Kaya lumipas ang araw ng pagsilang ng bata. Ang kanyang ina na si Azura ang nag alaga sa bata. Itinago sila ng kanyang lolo na si Alberich para hindi mabulgar ang tungkol sa bata.
Ngunit ng minsang iwan ni Miranda ang kanyang ina sa bahay mula sa fairywood, nalaman nila na naglilibot na naman ang mga dark wizards para hanapin sila ni Nazar. Sinisiguro talaga ng ama ni Nazar na hindi sila magkakabalikan kaya namab pilit nilang hinahabol si Nazar para maibalik sa ama nito.
Lingid sa kanyang kaalaman, natunton ng mga dark wizards ang kanilang bahay. Dahil wala na ang kanyang ina at ang kanyang anak nun dumating siya. Ang sabi lang sa kanya ng mga saksi na fairy na tumakas si Azura kasama ang bata na noon ay 2 taong gulang na.
Hinanap niya iyon hanggang ngayon ngunit wala ni isang sinyales na buhay ang kanyang ina at anak.
Narinig niyang huminga ng malalim si Valkoor. Hindi naman siya nililingon ng anak nito.
"Maaga pa para umuwi ka.." sabi ni Valkoor
"Hindi ko obligasyon na magpaliwanag sayo."
Bumukas na ang pintuan ng elevator saka lumabas si Miranda. Hindi na siya lumingon pa.
Habang abala sila sa pagkain, hindi maalis sa isip ni Castor ang sinabi ni Miranda. Hindi siya mapalagay.
"Ano bang nangyayari sa iyo at tahimik ka masyado?"
Napalingon siya kay Nazar. Tapos na itong kumain. Nakatingin lang sa kanya na para bang nag aalala.
"Nabalitaa mo ba ang nangyari sa Academy?"
"Hindi. Bakit may nangyari ba?"
Huminga siya ng malalim. Hindi niya alam kung sasabihin ba niya kay Nazar ang tungkol sa babaeng taga kabilang mundo. Ang sinabi ni Miranda at ang kakaiba niyang mga panaginip.
"Hey Castor, anong nangyari sa Academy?"
"Hindi ka ba makikipagkita kay Miranda?"
Kumunot ang noo ni Nazar, alam niyang nagtataka ito dahil imbes na sagutin ang tanong nito ay iniba niya ang usapan.
"I'm planning... iniisip ko kung paano ko siya makakausap na walang makakakita."
"Ako na ang bahala. Saan mo gusto kayong magkita? Ako ang magdadala sa kanya."
'I want to clarify something with her also. Kailangan ko rin makausap si Miranda.'
"Gagawin mo iyon?"
"Oo naman."
Tinitigan muna siya ni Nazar, na para bang sinusuri siya.
"Okay sige. Dalahin mo siya sa Serenity Falls, sa loob ng kweba. Doon na ako didiretso habang sinusundo mo siya."
Tumayo siya. Handa na siyang makipagkita kay Miranda.
"Susunduin ko na siya ngayon."
Pagkasabi noon ay mabilis na siyang nawala sa paningin ni Nazar.
Naglalakad na sa labas ng Ministerium si Miranda. Unti unti ng nawawala ang galit at pag kainis na naramdaman niya kanina nun makita niya ang mag amang Alfiro.
Huminga siya ng malalim. Naupo siya sa isang bakanteng upuan sa park di kalayuan sa Ministerium.
"Miranda!"
Napalingon si Miranda, ngunit wala naman siya makita.
"Miranda.."
Napatayo na siya sabay lingon sa paligid.
"Sino ka? Anong kailangan mo? Magpakita ka!"
"Sundan mo ang puting bulaklak..."
Isang kulay puti na bulaklak ang lunipad sa kanyang harapan pagkatapos ay unti unti na itong lumalayo. Agad naman niyang sinundan ito hanggang sa dalahin siya ng mga paa niya sa pintuan ng gubat.
"Nandito na ako, magpakilala ka."
Hawak niya ang kanyang wand. Lumingon lingon siya habang nakikiramdam sa paligid.
"Hindi mo kailangan gumamit nito."
Mabilis na nawala sa kanyang kamay ang wand niya. Napaurong siya.
Isang batang lalaki ang nakatayo sa harapan niya ngayon, at base sa itsura nito, isa itong bampira. Ang pinakabatang bampira.
"Anong kailangan mo sa akin? Hindi ba't mag aaral ka sa Academy?"
"Oo." inihagis ni Castor ang wand sa harapan ni Miranda. Nasalo naman niya ito.
"I'm well fed kaya wala kang dapat ikatakot."
Kahit sinabi iyon ng binata hindi siya maaring maging komportable.
"Anong kailangan mo?"
"Narinig ko ang usapan ninyo nun nakaraan. Bago ka pa magalit, hindi ko sinasadya iyon. Alam mo na isa akong bampira. Naririnig ko ang usapan kahit gaano pa kalayo."
Huminga ng malalim si Miranda.
"Ano naman ang tungkol doon?"
"Ang totoo, pareho tayo ng iniisip tungkol sa babaeng taga kabilang mundo."
Hindi nagsalita si Miranda. Nakikinig lang siya sa batang bampira.
"Hindi ko sinasabi na kaibigan ko siya ngunit malapit kami sa isa't isa. Kaya ko siyang bantayan para malaman natin ang tungkol sa kanya."
"Bakit ako magtitiwala sayo?"
"Ang isa pang dahilan kaya ako naririto ay dahil ipinasusundo ka ni Nazar."
"Si Nazar?"
"Hindi ko kailangan ipaliwanag ang sarili ko sayo, masmakabubuti kung si Nazar na lang ang magpapaliwanag sayo."
Tumahimik muli si Miranda.
"Ang babaeng taga ibang mundo kay si Oceane.. sa pagkakaalam ko Gyresky ang gamit niyang apelyido."
Nanlaki ang mata ni Miranda. Iyon ang apelyido ang kanyang ama.
"Paanong...."
"Isa pa, palagi siyang nasa panaginip ko. At katulad ng nararamdaman mo... parang matagal na natin siyang kilala..."
Nag isip si Miranda. Kailangan ba niya maniwala sa batang ito?
"Kailangan mo magtiwala sa akin Miranda para masagot natin ang mga tanong natin. Kailangan mo ako.."
Hindi niya maalis ang kanyang tingin sa batang kaharap. Sing bilis ng hangin itong nakalapit sa kanya.
"Kailangan na kitang dalahin kay Nazar, siguradong nag aalala na siya."
Kahit nag aalinlangan ay sumama siya sa batang iyon. Sumakay siya sa likod nito saka mabilis itong kumilos patalon talon sa mga puno at tumakbo sa kapatagan.
Ilang sandali pa nga ay nakarating sila sa Serenity Falls. Bago sila pumasok sa loob ng kweba kinausap siya ng binatang bampira.
"Walang alam si Nazar sa pag uusap natin. Kung maari wag mo muna sasabihin sa kanya. Para ito sa kaligtasan ninyo at kung mapapatunayan natin na ang babaeng iyon ang iyong anak, para na rin sa kaligtasan niya."
Tumango lang si Miranda. Sabi nga ng binatang iyon, kailangan niya ito. Alam niyang malaki ang maitutulong nito sa kanya.
Madilim ang paligid ng kweba ngunit nun magsimula siyang humakbang ay lumiwanag ang paligid. Nag apoy ang mga naroon na suga.
SUGA- ang tawag sa mga animoy gasera na naroon sa loob ng kweba. Umaapoy ito oras na may pumasok sa loob ng kweba.
"Nazar!"
Lumingon ang lalaki mula sa pagkakaupo. Isang malawak na ngiti ang makikita mula sa mga labi nito.
Nakaramdam naman ng kaba si Miranda. Biglang nagflashback ang lahat sa kanya nun una silang magkakilala.
Malinis ang mukha nito mula sa mga balbas at bigote. Mas nangibabaw ang maamong mukha ni Nazar, ang singit nitong mata.
"Miranda!"
Isang mahigpit na yakap ang natanggap niya mula kay Nazar. Nagulat pa siya ng bigla nitong hawakan ang kanyang dalawang pisngi at walang sabi sabing halikan siya nito sa labi.
Sa di kalayuan naman, napangiti sabay iling na lang si Castor. Kailangan muna niya iwan ang dalawa para makapag usap sila ng maayos.