Chapter 01
Maddison's POV
KULANG nalang manigas ako sa kinatatayuan ko sa sinabi ni Gavin.Hindi ko alam kung tama ba ang naririnig ko o nabibingi lang ako.
Ano daw girlfriend? And i have two option, "Yes and Oo." What's the point? The two words are the same! Ang kapal din nang pagmumukha ng lalaking ito. Para itong kabute na bigla na lang sumulpot sa harapan ko. At kung ano-ano pa ang sasabihin sa akin. Dito pa mismo sa entrada ng mall kung saan ako nagtatrabaho.
Nakakabelieve din to the highest level ang self confidence nito. Almost perfect 100%. Kung tutuusun kulang pa ang 100% sa lakas nang apog nito.
"Okay ka lang Gavin?" kunot-noong tanong ko sa kanya. Kinapa ko pa ang noo niya, baka may sakit lang pero normal naman ang temperature niya.
Hindi ko alam kung Joke ba or Sarcasm, pero sa kabila 'nun nakaramdam nang katuwaan ang puso ko. Actually, i like him very much.
Hinawi niya ang kamay ko.
"Wala akong sakit, Maddie , ang gusto ko lang sagutin muna ako ngayon na mismo," he commanded me ni wala kang maramdaman na konting lambing sa tinig niya. "Yes or Oo lang ang pagpilian mo, " he added na may pangiti-ngiti pa na mas lalong nagpaakyat ng dugo ko sa ulo. His not even gentle dadaanin pa yata ako sa santong paspasan.
Naiinis akong tumitig sa kanya. Samantala siya kalmado lang. Paano niya nagagawa kumalma sa kabila ng kahihiyan na pinagagawa niya sa akin? He doesn't even care sa mga taong nasa paligid namin.
Pinagtitinginan kami ohh may tumataas na ang kilay at may nakasimangot na.Hindi man lang marunong mahiya. Public Scandal itong ginagawa niya sa akin pinapahiya niya ako.
"Hoy! Gavin Sebastian Chavez ," turo ko sa kanya at namewang ako. "Ako ba ay titigilan mo o tatawag ako ng pulis nakakahiya ka," asik ko sa kanya pero tumawa lang ito. Napapaisip ako sa sinabi niya kanina. "At ano ang pinagkaiba ng "yes at oo"?
Nagkamot siya ng ulo. "Wala para wala kang lusot para–paraan lang yan maddie. Alangan naman mag lagay ako ng "NO" ie d binasted mo ko," paniniyak sa boses niya. "Hindi ako aalis dito kapag hindi ka pumayag na maging girlfriend ko ngayon," matigas na sabi nito at humarang pa sa gitna ng pintuan. Nagawa pa nitong kampante lang na nakatayo roon.
Talagang nang–gigil na ako sa kanya. Dami niyang naaabala na tao sa pinag gagawa niya.
Gusto ko rin naman maging girlfriend niya. Sino ba naman ang ayaw? Ang gwapo kaya ng lalaking ito, pero hindi sa ganitong paraan na dadain niya ako sa sapilitan.
The kidding side, wala akong matandaan na nililigawan niya ako.
Maliban lang sa paharang–harang niya sa akin sa daan. Mga palipad hangin niya na pasaring–saring sa akin. Ang araw-
araw niyang pagtatambay sa harapan nang tindahan ni Aling Ibyang. Ang pamimilit niyang paghatid-sundo sa akin. Na minsan kailangan ko pa magtago dahil ang kulit–kulit niya. Wala pa kaming relasyon pero araw-araw na kaming nagtatalo.
Kung iyon ang panliligaw niya?
Eww! Napangiwi ako.
Ang cheap naman 'non.
Lahat naman siguro nang babae. Ang gusto pormal na panliligaw yung pupuntahan ka sa bahay. Haharap nang maayos sa mga magulang mo. Ipapa-alam ka kung yayain ka lumabas tapos may pabulaklak pa. Susuyuin ka hangang mapasagot ka nang matamis na "OO" hindi 'yong ganito. Kapag sinagot ko siya if ever lang parang napipilitan ako dahil namimilit siya. Para akong bata na napapa–padyak ng mga paa sa gigil at inis ko sa kanya.
Hindi man lang ito, Gentleman!
Napabuntong hininga nalang ako!
Itong si Gavin naku nakakapang gigil lang. Nakakinis promise! Wala man lang ka sweet-sweet sa katawan.
Nakakakulo lang ng dugo.
Bwesit talaga tinuon pa niya ang pang ha hot seat sakin na ganitong rush hour. Para siguro hindi ko siya matangggihan.
Pwes maningas siya.
Kahit siya na ang last man standing.
Never in my wildest dream!
"Maddison, sagutin muna kasi ako wag muna pahirapan ang sarili mo. Alam ko naman noon pa inlove kana sakin si Gavin lang to ," pagmamalaki pa nito.
Napanganga ako sa sinabi niya. Ang kapal niya talaga ako pa ang inlove sa kanya nakapagkukulo talaga siya ng dugo. Pati yata balakubak ko sa ulo nagsisitanggalan sa gigil ko sa kanya. Gusto ko lang siya pero hindi ako sure kung inlove ako sa kanya.
"Bagay naman kami, dba?" tanong pa niya sa mga tao sa paligid at nagpacheer up pa ito. Nagpalakpakan naman ang nakikiride- on sa kanya parang tanga din ang mga ito nakikisabay sa kagaguhan ni Gavin.
"Kapal mo," galit kong sigaw sa kanya. "Tumigil-tigil ka Gavin hindi ka nakakatuwa sa totoo lang," sobrang inis na asik ko sa kanya.
Akala niya nakakatuwa siya. Inirapan ko siya pero wala lang iyon sa kanya. Nagawa pa nitong magpakyut.
"Maddie," he paused for a moment at biglang namungay ang mga mata nitong nakatitig sa akin. Nakakatunaw ang mga titig na iyon. Mayroong kakaiba sa mga titig niya. Lalo na ang pinapahiwatig ng kanyang mga abuhin na mga mata. Nakakaakit ang mga iyon parang hinuhubaran ang kaluluwa ko.
Umiling ako hindi ako pwedeng magpadala sa mga ningning ng kanyang mga mata. Tinalikuran ko na siya bago pa ako malusaw sa mga titig niya. Baka hindi ko kakayanin bumigay ang mga tuhod ko.
"Sagutin muna si pogi maddison," nakangiting sabad ni manung guard. Isa ito sa palangiting guard na mahilig akong batiin tuwing makikita akong papasok ng mall. Kilala din nila si Gavin kasi lagi naman nila itong nakikita. Araw-araw pa nga!
"Oo nga sagutin muna," sigaw pa ng isang kasama nito.May naghihiyawan pa sa paligid.Napasulyap ako kay Gavin Aba!Tuwang-tuwa ang loko-loko!
Kay sarap pektusan.
"Sagutin muna ineng para hindi kayo paharang-harang sa daanan. Hindi niyo pag aari ang mall na ito," galit na sabi nang may edad na babae. Mas lalong lumapad ang ngiti ni Gavin pakiramdam siguro ng lalaking ito. Kakampi niya lahat ng mga taong andito.
Kupal talaga!
"Narinig mo iyon, Mahal," aniya na kinindatan ako. Diyos ko Gavin tigil-tigilan mo ang kakakindat sakin. Nanghihina lalo ang mga tuhod ko sayo sabi ko sa isipan ko. Bakit kasi mas lalong gumagwapo ito kapag kuminkindat? Iba ang dating ng mga pakindat.kindat nito nakakaakit.
At ano na naman itong naririnig ko sa kanya. Anong mahal na naman? Nababaliw naba talaga siya or ako ang mababaliw sa kanya sa mga pinagagawa niya. Napakamot ako ng ulo sinisira niya ang katinuan ng isip ko. Diyos ko po bigyan niyo po ako ng lakas.Konting-konti na lang bibigay na po talaga ako.
"Anong mahal,Gavin?" kunwari ko pero ang totoo kilig na kilig na ako sa mga banat nitong baduy.
"Ikaw ang mahal ko," aniya na nilakasan ang boses. "kapag sinagot muna ako mahal ang magiging tawagan natin, understood," dagdag pa niya na matamis ang ngiti sa labi.
Napabuntong-hininga ako! Naiinis ako pero sa kaloob-looban ko tuwang.tuwa naman ako. Ito ang gusto ko noon pa ang mapansin niya ako bigyan ako ng atensiyon.
Kahit nakakabadtrip ang pamamaraan niya pero sobrang na aappreciate ko lalo na itong traydor na puso ko.
Gwapo si Gavin no doubt for that. Siya ang tipo ng gusto ng mga babae.
Man of every woman dreams!
Vocalista ito ng local band dito sa amin. Sabi nga ng mga kaibigan niya na mga kaibigan ko rin. Kapag ito na ang kumanta walang nababakante na espasyo sa venue ng bar na pinagkakantahan niya. Lahat ng babae ginagawa ang lahat para pansinin lang niya.
Aminado ako i'm one of them pero never akong nagpapansin sa lalaking ito.
Ang ayaw ko lang sa kanya walang matinong trabaho. Pareho lang din kami mahirap!
Ang lamang niya lang naman ng magsabog siguro ang diyos ng kagwapuhan nasalo niya lahat ng grasya. Siya na ang pinagpagpala sa lahat.
Ang worries ko lang naman what if kami ang magkatuluyan. Ano ang naghihintay na kinabukasan samin? Hindi pana man nakakain ang kagwapuhan sa kumakalam na sikmura.
Paano na lang ang magiging anak namin?
Pakiramdam ko malabo pa sa alketran ang future ko kay Gavin. Wala naman masama mangarap ng maayos na buhay. Saka bata pa ako ka.ka eighteen ko lang.
Napapailing na lang ako ng ulo. Ginugulo ni Gavin ang nanahimik kung damdamin. Damdamin na pilit kung kinukubli dahil hindi ako ready sa ganito. Bakit biglaan naman ang pagtatapat nito ni hindi man lang nagbigay ng babala para naiwasan ko man lang. Ang hirap iwasan ang mga pana ni kupido kasi tinamaan talaga ako sa lalaking ito, sapul pa nga ie talagang tumagos sa puso ko at ispiritu ko.
Naririnig ko ulit ang mga hiyawan ng mga tao naghihintay sila ng sagot ko.
Oh my Ghad! Sabi ng isip ko, ano ba talagA?
"Maddie, " mahina niyang tawag sa akin. Namumungay ulit ang mga mata niya tila nakikiusap na sagutin ko na siya.
Napapikit ako!
Give me a sign pleassss usal ko sa sarili ko. Kapag pagdilat ng mga mata ko at makakita ako ng batang lalaki na may sout na tshirt na superman at may bitbit na bulaklak sasagutin ko si Gavin. Alam ko naman na malabo mangyari iyong gusto ko. Sino ba naman ang magdadamit ng superman at magbitbit ng bulaklak para ibigay sakin.
Si Gavin pa na mukha lang ang maganda wala namang laman ang bulsa.
Napabilang ako ng sampu dahan-dahan ang pagbigkas ko sa bawat sampung numero 1, 2 , 3 , 4 , 5 , 6 , 7, 8 , 9 , 10...Sakto pagdilat ko may batang lalaki sa harapan ko hindi ito naka t- shirt ng superman. Medyo gumaan at nalungkot ang pakiramdam ko. Nagulat ako na may nilabas itong isang kumpol na mga bulaklak mula sa kanyang likuran at nakangiting inabot sa akin ang mga nagagandahan na bulaklak. Itinuro niya si Gavin at nagulat ako ng makitang naka short ito ng superman.
Napamaang ako hindi ko alam kung nagkataon lang ba or talagang tinadhana na maging kami ni Gavin.
"Sagutin muna si kuya ate para mabayaran na niya itong bulaklak na kinuha niya sa tindahan ni nanay hindi pa po niya binayaran ang mga ito, ate, " sabi ng bata. "Saka lang daw niya ito babayaran kapag sinagot muna kaya ate umuo kana," nakakaawa ang boses nito. Hindi man lang naawa ang Gavin na ito.
Okay na sana pero kahit kailan talagA panira itong si Gavin. Ang kapal talaga ng mukha magbibigay na nga lang ng bulaklak hindi pa bayad.Tahimik lang itong nakapamulsa na nakasandal sa pintuan ng entrance. Hindi man lang apektado sa mga pinagagawa niya.
Napapikit ako! Sinagot naman ang sign na hiningi ko .Why not walang masama kung subukan?
"Oo na gavin saka bayaran mo to," pataray kung sabi.
"Anong sabi mo?" gulat niyang tanong.
"Bahala ka kung hindi mo narinig kung ano ang sinabi ko yun na yun," saka tinalikuran ko na siya papalayo.Napangiti-ngiti ako habang ina.amoy-amoy ang mga bulaklak.
Ang bango nila!
"Maddison," sigaw nito habang hinabol ako.
Nilingon ko siya at matamis akong ngumiti.
"Oo na gavin sinasagot na kita, okay naba yun?" nagthumb-ups pa ako.
Tumakbo siya sa kinaroroonan ko at walang alin langan na niyakap ako ng mahigpit. Itinapat nito ang noo niya sa noo ko.
