Chapter 1: It All Started Here (Again)

1452 Words
Nakatingala si Oceane sa mataas na gate sa harapan niya. Sukbit niya ang kanyang back pack na kulay pink. Habang hawak ng kanyang kanang kamay ang tablet niya. May headset siya sa tenga na konektado sa hawak niyang tablet. Ilang sandali pa, bumukas na ang malaking gate. Habang unti unting bumukas ang gate, unti unti rin bumubuka ang kanyang bibig. "WOW!" hindi niya napagilan ang sarili Isang malaking building ang unang makikita pagpasok sa gate, may mataas itong pintuan at may malaking orasan sa itaas. Mukha itong cathedral sa unang tingin. Nagsimula ng pumasok ang mga estudyanteng kasama niyang naghihintay kanina. Dahan dahan siyang naglalakad at lumilingon sa paligid. Grabe ang lawak ng Academy. May malaking open field sa magkabilang tabi ng entrance hall. 'Ibang klase! Ang astig!' Hindi mapaigilan ni Oceane ang pagkamangha niya sa loob ng entrance hall. Ang lawak ng loob nito. Sa loob nito ay may mga malalaking larawan na gumagalaw. 'Sila ang mga great wizards..' 'Lahat yan ay nag aral dito sa Academy.' 'Sana magkaroon din ako ng ganyan balang araw.' 'Lahat ng meron larawan ay ang mga wizards na namatay na. Gusto mo bang mamatay agad?' Napangiti siya sa mga naririnig na kwentuhan sa mga kasabay na estudyante sa hall. Ilang sandali pa lumabas na sila sa entrance hall. Nanlaki ang mata niya ng makita ang apat na building sa harapan niya. Malayo ang pagitan ng mga building sa bawat isa. "Welcome back students! Welcome new comers! The class starts in 10 minutes. Find your Section and line up properly while entering your room. " Mula sa kung saan ay narinig nila ang boses na iyon. Nagsimula ng maghiwahiwalay ang mga estudyante. Napakamot siya sa ulo. 'Oh no, saan ba ang section ko?' "Can I see your hand?" Napalingon siya sa nagsalita. Isang gwapong lalaki ang katabi niya. Kasing edad niya ito, seryoso ang lalaki habang direktang nakatingin sa kanyang mga mata. Hindi ngumingiti ang lalaki, kinuha nito ang kanyang kamay. "We're in the same Section." Binitiwan nito ang kanyang kamay at nag umpisang maglakad. Muli nitong ipinasok ang kamay sa bulsa ng suot nitong pantalon. Mabilis siyang naglakad para maabutan ang lalaki. Hindi siya nagsasalita, palihim siyang sumusulyap sa lalaki. Napansin niyang namumutla ito, pero mapula naman ang labi. 'Grabe ang pula ng labi niya. Para bang nang- aakit. Siguro ang sarap niyang halikan.' Bahagya pa siyang nagulat ng lumingon ang lalaki sa kanya. Tumigil ito sa paglalakad, ganoon din siya. "I'm Castor." Pagkasabi nito ay tinalikuran na siya at pumasok sa loob ng silid. Wala pa ang Prof kaya naman maingay pa sa loob ng klase. Lumingon lingon siya sa paligid. Napako ang tingin niya sa lalaking kasabay niya kanina. Nakaupo itong mag isa sa may bintana. Halos walang nagtatangkang lumapit dito. May isang lalaki pa na mabilis na kinuha ang upuan sa tabi ng binata saka mabilis na umalis. Inilipat lang nito ang upuan sa di kalayuan sa lalaki. 'Anong problema nila? Bakit nilalayuan nila ang lalaking yon?' Isang grupo ng mga lalaki ang nagtutulakan habang naglalakad sa loob ng room. Isang malakas na pwersa ang nagtulak sa isang lalaki, kaya naman na-out of balance ito at natumba. Sakto naman iyon sa pwesto ni Oceane. "Aray! Aray ko.." reklamo niya Di niya maintindihan, nagulat siya nun makita ang lalaking nakadagan sa kanya. Nakatitig naman ang lalaki sa kanya. Agad niya itong itinulak papalayo sa kanyang katawan "Uy Miss Sorry." Agad na tumayo ang lalaki na asa ibabaw niya, tutulungan sana siya nitong tumayo dahil iniabot pa nito ang kamay nito. Imbes tinabig niya iyon at tumayo siyang mag isa. "Miss are you hurt?" tanong pa nito Tiningnan niya ito ng masama. "Look!" Itinuro niya ang dumudugo niyang noo. Tumama kasi ito sa dulo ng table. "Sorry talaga Miss, tara samahan kita sa clinic." Imbes na makinig sa lalaki, naupo siya at kinuha ang panyo sa bag niya ang pinunasan ang dugo sa kanyang noo. Dumating na ang Prof, nagulat pa siya ng maupo ang lalaking iyon sa tabi niya. "Let me heal that.." Papalag pa sana siya pero may idinikit na itong kulay puting tela sa noo niya. Ngumiti ang lalaki sa kanya. "After 5 minutes, wala na yan sugat mo." Hinawakan lang niya ang kanyang noo. Nasalat pa ng kanyang daliri ang magaspang na tela. "Good Day Everyone! My name is Prof Aleara. I will be your SPELL Professor. So.. Mukhang marami tayo ngayon ah.." Kagaya ng ibang school, nagpapakilala ang mga estudyante sa buong klase. Tipikal na pagpapakilala. Napalingon ako ng tumayo ang lalaking weird. Hindi pa rin siya ngumingiti. Bahagya siyang nagulat ng tumingin ito sa kanya. "I'm Castor Craven Silverwood. 15 years old." Hindi inaalis ng lalaki ang tingin sa kanya. Para bang siya ang kinakausap nito. Nahuli pa niya na bahagya itong ngumiti sa kanya saka binawi nito ang tingin. Napatingin naman si Oceane sa katabing lalaki. Tumayo ito para magpakilala. Napatingin din siya sa mga kaklase nilang babae. Lahat ay nakatutok ang mata sa lalaking katabi niya. 'Grabe dami pala taga hanga ng lalaking ito?' "Hi, I'm Zaiden Alfiro. Pure blood and 15 years old." Walang nagsalita ng matapos ito. Para bang may dumaan na hubad na anghel. "Your turn hija.." Mabilis siyang tumayo, inalis ang headset sa tenga niya. "H---hi. My name is Oceane Gyresky from the other world. I'm 15 years old." "Wow, it seems that you're the only one who came from the Normal World." Sabi pa ni Prof Hindi siya sumagot, naupo na siya ulit. After sabihin ni Prof Aleara ang mga gagawin nila sa loob ng isang semester, maaga nitong tinapos ang klase. Naglakad sila para sa susunod na subject nila. Nagulat siya ng magsalita na naman ang lalaking nakaaksidente sa kanya kanina. Nakangiti ito. "Wait." Napalingon siya sa binata. Nakangiti itong nakatitig sa kanya. Nakaramdam siya ng kakaiba. Bahagya pa siyang nagulat nun ilapit ng lalaki ang mukha nito sa kanya. He's too close Inalis nito ang kaninang tela na idinikit nito sa kanyang noo kanina. Nakatitig naman siya sa lalaki. "Magaling na." sabi pa nito Napahawak siya sa noo niya. Wala siyang makapa na sugat. Hindi siya nakuntento, kinuha niya ang tablet sa bag niya saka ginawang salamin ang screen nito. Wala ngang sugat. "I'm sorry." Sabi ng lalaki Inalis niya ang tablet na humaharang sa pagitan ng mukha nilang dalawa. "Kung di ito gumaling, isusumpa kita." Sabi niya Bahagyang tumawa ang lalaki. Hindi naman siya nagsalita. Nagpatuloy siya sa paglalakad. Kasunod naman niya ang binata. Nanlaki na naman ang kanyang mga mata ng makita ang magandang hardin. Iba't ibang kulay ng bulaklak ang naroon. Marami din itong paruparu, bubuyog at mga fairies. "Mukhang mahilig ka sa mga bulaklak." Sabi ng lalaki sa tabi niya Lumingon siya pero mabilis din niya inalis ang tingin sa binata. Maganda kasi ang mga mata nito, may malalim pang dimples sa magkabilang pisngi. Lumilitaw ito sa tuwing ngingiti ang lalaki. 'Masyado siyang gwapo, nakakatakot.' "Hey tingnan mo." Sa tapat ng kanyang mata ang kamay ng lalaki. May hawak itong fairies. Isang maganda at maliit na tao na may pakpak. Maririnig mo rin ang pagbilis ng kampay ng mga pakpak nito. "A---ang ganda nya." Sabi niya Ngumiti naman ang lalaki sa kanya. "You want to hold her?" "Ha?" "It's okay. They're harmless." Inalalayan pa ng binata ang kamay niya habang nakapatong sa palad niya ang fairy. 'Di ako makapaniwala, nakatayo ang fairy sa kamay ko.' "Ang ganda mo habang tinititigan." Napalingon siya sa lalaki. Nakatitig pala ito sa kanya, nakangiti. Naramdaman niya na umakyat sa kanyang ulo ang dugo niya. "You're blushing!" Agad siyang umiwas ng tingin. Pinalipad niya ang fairy sa mga bulaklak at naglakad papalapit sa pintuan ng isang bungalow. "Feeling ko, magiging close tayo." sabi ng lalaki Napatingin siya lalaki. Nakangiti ito. Sumimangot siya. "In your dreams!." Nagsmirk ang lalaki. Binuksan niya ang pinto ng bahay. Natigilan siya ng makita ang loob nito. Para itong bahay na gawa sa malalapad ng dahon. Mabango rin ang loob nito, parang pabango mula sa mga bulaklak. "Halika na.." Walang sabi sabing hinawakan ng lalaki ang kanyang kamay. At naupo sila sa isang malaking round table. Isang lalaking may suot na green na coat at cap na red. Pamilyar ang suot nito sa isang pelikula na napanood niya sa kanilang mundo. "Isa siyang shefro." Napalingon na naman siya sa lalaki. Naupo ito sa tabi niya. "Shefro?" "Yup, male fairies called shefro." "F—fairy si Prof Wylun?" Tumango lang ang lalaki habang nakangiti. KKKKKKKRRRRRRRRRRRIIIIIING "Students, you will have a 1-hour lunch break. All were forbidden to go out of school if you have not finished the class. The clutter is put in the right rings. the noise is prohibited in hallways and corridors."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD