CHAPTER 4

2059 Words
DREAM AND DOUBTS Sa kalagitnaan nang madaling araw, nagising na naman ako dahil sa isang panaginip. It’s like it was haunting me, but when I woke up, I couldn’t remember it anymore. I don’t know why. Ramdam ko lang na nananaginip ako dahil bigla na lang akong nagigising sa hindi malamang dahilan. Palagi namang ganoon. Kakaiba sa pakiramdam na para bang hinahanap-hanap ko. Hindi ko lang mawari kung paano, ano, o sino iyon. Gusto ko na ngang malaman pero wala naman akong magawa dahil wala pa rin namang makapagsasabi sa ‘kin. Hindi ko na nga pinipilit dahil kusa namang nangyayari. Nakakainis lang dahil ni-isa sa mga panaginip ko ay wala pa rin akong matandaan. How hard could it be? It’s just a dream. And that f*****g dream could turn out to be my memories. Bumangon na ‘ko sa pagkakahiga nang kumalma na ang kalooban ko. Maya’t maya ay napasabunot na lang ako sa ‘king buhok. This situation really frustrates me. Every damn time! Dahil sa nangyari, mapupuyat na naman ako. Baka abutin na naman ako nang sikat ng araw bago makabalik sa pagtulog. Sa tuwing nangyayari ‘to, sa balkonahe na lang ako nagpapalipas nang oras habang pinagmamasdan ang dahan-dahang pagsilip ng araw. Ma-puno sa lugar namin kaya wala akong nagiging problema dahil na rin sa kapayapaan na dala nito sa ‘kin. Mahangin pa sa labas kaya naman bumaba na ako sa kama upang magtungo sa balkonahe. Ilang araw pa lang ako rito, ngunit komportable na agad ako kahit na wala pa rin akong maalala. Siguro nga ganito talaga ang buhay ko. Sanay sa katahimikan at kapayaan ng lugar kahit na madalas ay mag-isa lang ako. Habang tulala sa kalangitan ay dinala na naman ako nang kaisipan ko tungkol sa nangyari sa ‘kin no’ng nasa banyo ako. Namalikmata lang siguro talaga ako dahil sa biglaang p*******t ng ulo at mga mata ko, ngunit hindi ko pa rin mapigilang isipin. Bumabalik ito sa alaala ko. Ang mala-gintong kulay at hugis orasan na ‘yon ay nakakamanghang tignan sa kaliwang mata ko, ngunit hindi kapani-paniwala. Pero bakit gano’n? Naiisip ko pa rin gayong alam kong malabo ‘yong mangyari sa totoong buhay. Hindi naman ito pelikula, nobela, o drama dahil reyalidad na ito. Buhay ko ‘to kaya malabo talagang mangyari ‘yon lalo na’t pawang pantasya ang pangyayaring ‘yon. Gayunpaman, hindi ako mapakali sa aking mga iniisip. “It’s time to wake up, Sir Scott.” Napalingon na lang ako sa tinig na narinig ko mula sa labas ng kwarto ko. Kumatok pa ito ng ilang beses para gisingin ako. Saka ko lang napagtanto na hindi na ako nakabalik sa higaan dahil sa lalim ng mga iniisip ko. “May pupuntahan pa raw kayo, Sir. Kailangan mo ng bumangon diyan,” sabi pa niya. Napabuntong-hininga na lamang ako at pumasok na sa loob. Isinara ko na ang glass sliding door na patungo sa balkonahe. “Sir Scott?” pagtawag niya pa sa ‘kin habang kumakatok ulit sa pinto. “Pababa na,” tugon ko kaya naman natahimik na ang babae. Dumiretso muna ako sa banyo bago bumaba. Pagharap ko sa salamin ay napailing na lang ako upang iwaksi ang masamang alaala na nangyari sa kaliwang mata ko. Iba na lang ang inisip ko. Iyon ay wala na naman akong maayos na tulog. Buong araw na naman akong a-antukin nito. Pagsapit nang gabi… Makalipas ang ilang oras ay nakarating na kami sa hotel. Pagbaba sa sasakyan ay iginala ko na lamang ang paningin ko sa paligid. Wala akong masabi kung hindi ang mamangha na lang. Tipid na lang akong ngumi-ngiti sa bawat taong napapatingin sa ‘kin. Handa naman na ‘ko sa ganito. Nakapag-usap na kami ni Ama kanina tungkol sa ganap ngayong gabi. Isang business event kung saan kabilang sila Ama at ng mga kakilala niya. “Are you okay, Scott?” aniya habang naglalakad na kami sa hallway. Nasa likuran namin ang dalawang bodyguard at nasa harap naman namin ang isang concierge ng hotel na maghahatid sa ‘min sa banquet hall. “Yes, Dad. I’m just new to this…” Bahagya siyang tumawa. “Loosen up, son! Bata ka pa lang sumasama ka na kaya sa ‘kin. Nakalimutan mo lang talaga,” nakangiting tugon niya at marahang tinapik ang likod ko. Ngumiti na lamang ako. Iyon naman ang problema, e. Wala akong maalala. Nakakahiya na nga kay Ama, ngunit para sa kanya ay parang wala naman ‘yon. Hindi naman siya nahihirapan sa sitwasyon ko. Mabait talaga siya. Kaya siguro nakaabot kami sa ganitong buhay. I just feel useless for some reason… “What’s up, dude?” My brows furrowed at the sudden guy who appeared in front of me. “Who are you?” sabi ko dahil hindi ko naman siya kilala. O baka nakalimutan ko? Nagpakita naman ang nakakalokong ngiti niya. “Sungit, ah! Ang boring kasi ‘di ba?” aniya nang umalis siya sa tapat ko at gumilid sa tabi ko habang natatawa pa. Hindi man lang pinansin ang tanong ko. This guy must be easy to be with. His attitude and aura say it all about how loud and funny he is.   Maybe he’s one of the guys who calls themselves as clown. Gusto kong matawa, ngunit pinigilan ko na lang. Nasa isip ko na lang ‘yon. “Yeah?” dagdag niya. Tumango na lamang ako sa sinabi niya at tinanggap ang basong inilahad niya sa ‘kin na naglalaman ng wine. Ngayon ko lang napansin na dalawa pala ang dala niya. Speaking of boring, it is boring. Kaya ako nandito sa labas ng venue dahil hindi ko na makayanan ang mga tao sa loob. Kung ano-anong pinag-uusapan, maingay, at hindi ko pa gaanong maintindihan. Kaya lang naman ako nandito dahil kay Ama. Hinayaan niya na lang ako mag-isa dahil busy rin siyang makipag-usap sa mga kakilala niyang businessman. Nakarating naman na ang balita sa kanila tungkol sa nangyari sa ‘kin. Hindi naman naging awkward kanina nang makausap ko sila, lumayo na lang ako dahil hindi ko nagustuhan ang ugali ng iba.   Ganito nga pala kapag usapang negosyo. Soon, makakasalamuha ko ulit sila. Kaya ngayon lulubusin ko na ang buhay ko habang hindi pa ako nagtatrabaho. “Oh! Where are my manners? I’m Jaxton Sawney, by the way,” aniya paglahad niya ng kamay. Sawney… He’s also from one of the most influential families when it comes to business. Sila ba naman ang may-ari ng mga sikat na malls dito. Mabuti na lang bago ako nagpunta rito, kinilala ko na ang mga guest galing sa iba’t ibang company or corporation. Napangiwi naman ako dahil sa paraan nang pagpapakilala niya. “Scott,” tipid kong sagot kasabay nang pagtanggap ko sa kamay niya. Kaagad ko ring binitiwan ang kamay niya at tumingin na muli sa fountain na umiilaw mula sa gitna namin. Natahimik kami ng ilang minuto na maya-maya rin ay nagsalita ulit ang lalaki na iniwan na lang sana ako. Nag-stay talaga siya, e wala akong balak makipagkwentuhan sa kanya o ano mang gusto niyang mangyari dahil wala akong pake sa pagiging bored niya. “Family of?” “De Lux,” tugon ko at muling uminom. Importante din talaga sa mga tao rito kung saan ka galing. Hindi ka nila makikila sa first name mo pero sa last name, tiyak matatandaan nila kung sino at saan ka galing na pamilya. “Ah,” aniya at saglit na natahimik. “Jaghuar corporation?” Napatango naman ako. “Why?” sambit ko pagbaling ko sa kanya. “You’re a great man, dude. The only son of Mr. Salvador!” tila kuminang pa ang mga mata niya. “He’s one of the powerful and influential men here in the Philippines. I really admire your father. He’s also my father’s friend, so this is why you’re familiar.” “R-right…” tanging nasabi ko. Wala naman kasi akong maalala. Baka nga nagkita na kami noon, hindi ko lang matandaan dahil sa nangyari sa ‘kin.  “I saw an article about you. Wala ka raw maalala?” Muli akong napatango, hindi makasagot. Ayoko namang kaawaan ako tulad sa mga nabasa kong comments no’n sa article na inilabas tungkol sa ‘kin kaya kapag usapang gan’yan, hindi na ako nagsasalita para matapos na agad. “Now I know!” humalakhak pa siya. “Kaya pala hindi mo ako nakilala. Nagkita na tayo noon,” sabi pa niya. Tinanguan ko na lang siya dahil wala pa rin akong masabi. “Well, at that time… you considered me as your friend,” pagpapatuloy niya at muling inilahad ang kamay niya upang makipag-kamayan ulit sa ‘kin. “We’re the same age. Relax, dude,” dagdag niya habang natatawa pa. Akala ko mas matanda siya sa ‘kin. Tuluyan na akong napabuntong-hininga. “Okay,” at tinanggap ko na ulit ang kamay niya. “You’re so annoying,” dagdag ko na ikinatawa niya naman. Hindi ko akalain na magiging kaibigan ko siya. “That’s me,” proud pang sabi niya kaya napailing na lang ako. Kinaibigan ko na lang siguro ‘to noon dahil sa ugali niya. Mukha namang mapagkakatiwalaan siya kahit na mas mukha siyang loko-loko. Maya-maya pa ay naisipan na naming bumalik sa loob. Wala naman na kaming mapag-usapan kundi ang ganap sa buhay namin kaya naisipan na naming makisama ulit sa mga tao na nasa loob ng event. Wala na rin naman na ‘kong masabi, e. Ang daldal kasi ng lalaki. Mas nabi-bwiset lang ako. Hindi ko talaga alam ba’t ako pumayag na maging kaibigan niya ulit. Paglapit ko kay Ama ay tinapik niya naman ang likod ko. “Where have you been?” aniya. Mag-isa na lang siya kaya tamang-tama ang pagbalik ko. Sabay na kaming bumalik sa table namin. “I met Jaxton. Nagkita na rin daw kami noon.” Tumaas ang isa niyang kilay. “Jaxton Sawney?” “Yeah.” Pagtango ko. “That’s great, son. He will help you, so that’s fine. I also know his family.” Napatango na lamang ako. Mabuti nga siguro ‘yon. “Mas mabuti na ngayon pa lang may kaibigan ka na sa larangan ng industriya na ito. Makakatulong ‘yon lalo na’t alam mong mapagkakatiwalaan sila. Kapag madami kang tao, kilala, o kaibigan sa business. Mapapadali ang trabaho mo, Scott.” “But, Dad—” hindi niya na ‘ko pinatapos. Mukhang alam niya na ang sasabihin ko. Nagdadalawang-isip na ako dahil pakiramdam ko malaking dagok sa buhay ko ang pagkawala ng mga alaala ko. Baka makaapekto pa ito oras na makapagtrabaho na ako. Hindi ko pa alam ang gagawin ko. “Wala akong pakialam sa pagkawala ng alaala mo, Scott. Babalik din naman ‘yan. Pero ang manghinayang ka o matakot dahil sa kakulangan mo? Hindi ko ‘yan palalampasin.” Napalunok na lamang ako.   “You’re my only son, Scott. Ikaw ang tagapagmana ko.” “Don’t worry, Dad. I won’t disappoint you,” sinsero kong sabi. I really mean it. “Thank you, son.” Matapos kumain ay nagpalakpakan na kami. Katatapos lang magsalita ng lalaki na ipinakilala sa ‘kin ni Ama habang nakikinig at kumakain kami. Kung hindi ako nagkakamali, nasa politika pa ang matandang ‘yon. Kilala sa buong mundo. Kahit sino naman yata na nandito ay sikat. Mga negosyanteng patuloy na yumayaman. Hindi ko maipagkakaila na gano’n din naman kami ni Ama. Nagpapayaman pa. Gayunpaman, masaya ako nang malaman mula kay Ama na every year may charity event kaming pinupuntahan para makatulong sa mga mahihirap o sa mga batang nasa bahay-ampunan. “What do you think, son? This is life… and your purpose.” Hindi na dapat ako matakot o mawalan nang pag-asa dahil lang sa mga alaala kong ayaw pang bumalik. Para kay Ama, gagawin ko ang lahat dahil ako na lang sa pamilya namin ang pinagkakatiwalaan niya. Ako na nag-iisa niyang anak ay kailanman hindi siya bibiguin. That’s the only thing that could motivate me right now. Kinuha ko ang baso at sumimsim do’n. “I’ll make you proud. Soon, Dad…” Not until that mysterious phenomenon starts happening again. My left eye is changing again, and I can feel it throughout my body. That time, I could only imagine my pain. And doubting my life was the only thing I could do.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD