Chapter 3: Wand Making

1899 Words
'Wow' Hindi maiwasan ni Oceane na mapanganga sa ganda ng lugar na iyon. Para siyang nasa ibang mundo, I mean sa ibang mundo naman talaga siya. Napangiti siya. "You're cute!" Napalingon siya sa katabing binata. Nakangiti ito sa kanya habang nakatitig. Pinamulahan siya ng mukha. "Bakit ka nakatitig sa akin? May dumi ba ako sa mukha?" tanong niya "D' you know that you're cute?"sabi ng lalaki. Hindi siya nakapagsalita, imbes ay pinamulahan siya ng mukha. "Let's go?" Tumango naman siya. Nagsimula silang maglakad. Hindi siya makapaniwala. Palingon lingon siya sa paligid. Maraming estudyante ang namimili sa Night Market. "So, I think unahin natin ang parchment at quill." Napalingon siya sa binata. Binabasa nito ang papel na hawak niya. Nagulat pa siya ng bigla itong lumingon sa kanya. Pinamulahan na naman siya ng mukha. Biglang iwas siya ng tingin sa binata. Napangiti naman ito. "Tara Oceane doon tayo!" Naglakad ito at sumunod naman ang dalaga. Pumasok sila sa isang tindahan. Halos mga gamit sa pag aaral ang makikita doon. Napalingon siya sa binata, abala ito sa pagpili ng mga parchment at notebook sa di kalayuan. Napasulyap siya sa kabilang bahagi ng store, naroon ang binatang bampira. Mukhang namimili rin ito. Muli siyang lumingon kay Zaiden Alfiro, "May napili ka na?" Gulat na gulat na siya ng marinig ang malamig na boses malapit sa kanyang tenga. Napalingon siya. Nakatayo sa likuran niya ang batang bampira. "Magugulatin ka talaga noh?" sabi nito "Pwede ba..." inisnab niya ang binata Narinig niyang nagsmirked ito. Isang quill ang iniabot nito sa kanya. "Heto, maganda ang isang ito." Sabi nito Kinuha niya ang quill. Pagkatapos ay tumingin ito sa likuran niya, napalingon rin siya. Nakangiting papalapit sa kanila si Zaiden. Muli siyang lumingon sa bampira, ngunit wala na ito. Lumingon lingon pa siya sa paligid, mukhang nakaalis na ito. "Nakapili ka na?" tanong ni Alfiro paglapit sa kanya Tumango naman siya. Makalipas ang ilang oras natapos sila sa pamimili ng mga kailangan nila. Naglalakd na sila pabalik sa Acedemy. "Wala ba tayo nakalimutan Zaiden?" tanong niya Lumingon sa kanya ang lalaki. "Ha? Parang okay na naman ang lahat. Nabili natin." Sabi naman nito "Yun wand natin, wala tayo binili na wand." Sabi niya Lumingon sa kanya si Zaiden, ngumiti pagkatapos ay inalis rin nito ang tingin sa kanya. "Self-create yun wand natin." Sabi naman nito "Self create?" "Yeah, tayo ang gagawa, diba ang cool!" sabi pa nito Bahagya naman siyang napangiti. Mukhang magiging close nga sila ng binatang lalaki. Sa gitna ng gubat malapit sa lawa sila naupo ni Alfiro. Bilog ang buwan kaya naman maliwanag ang paligid, maliban sa mga fairies na nagkalat sa buong kagubatan. "Anong gagawin natin dito?" Sinundo siya ng lalaki sa kanyang silid bago mag eve of full moon. Napag usapan nila ito matapos nilang mamili sa night market. "We will make a wand." Nakangiting sabi ni Alfiro "Talaga?" mangha naman niyang sabi. Ngumiti lang si Alfiro. Mula sa bag nito, kumuha siya ng kandila, ng kristal. Pagkatapos ay tumayo ito. Napahawak siya sa kamay nito. Napatingin naman ang binata sa kamay nito habang hawak niya. Agad siyang bumitaw. "S-saan ka pupunta?" tanong niya "Kukuha lang ako ng stick, may napansin akong Oak Tree sa banda dun." Sabi nito "I-iiwan mo ako mag isa dito?" "Sandali lang ako." "H-ha? Wag kang umalis." Sabi niya Napangiti ito. Naupo sa harapan niya. Pinisil nito ang ilong niya. "You are really cute!" sabi nito. "I'll be quick, promise!" Tumayo ulit si Alfiro saka naglakad papalayo sa kanya. Napalingon siya sa paligid. Kahit pa na maliwanag ito dahil sa liwanag na angmumula sa buwan, iba pa rin ang pakiramdam pag nag iisa. Nakarinig siya ng ingay mula sa itaas ng puno, mula iyon sa kwago, sumunod ay mga tawanan sa di kalayuan. Agad niyang kinuha sa bag niya ang tablet niya. Mabilis na inilagay sa magkabilang tenga ang earphones. "You're alone!" Akala niya ay lalabas sa dibdib niya ang puso niya sa sobrang gulat. Isang malamig na boses na naman narinig niya sa tapat ng kanyang tenga. Hindi pa niya kasi naipapasok ang isang earphone sa kabila niyang tenga. "Wah!..." Narinig niyang tumawa ang boses na iyon,napalingon siya. Ang batang bampira. "Papatayin mo ba ako?" inis niyang sabi Inalis niya ang headset niya sa tenga. Ipinasok iyon sa loob ng bag niya. "Anong ginagawa mo dito?" tanong nito na parang hindi narinig ang sinabi niya kanina. "Kasama ko si Alfiro, nandito kami para gumawa ng wand." Sabi niya Hindi nagsalita ang lalaking katabi niya. Nakatingin lang ito sa mga gamit niya na nagkalat sa damuhan. "Bakit palagi ka na lang sumusulpot? Wala ka naman plano na...." Hindi niya maituloy ang sasabihin niya. Naiisip kasi niya ito. Hahawakan siya ng binatang ito sa kanyang batok saka sisipsipin ang dugo niya sa kanyang leeg. "Bakit palagi ka na lang nagtatanong sa akin ng ganyan?" tanong nito Bahagya siyang nagulat ng ilapit nito sa mukha niya ang mukha nito. Pumikit siya ng mariin. Napalunok siya. Mukhang sasakmalin na siya nito. Narinig niyang nagsmirked ang bampira. Hindi pa rin siya nagmumulat ng kanyang mata. Nagulat siya ng maramdaman na may lumapat sa leeg niya. Malamig iyon. Wala naman siyang naramdaman na masakit o parang sinisipsip ang dugo niya. Unti unti niyang iminulat ang kanyang isang mata. Nakatitig lang sa kanya ang bampira, uminulat na niya ang pareho niyang mata. Napatingin siya sa braso nito hangang sa kamay nito. 'Daliri lang niya ang nakalapat sa leeg ko?' "No matter what happen, I'm the one who will protect you!" seryosong sabi ng bampira. Nang sandaling iyon, habang nakatitig din siya sa mata ng binatang bampira, hindi na siya nakaramdam ng takot dito. Itinaas niya ang kamay niya, gusto niyang mahawakan ang mukha nito. Ang pisngi nito. Natigil ang paglapit ng kamay niya sa mukha nito ng marinig ang boses ni Zaiden sa di kalayuan. "I'm still here!" sigaw niya Napalingon siya ulit sa binatang bampira ngunit wala na ito. Naramdaman niya ang pag upo ni Zaiden sa tabi niya. "Sorry if I took so long..natakot ka ba?" tanong nito 'Noong una natakot ako, pero nawalan rin kaagad.' "Hindi naman." Simpleng sabi niya "That's good!" sabi naman nito. Napangiti siya. Napansin ko hawak nitong dalawang sanga ng puno. "So let's start.." Iniabot niya sa dalaga ang stick at isang pirasong crystal. "A-anong gagawin natin?" "Wait we need to secure the light." Hinawakan ni Zaiden ang kandila, pagkatapos ay may sinabi niya. "Ayarke!" Wala naman siyang napansin na kakaiba sa kandila. Pagkatapos sabihin ni Alfiro ang salitang iyon. Sinindihan nito ang kandila. "Baka mamatay yun apoy Zaiden." Sabi niya Napangiti lang ang binata. Mayamaya ay lumakas ang ihip ng hangin. NAkaramdam siya ng ginaw. Napayakap siya sa sarili. Nagulat siya biglang ilapit nito ang mukha katawan nito sa kanya, akala niya ay kung ano ang gagawin nito sa kanya, pinamulahan siya ng mukha ng ipatong ni Zaiden ang robe niya sa balikat niya. Mabuti na lang at madilim, hindi halata na nag iinit ang mukha niya. "It makes you warm." Nakangiting sabi ni Zaiden "T-thank you." Napansin niya na hindi namatay ang apoy sa kandila. "Bakit hindi..." "I made a smell to protect the fire." Sabi lang ni Zaiden Gamit ang apoy mula sa kandila, bahagya pinainit ni Zaiden ang Kristal, ng mag iba na ang kulay nito ipinatong niya ito sa stick mula sa Oak Tree. Sabay niya itong initapat sa ibabaw ng apoy ng kandila. "Spiritus ignis te appello Benedicat virgam istam propter me. Quid mihi opus sit amet, Da mihi, quaeso, non plus. So mote it be. " Pagkatapos ay binaligtad naman niya ang Kristal at ang stick sa ngayon asa ibabaw na ang Kristal at asa ilalim ang stick, muli niya itong itinapat sa itaas na apoy ng kandila. "Spiritus ignis te appello Benedicat virgam istam propter me. Quid mihi opus sit amet, Da mihi, quaeso, non plus. So mote it be. " Tumingin ang binata sa kanya. "Gawin mo ang ginawa ko." Sabi nito "Ha?" Ginawa naman niya ang ginawa ni Zaiden kanina. Nang matapos iyon,hinawakan siya ng binata para tulungan na tumayo. "Tapos na? Wand na ba ito?" tanong niya Umiling naman si Zaiden. "Hindi pa, recharge muna natin. Balikan na lang natin bukas ng gabi." "Recharge?" 'Grabe bakit power outlet ang naiisip ko?' "Oo sa liwanag ng buwan." Sabi nito Matapos nilang mailagay sa safe at naliliwanaga ng buwan ang wand na ginawa nila. Muli silang naglakad pabalik na Academy. Tahimik lang si Zaiden, nahihiya naman siya na magsalita. "Hindi k aba talaga natakot kanina?" tanong nito Napatingin siya sa binatang katabi. Nakatitig ito sa kanya. "Hindi naman, nakatulong ang gadgets na dala ko para hindi ako matakot." Sabi naman niya "Mabuti naman." Sabi nito Napangiti naman siya. Mukhang okay naman si Zaiden at yung batang bampira. Nakarinig siya ng kaluskos mula sa kanilang harapan. Para bang may kung anong papalapit sa kanila. Malayu layo pa ang Academy. Napahawak siya ng mahigpit sa braso ni Zaiden, May kulay pulang liwanag kasi siyang nakita mula sa mga halaman sa di kalayuan. Mayamaya ay lumabas ang grupo ng mga usa. Nanginig ang tuhod nya sa takot. Bahagya naman nasaktan si Zaiden sa higpit ng pagkakahawak ng dalaga sa kanyang braso. Mukhang natakot ito sa narinig nilang kaluskos. "S-sorry..." sab into Unti unti nitong inalis ang pagkakahawak sa braso niya. Ngumiti lang siya. Hindi maiwasan na mapakunot ang noo niya. Napansin iyon ng babae. "Why?" tanong nito "Ah wala... wala naman." Bahagya niyang inalis ang dumikit na tela ng sweat shirt sa braso niya. "You're hurt!" Hawak hawak ng babae ang braso niya, di kalayuan sa sugat niya. Hindi niya napansin na dumugo pala ito dahil sa higpit ng pagkakahawak ni Oceane kanina. At kaya ito nakita ng dalaga dahil natapat sila sa liwanag ng buwan. "It's bleeding.." Huminto sila sa paglalakad. Nagulat siya ng itaas nito ang kamay niya at ipatong sa balikat. Mayamaya ay may kinuha itong tela sa bag nito. Isa iyong panyo. She fold it and put it sa sugat niya. Maingat itong ibinihol ni Oceane.Ilang sandal pa natapos na ito. "Thank you!" sabi naman niya "Anong nangyari? Bakit may sugat ka?" tanong nito Nagsimula na ulit sila maglakad. "Nag alala kasi ako sayo kanina, baka matakot ka kung magtatagal ako kaya nagmadali akong makakuha ng stick. Unfortunately sa kakamadali ko, sumabit ako sa stem ng isang halaman na maraming tinik." natatawang niyang kwento napakamot pa siya ng batok. Tumigil sa paglakad ang babae. Napalingon siya dito. Nakatitig ito sa kanya. "Bakit?" tanong niya Nagulat siya ng bigla siya nitong yakapin. Mahigpit, matagal. Napahawak naman ang isang kamay niya sa likod nito. "Thank you Zaiden. This is the first time na may taong nag alala sa akin." Sabi nito Narinig pa niya ang paghikbi nito. Mukhang umiiyak ito. "We're friends right? Kaya dapat lang siguro na mag alala ako." Sabi naman nya "Are you okay?" tanong nito sa kanya Nasa tapat na sila ng silid nila. "Ako ang dapat magtanong sayo kung okay ka na." sabi naman nito Napangiti siya. "Masyado ka naman mag worry, baka mainlove ako sa iyo nyan." Pinamulahan ng mukha ang babae. Napansin niya iyon. "You're blushing!" sabi niya Umiwas ng tingin ang babae. Pagkatapos ay sumimangot. "Hindi ka magkakagusto sa akin Zaiden, I will assure you." Pagkasabi nun ay binuksan nito ang pinto sa ng silid nito at mabilis itong pumasok. Napailing naman habang nakangiti. Tumalikod siya 'You're late Oceane!'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD