CHAPTER 3

1530 Words
AWAKEN Kasalukuyan akong nagbabasa ng reviewer ko sa gazebo. This spot is a peaceful place for me. Nag-aaral na ‘ko dahil inaasikaso na ni Dad ang mga papeles ko. Hindi ako p’wedeng bumagsak dahil nakasalalay ang kapalaran ko rito. Ayoko ng bumalik sa high school kahit na isang taon na lang ako ro’n. Besides, ito na lang ang nakikita kong mabuting paraan para makapag-proceed sa college. Ayokong gamitin ang pera o koneksyon ni Dad para makapag-college agad kaya magte-take ako ng ALS. Katatapos ko lang libutin ang dalawang mansyon. Ang isang mansyon na nilibot ko kanina kasama si Manang ay isa raw sa pinakagusto kong tambayan noon. Sinong tao ba ang hindi mamamangha sa mansyon na ‘yon? Kapag nakita nila ‘yon, paniguradong gugustuhin din nilang manirahan dito dahil high-tech pa ang paligid. Sa pinto pa lang, gamit ang remote control maaari na ‘tong bumukas at sa pagpasok ko kanina ay halo-halong emosyon na ang naramdaman ko. Bumungad sa akin ang iba’t ibang klase ng sasakyan. Mayroong Sedan, Hatchback, Van, Sports car, Compact car, Luxury car na nasa sentro ng mga nakapaligid na sasakyan, limousine, Motorcycle, at iba pa. Gano’n kalawak ang espasyo ng first floor at gray ang theme nito para mag-match lahat sa kulay ng mga sasakyan. Pagdating namin sa second floor ay tatlong kwarto naman ang nakita ko, naglakad kami sa hallway at unang pinasok ang isang room na nasa kaliwang bahagi. Iba’t ibang equipments na makikita sa gym ang tumambad sa akin. Hindi kami nagtagal doon kaya lumipat na kami sa kabila. Pinasok namin ang isang kwarto na katabi lang ng gym, isa pa lang restroom. Sunod na pinasok naming kwarto ay nasa kanang bahagi na. Nag-iisang pinto na mukhang malawak din ang nasa loob. Hindi nga ako nagkamali, isang playstation room na may iba’t ibang paglalaruan. Third floor, a movie theater with galley. Parang nasa sinehan ka lang din dahil ang upuan ay umaabot sa twenty at naka-elevated ‘to. Mas gugustuhin ko pang manood na lang dito kaysa lumabas pa at manood ng movie sa cinema dahil mayroon na ako rito lalo na’t malaki rin ang screen. Kung magutom ka man, mayroon namang galley para sa mga pagkain at maliit na banyo kung sakali mang maihi ka. Kumpleto na lahat. Sa huling floor, bago pa namin marating ‘yon ay umakyat pa kami sa isang hagdanan paglabas namin sa exit door ng movie theater. Pag-akyat namin ay muling nanlaki ang mga mata ko dahil sa rooftop na mayroong infinity pool. P’wedeng mag-party dito lalo na’t kumpleto rin ang mga kagamitan para sa pool party. “May dinala ba akong mga kaibigan dito, Manang?” nagawa kong itanong sa kanya, dala ng kuryosidad. Bahagya siyang natigilan sa sinabi ko, hindi yata alam kung anong isasagot. “Manang?” pagtawag ko muli sa kanya dahil natahimik siya. “Ah, eh…Sir, wala kang dinala rito.” Napakunot ang noo ko. “What do you mean? Kahit babae, wala?” iniisip ko na baka nagkaroon na ‘ko ng girlfriend noon na ipinakilala ko muna bilang kaibigan ko para dalhin dito. Umiling siya. “Wala talaga, Sir.” Wala? Wala akong naging kaibigan noon? Imposible naman dahil paniguradong papapuntahin ko sila rito. Hindi rin ako makapaniwala na isang katulad ko ay walang kaibigan. “Bakit?” hindi ako titigil hangga’t hindi ko nakukuha ang sagot sa mga tanong ko kay Manang. “Sir…” natigilan siya at huminga muna nang malalim. “Pasensya na, Sir pero hindi ka pala-kaibigan. Wala kang ipinakilala na kaibigan noon at malamig ang pakikitungo mo sa amin kaya medyo nakakagulat ang pagbabago mo dahil nagagawa mo na kaming kausapin ng ganito.” Napasinghap ako at napaisip na naman habang nakatingala na sa kalangitan. May natuklasan na naman ako tungkol sa pagkatao ko. “Wala talaga?” nagbabakasakaling magbago pa ang sagot niya. “Yes, Sir,” at napatungo na lamang siya. Kung gano’n, sinong paniniwalaan ko? Ayon kay Ama ay mabait ako sa paraan ng pagkwento niya pero sa sinasabi ni Manang para akong masama. Ano ba talaga? Baka naman iba lang talaga ang pakikitungo ko sa mga katulong dito? O baka iba ang ugali ko sa labas dahil sabi niya wala man lang akong kaibigan na dinala rito? f**k, I f*****g don’t know anymore! Napahawak na lamang ako sa aking ulo nang makaramdam na naman ng sakit. “Sir?” “Iwan mo muna ako,” sabi ko na kaagad niya namang sinunod. Imbis na pasakitin pa lalo ang ulo ko ay naisipan ko na isantabi na lang muna ang mga iniisip ko tungkol sa alaala ko na pilit kong hinahanap kaya tuluyan akong napatambay sa gazebo upang mag-aral na lang do’n. “Mag-meryenda ka muna, Sir,” ani Manang at inilapag na sa tabi ko ang kape at iba’t ibang klase ng mga tinapay. “Salamat, Manang. Pasensya ka na kanina,” sambit ko at inilagay muna sa gilid ang papel na hawak ko para kainin ang dala niya. “Ayos lang ‘yon, Sir. Alam namin na nahihirapan ka dahil nawala ang alaala mo.” “Yeah,” at napainom na lang ako. “Sir, huwag mo sanang ikulong ang sarili mo sa mga alaala mo noon. Ngayong may pagkakataon ka ulit para ipagpatuloy ang buhay mo, maaari ka ulit gumawa ng panibagong mga alaala. Babalik din naman ‘yong alaala mo, hintayin mo lang kaya ‘wag ka ng ma-stress dahil mas makakasama ‘yon sa’yo.” “Yes.” Pagtango ko. “I’m aware, Manang.” Ngumiti na lamang siya at nagpaalam na para bumalik sa loob. Napabuntong-hininga na lang ako nang makaalis na siya sa harapan ko. Tama si Manang, hindi dapat ako masyadong atat o pilitin pabalikin ang mga alaala ko dahil wala naman akong dapat habulin. Aksidente lahat ng nangyari sa ‘kin kaya hindi ko p’wedeng ikulong ang sarili ko sa nakaraan. Pasalamat na lang ako na ganito ang buhay ko dahil mayroon pang ibang tao na mas malala ang nangyari sa kanila. Pagkatapos kong kumain ay babalik na sana ako sa pag-aaral nang tumunog naman ang cellphone ko. Nang makita ko sa screen ang pangalan ni Dad ay sinagot ko ‘to agad. “Yes, Dad?” bungad ko. “How are you?” “I’m fine, Dad. I’m actually studying,” tugon ko habang hawak-hawak ko na ang reviewer ko. “Oh, that’s good. If you need anything, don’t hesitate to message me. I’ll give you everything that you need, son.” “I know, Dad. Thank you.” “Okay, I’ll go now,” at pinatay niya na ang tawag. Makalipas ang ilang oras na pagbabasa ay naisipan ko nang bumalik sa kwarto para makapagpahinga ulit. Desidido na ako na paggising ko hindi ko muna pipilitin ang sarili ko na makaalala. I’ll just make new memories until my old ones come back. “Gio…” “Gio, wake up!” “Gio, come back to me.” Bigla na lamang akong napabangon nang may napanaginipan na naman ako na hindi ko na naman maalala oras na magising ako. Ganito ang nangyayari sa ‘kin sa tuwing nananaginip ako. Alam kong nananaginip ako pero paggising ko ay hindi ko na maalala kung sino o ano ‘yon. In my dreams, everything was vague to me. Sa hindi malamang dahilan ay napahawak na naman ako sa ‘king ulo nang makaramdam na naman nang kirot na parang pinupokpok na ang ulo ko. Pati na rin ang mata ko ay naapektuhan na. Pinilit kong bumaba sa kama at dahan-dahang naglakad patungo sa banyo. Iniisip na baka kapag naghilamos ako ay mawawala na ‘to. Pagharap ko sa salamin ay malabo na ang nakikita ko kaya tuluyan na ‘kong napahilamos. Ipinikit ko pa ng ilang segundo ang mga mata ko at saka muli itong idinilat pagka-angat ko ng ulo katapat ng salamin. Nang unti-unti ko nang maaninag ang repleksyon ko sa salamin ay nanlaki na lang ang mga mata ko nang makita ang kakaibang nangyayari sa kaliwang mata ko. Kasabay pa nito ang pagkawala ng sakit sa ulo at mga mata ko. “What the hell?” wala sa sariling nasambit ko. Sinuri ko ang aking mga mata, sa kanan ay purong asul pa rin ang mata ko, ngunit sa kaliwa kitang-kita ko sa salamin na hugis orasan na ang lumalabas sa mata ko. Ang kulay nito ay mala-ginto na. Tinakpan ko pa ito gamit ang isang kamay at naghintay ng ilang segundo habang iniisip na namamalikmata lang ako. Pagtanggal ko ng kamay ko ay mas bumilis pa ang pagtibok nang puso ko nang makitang nandoon pa rin ang hugis orasan sa kaliwang mata ko. Ipinikit ko na ang aking mga mata, ngunit pagdilat ko nandoon pa rin. Naghilamos ulit ako, ngunit ganoon pa rin ang nakikita ko sa mata ko. Hanggang sa naisipan kong kapain nang marahan ang orasan sa kaliwang mata ko at dahil sa ginawa ko ay tuluyan na ‘tong naglaho. Matapos ang pangyayari ay napaupo na lamang ako sa sahig habang hinahabol ang hininga ko. Ramdam ko pa rin ang pintig ng puso ko na tila ba kumawala sa katawan ko kanina. That was nothing, right?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD