Sabay sabay silang tumatakbo. At habang abala ang dalawang lalaki hindi niya maiwasan na sulyapan ang mga ito.
Mukhang relax lang naman si Zaiden samantalang wala na naman makikitang reaksyon sa mukha ng bampira.
Bahagya siyang nagulat ng hawakan ni Zaiden ang kamay niya. Di kagaya sa kamay ni Castor, 'He's warm!'
Napatingin siya sa binata. Hindi ito tumitingin sa kanya.
Dahil nga nakatingin siya kay Zaiden ng mga sandaling iyon hindi niya napansin na huminto ito. Napatama ang kanyang noo sa likod ng binata.
'Aray!'
"Oceane.. Okay ka lang?"
Biglang umikot paharap sa kanya si Zaiden. Agad nitong hinawakan ang magkabila niyang pisngi.
Hindi inaasahan nina Castor at Oceane na hahalikan ni Zaiden sa noo ang dalaga sabay niyakap ito ng sandali.
"I'm sorry." Biglang sabi ni Zaiden
"Are you hurt?"
"N-no..."
"Hrm.."
Napalingon kay Castor sina Zaiden at Oceane. Uniwas ito ng tingin kay Oceane at diretsong nakatitig sa mga mata ni Zaiden.
"We need to face those.."
Napalingon sila sa itinuro ni Castor. May mapapansin na mga imahe sa di kalayuan. Hindi nila malaman kung iyon ba ay tao dahil sa pangitaas na bahagi ng katawan nito o hayop dahil sa babang bahagi nito.
"Mga centaurs ba sila?" Tanong ni Zaiden
"I don't think so."
"Kalaban ba sila?"
Napalingon sina Castor at Zaiden sa dalaga. Ngumiti si Zaiden samantalang no reaksyon naman si Castor.
"Just stay close okay?" Simpleng sabi ni Zaiden
Dahil hindi sila sigurado kung ano ang makakaharap nila, itinaas ni Zaiden ang kanyang wand.
Lumiwanag ito at nakita nila ang mga nilalang na iyon sa di kalayuan sa kanilang harapan.
Humarang sa harapan ni Oceane sina Zaiden at Castor na para bang poprotektahan siya ng mga ito.
"B-bakit? Sino sila?" Tanong ni Oceane
"Alcetaurs!" Sabay na sabi pa ng dalawang lalaki
"Alcetaurs?!" Sabi ni Oceane
Alcetaurs- are similar to centaurs, having a torso and head of a human but rather than having the body of a horse they have a body of a moose.
Katulad ng mga centaurs, may bitbit na armas ang mga Alcetaurs. May mga sibat ang mga ito. Sa tingin nila ay higit sa 20 alcetaurs ang nakatayo sa kanilang harapan.
"Lalabanan ba natin sila?" tanong ni Zaiden
"If they insist." Sabi naman ni Castor
Napangiti naman si Castor kay Zaiden pagkatapos ay tumingin kay Oceane.
"Kahit anong mangyari, stay close okay?" sabi ni Castor
Tumango naman ang dalaga. Hawak ni Zaiden ang wand niya habang papalapit naman ang mga alcetaurs sa kinaroroonan nila.
"Anong ginagawa nyo dito mga bata?"
Dahil sa madilim ang paligid, hindi nila malaman kung sino sa mga anroon ang nagsalita. Napaurong silang tatlo ng magsimulang lumapit ang isa sa kanilang kanan.
Habang unti unting naliwanagan ng buwan ang mukha ng alcetaur na papalapit.
"Batang Alfiro?!" sabi ng alcetaur
"Glemole!" sabi ni Zaiden
Napalingon sina Oceane at Castor kay Zaiden.
"Kilala mo siya?" tanong naman ni Oceane
Hindi siya sinagot ni Zaiden. Muling ipinasok ni Zaiden ang wand sa bulsa. Nagsimula naman itong lumapit sa alcetaur. Ilang hakbang pa ay tumigil na si Zaiden.
"Masaya akong makita ka batang Alfiro." Sabi nito
"Ako rin Glemole, masaya akong makita ka." Sabi naman ni Zaiden
Napatingin si Glemole sa dalawang batang nasa di kalayuan. Sina Castor at Oceane.
"Bakit kayo naririto sa gubat?" tanong nito
Lumingon pa si Zaiden sa dalawang kaibigan bago nagsalita.
"Hindi rin naming alam, kanina lang ay nasa loob kami ng Academy ng biglang..."
"Boggart." Sabi ni Glemole
"Boggart? Anong..." tanong naman ni Zaiden
Kaya kami naririto ay dahil sa sinundan naming ang mga iyon. Nakita naming silang pumasok sa Academy." Sabi naman ni Glemole
"Paanong makakapasok sila sa Academy? Protected ang Academy sa gate pa lang." sabi naman ni Castor
Hindi nila namalayan na nakalapit na pala sina Castor at Oceane.
"Nakita namin kanina na isang tao ang pumasok sa malaking gate at siyang nagpapasok sa mga boggart." Sabi naman ni Glemole
"Tao?" tanong ni Zaiden
"Nakilala nyo ba kung sino?" tanong ni Castor
"May suot siya na cloak kaya naman hindi namin siya namukhaan." Sabi naman ni Glemole
Habang naglalakad sila at maiwan ang mga alcetaurs sa gubat. Panay ang sulyap ni Oceane sa dalawang lalaki.
"Ibig sabihin mali ang hinala natin Zaiden Alfiro." Sabi ni Castor
"Oo nga, ang akala ko ay part pa ito ng retreat natin, isa na pala itong patibong." Sabi naman ni Zaiden
Mabilis umakyat sa puno si Castor, halos di na nga nakita ni Oceane kung paano ito umakyat. Napalingon naman si Zaiden sa babae, hinawakan nito ang kabilang pisngi ng dalaga. Saka ito ngumiti
"Natatakot ka ba?" tanong nito
Umiling naman ang babae
"Hindi. Kasama ko naman kayo." Sabi naman nito
Ngumiti naman si Zaiden. Mayamaya ay bumaba na si Castor. Nagulat pa si Oceane ng magpakita ito sa harapan niya. Ngumiti ito. Siya naman ay naramadaman ang pag akyat ng dugo niya sa ulo.
'Ang cute talaga niya, pag ngumingiti siya para bang babagsak sa lupa ang puso ko sa lakas ng pagtibok nito.'
"Nagulat ba kita?" tanong ni Castor
"Oo. Yan naman talaga ang trip mo, ang gulatin ako." Inis niyang sabi kahit na ang totoo ay hindi naman
Nagsmirked naman si Castor, pagkatapos ay hinarap nito si Zaiden.
"Nababalutan ng itim na usok ang buong kagubatan. Wala akong makita sa paligid." Sabi nito
Lumingon lingon si Zaiden.
"Wala akong nararamdaman na itim na aura sa paligid." Sabi ni Zaiden."Sa palagay mo ba ay illusion lang ito?"
"Impossible siguro na illusion ito, dahil gaya ng sinabi ng mga alcetaurs, nakita nilang pumasok sa gate ang mga boggart." Sabi naman ni Castor
"Pero ang mga boggart ay kayang magpalit palit ng anyo..." sabi naman ni Oceane
Nagkatinginan sina Castor at Zaiden.
"Well base yan sa explanation nyo kanina..." mahinang sabi ni Oceane
Hindi nagsalita ang dalawang lalaki. Mayamaya ay may kamay na asa ibabaw ng ulo niya saka ginulo ang kanyang buhok. Tumingin siya sa may ari ng kamay na iyon. Si Castor, nakangiti sa kanya habang ginugulo ang buhok niya.
"Stop it! Ginugulo mo ang buhok ko!" sabi niya
Tinampal pa nya ang kamay ng binata. Natawa naman ito. Pagkatapos ay tumingin ulit ito kay Zaiden.
"So what's your plan?" tanong ni Castor
Lumingon lingon pa sa paligid si Zaiden. Mukhang nag iisip ito.
"Somethings..... tsk.. What was that.." bulong ni Zaiden
"Hanapin na lang natin ang labasan.." sabi naman ni Castor
Nagsimula na naman silang maglakad. Ilang sandali pa, may nakikita na silang liwanag. Ngunit ang liwanag na iyon ay papalapit sa kanila. Mabilis na nahawakan ni Castor sina Oceane at Zaiden, mabilis nilang naiwasan ang liwanag na iyon.
SA lakas ng impact ng liwanag na iyon halos mabalian sila ng buto. Agad na nilapitan ni Castor ang dalaga.
"Are you okay?" tanong nito
"Ahh nabali ang braso ko Castor.." sabi naman ng dalaga
Dahan dahan naman itong hinawakan ni Castor.
"AAAAHHHHH!" napaiyak sa sakit si Oceane
"Si Nurse Ayo lang ang maaring makagamot nyan Castor.." sabi naman n Zaiden
Nakatitig ang binata sa batang bampira, kunot ang noo nito.
'There's something in him.... Hindi kaya...'
Muling napansin ng tatlo ang liwanag na papalapit na naman sa kanila. Agad silang nagtago sa isang puno. Buhat buhat ni Castor ang dalaga.
"Sino kaya sila?" tanong nito
"Ang ganyang klase ng mahika, mula iyan sa mga class Y at Z na wizard." Sabi naman ni Zaiden
Napalingon silang dalawa sa dalaga.
Namumutla ito, marahil ay sa takot.
"Okay ka lang?" tanong ni Zaiden
"A-ang braso ko...." Mangiyak ngiyak na sabi ng dalaga
"Lumabas kayo sa pinagtataguan ninyo!" sigaw mula sa di kalayuan
Nagkatinginan sina Castor at Zaiden. Pamilyar ang boses na iyon. Isa iyon sa mga professor ng Academy.
Tatayo sana si Zaiden para magpakita, ngunit agad siyang pinigilan ni Castor.
"Hindi pa tayo nakasisiguro sa kanila.. mag iingat ka!" sabi nito
Tumango naman si Zaiden.
Tumayo ang binata at unti unting lumabas sa pinagtataguan. Naglakad ng ilang hakbang papalayo sa puno na pinagtaguan.
"Zaiden Alfiro? Ikaw ba talaga yan?" Sabi ng boses
Hindi siya nagsalita kaagad. Bagaman pamilyar ang boses na iyon, hindi siya maaring basta basta magtiwala.
"Sumagot ka, ikaw ba si Zaiden Alfiro?" Tanong ulit ng boses
'Baka isa rin iyang Boggart..'
'Marahil! Ilang estudyante ang ginaya nila...'
Naririnig niya ang mga boses sa paligid.
"A-ako nga si Zaiden Alfiro!" sabi naman niya
"Mahabaging Merlin mabuti at..." sabi ng tinig
Naramdaman ni Zaiden na lalapit sa kanya ang may ari ng tinig.
Agad niyang itinutok ang wand sa harapan niya.
"Wag kang lalapit..." sabi niya
Huminto sa paghakbang ang may ari ng tinig. Ilang sandali pa, isang liwanag ang makikita sa pagitan nila. Bigla itong naghugis ibon at nagsimulang nag apoy.
Alam niya at kilala niya ang tanging nilalang na maaring makagawa noon. Walang sino man ang maaring makagaya o makakopya ng spell na iyon dahil tanging ang may dugo lang mula sa ninuno ng mga orb ang makakagawa noon.
"Miranda!" sabi niya
Biglang naglaho ang nagbabagang imahe sa pagitan nila. Agad na lumapit ang babae sa kinatatayuan niya.
"Alfiro!" sabi ni Miranda paglapit nito sa kanya
"Miranda, paumanhin sa aking pag aalin..." sabi niya sabay yuko
"Naiintindihan ko Alfiro... asan na ang taga ibang mundo na kasama nyo ni Silverwood?" tanong nito
Hindi sumagot si Zaiden, tumingin lang ito sa di kalayuan na puno.