Matapos ang Elemental Studies ay lunch time na. Bumalik sila main building para sa lunch sa Dining Hall. Nakabuntot na naman si Zaiden sa kanya.
"Bakit palagi kang nakasunod sa akin?"
"Huh? Hindi naman, nagkataon lang siguro na sabay tayo maglunch."
Hindi na siya sumagot. Malamang mapapahiya pa siya lalo pag sinita niya ang binata. Hindi siya sanay na may nakasunod palagi sa kanya. Pagpasok nila sa Dining Hall nanlaki na naman ang kanyang mga mata.
May Apat na mahahabang table, bawat table sa bawat section at level
Table 1: Fire Phoenix table, sa unahan ang First Level, sumunod ang Fire Falcon Second Level, tapos Fire Hawk Third Level tapos Fire Cordor Forth Level
Table 2: Water Dragon First Level, Water Serpent Second Level, Water Kraken Third Level and last Water Seaviper Forth Level
Table 3: Wind Eagle First Level, Wind Sparrow Second Level, Wind Cranes Third Level last Wind Owl Forth Level
Table 4: Earth Lion First Level, Earth Puma Second Level, Earth Tiger Forth Level last Earth Leopard Forth Level
Hinawakan na naman ni Zaiden ang kamay niya saka sila naupo sa pinakaunang table. Grabe sa dami ng pagkain, makatulo laway talaga. Marami ding mga estudyante kaya naman maingay sa buong hall.
Nagawi ang tingin niya sa di kalayuan. Naroon ang lalaki kaninang umaga si Castor. Nakaupo na naman ito mag isa at kumakain mag isa.
"Ayaw mo kumain?" tanong ni Zaiden sa kanya
Napalingon ito sa tinitingnan niya nun hindi siya niya ito sinagot.
"Okay lang siya." sabi ni Zaiden. " Half vampire kasi siya, takot ang ibang estudyante sa kanya."
"V—vampire? Yun... yung..."
Pakiramdam niya ay binuhusan siya ng malamig na tubig. Bumilis ang t***k ng kanyang puso. Natatakot siya. Bahagyang tumawa si Zaiden sa reaction niya.
"He's nice but he prefer to be alone."
"Close ba kayo?"
"He's my friend before..."
"Before?"
"It's a long story... kumain ka na."
Napalingon siya ulit kay Castor. Wala na ito sa upuan niya. Marahil ay natapos na itong kumain. Napatingin naman siya sa katabing lalaki. Halos lahat ng babae ang asa harapan nila at katabi nila. Mukhang hearthrob ang Alfiro na ito sa Fire Section.
Matapos ang lunch nila ay tumuloy sila sa susunod na subject nila ang History of Great Witches and Wizards. Napansin na naman niya na may kabuntot silang mga babae. From their level up to forth level.
"Mukhang ang dami mong taga hanga." Sabi niya
"Oo nga eh." simpleng sagot lang ng binata
"Is it okay with you na maraming nakatingin at nakasunod sayo? Para kang artista." sabi ni Oceane
"Artista? Ano yon?"
"Artista. Yun ang tawag namin sa mga sikat na tao sa mundo namin."
"I don't know why I am famous. I really don't have idea why they like me."
'Ang gwapo mo kasi. Makalaglag panty pag ngumti ka.'
"I hate them when they are chasing me, though"
Hindi sumagot si Oceane, nagpatuloy lang siya sa paglalakad.
"You're not one of them, right?"
Napatingin siya sa lalaki. Tumaas ang isa niyang kilay
"You're the one chasing me."
Nagsmirk ang lalaki. "Right."
Ilang sandali pa huminto ang lalaki. Napahinto rin siya sa paglalakad
"What?"
"This is the History Room."
Binuksan ni Zaiden ang pintuan. Kagaya ng itsura niya sa mga naunang subject nila. Napanganga siya ng makita ang loob ng room. Matataas na book shelves ang naroon, nagsisilbi na nga itong dingding sa dami at taas ng mga ito. Nakapagtataka lang, walang table o upuan sa loob maliban sa isang set ng table at chairs sa dulo.
"Sabi ni Kuya, ito daw talaga ang trip ni Prof Corvan pag nagtuturo ng History. Boring kasi ang mga names at dates na kailangan mo tandaan. So para ganahan ang mga estudyante, which is effective naman. Story telling style ang ginawa niya."
Namangha siya kay Zaiden habang nagkukwento. Para bang alam na alam niya ang lahat sa Academy. Bakit ng aba hindi, prure blood siya. Malamang dito rin nagtapos ang mga ninuno niya.
"Good Afternoon Everyone. I will be you Professor for History of Great Witches and Wizards. I'm Prof Corvan."
Matapos ang pagpapakilala nila, Malaya silang pinaikot ni Prof Corvan sa buong room. Malaya rin nilang mababasa ang mga librong naroon.
"Alam mo kakaiba ka sa mga normal na nakilala ko."
Napalingon siya kay Zaiden. Nakaupo ito sa tabi niya, may hawak itong libro. Tungkol sa mga Normal People.
"Hindi ka OA sa mga nakikita mo. Para bang relax ka lang kahit palihim ka na namamangha."
"Hindi ko nga rin alam,. Para bang pamilyar na sa akin ang lahat dito sa Academy. Siguro dahil napanaginipan ko ito."
"Same with me."
Napatingin siya sa lalaki. Seryoso ito
"Sa panaginip ko, may makikilala akong babae from other world."
Bahagya siyang natawa.
"Oh bakit ka tumawa?"
"Wala naman. Being that famous, I'm sure lahat ng babae kilala ka."
"No, you didn't get it. What I am saying is.... Nun makita kita kanina after kita mabangga, there's a spark. Parang we have a connection, parang nagkakilala na tayo noon."
Hindi siya nagsalita. Ganoon din ang naramdaman niya kanina. Pero binalewala lang niya ito.
"Wow!"
"Bewitched ang room na nito.."
Hindi niya maalis ang kanyang tingin sa mga stars, planets at iba pang mga bagay na makikita sa kalawakan. Na aamaze talaga siya.
"Kayo lang naman nga taga other world ang naniniwala sa ganyan."
Tinanong kasi ni Oceane kung naniniwala sila sa UFO's and ALIENs.
"Ako ang Divination Professor nyo, ako si Zeveray! Mula ako sa angkan ng mga Seer. Ituturo ko sa inyo kung paano makikita ang nakaraan at ang hinaharap. Kung paano maiiwasan ang mga bad lucks, paano maipapaliwanag ang isang panaginip,..."
'Grabe mukhang start na ng klase.'
Sa isang malawak na hardin ang huli nilang subject. Di katulad ng hardin ni Prof Wylun, mga gamut na halaman ang mga nakatanim dito. Lahat ay alaga sa dilig at pataba. May mga baging pa na makikita sa mga poste na ginagapangan ng mga halamang gamut na gumagapang.
"Oceane!"
Nagulat siya ng marinig niya ang kanyang pangalan.
"Ma'am!" dahan dahan niyang itinaas ang kamay
"There you are, from mortal world ka hindi ba?"
"Opo."
"Ang mga herbal ba ay tinatangkilik pa ng mga katulad mo?"
"Opo, marami pa din pong naniniwala sa herbal medicine."
"Good to know that, dahil dito sa mundo namin, herbal ang ginagamit namin sa lahat ng klase ng sakit. So everyone..."
Katulad ni Prof Zeveray, nagstart na rin ang klase ni Prof Laryn.
"Nabo-bore ka ba?" tanong ni Zaiden sa kanya
"Medyo."
"Gusto mo magjoke ako?"
"Ha?"
"Para hindi ka mabore.."
Tumawa naman siya. Todo effort ang lalaking ito para lang maging magkaibigan sila
"Hindi na kailangan."
Matapos ang kalse, nawala sa paningin niya si Zaiden Alfiro. Hinarang kasi ito nun mga kakulitan niyang mga kaibigan. Naglakad siya hanggang sa marating niya ang fountain. Pamilyar ang fountain na iyon. Huminga siya ng malalim.
'Naguguluhan ako. Bakit parang nangyari na ito dati.. Bakit parang lahat ng bagay dito ay pamilyar sa akin?'
"Bakit nag iisa ka?"
Napalingon siya sa kanyang tabi, naroon si Castor. Nakangiti sa kanya.
"H—hi. Ginulat mo ako."
Nagsmirked lang lang lalaki. Kagaya ng dati, nakapasok sa bulsa nitong ang mga kamay. Hinarap siya nito habang nakatitig sa kanya
"Hindi ka natatakot sa akin?"
"Hindi naman... masyado."
Ayaw sana niyang sabihin yung word na "masyado".
"Bakit bigla ka na lang susulpot tapos bigla rin mawawala?"
"Mabilis lang ako kumilos kaya di napapansin ng ordinaryong mata."
Humarap ito sa fountain. Mayamaya pa ay pumikit ito. Para siyang nagdadasal. Hindi naman niya inaalis ang tingin sa binata. Maya maya ay nagdilat na ulit ito ng mata.
"Everything you wish in this fountain will come true." Sabi nito
"Talaga? So kaya ka pumikit kasi nag wish ka?"
Hindi ito sumagot.
"Ano naman ang wish mo?" tanong niya ulit
"If I tell you it may not come true."
Bahagya siyang natawa. 'Oo nga naman. Ang epal ko.'
Nag umpisa na itong maglakad. Nakatingin lang naman si Oceane sa lalaki habang papalayo. Lumingon pa ito sa kanya.
"I'll visit you later."
Narinig pa niyang sabi nito. Pagkatapos ay nawala ito. Magaan ang loob niya sa lalaking iyon, kahit pa sabihin na half vampire ito. Kagaya ni Zaiden may connection siyang naramdaman kay Castor.
"Anong ginagawa mo dito? Mahamog na."
Napalingon siya sa likuran niya. Nakatayo si Zaiden doon habang nakangiti. Wala itong mga kasunod na mga babae.
"Hindi ko alam kung saan yun dormitory."
"Ganun ba? Tara sasamhan kita."
Muli hinawakan na naman siya ni Zaiden sa kamay. Maramign estudyante ang nakatingin sa kanilang dalawa. Hindi niya alam kung ano ang pinagbubulungan ng mga ito, pero proud siya dahil ang lalaking sikat sa mga babae ay kasama niya ngayon habang hawak hawak nito ang kanyang kamay. Naglakad sila sa hallway hanggang sa makarating sila sa tapat ng malaking pintuan. Itinapat nito ang tatak niya sa palad sa doorknob at bumukas na ito.
"Ito ang Dorm ng mga First Level. Ang Section Fire Phoenix. Bawat Level me kanya kanyang Dormitory. " sabi ni Zaiden habang naglalakad sila sa Dorm
"Sa tingin mo ba may bakante pang room?"
Ngumiti si Zaiden
"Oo naman. Lahat ng estudyante meron."
Huminto si Zaiden kaya napahinto na rin si Oceane.
"Sabi ko na sayo eh, oh eto ang room mo."
Itinuro pa ng binata ang name niya sa pintuan.
"Isang silid lang ang pagitan natin."
"Talaga?"
Napatingin siya sa tapat na pintuan ng kanyang silid. May pangalan iyon. "CASTOR"
"Natatakot ka ba sa kanya?"
Tanong ni Zaiden, napansin kasi nito na nakatitig sa pangalan si Oceane
"H---hindi naman... masyado."
"Sige pumasok ka na. Mamaya dadaan na lang ako sa silid mo."
"Bakit?"
"Mukhang wala kang dalang gamit, sasamahan kitang mamili sa Night Market."
Ngumiti si Zaiden saka kumaway bago pumasok sa silid nito. Tumitig muna siya sa katapat na pintuan ng silid niya. Tinitigan niya ang pangalan na nakalagay doon. Mayamaya ay mabilis niya isinara ang pintuan ng silid niya.
Simple lang ang loob ng silid, maliit lang ito at kasya lamang sa isang tao. May single size bed, may study table malapit sa bintana. Nang mailapag ang gamit sa kama, lumapit siya sa bintana. May puno roon sa tapat nito, makikita rin mula sa labas ng binatana ang lawak ng buong Academy.
"Hi!"
Gulat na gulat siyang napaupo sa sahig. Mula sa puno ay tumalon ito papasok sa kanyang bintana. Nagsmirked ito habang naglalakad papalapit sa kama niya. Hindi man lang siya tinulungan nito na tumayo.
"Anong ginagawa mo sa puno?" tanong niya pagkatayo niya
"At bakit ka pumasok sa silid ko?" dagdag pa niya
Tumayo ito sa kama saka lumapit sa kanya, nakatitig lang ito habang seryoso ang mukha. Naiilang siya sa ginagawa ng lalaking kaharap.
"You're Castor right? Ayoko na basta basta ka na lang papasok sa silid ko without my permission." Sabi niya
Kinuha niya ang bag niya sa kama. Lumapit naman ito at kinuha ang tablet niya.
"What is this?" tanong nito habang pinagmamasdan ang tablet niya
"Tablet yan." Sabi niya
Kunot noo itong tumingin sa kanya. Hinablot niya iyon saka inilagay sa bag.
"What do you want?" tanong niya
"Wala naman." Sabi lang nito
Naupo ito sa bintana habang pinapanood siyang maglipit ng kanyang gamit. Inilalagay niya sa cabinet ang mga robes niya at iba pang damit.
"Is this the first time na nakarating ka dito sa Academy?" tanong nito
Tumingin lang siya sa lalaki. Pagkatapos ay ibinalik niya ang tingin sa loob ng bag niya
"Ano sa palagay mo?" balik tanong naman niya
Hindi na ito nagsalita, nakatingin lang sa ginagawa niya.
"You're a vampire..." sabi niya
Mukha naman na di na conscious ang lalaki sa sinabi niya
"Are you going to suck my neck?" tanong niya
"What if I say, that's the why I'm here. What will you do?"
Napatingin siya sa lalaki. Napalunok siya. Bahagyang ngumiti ang lalaki.
"I'm a friend, and I'm well fed."
Nakahinga siya ng maluwag. Mukha naman na hindi talaga siya kakagating ng lalaki.
"May gamit ka na sa mga subject natin bukas?" tanong niya
"Wala." Sabi lang nito
"Sumama ka na lang sa'min ni Alfiro, sasamahan daw niya ako sa Night Market para mamili ng mga gamit."
"Don't trust him." Sabi nito
"Bakit?"
"Bago ka pa lang dito diba? Dapat maging maingat ka sa mga kakaibiganin mo."
Napalingon siya sa binata. Ilang sandali pa ay nawala na ito sa paningin niya.
'Saan na siya napunta?'