Chapter 14: Untold Prophesy

1113 Words
Malambot na kama, mainit at malambot na comforter. 'Ang sarap sa pakiramdam...!' Unti unti idinilat ni Oceane ang kanyang mata. Natuon ang kanyang mata sa kisame. Napabalikwas siya ng maalala ang nangyari kagabi. Napahawak siya sa kanyang labi. Naramdaman na naman niya na nag init ang kanyang pisngi. 'Hinalikan niya ako kagabi.... Oh my... Malandi na ba talaga ako?!' "Good Morning!" Napalingon siya sa nagsalita. Nakatayo sa may pintuan si Zaiden kasama ang panget na hob sa tabi nito na may bitbit na tray. Naalala niyang ang daliri niya ay nasa labi pa niya. Agad niya itong inalis saka mabilis na inayos ang mahaba niyang buhok. Lumapit naman sa tabi niya si Zaiden kasabay ang hob. Kinuha ni Zaiden ang tray. "Nakatulog ka ba ng mahimbing?" nakangiting sabi ng binata Naririnig na naman niya ang t***k ng puso ng binata. Kalmado ang pagtibok nun. "Yeah! Ang sarap matulog dito. Akala ko nga asa ulap na ako." sabi naman niya "Miss Oceane, si Master Zaiden ay hindi nakatulog." seryosong sabi ng hob Napatingin siya kay Zaiden. Napansin niyang namula ang mukha nito at narinig din niya na bumilis ang t***k ng puso nito. 'Tense ba siya?' "Mabuti pa ay iwanan mo na kami dito...." sabi ni Zaiden sa hob Pilyong ngumiti naman ito saka lumabas ng silid. Hindi inalis ni Zaiden ang tingin sa hob hanggang sa tuluyang maisara nito ang pintuan. "Hindi ka nakatulog kagabi?" Lumingon si Zaiden sa kanya. Namumula pa rin ang mukha nito. "Oo eh." sabi nito sabay kamot sa batok "Bakit? Naiilang ka ba na nandito....." Hindi na natapos ni Oceane ang sasabihin. "No! Hindi ako naiilang... Ang totoo excited lang ako kaya di ako nakatulog. Yun lang yon." Hindi na nagsalita si Oceane. Napatingin siya sa tray na nasa ibabaw ng kama. "Wow! Gatas..." "Masarap yan." "Bakit nagdala ka pa dito ng...." "Sinabi ko na sayo diba? Gusto ko perfect ang lahat habang nandito ka.." Naputol ang kanilang pag uusap ng pumasok ulit ang hob na si Seven sa silid kung saan sila naroon. Napansin ni Oceane na worried ang mukha ng hob, ngunit wala naman siya marinig o mabasa man lang dito. Nilapitan nito si Zaiden. "Master..." "Seven bakit ka bumalik dito?" Agad na hinila nito ang balikat ng binata na para bang pinapababa ng bahagya hanggang sa maabot nito ang tenga ng binata. Lumingon pa ito kay Oceane bago nagsalita "Master, nasa ibaba ang iyong Ama at si Master Justin." bulong ng hob "Sige ako na ang bahala." Huminga ng malalim si Zaiden. Pagkatapos ay ngumiti kay Oceane. Hinawakan nito ang kamay ng dalaga. "May problema ba Zaiden?" Bago pa nakasagot si Zaiden bumukas na ang pintuan sa silid. "Zaiden....!" "Ang pagsilang ng Infinity ang sinasabi kong propesiya Castor." Nakaupo sila sa kweba habang pinapalitan ni Castor ng benda ang binti ni Nazar. "Ang Banal na Infinity?" "Oo Castor... At ang aking anak ang Infinity." "Ano?!" Hindi makapaniwala si Castor. Ang alam niya ay isang myth lang ang tungkol sa mahiwagang tagapagligtas ng kanilang mundo. Ang siyang nagmamay ari ng apat na elemental orb ang Fire Phoenix, Wind Eagle, Earth Lion and Water Dragon. Ito ang apat na banal na hayop na may kapangyarihan ng apat na mahalagang elemento. "Anak mo ang Infinty? Paano...." "Oo siya nga. Ang dahilan ng aking ama kaya pinaghihiwalay kami ni Miranda ay ang maisilang ang Infinity. Pag kami ni Miranda ang nagkatuluyan at nagkaroon ng anak iyon ang magiging Infinity." "Pero Nazar hindi ba't ang Infinity ay sinasabi na may apat na royal blood?" Nagsmirked si Nazar. Natigilan si Castor sabay tingin kay Nazar. "Ibig mong sabihin...." "Dugo mula sa pinakamalakas ng Wizard sa akin yon Castor. Si Miranda ay half fairy, half elf." "Tatlo lang iyon Nazar..." "Apat Castor... Ang pang apat na dugo ay mula sa pureblood wizards... Ako iyon Castor." Hindi nakapagsalita si Castor. Kung ganon nga ay totoo ang sinasabi ni Nazar na ang kanyang anak ang nakatakdang Infinity. "Pero paano si Baragor..." "Kaya nga nag iingat si Miranda sa paghahanap sa aming anak. Dahil hindi maaring malaman ng aking Ama ang tungkol doon. Wala siyang alam tungkol sa pagkakaroon namin ng anak ni Miranda." "Anong mangyayari kung sakaling malaman niya at maunahan niya tayo na mahanap ang anak mo?" Huminga ng malalim si Nazar. Hinawakan sa balikat si Castor. "Hindi maaring maunahan tayo ng aking ama. Kaya nasa iyo ang tiwala ko Castor, tulungan mo ako makita ang aking anak bago niya malaman ang lahat." Tumango naman si Castor. "Papa! Kuya!" Diretsong nakatitig kay Oceane ang dalawang bagong dating. Napansin niya na kumunot ang noo ng matandang lalaki, marahil nasa 35 years old na iyon pataas. Wala naman reaksyon ang lalaking katabi noon. "Nabalitaan ko na may bisita ka raw... Ngunit di ko inaasahan na isang.... Isang babae pala iyon." Nilapitan si Oceane ng matandang lalaki. Gwapo ito at nakangiti sa kanya. Kasunod nito ang lalaking marahil ay ang kuya ni Zaiden. "Papa kaibigan ko po si Oceane... Oceane ang Papa ko si Valkoor at ang Kuya ko si Justin." "Magandang umaga po! Pasensiya na po kayo sa abala." "Ayos lang iyon, ngayon lang naman nagdala ng kaibigan si Zaiden sa aming bahay. Malaya kang maglabas pasok dito ano mang oras mo gusto." "Talaga Papa? H-hindi po kayo magagalit?" "Bakit naman ako magagalit Zaiden? Sige maiwan muna namin kayo ni Justin, magpapahinga lang kami." Bumaling ito kay Oceane,ngumiti ito sa dalaga. "Nice to meet you Hija, maiwan na muna namin kayo. Just enjoy your stay here okay?" "Salamat po." Napalingon si Zaiden sa hob na si Seven saka naman ngumiti kay Oceane. "Bakit hindi yata kayo galit kay Zaiden Papa? Hindi ba't ayaw nyo na may ibang tao dito sa bahay? Bakit pumayag kayo na manatili ang babaeng iyon dito?" Naglalakad na sila papunta sa kanya kanyang silid ng magtanong si Justin sa kanyang Ama. "Dahil ang babaeng iyon ang ating pag asa." "Pag asa?" "Malalaman mo din iyan Justin, hayaan mo na maging malapit si Zaiden sa kanya." "Hindi ko kayo maintindihan Papa." Isang kakaibang ngiti lang ang isinagot ng kanyang ama sa kanya bago ito pumasok sa sariling silid. "So saan mo gusto pumasyal after breakfast?" "Huh?!" Napatingin ang dalaga sa kanya. "Are you planning to date me?" "D-date? Yeah! Date... I'm inviting you." "So early in the morning?! Daig mo pa ang chinese manligaw ah!" "Ha? Ano?" Natawa naman si Oceane sa reaction ng binata. Wala sa sariling hinawakan nito ang dalawang pisngi nito. "Naisip ko, next weekend bakit hindi tayo tumawid sa mundo ko.... " "Tatawid tayo?" "Yeah! Ayaw mo ba?" "Gusto ko syempre kasama kita." Ngumiti lang ang babae sa kanya pagkatapos ay muling ibinaling ang kanyang atensyon sa pagkain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD