Nagdadalawang isip si Nazar kung gagamitin niya ang kapangyarihan niya sa bata. Ngunit iyon lamang ang tanging makakasalba sa buhay ng batang iyon. Sinugatan niya ang kanyang braso saka pinilit na paduguin ito ng sobra. Bago pumatak ang unang dugo niya binata isang makalumang spell ang binigkas niya.
"Reversal Auranimora!"
Nagawa niyang mailigtas ang batang lalaki sa kamatayan ngunit alam niya na ang kapalit nun ay ang pagiging half vampire nito. Lahat ng senses niya bilang tao ay naging triple o higit pa sa inaasahan dahil sa lason mula sa bampira.
Noong una ay nahirapan ang batang iyon na kontrolin ang kakayahan ng isang bampira. Ngunit makalipas ang halos limang taon ay natutunan at nakasanayan na rin nito ang bago nitong katauhan.
Sinanay rin niya ito para maipagtanggol ang sarili habang abala rin siya sa pagkuha ng mga impormasyon tungkol sa anak niya at pakikipag ayos sa kanyang asawa na si Miranda.
"Castor mag iingat ka."
"Ikaw ang mag iingat Nazar!"
Ngumiti lang siya sa binata saka tuluyang tumawid sa portal.
Dahil kakaiba ang mundong iyon hindi naging madali para kay Nazar ang makihalubilo sa mga normal na tao. Halos ang mga nakasalamuha niya ay mga masasama at konti lamang ang may mabubuting puso.
Dahil lumaki sa karangyaan si Nazar, at iba ang pamumuhay nilang mga wizards nahirapan siyang mabuhay doon. Natuto siyang magbanat ng buto para magkapera at makabili ng pagkain.
Taglay ni Nazar ang pagiging magandang lalaki kasama pa ang pagiging tunay na maginoo maraming babae ang nahuhumaling sa kanya. Ganun pa man mas pinili pa rin niya maging isang mabuti at tapat na lalaki para sa kanyang asawa.
Dahil sa kanyang Ama nagkahiwalay sila ng asawa niyang si Miranda, nalaman na lamang niya na nagkaroon siya ng anak sa babaeng pinakamamahal ngunit nun makausap niya si Miranda, sinabi nitong nawawala ang bata.
"Bumalik ka na sa akin Miranda..."
"Babalik lamang ako sayo pag nahanap mo na ang anak ko Nazar. Hindi maaring makuha siya ng iyong Ama. Hanapin mo siya."
"Hahanapin ko siya Miranda."
"Habang hinahanap mo siya, ipagpapatuloy ko ang pag iimbestiga ko. Hindi tayo maaring makita ng ibang wizards na magkasama. "
"Naiintindihan ko Miranda, ngayon din ay sisimulan ko ng hanapin ang anak natin."
Huminga ng malalim si Miranda.
"Magsisimula na ang Feast for the Elemental Spirit Guardians... aalis na ako."
Hinawakan pa ni Miranda ang kanyang mukha.
"Mag iingat ka Nazar!"
Pagkasabi noon ay tuluyan na itong umalis.
Habang nagpapaghinga siya sa kanyang quaters sa building kung saan siya nagtatrabaho, apat na wizards ang sumugod doon at pinatulog ang lahat ng naroon.
Mabilis siyang tumayo saka tumalon mula sa bintana. Hindi pa rin siya tinitigilan ng kanyang ama na makuha.
Kagaya ng inaasahan niya mula sa kanyang Ama, pinasusundan siya nito hanggang sa wala siyang magawa kundi harapin ang mga humahabol sa kanya.
"Mabuti pa Nazar sumama ka na ng maayos sa amin."
Nagsmirked si Nazar. Ang isa mga mga sunusunod sa kanya ay si Okahma. Isa ito sa tapat na alagad ng kanyang ama.
"Mabuti pa lubayan nyo na ako. Kahit patayin nyo pa ako, hinding hindi ako sasama sa inyo pabalik sa akin Ama."
"Maari ba tayo mag usap sandali Nazar?"
Kumunot ang noo ni Nazar habang papalapit sa kanya ang kababata. Isa ito sa alagad ng kanyang ama, kinupkop ito nun kasing edad lamang niya ito at halos sabay silang lumaki.
"Iwan nyo muna kami sandali, mag uusap lang kami."
Nagsmirked ang isa pang lalaki na kasama nila, si Durano.
"Bilisin mong kausapin siya Valkoor. Siguro naman ang 5 minuto ay tama na, hindi ba?"
Nagtiim bagang si Valkoor. Isa ang lalaking ito sa inaayawan niya. Mayabang ito at mapagmataas.
Imbes na sumagot si Valkoor ay nilapitan niya si Nazar. Nakangising nakatitig ito sa kanya.
"Mukhang nagpapasasa ka sa yaman ng aming pamilya Valkoor."
Huminga ng malalim si Valkoor.
"Nazar, nakasalalay sa iyo ang kaligtasan ng pamilya ko....."
"Kaligtasan ba ang sinasabi mo? Paano naman ang pamilya ko Valkoor?"
"Ngunit wala na si Miranda sayo... Tatanggapin ka muli ng iyong ama kung sasama ka sa amin pabalik sa mundo natin."
"Babalikan ako ni Miranda. Hindi kami naghiwalay katulad ng gusto ng aking Ama. Mabuti pa Valkoor, kausapin mo na lang ang aking Ama na tigilan na niya kami. Hindi ako susunod sa gusto niyang mangyari."
"Hindi makikinig sa akin si Ama Nazar..."
"At bakit hindi? Diba't ikaw ang kanyang paborito? Ikaw ang gusto niya Valkoor."
Natahimik si Valkoor. Alam niyang malaki ang kasalanan niya kay Nazar.
"Tapos na ang limang minuto Valkoor."
Nilingon nila ang lalaking nagsalita si Durano.
"Hindi ko na ba mababago ang isip mo?"
Bago pa nakasagot si Nazar ay nagawa na siyang atakihin ng isa sa kasama nila, si Reden.
Nagawa naman iwasan ni Nazar ang atake na iyon. Sunod na sunod na umatake na sina Durano, Okahma at Reden. Mabilis nilang hinabol ang patakas na si Nazar.
Malakipas ang ilang oras na habulan, ay nacorner nila si Nazar. Agad nilang na disarm ito. Lumipad sa malayo ang wand. Sa pagkakataon na iyon, wala ng laban pa si Nazar.
"Ahkelm!"
Umilaw ang wand ni Durano at papalapit ang liwanag na iyon sa kinatatayan ni Nazar. Agad niya itong naiwasan ngunit nagbounce back ito nun tumama ito sa pader.
Nakatingin lang si Valkoor habang unti unting pumupulupot sa katawan ni Nazar ang itim na usok na iyon. Nagpupumiglas si Nazar ngunit sa bawat pagkilos niya ay mashumihigpit ang pagkakapulupot nito sa katawan ni Nazar.
"Huwag ka na lumaban Nazar..." Sabi ni Okahma
"Mabuti pa dalahin na natin siya sa kanyang Ama." sabi naman ni Reden
Papalapit sa kanya ang tatlo at binuhat siya ni Durano, malaki kasi ang katawan nito na para bang sumasali sa mga wrestling.
Nagising si Nazar na nakasakay siya sa broomstick habang binabaybay ang kalawakan ng gubat. Mukhang naitawid na siya ng mga iyon sa kanilang mundo.
Napalingon siya, si Valkoor ang may angkas sa kanya.
"Taksil ka talaga Valkoor... Kahit kailan hindi ka magiging mabuti."
Nagpupumiglas pa rin siya. Napatingin siya sa baba ng kanilang binabaybay. Mukhang malapit na sila sa kanyang Ama.
Hindi siya nilingon o kinakausap man lang ni Valkoor.
"Hindi mo alam ang ginagawa mo Valkoor... Kung iniisip mo ang pamilya mo, ang kaligtasan nila, hindi mo ito gagawin."
"Tumahimik ka Nazar. Alam ko ang ginagawa ko."
"Ako, ang tunay na anak ni Baragor ay hindi kailanman susunod sa kanya dahil mahal ko ang pamilya ko, ang mga kaibigan ko, ang lahat ng nandito sa mundo natin. Iniisip ko ang kaligtasan ng lahat maging ng pamilya mo Valkoor."
Natigilan si Valkoor at napalingon siya kay Nazar, nagulat pa siya ng makitang maayos na itong nakaupo sa broomstick habang nakatutok sa likod niya ang wand.
"Mag isip ka Valkoor... isipin mo ang pamilya mo."
