatapos ay walang kahirap hirap siyang binuhat nito at saka niyakap mula sa likuran. Bahagya pa nitong itinagilid ang kanyang ulo para mas ma exposed ang kanyang leeg.
Inilapat ng bampira ang ilong nito sa kanyang leeg. Hindi siya makawala sa pagkakahaw nito, masyado itong malakas at wala siyang magawa para maipagtanggol ang kanyang sarili.
"Mga katulad mo nga naman... Mabilis kayong mapagod..."
Hinagod pa ng labi ng bampira ang kanyang leeg.
"Lumayo ka sa akin.!" sigaw ng Castor
Patuloy siya sa pagpalag ngunit wala naman nangyayari. Narinig pa niyang nagsmirked ang bampira.
"Alam mo bang ikaw na ang huli sa iyong lahi Silverwood?"
Nanlaki ang mata niya sa narinig niya.
"Lahat sila ay patay na. Ang akala ko nga ay naubos ko na ang lahi nyo, mabuti na lang at nagpakita ka."
Sabi pa ng bampira habang unti unti niyang nararamdaman ang talim ng pangil nito sa kanyang leeg.
'Sina Mama at Papa...'
Tumulo ang luha niya dahil sa nangyari. Kung mapapatay siya ng bampira na ito siguradong ubos na talaga ang lahi nila.
Ilang sandali pa. Naramdaman na niya ang makirot na bagay sa kanyang leeg na mararamdaman hanggang sa dulo ng kanyang daliri.
"Aaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhh!"
Nang marinig ni Nazar ang malakas na sigaw mula sa di kalayuan, mabilis niyang tinakbo ang pagpunta doon.
Isang batang lalaki ang yakap ng bampira habang nakabaon ang pangil nito sa kanyang leeg. Mabilis niyang inatake ito.
Umilaw ang dulo ng kanyang wand at direktang nakatutok ito sa bampira.
"Brisingir!"
Mabilis na nakalayo ang bampira at tumakas. Bagaman tinamaan niya ito sa tiyan.
Mabilis niyang nilapitan ang bata. Tumirik na ang mata nito at nanginginig na ang buong katawan.
'Merlin's Blood...'