"Thank you,Mahal," malambing na sabi nito sa kin at dinampian ako ng mabilisang halik sa labi. Nakikita ko ang masayang mukha ni Gavin. Ramdam ko na totoo ang pinapakita niya. "I love you maddie," malamyos niyang sambit ng salitang iyon na tagos sa puso ko.
Mahal ko din naman siya nag a-alinlangan lng ako.
Napayakap siya sakin ulit at naririnig namin hiyawan ng mga tao. Hindi ako yumakap pabalik sa kanya kahit ako nagugulat parin sa nangyari. Pakiramdam ko puputok sa hiya ang mga pisngi ko ang dami ko pang arte. Oo lang din pala ako pinahaba-haba ko pa ang usapan.
"Umuwi na tayo," gayak ko sa kanya pahila palayo sa mga tao. Hiyang.hiya na ako sa pagiging pakipot ko pero bibigay lang din pala.
Hawak kamay kami ni Gavin na umalis doon. Panaka-nakay sinusulyapan ko siya. Hindi ko maipaliwang ang nararamdaman ko basta masaya lang ako at nakikita ko na masaya si Gavin.
Gavin is my first boyfriend at sana siya narin ang huli.
***
"Ano sinagot muna?" tili ni aurelia ng makauwi ako bahay. Sanay na silang makita akong naka-angkas kay Gavin pero ngayon iba na. " Akala namin normal lng ung pa angkas-angkas mo kanina kaya pala iba ang kapit nasa bewang kana nakakapit at wala ng distansiya," malisyosang saad nito.
"Wala na akong lusot kanina ang daming tao sa mall. Inabangan ako sa labas tapos ang daming kabaduyan na pinagsasabi hiyang.hiya ako," dahilan ko pero ang totoo gusto ko rin naman kinikilig pa nga ako hangang ngayon.
"Maparaan din yang Gavin na yan. Aba dinaan ka sa santong paspasan walang ligaw-ligaw basta mapa "Oo" ka agad-agad," pailing-iling na sabi nito na tinampal ang noo. Natawa ako sa mga reaksiyon niya.
"Hindi ko nga alam eh ayaw ko sana pero ang kulit tapos nag ask ako ng sign nagkatotoo talaga kaya sinagot ko na," nagbago ang expresisyon ng mukha ni Aurelia.
"Anong sign? Superman ba?" namutla ito bigla. Napataas ako ng kilay parang may mali dahil ito lang naman ang pinagsasabihan ko about sa sign. I smell fishy pero benalewla ko lang. I trust Aurelia wag ko lang malaman na sinabi niya iyon kay Gavin.
"Oo nga pero alam mo naman na ayaw ko pa sana, " mahina kung sagot
Ngumiti ito ng Pagak!
"Para namang hindi natin kilala si Gavin iisang barangay lang tayo maddison. Halos kilala na natin mga tao dito sa atin lalo nayang si Gavin mabait naman pero loko-loko nga lang. Araw-araw nakatambay diyan yan sa tindahan ilang beses ko yan siya napapansin. Iba ang tingin sayo day...." nakangiting turan nito at may pa siko.siko pa sa akin.
Hindi ko maawat ang sarili na mapangiti.
Napapansin ko din noon ang lalaki na panay titig nito sakin. Kapag napansin ko naman nagbabawi ito ng tingin. Malay ko ba na may ibang pinapahiwatig ang mga titig nito sa akin.
Ang kinaiinis ko lang sa kanya. Lagi niya akong gini-good time paboritong asarin.
Siguro yun ang paraan niya para magpapansin sa akin.
"Enjoy mo na lang yan pinsan kung ano ang feeling ng may boyfriend. Disi-otso kana nasa tamang edad kana alam mo na rin ang tama sa mali," nakangiting paalala ni aurelia sa akin.
Tumango na lang ako at may point si Aurelia. Bakit nga ba hindi ko e-enjoy na lang. Kung ano ang meron sa amin ni Gavin ngayon.
Masaya din naman ako hindi ko nga maintindihan ang emotions ko ngayon. Kinikilig akong iwan na hindi ko ma explain basta masaya ako ngayon.
"Uyyyyy kinikilig siya," panunukso sakin ni Aurelia.
Hindi naman mapawi ang mga ngiti ko sa labi. At naiisip ko ang gwapong mukha ni Gavin na matamis na nakangiti sakin.
Nagtawanan na lang kami ni Aurelia.