Nagtiim bagang si Valkoor. Mayamaya ay napansin niyang umiilaw na ang dulo ng wand ni Nazar. Itinutok ito kay Durano.
"Repente!"
"Ugh!"
Nagulat ang lahat ng marinig ang boses ni Durano. Bumagsak ito mula sa broomstick sa Oger Forest.
Sumunod na inatake ni Nazar ay si Valkoor. Isang malakas na suntok ang ginawa niya kaya naman nahulog sa broomstick si Valkoor. Ngunit nakakapit ito sa broomstick ni Durano.
Mabilis niyang pinalipad ang broomstick at tumakas. Narinig pa niya ang spell ni Okahma.
"Brisingir!"
Napansin na niya ang apoy sa dulo ng broomstick. Unti unti na rin na bumagsak ito sa Goblin Forest.
Muntikan na mawalan ng malay si Nazar nun bumagsak siya sa mataas na puno at sumabit sa malalaking sanga nito hanggang sa tuluyang lumapat ang katawan niya sa lupa.
Kasunod naman niya sina Okahma Reden at Valkoor sakay pa rin sa broomstick. Kahit nahihirapan siyang gunalaw, pilit siyang gumapang hanggang sa makapagtago sa tatlong wizard.
"Tsk ang tigas talaga ng ulo ni Nazar." Sabi pa ni Okahma
Nagtatago siya sa likod ng mataas na talahib. Papalapit ang tatlo sa kinaroroonan niya habang palingon lingon sa paligid.
Ang di niya inaasahan ay ang goblin sa kanyang kanan na papalapit din sa kanya. Maingat siyang umurong ng umurong hanggang sa mahulog siya sa mataas na bangin sa kanyang likuran.
End of flashback Present Time
"Desidido si Baragor na makuha ka Nazar." sabi ni Castor
"Ako ang tagapagmana niya. Kailangan niya ako. Mabuti na lang at di pa niya natutuklasan ang tungkol sa anak ko."
"Anak?! May anak ka Nazar?"
Napalingon si Nazar kay Castor. Ang totoo hindi niya sinabi kay Castor ang tungkol sa anak niya. Ang Old Elf si Miranda at siya lamang ang nakakaalam tungkol sa anak niya.
Huminga ng malalim si Nazar.
"Oo Castor."
"Bakit di mo sinabi sa akin ang bagay na iyan? Kung siya ang dahilan para tumawid ka sa kabilang mundo, maari mo naman ako asahan Nazar."
"Pasensiya ka na Castor. Ang totoo wala akong idea sa itsura ng aking anak. Ang sabi ni Miranda nawala siya nun 2 taon pa lang siya. At marahil ay kasing edad mo na siya ngayon."
Natahimik si Castor. Wala siyang karapatan na magalit kay Nazar, kung di man nito sinabi ang tungkol sa kanyang anak. Buhay niya iyon, ngunit gusto niyang makabawi sa taong nagligtas ng buhay niya.
"Gusto kitang tulungan na hanapin siya Nazar."
"Ngunit..."
"Hayaan mo ako bumawi sa kabutihan mo Nazar."
Natahimik si Nazar. Marahil ay nag iisip. Kung pagbibigyan lang siya, malaki ang maitutulong niya lalo na at nag aaral siya sa Academy, maaring nandito pa rin sa mundo nila ang anak ni Nazar.
"Pumayag ka na Nazar... "
Ilang segundo rin bago sumagot si Nazar.
"Sige pumapayag ako na tulungan mo ako. Sasabhin mo ang lahat sa akin ng malalaman mo at kung maari sana ay walang makakaalam tungkol sa aking anak."
Tumango naman si Castor.
"Paano kung makilala ko ang iyong anak Nazar? Sasabihin ko ba sa kanya na..."
"Kung makilala mo nga siya, wala kang sasabihin sa kanya. Saka na ako mag iisip ng plano pag nakita na natin siya."
Natahimik si Castor. Alam niya na anak ni Baragor si Nazar, wala naman siyang pakialam doon, ang mahalaga sa kanya iba si Nazar sa ama nito at handa niyang ibuwis ang buhay niya para kay Nazar.
"Ilang taon ko na siyang hinahanap ngunit di ko siya makita. Ang ikinatatakot ko ay matuklasan ng aking Ama ang tungkol sa kanya."
"Bakit pag iinteresan ng iyong ama ang iyong anak gayon ayaw niya kay Miranda?"
"Dahil sa propesiya."