Chapter 9: Unfamiliar Feelings

1502 Words
Ilang araw na ang lumipas mula ng magkagulo sa Retreat. Bumalik na sa dati ang nabaling braso ni Oceane. Naglalakad sila sa hallway para sa agahan. "Yep! Kaya ko na nga gawin ito..." sabi ni Oceane sabay suntok sa tiyan ni Zaiden. "Ugh!" Napahawak sa tiyan si Zaiden. Malakas ang suntok ni Oceane sa kanya. "Yeah! Naniniwala na ako!" sabi niya Hinimas himas niya ang nasaktan niyang tiyan. "Uuwi ka ba sa mundo ninyo today?" tanong ni Zaiden Umiling lang si Oceane. Saka bahagyang ngumiti. "Bakit?" "Wala naman akong uuwian doon." simpleng sabi ni Oceane Napatingin lang si Zaiden sa dalaga. Kahit palagi itong nakangiti, parang may dinadamdam ang dalaga. Hindi niya lang alam kung ano. "Mas okay pala yon.." sabi na lang niya Napalingon si Oceane sa binata. "Samahan mo na lang ako." "Huh?! Saan?!" Tanong ni Oceane "Secret!" nakangiting sabi ni Zaiden Pagkatapos ng agahan, sabay silang namasyal sa kagubatan. Habang sabay silang naglalakad papasok sa kagubatan, hindi niya mapigilan na hindi makaramdam ng kaba sa sobrang bilis ng t***k ng kanyang puso sa tuwing magtatama ang kanilang paningin. "Uy Zaiden... tulala ka na naman!" sabi ni Oceane sabay hampas sa braso nito "Ha? Ah eh..." sabi naman ni Zaiden sabay iwas ng tingin sa dalaga. "Iiwas ka na naman ng tingin..." nakangiting sabi ni Oceane. "Pag ganyan ka palagi sa akin..." Napalingon si Zaiden kay Oceane. "Iisipin ko na... may gusto ka na sa akin." dagdag ni Oceane "Ang totoo..." sabi ni Zaiden "Wow! Ang ganda ng puno.. Tara lapitan natin." sabi ni Oceane Agad niyang hinawakan ang kamay ng binata at hinila, sabay silang tumakbo papalapit sa malaking puno. Seryoso naman na nakatayo sa sanga ng mataas na puno sa di kalayuan si Castor. Mula paggising ng dalaga ay nakasunod na siya dito. 'Masama ito. He's fallin' deep..' Habang pinagmamasdan ang dalawa na masayang naglalakad sa puno ng Anikita, isang senaryo na naman ang biglang pumasok sa kanyang isip. Napahawak siya sa kanyang ulo ng makaramdam siya ng sakit mula roon. Dahil sa nangyari, nawalan siya ng balanse at muntik na siyang mahulog sa puno. Agad siyang napahawak sa sanga nito, ngunit marupok ang sanga na kanyang nahawakan kaya naman nahulog siya muli. Mabuti na lang sa pangalawang pagkakataon ay nakahawak siya sa isa pang sanga. Agad siyang bumalanse para makaupo sa sanga at makasandal sa katawan ng puno. Humihingal siyang sumadal doon. Pinagpawisan rin siya. Kahit pa sabihin na half vampire siya, kung ano ang pakiramdam ng normal na tao ay kaya rin niyang maramdaman. Iyon nga lang ay kalahati ng isang daang porsyento nito ang kaya lang ng kanyang mga senses. Mas malakas pa rin ang dugo ng pagiging bampira niya. 'Nangyari na naman... mga senaryo na hindi ko alam kung saan ko nakuha at kung bakit ko nakikita ang mga iyon.' Nakaramdam siya na parang hindi lang siya ang nagmamasid sa dalawa. Lumingon lingon siya sa paligid. Ilang kilometro ang layo, isang nakasuot ng cloak ang nakatayo malapit sa bangin ang nakatingin sa kanya. Bigla siyang napatayo. Direktang nakatingin sa kanya. Mabilis ang kanyang ginawang pagkilos, kailangan niya malaman kung sino iyon. Ngunit nakakailang talon pa lang siya sa mga puno papalapit sa bangin ay tumalon ito sa bangin. Napahinto siya sa pagtalon at kumapit sa katawan ng isang puno habang nakatayo sa sanga nito. Base sa nakita niya, parang sinadya ng nilalang na iyon na magpatihulog sa bangin. Muli siyang kumilos para lapitan ang nilalang. Ngunit hindi na niya nakita ang nilalang na iyon maging ang bakas nito sa bangin nun makalapit siya roon. 'Dark Wizards ba siya? Bakit niya ako tinitingnan?' Samantala, habang nakaupo sina Oceane at Zaiden sa lilim ng puno.. "Bakit Oceane?!" Limingon lingon sa paligid si Oceane na para bang may hinahanap. "Oceane?" "Zaiden, may nararamdaman akong kakaiba." "Anong kakaiba?" Hindi sumagot ang babae, imbes at tumayo ito. Sumunod naman na tumayo si Zaiden. Hinarap niya si Oceane. Bahagya siyang nagulat ng mapansin ang mata ng dalaga. "A-are you okay?!" Parang walang narinig ang dalaga. Hinawakan ni Zaiden ang kamay nito. Nanlalamig at nanginginig iyon. Nagsimula na siyang mag alala. "Oceane..." sabi niya Agad na inalis ni Oceane ang kamay ni Zaiden sa pagkakahawak sa kanya saka tinakpan ang tenga niya. Naupo ito at mariin na ipinikit ang dalawang mata. "Oceane... Anong..." "Naririnig ko ang boses nila, ang dami nila... Ang ingay... Ang ingay ingay.." Napalingon si Zaiden sa paligid. Ipinikit ang mata saka nakiramdam, ngunit wala siyang ibang maramdaman na aura maliban sa kanilang tatlo. 'Anong ginagawa ni Castor dito? Sinusundan ba niya kami?' "Oceane.. Walang ibang tao dito maliban sa ating tat... sa ating dalawa." Imbes na sumagot ay tahimik lang itong nakayuko habang nakatakip pa rin ng dalawang kamay ang mga tenga nito. Hinawakan niya ang balikat ni Oceane. Dahan dahan niyang hinawakan ang kamay ni Oceane na nakatakip sa mga tenga nito. Katulad ng kanina ay nanginginig pa rin ito. Pagkatapos ay inilapit niya ang mukha niya sa tenga ni Oceane. "Let us visit my house." Mukhang ayos na ang pakiramdam ni Oceane nun dumating sila sa bahay ni Zaiden. Hindi maalos ni Oceane ang kanyang mga mata sa malaking bahay na nasa harapan niya. Hindi iyon basta bahay, isa iyong mansion. "Tara sa loob." sabi ni Zaiden Nang makapasok sila sa mataas na bakal na gate, isang malaking garden ang makikita sa bandang kanan. Maraming iba't ibang bulaklak sa garden. May mga lumilipad pa na fairy sa paligid nito. Patakbong nilapitan ni Oceane ang garden. "Wow!" Nakangiting nilapitan siya ni Zaiden. "Sila ang katulong ni Mama sa pag aalaga ng garden." "Talaga? Parang yun garden ni Prof Wylun..." namamangha na sabi ni Oceane Ngiti lang ang isinagot ni Zaiden sa dalaga. Lumingon naman sa kaliwang bahagi sa labas ng mansion si Oceane. "Wow! Parang.... " sabi ni Oceane Kulay berdeng bermuda grass ang makikita sa kaliwang bahagi ng mansion. Wala kahit anong naroon sa malawak na espasyo na iyon. Walang sabi sabi na humiga sa bermuda si Oceane. "Ang lambot, parang foam."sabi nito Nakatingin lang si Zaiden sa babae habang pagulong gulong ito sa bermuda. Para itong bata na tuwang tuwa sa kanyang ginagawang paglalaro. Bigla itong tumayo at umikot sa kanya na para bang sinusuri siya habang kunot ang noo. "What?" "Hindi kaya nagpapanggap ka lang..." Nagsmirked si Zaiden. "Nagpapanggap na ano?" "Lahat ng meron ka, alam mo bang pangarap yan lahat ng lalaki sa kabilang mundo?" "Really? Pero para sa akin ordinaryong...." "Hindi kaya isa kang prinsipe?" "Talaga? Ibang klase imagination mo." natatawang sabi ni Zaiden "Yeah!" "Bakit mo naman naisip yan?" "Because you're rich..." "I am not rich..." "You're famous..." "Y-yeah pero...." "You're cute and hansome..." "No I'm not han.... " natigilan si Zaiden. "Really? Cute ako?" "Oo naman.. Kaya nga ang dami mo taga hanga diba?" Biglang lumapit si Oceane sa kanya. Bahagya pa siyang nagulat. "So... Prince ka ba?" Nagsmirked si Zaiden pagkatapos ay hinawakan ang magkabilang pisngi ng dalaga. "If I am a Prince... I want you to be my Princess forever." Hindi nakapagsalita si Oceane, bahagya siyang nagulat sa ginawa ng lalaki. He always make her feel uneasy sa tuwing magtatama ang kanilang paningin. Inilayo niya ang sarili sa binata. Hindi siya maaring umibig kahit kanino man. "Bakit ako? Ang dami mo kaya taga hanga.." iwas tingin niya sabay tumalikod siya dito. Inamoy amoy pa niya ang mga bulaklak na nasa harapan niya. Huminga ng malalim si Zaiden. Pagkatapos ay muling ngumiti. 'She's starting to feel uneasy...' "Tara pasok na tayo sa loob." anyaya niya sa dalaga Napasigaw si Oceane pagpasok nila ng bahay. Isang kakaibang panet na nilalang ang nagbukas ng pintuan ng mansion. Agad siyang napayakap kay Zaiden. "Relax Oceane, mabait yan." sabi naman ni Zaiden "Natatakot ako... Natatakot ako..." Huminga ng malalim si Zaiden. "Maari mo ba kami ipaghanda ng merienda dun sa hardin?" sabi ni Zaiden sa hob Tumango lang ito saka mabilis na umalis. Naramdaman niya na humigpit ang yakap ni Zaiden sa kanya. Bahagya niyang sinilip ang kakaibang nilalang na iyon. "Wala na siya." Bulong ni Zaiden. "Pag nagidikit ang mga balat natin, parang may kuryente akong nararamdaman, pagyakap naman kita, para akong aatakihin sa puso dahil sa sobrang bilis ng t***k nito." Itinulak ni Oceane si Zaiden papalayo sa kanya. Inayos niya ang sarili niya. 'Nakakahiya!' Nagsmirked si Zaiden saka ngumiti. Hinawakan niya ang kamay ni Oceane. "S-saan tayo pupunta?" "Ipapasyal kita sa bahay ko." Una nilang pinuntahan ang library. Malaki at malinis ang silid na iyon. Mahihilo ka sa dami ng libro na naroon. "A-ang daming libro...." Agad na nilapitan ni Oceane ang mga shelves. Hinaplos ng kanyang daliri ang bawat libro na dadaan ng kanyang paningin. "Mahilig ka magbasa?" "Oo. Pero si Mama ang gumagamit nitong library." Aliw na aliw si Oceane sa pagmamasid sa mga libro na naroon. Nilapitan siya ni Zaiden. "Pwede ka bumisita dito sa bahay kahit kelan mo gusto." Lumingon lang si Oceane saka ngumiti. "Tara ipapakita ko sayo ang iba pang silid." Hindi na nakapagreact si Oceane ng hawakan ni Zaiden ang kamay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD