Isang malakas na suntok sa mukha ang nagpatumba sa nilalang na iyon. Tumama ito sa malaking bato. Abominable Snowman Features: Giant human-like body, white shaggy fur, big feet.
Hindi pa nakakabwelo ang nilalang na iyon para tumayo, buong lakas na naman siyang nasuntok sa bahagi ng kanyang tiyan. Malakas nap ag ungol ang ginawa nito.
Buong lakas niyang binuhat ang nilalang at inihagis sa pagitan ng bundok na tirahan nito at sa gubat kung saan malapit sa Academy.
'Mabuti na lang at naramdaman ko kaagad ang creature na ito.' Castor thought
"Yun sugat mo..."
"Ayos lang yan." Sabi niya
"Anong ayos, halika dun tayo sa clinic."
Hinawakan nito ang kamay niya saka mabilis siyang hinila papapunta sa clinic sa di kalayuan sa building ng section nila.
Hindi niya maiwasang di mapangiti. Hindi niya maintindihan ang nararadaman. Parakiramdam niya ay may connection sila ng babaeng ito. Humigpit ang hawak niya sa kamay ng babae. Tumigil ito sa paglalakad. Hindi siya nito nilingon. Pero nahalata niya namumula ang tenga nito.
"You're blushing!" sabi niya
Binitiwan ng babae ang kamay niya. Tumakbo ito sa likod niya saka hinawakan siya sa magkabilang balikat at itinulak papasok sa loob ng clinic.
Isang babaeng nurse ang bumungad sa kanila. Nakangiti ito, mayamaya ay napatngin ito sa braso ni Zaiden, may bakas ng dugo sa benda nito.
"Anong nangyari?"
Agad nitong nilapitan si Zaiden, inalis ang benda. Nagulat ito ng makita na maitim na ang bahaging iyon ng braso ng binata.
"Kailan pa ito?" tanong ni nurse
"K-kagabi po.." sabay na sabi nila Oceane at Zaiden.
Agad na hinila ng nurse si Zaiden papalapit sa nook. May nakahandang mga gamit doon, agad na nilinis nito ng malinis na tubig.
Pagkatapos magamot ang sugat ni Zaiden at magbigyan ng gamot para hindi muli bumuka ang sugat nagstay sila ni Oceane sa dorm nila. Nag aaral sila sa sala. May exam kasi sila para sa potion bukas.
"Is this real?" tanong ni Oceane
"Yeah,!" sabi lang ni Zaiden
Binasa ni Oceane ang nakasulat sa libro.
Spring Fever Potion
5 drops of pure vanilla
5 drops lavender essential oil
½ cup warm water
Drop the essential oil and vanilla into a 4 ounce spray bottle filled with warm water. Spray it onto your body and anything else you want to smell spring fresh!
"Sa tingin mo gagana ito bukas?" tanong ni Oceane
"Kung tama ang ingridients why not." Sabi naman ni Zaiden
Patuloy siya sa pagbabasa. Napapalingon naman siya sa dalaga. Mukhang seryoso ito sa pagbabasa. Mayamaya ay may kinuha ito sa bag. May inilagay sa tenga nito pagkatapos ay gumagalaw na ang ulo nito.
Nakatingin pa rin si Zaiden sa kanya. Mabuti na lang at walang ibang estudyante roon. Sila lang ang naroon. Napatingin siya kay Oceane.
"Alam mo maganda ang music na ito." Sabi nito
"Ha? May music dyan?" tanong niya
"Yep, halika.."
Mabilis siyang tumabi kay Oceane, pagkatapos ay inilagay nito ang bagay na iyon sa tenga niya. Namangha siya. May musika na lumalabas mula sa bagay na iyon.
"Ganyan ang mga music na gusto ko, classical ang tawag dyan." Sabi naman ni Oceane
"Inaantok ako sa music mo." Natatawang sabi pa ni Zaiden
Ngumiti lang si Oceane.
"Masmasarap mag aral kung may ganyang music." Sabi nito
Lumipas ang ilang oras. Tumunog na ang malaking orasan sa main building ng Academy.
'Eve of full moon na.'
Napalingon siya sa babaeng katabi. Relax na nakasandal na ang ulo nito sa backrest ng sofa. Hawak pa rin nito ang libro.
Maingat niyang inalis ang libro sa kamay ni Oceane. Sa ginawa niyang iyon, dumulas ang katawan ng dalaga sa backrest ng sofa at napasandal ito sa balikat niya. Napalingon siya sa babae.
Her face is facing his face. Napalunok siya.
'Is she inviting me to kiss her?'
Ginising niya ang babae. Tinapik niya ang pisngi nito.
"Oceane... Oceane..." sabi niya
Nagising naman ang babae. Parang balewala lang dito ang pagsandal ng ulo nito sa balikat niya. Nag stretching pa si Oceane. Pag stretch niya ng braso niya, tinamaan sa mukha si Zaiden. Dumugo ang labi nito.
"Oh my... sorry Zaiden Sorry." Sabi naman ni Oceane
Hinawakan niya ang mukha niya. BAhagya pa nitong hinaplos ng daliri ang labing dumudugo.
"I'm sorry, masakit ba?" tanong ni Oceane
Napangiti naman si Zaiden.
"Hindi naman. Ayos lang yan." Sabi ni Zaiden
Inalis ni Oceane ang kamay niya sa mukha ng binata. Kinuha nila ang mga libro sa lamesa at naglakad sila pabalik sa kanilang room. Tumigil sila sa tapat ng room si Oceane.
"Good night!" sabi ni Zaiden
"Good night!" sabi naman ni Oceane
Hinawakan niya ang door knob. Nagulat siya ng hawakan ni Zaiden ang braso niya.
"Huh?" lumingon siya
Gulat na gulat si Oceane ng hapitin siya ni Zaiden papalapit sa katawan nito saka niyakap ng mahigpit.
Naramdaman na anman niya na umakyat sa ulo niya ang dugo niya.
"I missed you!" bulong nito sa tenga ni Oceane
"huh?"
Hindi mapakali sa higaan si Zaiden ng gabing iyon. Paikot ikot siya ng pwesto sa kama.
'Bakit ko ba nasabi iyon? May koneksyon ba talaga kami?'
"Mukhang di ka pa inaantok."
Napalingon siya sa may binata. Nakaupo roon ang isang imahe, kulay pula ang mga ito. Bumangon siya at naupo sa ibabaw ng kama.
"Castor, gabing gabi na ah!" sabi niya. "Anong ginagawa mo sa silid ko?"
Hindi umalis sa pwesto niya ang binata.
"Bakit nakikipaglapit ka sa babaeng iyon?" tanong nito
Napalingon siya sa lalaki.
"I want to be her friend, isa pa pakiramdam ko we have a connection." Sabi niya
"Lumayo ka sa kanya Zaiden." Sabi nito
"And why should I do that?"
"Listen to me Zaiden, mapapahamak siya ng dahil sayo."
"Sa akin? Ako ang magpapahamak? Bakit?"
Hindi sumagot si Castor. Nakatitig naman si Zaiden sa kaharap na binata.
"May dapat ba ako malaman Castor?" tanong niya
"Are you attracted with her?" tanong ni Castor
"I think so.."
"If you really care for her, stay away from her Zaiden."
"What are you.."
Mabilis na nakalabas na ng silid niya si Castor.
"Hi!"
Gulat na gulat si Oceane ng mapansin ang lalaking nakaupo sa bintana ng kanyang silid. Nagbabasa pa siya ng libro, kaya naman relax siyang nakaupo sa kama habang naksandal sa headboard. Naka salamin pa siya at nakataas ang buhok.
"I never thought Malabo ang mata mo." Sabi pa nito
Naglakad ito papalapit sa kanya habang nakasalpak sa bulsa nito ang dalawa nitong kamay. Hindi ito ngumiti, seryoso pa rin.
"Kailangan talaga basta basta ka na lang papasok sa silid ko noh? Di mo ba alam ang salitang respeto? O privacy?"
Tatayo sana siya, pero mabilis na nakalapit sa kanya ang binata. Asa harapan na niya ito at nakaupo sa kama niya sa tabi niya. Nakatitig ito sa mata niya.
"You are really beautiful especially your eyes." Sabi nito
Pakiramdam niya, umakyat ang dugo niya sa ulo niya. Hindi kasi kumukurap ang lalaking asa harapan niya.
"M-masyado kang bolero." Sabi niya sabay iwas ng tingin
Narinig niyang nagsmirked ito.
"Do you trust me?"
"Huh? W-what?"
"I want you to see something. Do you trust me?"
Sa di niya malaman dahilan ay tumango siya. 'Do I really trust this man?'
Nakayakap siya sa likod nito while her legs wrapped around his waist. At ang mga braso at kamay niya, nakayakap naman sa balikat at batok nito.
Napapapikit siya sa tuwing babagsak ang katawan ni Castor. Humihigpit ang pagkakayakap niya sa lalaki. Tumatalon ito at umaakyat sa mga matataas na puno sa gubat. Ilang sandal pa, dahan dahan niyang idinilat ang kanyang mata.
Nakangiti ang binata sa kanya habang dahan dahan siyang ibinababa sa likod nito.
"Did I scare you?" tanong nito
"Hmf obvious ba? Pakiramdam ko wala na ang puso ko sa loob ng katawan ko." Singhal niya
Natawa naman ang binata. Napangiti siya. Lumingon siya sa paligid, mukhang nakatayo sila sa pinakamataas na sang mula sa pinaka mataas na puno sa buong kagubatan.
Naramdaman niya ang malakas na hangin.
"Hold me!"
"Huh?"
Kinuha ni Castor ang kamay niya at ikinalawit ito sa batok ng binata, pagkatapos ay kumilos ang binata. Ang isang kamay nito ay nakasuporta sa kanyang waist.
"Just look at me okay?"
Tumango naman siya. Naramdaman niyang tumalon ito, ilang beses, marami higit sa tatlo. Pagkatapos ay ngumiti ito.
Naramdaman na niya na flat na ang inaapakan niya. Napatingin siya sa tinatapakan niya. Isa iyong sahig na yari sa mga sanga ng puno. Lumignon lingon din siya sa plaigid. Mukhang okay nay un kinatatayuan nila.
"Maari mo ng alisin ang pagkakahawak mo.." sabi nito
Naalala niya na nakakapit pa rin pala ang dalawa niyang kamay sa batok at balikat pa rin ng binata. Agad niyang inalis ang kamay niya at bahagyang lumayo sa binata.
'Embarrassing'
Ngumiti naman ang binata saka bahagyang naglakad papalapit sa barandila na gawa sa malaking sanga ng puno. Pagkatapos ay lumingon ito sa kanya.
"This is my favorite place.." sabi niya
"Really? Makikita mo ba dito ang sunrise?" tanong nito
"Yeah! " sabi naman niya
Naglakad ito papalapit sa kanya.
Matapos niyang pagmasdan ang buong kalawakan ng kagubatan mula sa kanilang pwesto, napalingon siya sa binata.
'Ang gwapo niya..'
"May problema ba?" tanong nito
"Huh?"
"Nakatitig ka kasi, I thought may...."
"I –I just wondering..."
"Wondering what?"
"Y-yun lips mo kasi, ang pula pula. " 'Parang ang sarap halikan.'
Sumeryoso lang si Castor.
"Maybe because I'm a half vampire." Simpleng sabi niya
"G-ganun ba talaga ang mga itsura nyo? Maputla kayo pero ang mga labi ninyo..."
"Yeah, natural na ganyan." Simpleng sabi niya
'Alam mo bang pagtumitingin ako sa lips mo, parang ang sarap niyang halikan.'
Namumula ang mukha niya, pero yun ang gusto niyang sabihin.
Lumingon ang binata sa kanya. Seryoso. Nakaramdam siya na sobrang nerbyos dahil sa sobrang kaba ng ilapit nito ang mukha nito sa kanya. Akala niya ay hahalikan siya nito. Napapikit siya.
Napangiti naman si Castor, pagkatapos ay iniwas niya ang labi niya sa mukha ng babae, inilapit niya iyon sa tenga nito.
"Ang cute mo Oceane!"
Pagbalik niya sa silid niya, matapos siyang ihatid ni Castor, hindi mawala ang ngiti sa labi niya. Kahit hanggang sa mahiga siya sa kama. Kinikilig siya. Nagpagulong gulong pa siya sa kama habang yakap yakap ang unan niya.