Chapter 03

2269 Words
Chapter 03 Ang sarap lagi ng gising ko sa umaga at hindi ko maiwasan ang mapangiti. I always felt inspired! Dahil kay Gavin. Ganun ba talaga kapag inlove ang isang tao. It feels like na lahat na lang sa paligid mo puro positibo.Kasi un ang nararamdaman ko ngayon. Mabilis lang ang araw mag iisang buwan na kami ni Gavin. Ang nakakatuwa lang i'm always his priority. Lahat ng sinasabi niya ginagawa niya. He is very sweet and clingy. Bagay na hindi ko inaasahan sa kanya. "Mahal," masuyo kung sambit sa kanya. At nakasanayan ko narin na tawagin siyang mahal. "Hmmm....." tugon niya at idinilat ang isang mata.Nakahiga ako sa dibdib niya. Kasalukuyan kaming nasa bukid para magtanim ng mais. Day-off ko kaya nakasama ako sa kanila "Lapit na monthsary natin ang bilis ng araw noh, Mahal?" i teased him.Gusto ko lang naman marinig kung ano ang isasagot niya. Or ano ang plano niya kasi wala akong naririnig sa kanya. "Bahala na Mahal," pagkibit-balikat nito at muling pinikit ang isang mata Napasimangot na lang ako hindi iyon ang gusto ko marinig. Nairita akong bumangon sa pagkahiga sa dibdib niya. "Punta na lang ako doon, Gavin," padabog akong tumayo at nagtungo sa kinaroroonan nila Aurelia, Denver , Alfie at Carlos. Masayang naghaharutan ang apat. "Mahal," tawag niya sa akin pero hindi ko siya pinansin. Inirapan ko lang siya. "Bat mo iniwan yung isa doon?" tanong ni carlos "Wala namang kwentang kausap yun," naiinis kung sagot sa kanya. Sabay-sabay silang napakunot ng noo at lumingon sa kinaroroonan ni Gavin. Nagkibit-balikat lang ito at nakuha pang humiga ulit. Nakakataas ng altapresyon. Parang naiiyak ako sa inis sa kanya. Dapat special yun kasi mag iisang buwan na kami tapos wala man lang ka plano-plano. Diba nakakainis talaga!? "Bwisit ka Gavin mahulugan ka sana ng mangga," halos pabulong kung sabi sa sarili. "Sino ang mahulugan ng mangga?" takang tanong ni Aurelia. Nginuso ko naman si Gavin at natawa lang ito. "Ang harsh mo sa Mahal mo," natatawa nitong saad. "Nakakainis kasi," pagmamaktol ko. Naghahanap na lang ako ng ibang paglilibangan.Talagang kumukulo ang dugo ko kay Gavin bwisit na bwisit ako sa pagmumukha niya. Ang sarap nitong bigwasan baka sakaling mabawasan ang gwapo nit0ng mukha. "Mamitas ka ng sitaw , Maddison , para may mauwi kayo mamaya sa bahay," utos ni tatay. "Hindi yung nakabusangot ka diyan." Pumunta ako sa taniman ng sitaw ang daming bunga. Lumingon ako sa kinaroroonan ni Gavin kausap nito ang tatlong lalaki at sa akin sila nakatingin. Ano na naman pinag uusapan ng apat na itlog na ito? Padabog akong namitas ng sitaw iwan ko ba bat ang sama.sama ng loob ko. Parang benabaliwa ni Gavin ang monthasary namin. Sobrang big deal para sa akin. Hindi naman ako pwede mag demand ng ganito ganyan dahil sa sitwasyon namin. Hindi kami mayaman na pwede gawin kung ano ang gusto. Maya-maya nagtawanan sila at sa akin naman nakatingin. Naningkit ang mga mata ko habang nakatingin sa kanila. Pakiramdam ko ako ang pinag uusapan nila mga tsismoso. Binilisan ko ang hakbang pagkarating ko sa kinaroroonan nila. Pinaghahampas ko sila ng bitbit kung sitaw. "Ako ang pinag uusapan niyo, noh?" sigaw ko sa kanilang apat at namewang ako sa harapan nila. Nanlaki naman ang mga mata nila. "Hindi," tanggi ni Gavin." Bat kana man namin pag uusapan?" sinubukan akong akbayan ni Gavin pero umiwas ako at minasamaan ko siya ng tingin. "Galit ako sayo kaya wag mo akong kausapin. Nakakainis ka!" Hinampas ko siya sa balikat. Napakamot ito ng ulo at halata sa mukha ang pagtataka. "Ano ba ang problema mo?" litong tanong nito at pinulot isa-isa ang hinampas ko na sitaw. "Ikaw ang problema ko," diin ko sa kanya nalilito naman itong napatingin sakin. "Palibhasa kasi manhid ka," bulyaw ko at padabog na tinalikuran siya. "Meron kaba, mahal? Ang init ng ulo mo," sigaw niya at tumawa. Huminto ako sa paglalakad talagang inuubos ng lalaking ito ang pasensiya ko at kailangan paba niyang ipagsigawan ang mga salitang yun. Palibhasa kasi si aling conchita menapuse na. Napapakuyom na lang ako ng kama-o sa tindi ng gigil ko sa kanya. "Iwan ko sayo timang ka! Manhid!" inis na sigaw ko at bumalik ako sa pamimitas ng sitaw. Nakikita ng gilid ng mga mata ko na napapakamot ng ulo si Gavin. Sinundan niya ako pero iniwas-iwasan ko siya sa tuwing iwas ko humaharang naman siya. Matalim akong tumitig sa kanya. "Nanadya kaba talaga!" naiinis kung turan sa kanya. "Ang lawak-lawak ng daan pahArang-harang ka sa dinadaanan ko," irap ko sa kanya. "Maddie," masuyo nitong tawag sakin.Nilapit niya ang mukha sa mukha ko pero umiwas ako. Malalalim na buntong hininga ang pinapakawalan niya. He chuckled! "Nagkakaganyan ka dahil wala akong maisagot dun sa sinabi mo kanina, tama ba ako?" tila naiinis ito "A-alam mo pala ie," mahina kung sambit "Importante ba 'yon?" tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. "Ang mahalaga naman magkasama tayo yun ang mas importante dba,mahal?" aniya. "Importante sakin yun, Gavin," mataas na boses na sabi ko at hinakbangan ko siya palayo. Nakita ko ang lungkot sa mukha niya pero wala akong paki-alam ang gusto ko mag effort siya. Kasalanan din naman niya yan kung hindi niya ako niyaya maging girlfriend di sana wala siyang sakit ng ulo ngayon. Di sana andun lang sila sa tindahan ni Aling ibyang nag-iinuman at magpakalasing araw.araw. Total iyon naman alam nila gawing magbabarkada. Hindi ko rin talaga alam kung may future ba ako kay Gavin. Hindi ko nga alam kung may pangarap ito sa buhay? Paano na lang kami kung ganito na lang lagi? Tiniis ko siya buong araw hindi q siya pinapansin. Tuwing lalapitan niya ako iniiwasan ko siya. Hangang sa mabagot na ako niyaya ko na si Aurelia na umuwi. Bahala na yang apat na itlog na yan ang tumulong kay tatay total nag boluntaryo naman sila na tumulong mag tanim ng mais. Nakailan na tawag siya sa akin pero hindi ko siya pinapansin. Masama ang loob ko! *** "Anong pinagpuputok ng butsi mo?" takang tanong ni Aurelia sakin habang naglalakad kmi.Medyo kinain din ako ng konsensiya ko. Ang babaw ng dahilan ko para magtampo! "Nainis lang siguro ako," mahina kong sagot at nagkibit balikat lang. "Bakit nga kasi!" Napapabuntong-hininga ako! "Malapit na monthsary namin pero iwan ko kay Gavin parang walang plano. Masama ba na maghangad ako Auring na maging special ang araw na iyon?" malungkot kong sabi sa kanya. "Siyempre deserve mo i mean lahat naman tayong babae deserve natin na mag effort sila. Itrato tayong reyna ng buhay nila.Pinsan, alam kung mahalaga sayo ang monthsarry na yan pero intindihin nalang ang sitwasyon. Hindi naman sa lahat ng oras may pera ang tao kung ano ang makayanan niya di magthank you ka.Kilala mo naman si Gavin madiskarte yun tiyak gagawa ng paraan yun, " nakangiting paliwanag niya sa akin.Kinuha niya ang palad ko at tinapik-tapik ang likod nito. "Paano naman kasi nakakainis yung sagot niya bahala na na daw," inis kong sabi. "Kahit sino naman maiinis alam mo naman na ngayon lang ako nagkaroon ng nobyo siyempre gusto ko yung special naman." "Hayy naku sayo maddison ang mahalaga, ang pagmamahal ni Gavin kung may pagkukulang man siya atleast mahal ka," aniya sabay tapik-tapik naman sa balikat ko. I stunned at hindi ako agad nakapagsalita. May point si aurelia ang mahalaga ang pagmamahal ni Gavin sakin. Hindi naman importante kung may monthsary o wala. Basta ang mahalaga yung araw.araw ipaparamdam sayo na mahal ka. "Kakausapin ko na lang siya mamaya." "Dapat lang kasya magkatampuhan kayo dahil lang sa monthsary na yan." Tumingin ako kay Aurelia laki ang pasasalamat ko dito sa pinsan ko. Lagi itong nakaalalay sakin simula pa ng mga bata kami. *** Nakailan akong akyat baba sa hagdanan paakyat sa bahay nila Gavin. Hindi ko alam kung tama ba na ako ang magsorry? Dapat ako yung sinusuyo hindi yung ako ang manunuyo? Hayyyyy! Napapbuntong hininga na lang ako. Over exaggerated kasi ako at ayoko matulog ngayong gabi na hindi kami okay. "Baka kailangan mong buhatin pa kita para maka.akyat ka sa taas," boses galing sa likuran ko. "Ako yung nahihilo sa pa akyat baba mo," natatawa pa nitong sabi. "Ah eh! Kasi a-" bago pa ako makapagsalita ay binuhat na ako ni Gavin paakyat sa taas isinukbit niya lang ako sa balikat niya na parang isang sakong bigas at bigla akong pinalo sa pwet. "Pasaway ka," saad nito at tumawa "Gavin, ibaba mo ako," i protest but he didnt listen. Binuhat niya parin ako. Napamaag na lang ako sa ginawa niya at hindi ko narin napigilan ang tumawa na lang Dahan-dahan niya akong binaba ng makarating kami sa harapan ng bahay nila. Mataas ang bahay nila Gavin mula sa kalsada nasa burol sila. Ang lugar nila ang pinakamagandang area sa barangay namin. Mula rito natatanaw ang malawak na ilog at ang buong barangay namin. "Sorry na mahal," paghingi ko agad ng paumanhin ko. "Okay lang yun! Wag kana mag galit-galitan sakin lalo pat napakababaw na dahilan. Mahalaga naman sakin ang monthsary natin Mahal pero hintayin mo lang gagawan ko ng paraan iyon," he explained na ikinatuwa ko naman. Ang naging mahirap lang sakin mas nauna ang judgement kaysa mag isip. "Okay na sa akin Mahal kahit wala na yang monthsary-monthsary na yan basta wag lang tayo magkatampuhan," i said sweetly. "Wala na ang tantrums?" nakataas kilay na tanong niya sa akin at hinawi ang buhok kung tumakip sa mukha ko. Inipit ng mga daliri niya sa likod ng tenga ko. Umiling-iling ako! Wala na ang galit ko kanina hindi narin big deal sa akin yang monthsary basta importante batin kami. Itinuro niya ang labi niya. Tinawanan ko lang siya! "I love you!" buong pagmamahal na sabi niya sa akin. "I love you too," tugon ko. Hahalikan sana niya ako pero umiwas ako. Nakakahiya kay Tita Conchita kung makita niya kami ni Gavin na naghahalikan. Ano na lang sasabihin nila sa akin. "Ano ulam niyo?" pag iiba ko ng usapan at humakbang ako papasok ng bahay nila dumiretso ako sa kusin. Sanay na ako sa kanila, bata pa lang ako labas-masok na ako dito. Tumutulong ako sa pag gawa ng bananacue at camotecue na paninda ni Aling Conchita sa eskwela at lagi kong nakikita noon si Gavin. Hindi ko maiwasan na humanga sa kanya mestiso kasi ito siya lang ang may kakaibang mata na nakilala ko dito sa amin. Bukod sa gwapo na super ganda pa ng boses. Pero hindi niya ako pinapansin dahil siguro bata pa ako. Napangiti ako! Ramdam ko ang pagsunod niya sa akin. "Asan ang pagkain niyo at magha—" Nang biglang pumalupot ang dalawa niyang braso sa bewang ko. Napasinghap ako ng maramdaman ang init ng hininga niya sa leeg ko. Nagdadala iyon ng ibayong kiliti sa akin!Naisandal ko ang likod ko sa kanya at isinubsob niya ang mukha sa leeg ko. Ang bawat paghinga niya nagdadala ng ibang pakiramdam sa akin. I exclaimed his name. " Gavin.." Halos hindi ko mapigilan ang pagbilis ng t***k ng puso ko. Bakit parang nanlalambot ako lalo ng haplusin ni Gavin ang braso ko ang init ng mga palad niya. Napapikit ako ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang katawan. "Mahal na mahal kita, Maddie , noon hangang sa magpakailan man. Akin ka lang, Maddie," bulong niya sa akin. My heart jumped with an explainable happiness. Umikot siya paharap sa akin. Tinitigan ko siya! Kinuha niya ang mga kamay ko at dinala iyon sa labi niya. Hinalikan niya ang bawat likod ng palad ko. Hinaplos ko ang mukha and i smiled. "Gusto narin kita noon pa, Gavin , at hindi ako umasa na maging tayo pero ngayon hindi parin ako makapaniwala na ang lalaking gusto ko noon mahal na mahal ako ngayon." Nangislap ang mga mata niya sa sinabi ko tila ba hindi siya makapaniwala. "Kung alam ko lang d sana noon pa pinasagot na kita." Kinurot ko siya sa tagiliran ng maalala ko. Hindi niya ako niligawan! "Hindi mo nga ako niligawan," pagtatampo ko. Nasapo niya ang noo at tumawa! "Ang tagal ko kayang nanligaw sayo ang dami kong ginastos na gasolina sa paghatid-sundo sayo," biro niya kaya hinampas ko siya sa balikat. Biglang sumeryoso ang mukha nito. "Hindi paba sapat yung mga pag alala ko sayo para maramdaman mo na gusto kita. Kung ligaw lang pwede ko gawin yan kahit girlfriend na kita," pinagdikit niya ang bawat tungki ng ilong namin. Bumaba ang labi niya sa labi ko. Hindi na ako umimik pa ng sakupin niya ng tuluyan ang labi ko. He smoothly brushes his lips to mine!Pumikit ako at dinama ko ang bawat hagod ng labi niya sa labi ko. "Maghain kana Gavin kami ay aalis pa ng tatay mo." Buong lakas kong naitulak si Gavin ng marinig ang boses ni Aling Conchita. Mula sa likod niya. Napayuko ako ng tumingin sa akin ang matanda hiyang-hiya ako. Baka ano ang sabihin nito sa akin. Na ako pa talaga ang pumunta dito sa bahay nila para makipagkita sa anak nila. "Dito ka pala maddison sumabay kana sa amin kumain." Nagulat ako ng mapatingin kay aling conchita, wala akong nakita kahit anong panghuhusga rito.Tumingin ako kay Gavin!Ngumiti lang ito. "Distorbo talaga itong si nanay," pailing.iling na sabi ni Gavin Bigla itong piningot ni aling conchita. Parang nag flashback ang nakaraan. Ito lagi ang eksena nilang mag ina sa tuwing pinapaiyak ako ni Gavin noong bata pa ako. Kung hindi pingot ang nakukuha niya, isang malakas na palo ng tsinelas sa pwet binatilyo na noon si Gavin pero napapalo ito ni Aling Conchita dahil sa akin. Natatawa akong tingnan silang mag.ina! Pulang-pula ang tenga ni Gavin ng bitawan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD