Habang naglalakad sila sa HOGS TOWN, hindi maiwasan ni Oceane na hindi sulyapan ang binatang katabi. Hindi na nito hawak ang kanyang kamay pero sa tuwing maglalapat ang kanilang mga balat nakakaramdam siya ng kuryente. Naalala niya tuloy ang sinabi ng kaibigan niya sa kabilang mundo, sa bahay ampunan.
"Hindi ako maiinlove Reiko..."
"Paano mo naman nasisiguro yan? Baka kainin mo ang sinabi mo.."
"Alam mo naman na...."
"Isa kang super girl... I know.. Ako kayo kaya ang kasama mo palagi."
Si Reiko ang matalik niyang kaibigan sa ampunan. Siya ang unang nakalaam tungkol sa kanyang abilidad. Hindi madali para sa kanya ang magkaroon ng ganoong abilidad ngunit nabawasan naman ang paghihirap niya dahil sa kaibigan.
"Alam mo friend, may nabasa ako na libro... About finding your soulmate...."
"Reiko ano na naman yan..."
"Makinig ka muna diba? React agad wala pa ako sinasabi?! Ano yan walang magawa ganun?!"
Napasimangot si Oceane.
"Sabi dun pag may naramdaman ka na kuryente pag naglapat ang inyong mga balat.. Siya ang taong nakatadhana para sayo. Siya ang soulmate mo."
Natawa naman siya sa sinabi ni Reiko.
"Talaga?! Paano kung naramdaman ko yan sa kapwa ko babae? Paano kung sabihin ko sayo na may kuryente akong nararamdaman pag hinahawakan kita ng ganito."
Hinawakan ni Oceane ang braso ni Reiko. Natawa pa siya ng lumayo sa kanya ang kaibigan. Na para bang nandidiri sa kanya.
"Oceane wag ka ngang ganyan... Kilabutan ka ng konti noh!"
"See?! Yan ang sinasabi ko sayo. Hindi totoo lahat ng asa libro."
Sumimangot ang kaibigan.
"Malalaman mo rin yan pag naramdaman mo na. At pag nangyari yon... Maaalala mo ako.!"
"Oceane?!"
Natauhan siya. Napansin niyang nakatitig sa kanya si Zaiden. Mukhang worried.
"Z-zaiden..."
"Are you okay?"
"Y-yeah..."
Ngumiti sa kanya ang binata. Nakaramdam siya ng matinding kaba.
'Ang cute talaga niya...'
Isa sa asset ni Zaiden ay ang malalim nitong dimples sa dalawang pisngi.
"Bakit nagbablush ka... iniisip mo ba ako?" biro ni Zaiden
Ngumiti lang siya bilang sagot. Narinig niya na nagsmirked ang binata. Inakbayan siya nito saka hinalikan sa buhok.
"Ang bango mo talaga... Kung ikaw ang kayakap ko segusegundo hinding hindi ako magsasawa." bulong pa ni Zaiden
Pinamulahan lalo siya ng mukha. Napabsin kasi niya na nakatingin sa kanila ang lahat ng tao na nandun.
Binitiwan siya ni Zaiden, hinawakan nito ang isa niyang kamay saka sila mabilis na tumakbo.
"Hey Zaiden saan tayo pupunta?"
"Just trust me okay?"
Samantala, iniwan naman ni Castor si Nazar sa gubat para gawin ang pagmamanman kina Oceane at Zaiden. Ilang oras din siyang nakatambay sa bubong ng bahay di kalayuan sa mansion ng mga Alfiro.
'Umalis na kaya sila?'
Napansin niyang lumabas ng mansion ang kuya ni Zaiden si Justin.
"Are you okay?"
"Ha?"
Naglalakad na sila ni Zaiden palabas ng HOGS TOWN. Isang animoy malawak na bukid ang kanilang dinadaanan. Malakas ang hangin at malamig.
"Kanina ka pa kasi tahimik... "
Ngumiti lang si Oceane. Nahihiya siya magtanong. Isa pa masyado na siyang napapalapit masyado sa binata. Bagaman ilang araw pa lang silang magkakilala ay para bang matagal na iyon at para bang kilang kilala na niya ito.
"Okay lang ako."
"Pagod ka na ba?"
"Ha? Hindi naman."
"Mamaya mawawala ang pagod mo promise!"
Tumahimik si Oceane. Ganun din si Zaiden. Hindi niya masabi kung ilang minuto ba iyon.
"Naiilang ka ba na kasama ako?" biglang tanong ni Zaiden
"Hindi! Bakit mo naman naisip iyan?"
"Naisip ko lang, baka naiilang ka na kasama ako dahil sa nangyari kagabi."
Pinamulahan ng mukha si Oceane. Naalala niya ang kiss kagabi. Infairness naman kay Zaiden, good kisser ito.
"Hindi ako magsosorry sa kiss Oceane."
Napatingin siya sa binata. Nakangiti ito sa kanya. Hinawakan nito ang kanyang kabilang pisngi.
"What I feel for you is real. I like you and even words can't explain it."
Naramdaman niya ang paglakas ng hangin kasabay nito ang mabangong simoy nito at pagkalat sa paligid ng kulay pink nitong mga dahon.
Hindi niya masabi pero kinikilig talaga siya. That moment, super romantic ang view, kasabay pa ang mga sweet words mula kay Zaiden.
"Z-zaiden..."
"Sinasabi ko lang sayo... para di mo makalimutan."
sabi pa ng binata sabay kamot sa ulo. Napanson niyang nagblush iyo. Mayamaya ay lumingon lingon na ito sa paligid.
"This place is the best Oceane..."
Napalingon din siya sa paligid. Napangiti siya. Napapalibutan sila ng ibat ibang malalaking puno na may ibat ibang kulay ng dahon. Habang sumasabay sa mabangong simoy ng hangin ang mga dahon nito na lumilipad sa ibat ibang parte ng gubat.
"Wow ang ganda!"
Napangiti naman si Zaiden while staring at her. Habang abala ang babae sa pagmamasid sa paligid. Abala naman si Zaiden sa pagmamasid sa mukha ng dalaga.
Sa di kalayuan, habang nagmamasid siya sa paligid, napansin niya ang isang imahe. Nakaramdam siya ng kaba. Isang hooded figure ang nakatayo roon at nakatitig sa kanya.
Parang may kung ano na kumakawala sa kanyang loob. Nakaramdam siya ng matinding kirot. Mainit ang buong pakiramdam niya na para bang sinusunog ito. Napaluhod siya.
"Oceane are you okay"
Narinig ba niya ang boses ni Zaiden. Ilang sandali pa nagdilim na ang kanyang paningin.
"Babae ba yan?"
Napalingon si Castor kay Nazar. Nakaupo silang pareho sa malaking bato habang namimingwit ng isda si Nazar. Dahil hindi naman niya nakita si Oceane, kaya naisipan niyang samahan na lang si Nazar buong araw.
Nagsmirked si Nazar.
"Ganyan ganyan ang itsura ko pag nakikita kong may kasamang ibang lalaki si Miranda."
"Hindi."
"Anong hindi?! You can't lie to me Castor."
Napailing lang siya saka siya tumahimik. Biglang nagflashback sa isip niya si Miranda.
"Ayos! Malaki ito para sa tanghalian natin..."
Napalingon siya kay Nazar, tuwang tuwa nitong inaalis ang kawil sa bunganga ng malaking isda.
'Hindi kaya....'
"Pag usapan natin yan habang kumakain.."
Nagulat pa siya ng bigla siyang akbayan ni Nazar.
Tulala habang nakaupo sa kanyang opisina sa Ministerium. Pinaglalaruan ng kanyang dalawang kamay ang wand niya.
Hindi niya maipaliwanag ngunit may naramdaman siya na kakaiba sa batang babae. Nawalan ito ng malay bago pa man sila magkita.
Maamo ang mukha nito, medyo singkit ang mga mata. Bahagya pa siyang napangiti ng maalala si Nazar. Huminga siya ng malalim. Ilang araw na siyang hindi mapakali dahil sa batang babae.
"Leluch.. Aalis ako." sabi niya sa babae
Tumayo siya saka kinuha ang dala niyang maliit na bag.
"Baka hanapin kayo ni...."
"Sabihin mo na masama ang pakiramdam ko. Gusto ko magpahinga ng maaga."
Pagkasabi nun ay lumabas na siya ng pintuan. Diretso siyang naglakaf sa hallway ng Ministerium saka dumiretso sa elevator. Sa loob noon ay nakasakay niya ang mag ama na Alfiro. Huminto kasi ang elevator sa sumunod na palapag.
"Kamusta ka na Miranda." Bati ni Valkoor
"Ano naman sa palagay mo?" sabi niya
"Mas lalo kang gumaganda Miranda..."
Nagsmirked siya sa sinabi ni Valkoor
"Mas maganda sana ako kung magkasama kami ni Nazar." sabi niya
Hindi na sumagot pa si Valkoor. Alam niyang umibig noon sa kanya si Valkoor ngunit mas pinili niya si Nazar. Hindi niya inakala na mismong si Valkoor ang magkakanulo sa kanila ni Nazar sa Ama nito.
Pinilit silang pinaghiwalay ng ama ni Nazar. Kahit anong paglaban ang gawin nila sadyang makapangyarihan ang ama ni Nazar. Nun malaman niya na buntis siya, siya na mismo ang humiwalay kay Nazar. Para iyon sa kaligtasan ng kanyang anak. Hindi niya sinabi kay Nazar ang tungkol sa dinadala niya.