Chapter 6: The Warning

1534 Words
Isang katok ang nagpagising sa kanya. Mabilis niyang inalis ang unan sa ibabaw ng kanyang mukha. Bumangon siya at naglakad papalapit sa pintuan. Agad niyang binuksan ang pinto. "G-good Morning!" Idinilat niya ang mata niya. Nakatingin sa kanya si Zaiden. Nakatitig sa kanya, pagkatapos ay bumaba ang tingin nito sa kanyang dibdib. "Hup!" Agad niyang itinakip ang kamay niya sa dibdib niya, wala siyang suot na panloob. Napangiti ito sa kanya. Siya naman ay pinamulahan ng mukha. "A-anong ginagawa mo dito?" tanong niya "I'm sorry kung... anyway, tanghali na kasi, baka di ka umabot sa breakfast sa dining area." Sabi nito Nakatingin na ito sa itaas, sa kisame habang kausap siya. Napalingon naman siya sa orasan sa ibabaw ng side table siya. 15 minutes bago mag alas syete. Mabilis niyang isinara ang pintuan at pumasok sa banyo. "Bakit namumula ka?" tanong niya Kumakain na sila noon ni Zaiden Alfiro sa table ng section nila. Napansin niya kasi na namumula ang mukha nito pag napapatingin sa dibdib niya. "Hmf!" Agad niyang itinakip ang bag niya sa harapan niya. "You' re pervert." Sabi niya "Of course not." Sabi naman nito Hindi na siya nagsalita pa. Napalingon siya sa paligid. Wala si Castor. Napangiti siya nun maalala niya ang nanngyari kanina sa gubat. Subject nila ngayon ay Magical Creature. Sa isang malagubat na space sila nagkaklase. Isa iyong be witched na space ng Academy. Nakatayo lang sila habang may hawak na mga libro. "You guys know Ciguapa?" tanong ng Prof Imbes na sumagot ay nagbulungan ang mga ito. Mukhang di sila pamilyar sa creature na iyon. "Okay guys silence." Sabi ng Prof Mula sa harapan nila isang hologram ang lumitaw. Hugis babae ito. "Ciguapa - Blue or brown nude females with backwards feet." Sabi ng Prof Bahagya pang umikot ang hologram ng babaeng iyon. "Feeling ko piki siya." Sabi ni Oceane "Huh?" Napalingon si Zaiden sa kanya na noon ay katabi lang niya "Wala!" nakangiti niyang sabi Ngumiti naman ang binata. Muli napansin na naman niya ang dalawang malalim na dimple nito. Pinamulahan siya ng mukha. 'He's really cute when he smiles at me..' "You know what...." Sabi nito "Huh?" "I like it when you stare at me and give that innocent smile." Sabi pa nito sabay pisil sa ilong niya Maslalo siyang inatake ng nerbyos. Alam niya na napansin ng binata na nagblush siya. "This is called the Grendel guys." Sabi ng Prof Muling nag iba ang imahe sa hologram na iyon. "Grendel - Giant and deformed, troll-like human." Matapos ang maghapon klase, naisipan ni Oceane na maglibot sa main building, naroon ang mga larawan ng mga famous wizards sa buong mundo nila. "What are you doing here?" Napalingon siya, naroon sa tabi niya si Zaiden. "Wala, tinitingnan ko lang yun mga painting.." simpleng sabi niya. Parang buhay na buhay ang mga larawan na naroon. At lahat ng wizards na naroon ay mga namatay na. "Nga pala Oceane." Napalingon siya ulit sa binata. May iniabot itong stick sa kanya. "Your wand." Sabi nito Kinuha niya iyon. "My wand?" "Yep, kumatok ako sa silid mo kagabi para isama ka sana sa pagkuha ng wand kaso mukhang tulog na tulog ka kaya ako na lang ang bumalik sa gubat." Sabi nito Naalala niya na umalis sila ni Castor kagabi, kaya siguro hindi niya alam na kumatok ang binata sa silid niya. "Thank you." Sabi niya Itinaas ni Zaiden ang wand niya, maya maya ay may lumutan na mga bubbles sa paligid nila, iba ibang kulay dahil sa sinag ng araw mula sa bintana sa likuran nila. "Wow!" mangha niyang sabi Pinuputok niya ng daliri niya ang mga bubles na iyon. "Paano mo ito nagawa?" tanong niya "Isipin mo lang ang gusto mong gawin ng wand mo, then let the aura flow, after nun swish and flick." Sabi naman nito Hinawakan niya ang kamay ni Oceane saka mabilis silang tumakbo sa labas ng mainbuilding kung saan malapit sa fountain. "Anong gagawin natin dito?" tanong niya Magkaharap sila ngayon ni Zaiden. "Let us try your wand." Sabi nito "huh?" Ngumiti si Zaiden. Pagkatapos ay tumayo ito sa likuran niya, hinawakan ang kamay niya, Siya naman, he makes her feel uneasy. Para siyang ninenerbyos or kinikilig ba siya? ANg bango kasi ng binata. "Swish and flick!" sabi ni Zaiden Bahagya nitong iwinasiwas ang kamay niya habang hawak ang wand Nagulat siya ng lumabas mula sa dulo ng wand ang isang kulay puti na liwanag, pagkatapos ay mga bubbles na hugis puso ang lumabas roon. 'Heart?' "Heart?" tanong ni Zaiden sa kanya Paglingon niya hindi niya namalayan na nakatingin pala sa kanya ang binata, kaya naman pagtingala niya ng bahagya- Sabay silang naglalakad sa hallway para sa dinner. Hindi sila nag uusap at parehong namumula ang kanilang mga mukha. Flash Back Nanlaki ang mata nilang pareho ng lumapat ang labi niya sa labi ng binata. Nakaramdam siya ng init sa kanyang mukha. Mabilis siyang lumayo kay Zaiden, napansin din niya na pulang pula ang mukha nito. Napansin din niya na bumuka ang bibig nito ngunit walang naman sinasabi. 'He stole my first kiss...' "I-I'm... it was.... Are you mad?" tanong nito Nakatungo siya habang namumula ang kanyang mukha. 'He's asking me if I'm mad..' "I'm...." "No!" sabi niya Napatingin sa kanya si Zaiden, kahit pa nakayuko siya, alam niya na tumingin sa kanya ang lalaki. Nagulat siya ng bigla siya nitong yakapin. Napasandal ang ulo niya sa dibdib ng lalaki. Naririnig niya ang kalmadong heartbeat nito. "I can't explain it, will you believe Oceane, nararamdaman ko na may connection tayong dalawa, but I can't explain how. It's just my heart tells me." Naramdaman pa niya na maghumigpit ang yakap ng binata sa kanya, he even tilted his head. 'He's very warm.' "Zaiden pare!" Napalingon siya. Isang lalaki ang biglang umakbay kay Zaiden. Halos nabangga na nga siya nito. Muntik na siyang matumba. Mabuti na lang at naagapan rin siya nito. "I'm sorry Miss." Sabi nito Tumaas lang ang kilay niya. 'This guy is really irritating.' Inayos niya ang sarili niya ng bitiwan siya ng lalaki. "Mag iingat ka nga! Nakakainis!" iritable niyang sabi Napakamot ng batok ang lalaki. "Hala Miss nag sorry na nga ako eh." Sabi pa nito "Oceane, this is Jacob kababata ko." Pakilala ni Zaiden "Hmf, so?" taas kilay niyang sabi Napansin niyang nagsmirked si Zaiden. "Tara na nga!" yaya nito "Sorry na Oceane!" pacute na sabi ni Jacob Hindi naman niya pinansin ito "Galit ba siya Pre?" bulong na tanong ni Jacob Nakaupo silang tatlo sa dining area. Kagaya ng araw araw na makikita sa malaki at mahabang table, ay ang mga pagkain na hindi paulit ulit. Ewan ba nila kung sino ang abala sa paghahanda ng pagkain. Mula sa breakfast hanggang sa lunch at dinner ay iba iba ang putahe na naroon, at iba rin ito araw araw. Napalingon si Zaiden sa babaeng katabi. Seryoso itong kumakain. Bahagya siyang napangiti. "Hindi naman siguro." Simpleng sabi niya habang may ngiti sa labi "Talaga?" Sinilip pa ni Jacob ang dalaga kung talagang nagsasabi ng totoo ang kaibigan. Napangiti ito. "Ang ganda niya noh?" nakangiting sabi pa ni Jacob "Yeah! Very!" nakangiting sabi pa ni Zaiden Bahagya siyang siniko ni Jacob. Napalingon siya sa lalaki. "Type mo siya noh?" biro nito Ngumiti lang siya at hindi nagsalita. "Type ko siya pre, ligawan ko kaya?" sabi pa ni Jacob "No wag mo gagawin yan." Biglang sabi ni Zaiden Natawa naman si Jacob, napalakas kasi ang boses ni Zaiden. Napalingon sa kanila ang mga kaharap nila sa lamesa at si Oceane. "Zaiden?" tanong ng babae Ngumiti lang siya, hindi na siya muling nagsalita. Katulad ng ibang mga school nagkaroon din sila ng isang retreat sa bawat level bago sila magprepare sa acquaintance party sa susunod na eve of full moon. Nagbibihis sa loob ng CR si Oceane habang nakaharap sa salamin. Hindi niya maiwasan na pamulahan ng mukha sa tuwing naaalala niya ang eksena nila ni Zaiden Alfiro kanina. 'Oh my G..... inlove na ba ako kay Zaiden Alfiro?' Mabilis niyang itinakip ang kanyang kamay sa kanyang mukha habang nararamdaman niya ang pag init ng kanyang mukha. Unti unti niyang inalis ang takip ng kanyang mukha. Seryoso siyang humarap muli sa salamin. 'This can't be.. hindi pwede, hindi pwede ito.' Isang katok mula sa labas ng kanyang silid ang narinig niya. Agad siyang lumabas ng CR at binuksan ang pintuan. ----- Nakatayo si Zaiden sa harap ng silid ni Oceane. Kakatok na sana siya ng marinig niya ang isang boses mula sa kanyang likuran. "I told you to stay away from her." Napalingon siya. Nakatayo si Castor sa likuran niya. Hinarap niya ito. "Hindi ako makikinig sayo hangga't wala kang magandang rason na sasabihin para iwasan ko siya." Sabi ni Zaiden Nagsmirked si Castor. Napailing "Until now, wala ka pa rin tiwala sa akin." Sabi nito "Alam mo na naman siguro kung bakit." Sabi naman niya Nilapitan siya ni Castor, tinitigan siya nito sa kanyang mata. "Ipapahamak mo siya Zaiden. Magsisisi ka pag nangyari yon." Kumunot ang noo ni Zaiden Alfiro. Ilang saglit pa nawala na sa paningin niya si Castor. Lumingon lingon siya sa paligid. Huminga siya ng malalim saka humarap muli sa silid ni Oceane at saka siya kumatok muli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD