Chapter 15: Untold Prophesy (Part 2)

1216 Words
Habang naliligo sa cr ang dalaga, ipinahanda naman ni Zaiden kay Seven ang damit nitong susuotin. Lahat na yata ng damit ay nailabas na ng hob at nakalatag na sa kama. Mamimili na lang ang dalaga ng isusuot paglabas nito. Matapos maihanda ang damit ay lumabas sila ng silid para makapaghanda na rin si Zaiden. Kakatapos lamang ni Zaiden magbihis at inaayos na lang niya ang kanyang buhok nun pumasok sa silid niya si Justin. "Bihis na bihis ka... may lakad ka?" Naupo ang kuya niya sa sofa malapit sa kama. Nakatingin lang ito sa ginagawa niya. "Oo kuya. Mamasyal kami..." May kinang ang mata ni Zaiden habang kausap ang kuya niya. Napansin naman ito ni Justin. Mukhang masaya talaga ang bunso niyang kapatid. Ito ang unang pagkakataon na masaya ito mula nun mamatay ang Mama nila. "Kasama mo siya? Yun babae?" "Yes." Nagsmirked si Justin. Pagkatapos ay tumayo ito at inakbayan ang kapatid. "Are you in love with her?" "Yes I am.." "Really?! Paano na si Gaeia?" "Kuya, Gaeia's a friend nothing more.." "I want to see her face when she finds out that you' re dating with other girl." natatawang sabi pa ni Justin "Ilan beses ko na sinabi sa kanya na kapatid lang ang feelings ko para sa kanya..." Natawa lang si Justin. Tumahimik ito at ipinasok ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng pants nito. "So... who is she" Napalingon si Zaiden sa kapatid niya. "Is she a pureblood?" "No Kuya. She's from Normal World." "Really?! And you're attracted to her?!" "Wala naman masama Kuya diba?" "Meron Zaiden... Alam ko ang rules ni Papa... Baka hindi niya matanggap ang babaeng yon." "Tutulungan mo naman ako diba Kuya? I'm serious with her... " Hindi sumagot si Justin. Nagulat pa si Oceane paglabas niyang cr ay maraming damit na nakalatag sa kama. Halos di niya malaman ang susuotin sa dami ng pagpipilian. Matapos niyang makapili ng isusuot at makapagbihis, makapag ayos ay labas siya ng silid. After ng pamamasyal nila ni Zaiden ay babalik na siya sa Academy. Pagbukas niya ng pintuan ay nakita niya ang kapatid ni Zaiden. Napalingon ito sa kanya. Katulad ni Zaiden, gwapo ang Kuya nito, medyo makapal ang kilay nito at masmatangkad kay Zaiden. "H-hi!" sabi niya "Hi!" Hinarap siya ng lalaki. Ngumiti ito. "Nagbibihis pa siya. Gusto mo sa garden na siya hinatayin?" "Salamat Castor. Umayos na ang pakiramdam ko." Nakaipon na ng lakas si Nazar. Handa na siya muli maghanap sa kanyang anak. Isang sanga ang abot abot ni Castor sa kanya. "Makakatulong ito sa paglalakad mo." simpleng sabi nito Napangiti naman siya. Isa iyon tungkod. "Salamat." Tumayo siya gamit ang tungkod. Bahagyang naglakad lakad para masanay siya. "Kamusta pala ang pag aaral mo?" biglang tanong ni Nazar "Ayos lang. Naiinip ako sa ginagawa roon, pakiramdam ko wala akong matutunan doon. Mas maganda sa akin iyong aksyon kesa magbasa ng libro." "Magagaling ang mga guro doon." Hindi na nagsalita pa si Castor. Ang totoo hindi naman siya interesado mag aral, pinilit lang siya ni Nazar. "Anong plano mo ngayon Nazar?" "Eh ano pa ba? Hanapin ang anak ko syempre." "Mukhang gustong gusto ka ng kapatid ko." "Magkaibigan lang kami." "You should be.." Napatingin siya sa binata. Naglalakad sila noon pababa sa hagdan papunta sa garden. "Hindi kayo maaring lumampas sa pagiging magkaibigan." "Hindi naman mangyayari iyon." "Mabait si Zaiden, maraming babae ang guatong makuha ang atensyon niya. Kaya hindi malayong kainin mo yang sinabi mo." 