Chapeter 02

1970 Words
Chapter 02 "Gavin," bulalas ko nang makita ang lalaki na kampanteng nakasandal sa hamba ng pintuan.Halata sa mukha niya ang pagod at puyat. Magulo ang alon-alon nitong buhok. Infairness, ang gwapo pa rin niya! Hindi nakakasira ng araw kapag ganito ang bubungad sayo sa umaga. "Good morning," magiliw na bati niya sa akin. Lumapit siya sa akin at dinampian ako ng isang halik sa pisngi. "B-bakit ang aga—aga mo naman?" aligaga kung tanong sa kanya. Napasulyap ako sa orasan na nakasabit sa dingding mag ala-sais pa lang ng umaga. Hindi ko maikubli ang kabang nararamdan ko ngayon at hindi ko alam kung bakit. Kung saan kasintahan ko na siya saka pa ako nakaramdam ng ganito. Kinakabahan ako sa presensiya ni Gavin. "Bakit ayaw mo bang makita ako?" tila may himig na pagtatampo sa tono ng boses niya. "S-siyempre gusto," mahina kung sagot at dali–dali akong nagtungo sa kusina.Ramdam ko ang pagsunod sa akin ni Gavin. "Ang akin lang bakit hindi ka muna magpahinga parang napuyat ka kagabi," nag alala kong sabi sa lalaki habang nagsasalin ng mainit na tubig sa tasa. Ititimpla ko siya ng kape. "Mas mahalaga ka pa sa pahinga ko, Mahal," masuyo niyang sabi sakin. Pasimple naman akong napangiti sa sinabi niya. Palihim akong kinikilig sa mga simpleng banat niya. "Masanay kana dahil araw–araw ko na itong gagawin. Naiintindihan mo ba ako, Mahal?" ma awtoridad na turan nito sa akin. Wala ako sa sariling tumango-tango na lang. Parang ibang Gavin ang kaharap ko ngayon sweet din pala ito mas kilala ko itong tambay at loko-loko. Mas marami pa ang kalokohan kaysa magseryoso. "S-sigurado ka," i teased him sabay abot ng kape na ginawa ko para sa kanya. "Oo naman ikaw pa ie ang lakas–lakas mo sa akin lalo na ngayon girlfriend na kita," pagmamalaki pa nito sabay kindat sakin. Kinuha niya ang palad ko at dinampian ng mumunting halik ang likod ng mga iyon. Hindi ko naman alam ang itutugon sa kanya hindi ako sanay sa mga ganitong gesture ni Gavin sakin. Mas sanay ako makipagbardagulan sa lalaking ito araw–araw. Hayyy na lang sabi ng puso ko! "Gavin," sambit ko. "Dapat masanay kana dahil araw.araw ipaparamdam ko sayo kung gaano kita kamahal, Maddie," he said sweetly na halos ikakasabog ng puso ko nagtatalon ito sa saya. Ganito ba talaga kapag inlove ang isang tao? Seriously?? Kinuha ko ang kamay ko mula kay Gavin. Nang maalala ko na may gagawin pa ako ng bigla niya akong hapitin sa bewang. Napaitlag ako sa gulat muntik na akong sumubsob sa kanyang dibdib buti na lang naitukod ko ang isang kamay sa mesa. "Maddie, Mahal," mahina niyang tawag sa pangngalan ko. Siya lang ang tumatawag sa akin ng ganyan sa pangangalan ko. Mas nasanay ako sa maddison na halos tawag nila sa akin. Sobrang tigas ng pagkakabigkas nila ng maddison, kumpara kay gavin sa tuwing binibigkas niya ang pangngalan ko ay napakasarap nito pakinggan sa tenga. Malambot at may kasamang lambing. "hmm..." tugon ko. At pilit iniiwas ang tingin ko sa kanya. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya nahihiya ako. But he lift up my chin para magpantay ang mga mata ko sa mga mata niya. I sighed! Parang nagkakarerahan ang puso ko, sobrang bilis ang bawat t***k nito. Napatitig narin ako sa mga mata niya. Ang ganda tingnan ang mga mata nitong kakaiba ang kulay. Kulay abuhin na may dalang kakaibang kinang. Sa dami kung nakilalang tao sa Gavin lang ang nakita kung may mga mata na ganito. Nakaka-akit at nakakadarang! Nakakalula! "Gavin," mahinang sambit ko Unti-unting lumapit ang labi nito sa labi ko halos ikapanlaki ng mga mata ko. Gusto ko siyang itulak baka may biglang papasok dito sa kusina nakakahiya kapag makita nila kami sa ganitong posisyon. Lalo pat andito ang mga kapatid ko at si tatay. Pero ayaw ng mga kamay ko tila ba may sariling isip ang mga ito. At kusang tumaas at pumalupot sa leeg ng lalaki, gustong-gusto ko din ang nangyayari. Marahan akong napapikit para akong hinihila ng antok. Tila ba nahihipnotismo ako sa labi na nakadampi sa labi ko. Marahan,matamis at banayad ang bawat hagod nito sa labi ko. Humigpit ang kapit niya sa bewang ko.Kailangan ko pa tumingkayad para matugunan ng maayos ang mga bawat hagod ng labi niya na humahalik sa mga labi ko. Dahil first time ko makipaghalikan ginaya ko ang bawat galaw ng labi niya. Dati palihim lang akong nakatitig sa labi nitong manipis at mapupula. Pero ngayon nararamdaman ko na mismo sa labi ko ang mga labi niya. Masarap pala ito. Palalim ng palalim ang bawat halik ni Gavin sa kin. Kulang nalang magkaubusan kami ng hangin. Kinagat niya ang pang ibabang labi ko at naiwang naka-awang ang sa ibabaw at ipinasok ang dila niya sa loob ko. "Ate..." tili mula sa likuran namin. Naitulak ko si Gavin sa gulat ko na nagpabalik ng ulirat ko. Hingal na hingal ako ng makabitiw ako sa kanya. Hiyang.hiya akong dahan-dahan na lumingon sa pinang galingan ng boses. Nanlaki ang mga mata nila aurelia at ricky. Napatingin ako kay Gavin kampante lang ito parang hindi man lang apektado. Nakuha pa nitong maglakad na nakapamulsa palabas ng kusina. Napamaang nalang ako! Iiwan lang ako sa ere ng ganun-ganun lang yun. Okay din ang lalaking ito nakakainis. Paano niya nagagawang maging kampante lang kung siya ang laging nagdadala ng kahihiyan sa akin. And its my fault dahil gustong.gusto ko rin naman. "Wow!maddison ang agang kainan ng labi ahh," pang uyam ni Aurelia. " Kung nagsaing ka, eh , d may kanin na tayo," nakangising wika nito. "Kayo na ate?" litong tanong ni ricky na pasimpleng pasilip-silip kay Gavin sa likod bahay. Nakikipag usap ito kay tatay! Tanging tango lang ang itinugon ko sa kapatid ko nahihiya parin ako sa kanila.Di naman napigilan nito ang mapatili. "Hoy, ingay mo bakla," sita ni aurelia sa kanya na dinagukan pa niya ito. Napakamot na lang ito at muling bumaling sa akin. Kaya sumenyas-senyas na lang ito. Napapngiti na lang akong nakatingin sa kanilang dalawa ni Aurelia. Nakikita ko sa kanila na masaya sila para sa akin. "Ano pa ang tinatanga-tanga mo diyan, Maddison? Bakit hindi kapa maligo?Paghihinatayin mo si Gavin?" kastigo sakin ni tatay ng makita akong hindi parin kumikilos para maligo. "Oo nga! kumilos kana!" singit ni Aurelia "H'wag muna problemahin ang tubig mo sa banyo. Dahil kanina pa pinuno ni Gavin lahat ng mga batya. Mahal na mahal ka talga pinsan." Napatakbo ako sa banyo at totoo nga ang sinabi ni Aurelia. Puno ang mga batya!Napapangiti na naman ulit ako. "Bilis–bilisan mo Maddison at nakakahiya diyan sa nobyo mo ang aga-aga andito na sa bahay para lang pagsilbihan ka," ani ni tatay habang nagpapatalas ng itak. "Alam muna tatay?" nahihiyang nakayukong tanong ko sa aking ama. "Kahapon pa pinuntahan ako sa bukid at maayos na nagpaalam sa akin." Muli akong napangiti at napatingin ako sa kinaroroonan ni Gavin.Nakikipagharutan naman ito kay bunso namin. May humaplos sa puso ko, natutuwa ako dahil lahat ng miyembro ng pamilya ko boto kay Gavin at parang totoong kuya ang turing ng mga kapatid ko sa kanya. Mabait at maalalahanin si Gavin nakikita ko yun lalo na sa mga magulang niya. Blessing nga daw ito sa dalawang matanda ang sabi ni aling conchita menapusal baby sa Gavin. Most of the time nga lang napakapilyo nito. Utak lagi ito ng rambulan sa barangay namin may pagkamainit ang ulo. Dahil sa ugali niyang yan. Hindi nito natapos ang kolehiyo, anak ni mayor ang huling binugbog niya Isa sa pinakagusto ko sa kanya kapag mahalaga ka sa kanya.Mas nauuna ka sa priority niya kaysa sarili niya. Kaya ko ito palihim na minamahal dahil noon pa ramdam ko ang pagpapahalaga niya sa akin.Paborito niya akong paiyakin noong bata pa ako. Galit na galit siya kapag tinatawag kung Kuya laging nagsasalubong ang makapal na kilay nito. Andun din siya noong araw na una akong dinatnan alalang-alala siya sa pamumutla ko at pananakit ng puson sobra siyang nataranta sa kung ano ang gagawin buti nalang andun si manang tindera. Araw-araw naka-abang siya lagi sa akin sa eskwela tumatiming ito lagi kapag uwian na namin. Lahat pala ng iyon ginagawa niya dahil mahalaga ako sa buhay niya. "Ano maddison?" untag sakin ni tatay "Titigan mo nalang yang si Gavin o magkikilos ka," galit na sabi ni tatay sa akin. "Opo tay," tugon ko. "Ay... tay bat hindi mo isama si tonton sa bukid," sabi ko ng maalala ang isa ko pang kapatid na hindi makatulong sa amin. "Wala akong maasahan sa kapatid mo maddison buti pa nga iyang si Gavin saka ung mga kaibigan niya tinutulungan ako sa bukid," pailing-iling na sagot ni tatay sa kin na sinukbit nito sa bewang ang itak na laging dala-dala papuntang bukid. Nahabag akong muling napatingin kay Gavin. Ang dami pala nitong tinutulong kay tatay na hindi ko alam. Puro kasi badside ang nakikita ko sa kanya pero maling.mali pala ako. Napabuntong hininga ako na kinuha ang tuwalya na nakasabit sa sampayan. Bilis-bilisan ko na kumilos nakakahiya kay Gavin pinaghihintay ko pa. Dali.dali akong pumunta ng banyo!Napasandal ako sa sa pintuan ng isara ko yun.Hindi ma alis.alis sa labi ko ang ngiti at kilig! *** Mula ng maging kami ni Gavin halos inaraw.araw na niya ang pagpunta dito sa bahay. May dala na lagi na almusal at sinisiguro niya puno ang baldeng gagamitin ko sa paliligo. Ini.spoiled niya ako sa mga maliliit na bagay, kahit kaya ko naman. On time ito lagi sa paghatid-sundo sa akin kagaya parin naman ng dati. Ang kakaiba lang ngayon boyfriend ko na siya. Ngayon lang siya pumalya. "Asan na kaya ang lalaking iyon?" tanong ko sa sarili at napatingin ako sa relo ko Napapabuntong-hininga ako ala-sais na wala pang Gavin na nagpakita sa akin. "Gusto mo maddison hatid na kita sa inyo," boses mula sa likuran ko. Nilingon ko! Si Mr. chua ang amo kung instek siya ang may ari ng department store na pinagtatrabahuan ko. Hindi ko alam at hindi ako sigurado tinutukso ako ng mga kasama ko rito, sabi nila may gusto raw ito sa akin. Hindi naman siya pangit pero ayoko sa kanya. Hindi ang tipo niya ang gusto ko. "Wag na po Sir darating po ang boyfriend ko mamaya," tanggi ko at ngumiti sa kanya para d ma offend. Bahagyang nalukot ang mukha nito. "Boyfriend muna pala yung tisoy na sumusundo sayo." "Opo sir," walang alin langan na sagot ko para hindi na siya umasa sa akin. "Halika na , Mahal," biglang singit ni Gavin halata ang hingal niya parang tumakbo yata. "Siya po ang boyfriend ko sir," pakilala ko kay Mr.Chua, kumapit ako sa braso ni Gavin para maintindihan niyang may boyfriend na talaga ako para tigil-tigilan niya ako. Inilahad niya ang isang kamay para makipagkmay sa kanya pero tiningnan lang iyon ni Gavin. Kaya siniko ko siya at pinandilatan ng mata para tanggapin niya ang kamay ni Chua. Dahil maayos naman itong nakiharap sa kanya. Nakuha naman ni Gavin ang nais ko ipahiwatig. Kinuha niya iyon pero halata ko sa mukha niya ang pagkadis-gusto. Tumalikod na ang boss ko at lumakad palayo sa amin. "Ano ang kailangan nun sayo?" galit na tanong nito sa akin. "Wala," pagkibit-balikat ko. "Wala daw kung makatingin sayo parang kakainin ka." "Selos ka?" i tease him. "Hindi lang selos kundi selos na selos ayoko may lalapit sayo, tandaan mo yan! Babasagin ko pagmumukha nila," pagbabanta nito. Imbes na mainis ako natatawa na lang ako sa reaksiyon. Gigil na gigil ito. "Timang!" "Hindi ako nagbibiro , Maddison ," seryosong sabi niya na makikita mo ang banta sa mga mata niya. Natahimik na lang ako. At hinila ko na siya papalayo sa mall. Dinaan ko na lamang siya sa palambing-lambing. Ganun naman ang mga lalaki konting lambing lang tatahimik na sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD