ANOTHER LIFE
“Gio, wake up…”
I smiled a little when she whispered something to my ears. I’m still drowsy. Hindi ko pa magawang imulat ang mga mata ko, masyado pa ‘kong nalulunod sa paraan nang pagyakap ko sa kanya. Ayoko pang bumangon.
This feels like heaven. I don’t want this to end.
“Come on, baby. You need to wake up. They’re waiting for you.”
Pagmulat nang aking mga mata ay napakunot na lang ang noo ko. Gano’n na lang ang pagkadismaya ko nang mapagtantuang wala na siya sa tabi ko. Napakapa ako sa ‘king braso kung saan siya nakahiga kanina habang yakap-yakap ko at ramdam ko pa ang init sa ‘king balat.
Alam kong nandito siya. May katabi akong babae, ngunit nasaan na siya? Pagbangon ko sa higaan ay nilibot ko naman ang aking paningin. Sobrang liwanag ng paligid, wala na ‘kong makita na iba kundi ang hinihigaan ko lang. Bahagya pang sumakit ang mga mata ko. Sinubukan ko pa siyang hanapin, ngunit puti na lang ang nakikita ko.
I can’t even remember her name, but I’ve felt her presence and love.
Am I dreaming?
Sa isang iglap, muli akong nagising sa pagkakahiga. Napagtanto kong nakabalik na ‘ko sa reyalidad. Nilibot ko ang aking paningin at nalaman kong nasa ospital ako dahil na rin sa mga nakakabit sa katawan ko. Pagtingin ko sa ‘king gilid ay nakita ko naman ang matandang lalaki, tuwang-tuwa siya nang makitang gising na ‘ko. Kaagad niyang tinawag ang doktor.
Pagbangon ko ay napahawak na lang ako sa ‘king ulo. Gusto kong alalahanin ang napanaginipan ko, ngunit hindi ko na matandaan. Tila ba isang bula na nawala sa memorya ko. Napailing na lamang ako, hindi ko na pinilit ang sarili. Sumasakit lang ang ulo ko dahil do’n.
Matapos tapatan ng flashlight ang mga mata ko ay nagsalita na ang doktor. “How many fingers do you see?” tanong niya nang mailahad ang apat niyang mga daliri sa harapan ko.
Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Mukha ba akong hindi marunong magbilang?
“Four,” sinagot ko na lang siya.
“What’s four plus four?” sunod niyang itinanong.
Napabuntong-hininga ako. Mukha ba akong walang alam?
“Eight,” iritado nang sagot ko.
“What’s this?” nagtanong pa ulit siya na hawak naman ang isang ballpoint pen.
“Pen,” tugon ko at napatango siya.
“Very well. What’s your name?” dagdag niya pa.
I know—
Bahagya na lamang nanlaki ang mga mata ko. Wala na ‘kong maisagot…
“I…I don’t know.”
Muling napatango ang doktor na para bang alam niya na ang nangyayari sa akin. “Itong lalaki, nakikilala mo ba?” aniya kasabay nang pagtapik niya sa balikat nito.
Umiling ako matapos kong sulyapan ang matanda na nagbabantay sa ‘kin kanina. Kahit anong pilit kong ungkatin ang mga memorya ko sa ‘king ulo, wala talaga akong maalala.
Does that mean I’ve lost my memories? Ilang araw o buwan ba ‘kong tulog? Ano bang nangyari sa akin? Gulong-gulo na ‘ko, muli akong napahawak sa aking ulo. Gusto kong makaalala, ngunit sumasakit lang lalo ang ulo ko.
“You’re suffering from amnesia, but don’t worry, it’s just temporary.”
Hindi naman ako nakasagot. Amnesia? f**k. Mahihirapan pa yata ‘kong makabalik sa buhay at pinanggalingan ko. Wala akong kaalam-alam.
“Don’t pressure yourself. Sa ngayon ay magpahinga ka muna,” dagdag niya at umalis na kasama ang dalawang nurse na walang ginawa kundi ang titigan lang ako. Kung nababasa ko lang ang isipan nila, alam ko na kung ano ang tingin nila sa ‘kin.
Napabuntong-hininga ako. “What happened?” naitanong ko na lamang sa ‘king sarili dahil kanina pa tahimik ang matanda.
Hindi ko alam kung kilala niya ba ako o taga-bantay ko lang talaga siya? Pormal naman ang kasuotan niya, ngunit wala akong maramdaman na maaari kong maisip na pamilya ko siya. Maski itsura nga ng pamilya ko ay hindi ko maalala. Nag-aaral pa ba ako? Ilang taon na kaya ako? Kahit ano na tungkol sa sarili ko ay wala talaga akong maalala pero ang mga bagay na nasa paligid ko, katulad ng tinanong sa ‘kin ng doktor kanina ay alam ko. Sadyang ang buhay ko lang noon ay hindi ko maalala.
I feel like I’ve lost half of myself.
“You’ve been comatose for one year.”
Tila nabingi ako sa ‘king narinig. “What?” tanong ko habang nakaawang ang labi. Mali yata ang narinig ko.
“One year,” pag-ulit niya.
Bumama ang tingin ko sa mga kamay ko, mas lumalim ang iniisip. One year? Ang tagal no’n! Nang sumakit ulit ang ulo ko ay napangiwi na lang ako at naikuyom ang mga kamay. I keep pushing myself. This is not good for my health.
“Calm down, son.”
“What?” tuluyan akong napatingin sa kanya. “Anak mo ako?”
Dahan-dahan siyang tumango at hinawakan ang balikat ko. “You’ve been in a car accident. That’s why you’ve been comatose for one year. Akala ng mga doctor hindi ka na magigising, sinabi nilang wala ka ng pag-asa. But you came back. It’s a miracle!” aniya,
bakas ang kasiyahan sa mga mata.
“What’s my name?”
Gusto ko ng malaman ang pangalan ko. Pakiramdam ko, kulang ang pagkatao ko kung hindi ko alam ang pangalan ko.
“Scott Rovin De Lux.”
My brows furrowed. “Scott?” banggit ko sa aking pangalan. I don’t feel anything. It’s like it’s not my name.
“Yes, and I am your father. I’m Salvador De Lux,” at bigla niya na lang ako niyakap. “Welcome back, Scott.”
Isinantabi ko na lang muna ang malalim kong iniisip. Niyakap ko na lang din siya at pagkatapos no’n ay muli akong humiga para magpahinga. This is too much. I don’t know what will happen in my life tomorrow. Gusto ko ng makaalala. Hindi sapat ang pangalan ko.
Makalipas ang ilang araw ay makakalabas na rin ako sa ospital. Bago umuwi ay muli akong kinausap ng doktor tungkol sa huling check-up na ginawa sa akin kanina.
“Doc, babalik pa naman mga alaala ko, hindi ba?” tanong ko.
I know, I look so desperate. I want my memories back. Hindi ako makatulog gabi-gabi kakaisip kung anong nangyari sa buhay ko noon. Napapatanong na lang ako sa ‘king sarili na hindi ko naman masagot. Kulang na kulang talaga ang nararamdaman ko, parang hindi ako ‘to at tila may mali sa pagkatao ko.
“Yes, Scott. Babalik ang alaala mo. Huwag mo lang pipilitin dahil kusa ‘yang babalik. Don’t push yourself too much, it’s not good,” nakangiting tugon niya.
Nang sumagot siya ay kahit papaano nakahinga ako nang maluwag. Naibsan ang pangamba ko.
Paglabas ko sa ospital ay bahagya na lamang napaawang ang labi ko nang makita ang sandamakmak na guwardiya sa harapan ko. Lahat sila ay nakasuot ng black suit at mayroon pang earpiece na nakalagay sa kanilang tainga. They escorted me inside the car. Hindi na ako umangal dahil kilala nila ang Ama ko. Ipinadala sila para sunduin ako dahil abala na si Dad sa kompanya, hindi niya ‘ko masasamahang umuwi kaya ang mga taong ‘to ang ipinasama niya na lang sa ‘kin.
Hindi ko naman kailangan ng madaming guwardiya pero wala na ‘kong magagawa, ganito pala kami kayaman. Hindi ko akalain na ang Ama ko ay isa pala sa mga tanyag na businessman dito sa Pilipinas.
I can’t wait to remember my memories. Gusto ko ng malaman kung anong klase akong anak at kung ano ang buhay ko sa mundong ‘to. Madami rin akong itatanong sa kanya pag-uwi niya.
Kasalukuyan ko nang pinagmamasdan ang paligid habang patuloy lang sa pag-andar ang sasakyan. Tahimik lang mga kasama ko, wala rin naman akong balak na kausapin sila kahit na napapansin ko ang maya’t mayang pagnakaw nila ng tingin sa ‘kin. Nakaupo ako sa likod dahil ang dalawang lalaki ay nasa harap.
Ang iba pa na kasama namin ay nasa ibang sasakyan. Nakasunod lang sila sa ‘min.
Maya-maya pa ay nagsalita na ang isa na nakaupo sa shotgun seat. “Sir, gusto mo bang dumaan sa kompanya o sa mansyon n’yo na?”
“I want to rest,” tanging nasabi ko.
Sa bahay ko na lang hihintayin si Ama. Masyado pang maaga para magpakita sa kompanya lalo na’t nahihirapan pa rin ako dahil wala akong maalala.
“Alright, Sir.”
Tuluyan na ‘kong napahikab nang maramdaman ang antok. Papikit na ang mga mata ko nang mapukaw naman ng atensyon ko ang daan na pinasukan namin. Napapaligiran na kami ng mga naglalakihang puno at isang daan na lang ang nakikita ko. Tila dalawang kotse na lamang ang maaaring magkasya rito.
“Nasaan tayo?” tanong ko dahil hindi ako pamilyar sa lugar. Pakiramdam ko k********g na ‘to.
“Malapit na tayo sa mansyon ninyo, Sir Scott. Sakop ng lupa n’yo ang daang ‘to,” sagot ng driver.
Fuck, ganito kami kayaman? Hindi ako makapaniwala.
“De Lux is the richest family here in the Philippines,” sabi pa ng isa.
I gulped for a while. Alam ko ng mayaman si Ama pero hindi ko alam na may mas iyayaman pa pala ang pamilya ko. Kami ang pinaka-mayaman dito? Kung gano’n, tinalo pa ang President ng bansa. Kumusta kaya ang buhay ko noon? Paniguradong madali lang sa ‘kin dahil ito ang kinalakihan ko pero hindi ko pa rin maintindihan. Napahawak ako sa aking dibdib at pinakiramdaman muli ang puso ko. I don’t feel anything at all. Parang nakikinig lang ako sa kwento ng ibang tao.
I don’t know, but I feel like this is all a lie. This life that I’m living is a fake.
Napahinto na ang sasakyan dahil sa malaking gate na humarang sa ‘min. Unti-unti ‘tong bumukas at nang umandar ulit ang sasakyan ay pinagmasdan ko na ulit ang paligid. Sobrang lawak ng lugar. Dalawang malalaking mansyon agad ang napansin ko at dumapo rin ang paningin ko sa agaw-pansin na fountain mula sa gitna.
Umikot ang sasakyan patungo sa main door ng mansyon. Matapos akong pagbuksan ng guwardiya ay bumaba na ‘ko. Sinamahan niya pa ako paakyat sa hagdan, mayroon kasing stairway patungo sa unang mansyon na pinaghintuan ng sasakyan. Pagbukas niya ng pinto ay bumungad naman ang sampung maid sa harapan ko, nakapila silang lahat sa magkabilang gilid ng hallway.
“Welcome back, Sir Scott,” nakatungong sabi nila.
“Thank you,” halos pabulong nang sabi ko.
Paglingon ko sa ‘king likuran ay wala na ang guwardiya, lumabas na ito. Pagharap ko ay bahagya na lang akong napaatras dahil sa isang matandang babae na nasa harapan ko na. Nahihiya naman akong napahawak sa bato.
Mas lumapad ang ngiti sa labi niya. “Mabuti pang kumain ka muna, Sir Scott. Nakahanda na sa dining hall ang mga pagkain.”
Tumango na lamang ako at sinundan na siya, ang ibang katulong ay bumalik na sa kani-kanilang trabaho. Muli kong nilibot ang aking paningin sa paligid habang kami ay naglalakad patungo sa dining hall na sinasabi ng matanda.
Black and white ang theme ng mansyon. Ang disensyo ng bahay ay moderno at sa bawat sulok ng pasilyo ay may estatwang kulay silver na hugis hayop, tinatawag nila itong Jaguar. Napahinto na lang ako nang may sumalubong na naman na pinto sa harap namin. It’s a wooden barn door, ang matanda na mismo ang nagbukas at hindi na ‘ko nagulat kung gaano kalawak ang dining hall na pagkakainan ko. Masyadong malaki talaga ang bahay na ‘to. Sa bawat pintong nadadaanan namin, alam ko ng sobrang lawak nang nasa loob.
“This way, Sir,” at iminuwestro niya ang kamay patungo sa direksyon kung saan ako pupwesto na sinundan na lang ng mga mata ko.
Hindi ako nakasagot agad dahil pinagmasdan ko pa ang hardin na nasa labas mula sa glass wall na katapat ko. Ang ganda ng view kapag kakain.
“Magpakabusog ka, Sir para bumalik na ang ‘yong lakas.”
“Salamat,” at umupo na ako sa upuan kung saan kaharap ko ang salamin. Napapansin ko pa ang repleksyon ko ro’n.
I can’t help but feel amazed.
Ako lang naman ang kakain pero ang daming pagkain sa mesa. Nakakatakam ang mga putahe, ngunit hindi ko ‘to kayang ubusin.
Tatawagin ko na sana ‘yong matanda para sabayan ako, ngunit wala na siya sa tabi ko. Napabuntong-hininga na lamang ako at nagsimula nang kumain.
Pagkatapos kong kumain ay muli akong sinamahan ng matanda. Siya ang head ng mga maid dito, lahat ng mga katulong ay sinusunod siya at siya lang ang nakasuot ng uniform na color blue habang ang iba ay nakaputing uniform. Parang may color coding ang maid uniform nila. Ang tawag sa kanya ay senior house-maid na hinayaan naman akong tawagin siyang Manang.
“Gusto mo na bang magpahinga sa kwarto o simulan na natin ang house tour para maging pamilyar ka rito, Sir?”
Umiling ako. “Magpapahinga na lang muna ako, Manang,” tugon ko.
Masyado akong nabusog sa mga kinain ko kanina kaya gusto ko na humiga sa kama.
Tumango na lamang siya at sinundan ko na siya patungo sa taas. Pati ang hagdanan na inaakyatan namin ay dambuhala rin at agaw-pansin pa sa sala ang chandelier na kumikinang mula sa ceiling na maaari ko nang maabot dahil nasa tuktok na ‘ko ng hallway ng bedrooms.
“Rest well,” aniya at ngumiti na lamang ako bilang tugon sa kanya matapos niyang buksan sa harapan ko ang pinto patungo sa kwarto ko.
This is my room, huh? Nilibot ko ang aking paningin. Malinis, malamig, at kumpleto lahat sa gamit. Mayroon ng banyo at walk-in-closet sa loob ng kwarto ko. Mayroon pang balkonahe na p’wede kong tambayan tuwing gabi o kapag hindi ako makatulog.
Maya-maya pa ay napabuntong-hininga na lang ako.
“Dull colors, ganito ba talaga ang gusto kong kulay?” naitanong ko na lamang sa ‘king sarili. Wala namang sasagot sa ‘kin kaya lumapit na ‘ko sa malaki kong kama at marahang humiga ro’n. I used my right arm to make it into a pillow as I stared at the ceiling.
I guess, welcome back, Scott Rovin De Lux.