ONESELF
I sipped on my coffee as I stared at the night sky in the garden.
Hinihintay ko si Dad, sabi pa naman ni Manang ay pauwi na siya. Buong maghapon akong natulog kaya mulat ang mga mata ko ngayon. Wala akong balak na matulog hangga’t hindi ko pa nakakausap si Ama, nakahanda na rin ang mga tanong ko sa kanya.
“Son,” kaagad akong napalingon nang marinig ang boses niya.
“Dad,” sambit ko at nilapitan na siya upang alalayan. May tungkod na siyang hawak, hirap na sa paglalakad.
Ngayon ko lang din napansin kung gaano na siya katanda, mabuti na lang ay buhay pa ako. Masasamahan ko pa siya. Pinaupo ko na siya sa upuan habang ako ay nanatili pang nakatayo sa gilid niya, hinihintay siyang magsalita.
“I know you want to ask about yourself,” hudyat niya.
Kaya naman napaupo na ‘ko sa tapat niya at nilapag ang baso sa table. “Anong mga ginagawa ko dati? Nag-aaral pa ba ako? Nasaan si Mama?” sunod-sunod na tanong ko.
Hindi ko na tinanong ang tungkol sa edad ko at birthday dahil nalaman ko na ‘yon sa ospital.
“Anak,” aniya na parang hinahanda ang sarili. “You’ve always been a good son. Madalas kang tumulong sa mga taong nangangailangan. Palagi mong iniisip ang kapakanan ng ibang tao, isa kang matalinong bata at kasali sa volleyball varsity. Wala akong naging problema sa’yo dahil lahat ng bagay sini-seryoso mo.”
Napatango na lang ako sa mga sinabi niya. Kahit papaano napunan ‘yong pagkukulang ko sa sarili kahit na wala pa rin akong maalala. Masasabi ko namang matino akong anak dahil ramdam ko sa bawat salitang binitiwan niya.
“What about Mom? Where is she?”
Napahinga naman siya nang malalim. “Maagang nagpaalam ang Mama mo…”
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Kahit hindi niya sabihin ng diretso, naintindihan ko na ang ibig niyang ipahiwatig. Hindi pumasok sa isip ko na wala na si Mama. Naghintay ako sa wala…
“I’m sorry, Dad,” saad ko kahit na hindi ko alam ang buong nangyari.
“No, Anak. Hindi mo kailangan humingi ng tawad. At ang nangyari sa’yo, aksidente ‘yon, hindi mo kasalanan. Nakapagbayad na rin naman ang nakabunggo sa’yo. Inayos ko na lahat kaya ‘wag ka ng mag-alala. Ang importante ay gising ka na,” at tipid siyang ngumiti na parang ang dali-dali lang sabihin.
I pursed my lips and nodded. “Thank you, Dad.”
Tuluyan kong naramdaman lahat ng sakripisyo niya. Kaming dalawa na lang pala ang magkasama, nagawa ko pang maaksidente. What a down fate. Isang taon akong nawala, isang taon ring mag-isa si Dad kaya ngayong gising na ‘ko hindi ko na siya pababayaan. Ito na ang pangalawang buhay ko, binigyan pa ‘ko ng pagkakataon para tapusin ang naudlot kong buhay.
“Do you want to visit your mother with me tomorrow?” at tumayo na siya.
Kaagad naman akong lumapit sa kanya upang alalayan ulit siya. “Yes, Dad.”
“Okay,” at tumango siya. “Samahan mo ako sa taas at may ipapakita ako sa’yo.”
Pagpasok namin sa kwarto niya ay dumapo na lamang ang mga mata ko sa malaking picture frame na nakasabit sa pader. Naibaling ko ang atensyon do’n at kusang humiwalay na lamang ang kamay ko sa pag-alalay kay Ama.
Maya-maya pa ay napasulyap na lang ako sa kanya, nakita kong nakaupo na siya sa couch at saka bahagyang tumango na parang sinasabing lapitan ko na. Kaya nagtungo na ako sa harap ng malaking picture frame na nasa sentro ng kwarto, tapat ng King size bed. Tumapat na ako sa litrato.
“Iyan lang ang picture natin kasama ang ‘yong Ina,” mahinang sabi niya na nakaabot naman sa pandinig ko. “Sanggol ka pa lang nang kunin na siya sa atin. Pasensya ka na, Anak.”
Hindi na ‘ko nagtanong kung ano pa ang nangyari kay Mama dahil alam kong ayaw niya ng pag-usapan. Kahit naman malaman ko, hindi ko matatandaan. Panigurado naman na noong lumalaki ako na walang Ina ay masaya pa rin ako dahil kay Ama na sumusuporta sa akin kahit na… wala pa ‘kong maalala.
I just know that my father is a good man. This family I have is in a good relationship with others, too.
Dahan-dahan kong hinaplos ang glass frame kung saan nakatapat ang mga daliri ko sa mukha ni Mama. “I want to remember everything, Dad. I feel like I’m useless without my memories,” at napunta na lang ang mga daliri ko sa sanggol na buhat-buhat ni Mama. Dahil sanggol pa lang ako nang kuhanan kami ng litrato, hindi ko mamukhaan ang itsura ko.
“Alam ko, Scott… Alam kong nahihirapan ka ngayon pero h’wag kang mag-alala, babalik din ang mga alaala mo. Sa ngayon, magtiwala ka na lang muna sa ‘kin at sarili mo.”
Napatango ako at ibinaba ko na ang aking kamay, kasabay nang pagharap ko kay Ama. “Your son is back now. I’ll make it up to you, Dad. I’m sorry, isang taon akong wala sa tabi mo,” saad ko at lumapit na sa kanya.
“Thank you, son,” at tumayo na siya upang yakapin ako. “You’re my only successor, Scott. You’ve always been strong and competitive. Make me proud again.”
“I will, Dad.”
Kinabukasan, maaga akong nagising. Nakasabay ko si Dad na mag-almusal. We’re just quietly eating our food, and it’s peaceful enough for me. Hindi naman ako madaldal na tao, pansin ko lang. Kaya okay lang na tahimik. Nakaharap ako sa glass wall kaya kitang-kita ko ang mga namumulaklak na mga bulaklak sa hardin habang dinidiligan pa ng isang katulong.
“Scott,” pagtawag niya na sa ‘kin.
“Yes, Dad?” pagbaling ko nang tingin sa kanya.
“Gusto mo bang sumama sa kompanya?”
Hindi na ‘ko nagdalawang-isip, pumayag na agad ako dahil gusto ko na ring malaman kung anong klaseng business ang pinagkakaabalahan ni Dad. Sinabi ko rin sa kanya na pagkatapos sa kompanya ay gusto ko ng mag-enroll sa isang University hangga’t bakasyon pa. Kailangan ko ng makapagtapos nang pag-aaral para matulungan na si Dad sa kompanya. Na-delay lang naman ako dahil naaksidente ako.
At this age, college student na dapat ako.
Pagkatapos kong maligo ay nagtagal pa ‘ko sa loob ng banyo. Muli kong pinagmasdan ang repleksyon ko sa salamin. Marahan ko namang hinaplos ang talukap ng kaliwang mata ko nang maramdaman ang kirot nito. September 15, 9:00 pm. Napailing na lang ako sa ‘king naisip at nagtungo na sa kabilang pinto kung saan nandoon ang mga damit ko. Simple lang ang sinuot ko. A gray sweatshirt paired with white shorts and black sneakers.
Bumaba na ‘ko pagkatapos no’n at sinalubong si Dad sa sala. Sabay na kaming lumabas sa mansyon, nasa labas na rin ang kotse na sasakyan namin. It was a black SUV. Pagkasakay namin ay umandar na rin ang sasakyan. Isang driver at bodyguard ulit ang nasa harapan habang kami ni Dad ay nasa likod. Wala ng sumusunod sa amin na isa pang sasakyan kung saan nakasakay ang ibang mga g’wardiya, kahapon lang talaga ‘yon no’ng sinundo nila ako sa ospital.
Maya-maya pa ay nakarating na kami sa kompanyang pagmamay-ari ni Ama. Ngayon ko lang napagtanto na ang estatwang nakapaligid sa mansyon ay tatak pala ng kompanya. It’s an automobile company. Jaghuar ang tawag sa kompanya ni Dad tulad ng Jaguar na hayop, iyon ang makikitang tatak sa mga sasakyan. It’s one of the most famous car companies worldwide.
Pagka-park ng sasakyan mula sa itaas ay bumaba na kami at nagtungo na sa elevator upang puntahan ang nag-iisang floor na para lamang sa mga De Lux, especially my Dad who owns this. My dad also explained about the company while we’re heading to his office. Nakikinig lang ako nang mabuti sa kanya at paminsan-minsang sumasagot kapag nagtatanong siya tungkol sa mga nalalaman ko.
I guess I’m smart because I know everything about cars o sadyang alam ko lang dahil ito ang kinalakihan ko na para bang sanay na sanay na ako? Panira lang talaga ang mga alaala ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik.
“You’re really my son. Parang hindi ka nawalan ng alaala,” nanumbalik ang tuwa sa mga mata ni Dad.
“I guess,” tanging nasabi ko at saglit na tumawa.
“Here, take a look at our cars,” aniya at nilapag ang iPad sa harap ko.
Nakaupo kami sa couch, magkatapat. Sinamahan muna ako ni Dad dahil mamaya pa ang meeting niya. “Sigurado ka na ba na babalik ka agad sa pag-aaral?” tanong niya na nagpatigil sa akin.
Muli kong tinignan si Dad at nilapag na sa table ang iPad matapos kong tignan ang mga sasakyan. “Of course, Dad. Ayoko nang mag-aksaya ng oras. Gusto ko ng mag-college at para na rin matulungan ka.”
“Thank you, son. Ako ng bahala. Makakapag-take ka naman ng exam at ipapaayos ko na rin ang mga kailangan na documents para sa University na papasukan mo. Sisiguraduhin ko na bago matapos ang bakasyon ay makakapag-aral ka na ulit.”
“Thanks, Dad. Gagalingan ko rin sa exam para siguradong makakapag-college ako.”
Makalipas ang ilang oras, may kumatok na sa pinto at bumungad ang nagpakilalang secretary ni Dad. Oras na ng meeting kaya nagpaiwan na ‘ko, ayoko munang magpakita sa board members kaya nanatili ako rito. Wala naman akong gagawin do’n baka antukin lang ako. Magulat pa sila na nabuhay ako bigla. Hindi pa kasi sinasabi ni Dad, maski ‘yong paggising ko sa ospital dahil ako raw ang magiging usapan sa balita.
Nang magtanghalian ay nakasabay ko ulit si Dad na kumain, lumabas pa kami para kumain sa mamahaling restaurant. Pagkatapos kumain ay bumalik na ‘ko sa opisina para magpalipas ng oras dahil si Dad ay may dinaanan pa.
“Sir, pinapasabi ni Mr. Salvador na mauna ka na sa ‘yong pupuntahan dahil gagabihin pa siya,” saad ng sekretarya nang lumapit ito sa ‘kin.
“Oh, okay. Salamat,” at tumayo na ‘ko. Muntik pa akong makaidlip.
Naiintindihan ko naman na sobrang busy si Dad kaya ako na lang ang pupunta kay Mama kahit na sinabi niyang sasamahan niya ako.
Paglabas ko sa office ay may g’wardiya nang naghihintay sa akin. Mukhang siya ang makakasama ko. Sinundan ko lang siya hanggang sa makarating na kami sa carpark. Tahimik lang ako habang nakatingin mula sa bintana, alam na nila kung saan ako pupunta.
“Nandito na tayo, Sir.”
“Salamat,” tugon ko at bumaba na sa kotse.
Nasa memorial park na ako, nagpasama pa ako sa nagbabantay dahil hindi ko rin matandaan kung saan nakalibing si Mama. It sucks and I hate it. Maaalala ko dapat ‘yon dahil mahal ko si Mama pero hindi, walang nangyayari sa utak ko.
“Salamat po,” sambit ko.
“Walang anuman, Sir,” aniya at iniwan na ako para mapag-isa.
Lumuhod na ako sa harap ng puntod ni Mama at marahang hinaplos ang lapida nito kung saan nakaukit ang pangalan niya. “Nianna F. De Lux,” sambit ko at napabuntong-hininga. “I’m awake now, Mom. How are you up there? I miss you.”
Nagtagal pa ako ng ilang oras para lang samahan si Mama. Napapikit na lamang ako nang yakapin ako ng hangin, iniisip na si Mama ‘yon at hinihiling na sana bumalik na ang alaala ko. Alam kong isang araw pa lang ang nakalilipas nang makalabas ako sa ospital, hindi lang talaga ako makapaghintay dahil may hinahanap pa rin ako sa sarili ko na hindi ko magawang ipaliwanag.
It’s just a feeling, but a mysterious one.