Napangiti siya ng iluwa ng pintuan si Oceane. Nakadress ito ng hangang tuhod, floral. Ang mahaba nitong buhok ay malayang nakalugay lang.
"Wow! You're beautiful." Simpleng sabi niya
Pinamulahan naman ng mukha si Oceane. 'Bakit ba ako palagi pinupuri ng lalaking ito?'
"Let's go?" tanong nito
Tumango naman siya.
Habang naglalakad sila papunta sa open field sa gitna ng SECTION FIRE panay lang ang pagsulyap ni Zaiden sa babae, hindi nito maalis ang ngiti sa labi.
"Oceane.." sabi niya
Lumingon naman ang dalaga.
"Sorry about what.. you know.. the kiss." Sabi niya
Napansin niyang pinamulahan ng mukha ang babae. Umiwas ito ng tingin sa kanya.
"Okay lang. That was just a kiss. Mean nothing at all, right?"
Tumingin sa kanya ang babae. Seryoso ito at walang expression ang mukha.
"Y-yeah! It's nothing." Sabi niya
Ngumiti naman ang babae saka mabilis na tumakbo papalayo. He let a sighed. Nakatingin siya sa papalayong babae.
'It means more than to me Oceane. I feel that there is something that connects us both. I just don't know what, how and why. I just know that you are important to me.'
"Zaiden, bakit nakatayo ka pa diyan? Halika ka na!" sigaw ni Oceane
Bahagya siyang napangiti. Mabilis siyang tumakbo para lapitan ang babae.
Nadatnan nila na nakaupo na paikot ang buong Section Fire mula sa first level hanggang sa forth level habang may isang animo'y banga sa gitna, may apoy itong kulay asul.
"I think we're complete..." sabi ng isang babaeng morena
Naupo sa tabi ng mga First LeveL sina Oceane at Zaiden. Naroon na rin ang kaibigan ni Zaiden na sina Jacob at Castor. Seryoso at tahimik na nakaupo si Castor. May ilang inches ang layo ng mga estudyante sa kanya. Hindi niya maiwasan na mag isip.
'Hindi kaya siya nalulungkot na siya lang mag isa? At mabait naman si Castor bakit ba iniiwasan siya ng mga tao?'
Pinamulahan siya ng mukha ng mapansin niya na nakatingin sa kanya si Castor, nakangiti ito. Para siyang bata na biglang iwas tingin sa lalaki. Nakaramdam siya ng kaba, para bang malalaglag ang puso niya sa lupa.
"So guys I'm Kelandra, Fire Cordor Forth Level. I'm the one incharge with this retreat." Panimula ng babae
Lahat ay nakatingin sa kanya, kahit sabihin na morena siya, matangkad ito at makinis. Nakataas ang buhok nito.
"We're here to know each other from the first level up to my level. Okay guys?" masayang sabi pa nito
Nagsimulang magsalita ng sabay sabay ang lahat. Nakatingin pa rin sa paligid si Oceane, hanggang sa madaanan muli ng kanyang mata si Castor.
"So guys otomatik ito ha, once na may lumipad na apoy sa goblet na ito at tumapat sayo, meaning ikaw ang mag- introduce ng sarili mo. Okay so let us start..."
Bumuga ng malakas na apoy ang goblet, kulay asul iyon kanina ngunit kulay apoy na ito at humihugis na parang isang ibon. Mayamaya ay nagsimula itong bumuga ng apoy na animoy fountain at fireworks sa dilim ng langit. Ilang estudyante na rin na kasama nila ang nagsimulang magpakilala.
Halos na ngangalahati pa lang sila sa pagpapakilala, ng biglang makaramdam sila ng kakaiba. Napalingon ang lahat sa kabuoan ng Academy.
"Anong meron? Parang may nararamdaman akong kakaiba." Sabi ni Oceane
"May Dark Wizard na nakapasok sa loob ng Section natin." Sabi ni Zaiden
"Huh?"
Nagsimula ng tumayo ang mga estudyante, hawak ang kanikaniyang mga wand. Bawat sulok ng kanilang kinaroroonan ay binabantayan.
"Guys, relax lang tayo, ihanda ang mga wand." Sabi pa ni Kelandra
Nakinig naman ang iba. Natigilan ang lahat ng mamatay ang apoy mula sa goblet, nagsimulang dumilim ang paligid.
Naramdaman ni Oceane na may humawak sa kamay niya. Mayamaya ay isang liwanag ang nakita niya. Si Zaiden Alfiro, gamit ang wand nito ay nakagaw ito ng ilaw kagaya ng ibang. Nakahawak din ito sa kanyang kamay.
"Wag kang bibitaw sa akin Oceane." Sabi nito
Tumango naman siya. Naramdaman pa niya na humigpit ang pagkakahawak ni Zaiden sa kamay niya.
Nagkagulo ang mga estudyante, ilang beses din silang nabangga ng mga ito. Nagsimula na rin silang maglakad ni Zaiden. Nagsimulang manginig ang kanyang katawan. Natatakot siya.
"Relax I'm here!" sabi ni Zaiden
"B-bakit ganito? Hindi ba well protected ang Academy sa mga Dark Wizards?" tanong niya
Patuloy sila sa pagtakbo ni Zaiden. Hindi sumagot si Zaiden sa tanong niya. Hawak pa rin ng binata ang kanyang kamay.
Napansin ni Oceane na nakakunot ang noo ni Zaiden.
"B-bakit? May problema ba Zaiden?" tanong niya
Tumingin sa kanya si Zaiden saka siya ngumiti.
"Somethings bothering me Oceane." Sabi nito
Nakatitig lang siya sa binata. Napalingon siya sa paligid, bagaman madilim sa paligid, makikita mo pa rin ang kabuoan ng lugar na iyon dahil sa mga liwanag na nagmumula sa mga wand ng mga estudyante.
"Parang.... Maze." Sabi ni Oceane
"Kailangan natin mahanap ang labasan Oceane." Sabi ni Zaiden
Hindi pa siya nakakapagreact ng hilahin siya ni Zaiden at muling naglakad.
Hindi niya alam kung ilang oras na ba sila tumatakbo ni Oceane. Bawat daanan nila ay may spot na para bang inuulit lang nila o dinaanan na nila.
'May something na nangyayari dito...'
"Naliligaw na ba tayo Zaiden?" tanong ni Oceane
Huminga ng malalim si Zaiden. Saka ngumiti sa kanya.
"Don't worry, nandito pa rin naman tayo sa loob ng Academy. Betwitched lang itong mga nakikita mo." Simpleng sabi ni Zaiden
"Bewitched?" tanong naman ni Oceane
Natigil ang pag uusap nila isang bagay ang parang lumipad sa itaas nila. Agad na itinaas ni Zaiden ang wand niya para maliwanagan ang langit. Wala silang nakita mula roon.
"Zaiden.."
Nanginig ang kanay ni Oceane at napayakap siya sa lalaki. May kung anong bagay na gumagalaw sa kanyang paanan.
Muling inilawan ni Zaiden ang kanilang paanan, at makikita na napapalibutan sila ng ahas. Ang iba ay pumupulupot na sa kanilang mga binti.
Pakiramdam naman ni Oceane ay hindi siya makahinga. Ang isa sa kinatatakutan niya ay nakapalibot sa kanila at ang iba ay nakapulupot na sa kanyang binti. Para siyang mawawalan ng malay ng mga sandaling iyon.
"Are you okay Oceane?" tanong ni Zaiden
Nanlambot ang katawan niya, sobrang takot na takot siya. Ang totoo niyan nag sisimula na siyang magpanic.
"T-takot.... N-natatakot..... " putol putol na sabi niya
Umiiyak na siya ng mga sandaling iyon. Naramdaman niyang bigla siyang umangat sa lupa. Isang malamig na bagay ang nakadikit sa kanyang balat.
"Castor?!" sabi ni Zaiden
Napalingon siya sa binata. Buhat buhat niya si Oceane, habang nakatayo sila ni Zaiden sa palibot ng mga ahas.
'Her body... it's warm.'
"Ayos ka lang ba?" tanong niya kay Oceane
Imbes na sumagot ay yumakap ito sa kanya habang umiiyak.
"She's afraid with those..." sabi naman ni Zaiden
Hinarap niya si Zaiden.
"I think we are being tricked." Sabi niya
"Tricked?" tanong ni Zaiden
"For now, do something with those para makaalis na tayo dito." Sabi naman niya
Muling iwinasiwas ni Zaiden ang wand niya ay isang kulay dilaw na liwanag ang lumabas mula roon.
Habang pasan pasan ni Castor sa likod niya si Oceane, mabilis silang tumatakbo ni Zaiden sa madilim na lugar na iyon na parang walang katapusan. Di nila malaman kung ilang oras ba sila tumakbo ngunit para naman walang nangyari sa pagtakbo nila. Wala silang makita na daanan. Sabay silang tumigil sa pagtakbo.
Lumingon lingon sila sa paligid.
"Bakit kayo tumigil? M-may nangyayari ba?" nanginginig pa rin ang boses ni Oceane
Dahan dahan siyang bumaba sa likod ni Castor. Lumingon lingon siya sa paligid, kagaya kanina madilim pa rin, ang nakapagtataka wala na ang ilaw o liwanag na angmumula sa wand ng ibang estudyante.
"Mamamatay na ba tayo?" nagpapanc na niyang tanong sa dalawa.
Naramdaman niya ang malamig na palad ni Castor sa pisngi niya. Nakatitig ang binata sa kanya.
"Don't panic okay?" sabi pa nito
"D-don't panic? Kanina pa tayo dito..." sabi niya
"Isa lang itong pagsubok, parte ito ng retreat, okay? Everything is under control." Sabi ni Castor
"So tama pala ang hinala ko, palabas lang ang lahat ng ito." Simpleng sabi ni Zaiden
Inalis na ni Castor ang malamig nitong kamay sa kanyang pisngi. Lumingon lingon ito sa paligid. Samantalang nakatingin naman si Oceane sa binatang iyon at si di niya alam na nakatitig din pala sa kanya si Zaiden.
"Sa tingin ko, malapit na tayo sa labasan." Simpleng sabi ni Castor
"How did you know?" tanong ni Oceane
"Wala na kasing liwanag mula sa mga estudyante, tingin ko malayo na tayo sa kanila." Sabi ni Zaiden
Napalingon sina Castor at Oceane sa kanya
"In my calculation, in 15 minutes makakalabas na tayo dito." Dagdag pa ni Zaiden
"Then let's do it." Sabi naman ni Castor