'Grabe naman ang kuya ni Zaiden, napaka intimidating...' "Hindi mangyayari iyon. Wala sa plano ko ang mainlove." Nagsmirked ang lalaki. Hinarap siya nito. "Alam ko na kung bakit nahumaling ang kapatid ko sayo..." Napatingin siya kay Justin. Nakangiti ito habang nakacross arm. Itinaas nito ang isang kamay, pagkatapos ay itinutok sa kanyang noo ang isang daliri saka dahan dahan itong inalapat sa kanyang noo "You're very amusing..." Hindi niya maalis ang kanyang mata sa lalaking kaharap. Normal ang heartbeat, walang mabasa o marinig sa isip nito. "Kuya Justin what are you doing? Baka matakot si Oceane nyan sayo." Napalingon silang pareho sa itaas ng hagdan. Nakatayo si Zaiden doon. Agad na inalis ni Justin ang daliri sa noo ng dalaga. "Did he scare you?" tanong ni Zaiden paglapit sa kanila. Natawa naman ang kuya niya. Napangiti lang si Oceane. "You really don' t trust me, don't you?" Sumimangot si Zaiden. Hinawakan ang kamay ni Oceane, mahigpit. Napatingin pa ang dalaga sa kamay niya na hawak ni Zaiden. 'He's warm..' "She's mine.. So we'll go ahead Kuya. Diretso na ako sa Academy after nito kaya wag mo na ako hintayin." 'Sasama na siya sa akin pabalik sa Academy?!' Napangiti ang Kuya sabay hawak sa ulo ni Zaiden at ginulo nito ang buhok. "You're not my younger bro anymore. Sige ingat kayo." Bumaling naman ito kay Oceane. "Nice to meet you young lady.." Bahagya pang nagulat si Oceane ng bigla siyang hilahin ni Zaiden palabas ng mansion. Malayo na sila sa mansion ng mga Alfiro ngunit hindi pa rin inaalis ni Zaiden ang pagkakahawak sa kanyang kamay. Isang welcome arc ang napansin niya bago pumasok sa bayan. "HOGS TOWN" Paglagpas nila sa arc, maraming makikita na mga paninda, tindera katulad ng sa night market. "Umalis na sila Papa." sabi ni Justin Pumasok sa silid ng kanyang ama si Justin, nakita niya itong nkatayo sa may bintana. Tulala, marahil nag iisip na naman tungkol sa kanilang pamilya. "Ganoon ba.." sabi lang ni Valkoor "Kamusta ang pakiramdam nyo Papa?" Kahapon kasi ay masama ang pakiramdam ng kanyang ama kaya naman maaga silang umuwi. Ang totoo ay higit dalawang buwan silang di nakauwi sa bahay nila. Si Zaiden lang ang naiwan sa bahay pag wala itong pasok sa Academy at ang pinagkakatiwalaan na hob na si Seven naman ang naiiwan sa tuwing asa Academy ang bunsong kapatid. "Maayos na ang pakiramdam ko Justin." Nilapitan ni Justin ang kanyang Ama. Inalalayan niya ito na maupo sa paborito nitong rocking chair. "Gusto nyo na ba kumain Papa?" "Mamaya na anak." Ipinikit ng kanyang ama ang mata nito. Habang nakarelax ang likod sa backrest ng rocking chair. "Papa inlove si Zaiden sa babaeng kasama niya." "Alam ko anak.... Alam ko." "Hindi kayo magagalit?" "Hindi ngunit ang inaalala ko ay ang damdamin ng kapatid mo. Ang babaeng iyon ay nakatadhana sa iba. Kaya siguradong lubos na masasaktan si Zaiden." "Kilala mo ba siya Papa?" Napalingon si Valkoor sa anak niya. Ngumiti lang ito. Hindi na nangulit pa si Justin. Kilala niya ang ama niya kaya naman may tiwala siya sa anumang plano nito. Isang notebook ang napanain niyang nakapatong sa sofa. Hindi man niya sinasadya, nabasa niya ang ilang linya dito na may petsa. Kumunot ang noo niya habang binabasa ang nakasulat. Napalingob siya sa ama. "Papa..." Napatingin naman si Valkoor sa anak. Napansin niyang hawak nito ang kanyang talaan. Wala naman siyang makitang reaksyon sa anak. "Itatabi ko na ang iyong talaraawan sa cabinet. Baka hanapin nyo ito." Itinago ni Justin ang notebook sa cabinet sa ilalim ng lamesa. "Kung kailangan nyo ako, nandun lang ako sa silid ko." Tumango naman si Valkoor. Kahit wala siyang nakitang reaksyon sa anak alam niyang nabasa nito ang nakasulat roon. Isinara ni Justin ang pintuan ng silid. 'Para sa inyo anak ang gagawin ko, at para sa aking bunsong anak... Patawarin nya ako.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD