CHAPTER 5

2340 Words
STARTING LINE “Ngayon na ang simula ng klase mo, ‘di ba?” ani Manang pagkaupo ko sa upuan. Tumango na lamang ako sa sinabi niya. Ang atensyon ko kasi ay nasa mga pagkain na. Kasalukuyan niya pang inilalapag ang ibang mga pagkain sa lamesa, katulong niya pa ang isang maid na tahimik lang. “Magpakabusog ka,” dagdag niya matapos akong ngitian. “Salamat, Manang,” tugon ko. Nang iwan nila ako ay saka pa lang ako nagsimulang kumain. Madami silang inihandang pagkain na hindi ko naman mauubos. Kailangan ko na talagang masanay, hindi naman ito masasayang dahil kumakain din naman sila. Hindi nga lang sila sumasabay sa ‘kin. Hindi ko kasama si Ama kaya mag-isa na naman ako. Kagabi ay pinaalam niya sa ‘kin na may flight siya papuntang ibang bansa. Pinuntahan niya ang kompanya namin do’n sa States dahil may bagong sasakyan na naman na ipapalabas sa publiko na ginawa roon mismo. Habang kumakain ay nakatanggap naman ako nang message mula kay Jaxton. Simula nang makuha niya ang contact number ko ay madalas niya na ‘kong ginugulo dahil ako lang daw ang “kaibigan” niya. Akala niya siguro hindi ako gumagamit ng social media. Hinding-hindi ako maniniwala sa kanya dahil ang dami kong nakikita sa Instagramma niya.   Jaxton: Let’s go hiking! G ka ba, bro? Wala pa namang klase ngayon dahil first day!   Kaagad ko naman siyang ni-replayan. Scott: No. First day nga ng klase ngayon kaya maaga talaga akong nagising. P’wede ngang um-absent dahil sabi rin ng mga kaklase ko sa group chat ay wala talagang professor na pumapasok sa klase kapag first day sa ‘ming mga nasa Business Management ang course. Ang ganap lang siguro ngayon ay ‘yong general assembly. Kaya pupunta pa rin ako. Ayokong madawit sa unang araw ng klase dahil sa kalokohan ni Jaxton. Kaya naman siya nagyayaya dahil mas may alam siya sa mga nangyayari sa school. Hindi ko nga inaasahan na nasa iisang unibersidad lang kami. Same age nga kami pero nasa third year na siya. Kung hindi lang ako naaksidente, e ‘di sana isang taon na lang din ay ga-graduate na ako. Matapos kong kumain ay umakyat na ako para makaligo. Bago pa ako makapasok sa banyo ay tumunog na naman ang cellphone ko. Pagtingin ko sa text niya ay napaawang na lang ang labi ko dahil sa ini-reply niya. Jaxton: May mga kasama pa tayo, dude. Besides, sawa na ako sa mukha mo kaya this time sasama ka na lang. It’s time that you make some friends, too! Ayaw mo ba magkaroon ng girlfriend? This is the sign! Scott: Alam mo ang gago mo talaga. Bakit ba kita naging kaibigan? Napapailing pa ako habang nagre-reply sa kanya. Hindi ko talaga akalain na ang lalaking ‘to ay magiging kauna-unahan ko pang kaibigan. Jaxton: Come on, Scott! I’m your only friend! Napatulala na lang ako sa message niya na hindi ko na nagawang replayan. Tuluyan na akong pumasok sa banyo para makaligo na. Pagkatapos kong hubarin ang mga damit ko ay pumasok na ako sa shower room. Binuksan ko na ang shower valve at nagpakabasa na sa tubig. Habang naliligo ay natigilan na lang ako sa ginagawa kong pagpupunas. Muli kong napagtanto ang sinabi ni Manang noon na mukhang wala akong kaibigan. Baka nga hindi lang malapit ang loob ko sa kanila noon. Baka nga iba talaga ang ugali ko noon. Iba ang pakikitungo ko sa kanila at kay Ama. Gayunpaman, wala na ‘kong magagawa kung hindi ang magbagong buhay na ngayon. Kaya siguro buhay pa ako hanggang ngayon dahil binigyan pa ako ng pagkakataon para magbago? Ewan ko ba! Kung ano-ano na naman ang naiisip ko.   Matapos kong maligo ay nagtungo naman ako sa closet ko para makapagbihis na. Habang naghahanap ng maisusuot ay nakatanggap na ‘ko nang tawag mula kay Jaxton. Wala akong magawa kung hindi sagutin na siya dahil nakailang missed calls na pala ‘ko sa kanya. “Dude!” bungad niya. “What?” iritado nang sagot ko. Male-late na ‘ko dahil sa pinaggagagawa niya, e. “Aw, you’re mad?” humina na ang boses niya. “Oo, dahil gusto kong um-attend kahit na walang prof. Kaya p’wede ba? Tigilan mo muna ako, Jax. Ayoko ng magkaroon pa ng madaming kai—” natigilan ako. Bakit ko ba naisip ‘yon? Hindi ba dapat matuwa pa ako na magkakaroon na ako ng kaibigan bukod kay Jaxton? Tangina naman! “Saan ba ‘yan?” pagbabago ko. “Well, naisip naming mag-hiking sa Nueva Ecija. I’ll send you the location. P’wede ka pa ring sumama kapag nagbago na isip mo. We’ll meet you there,” seryoso nang sabi niya. “Besides, this is what your father wants, Scott. He wants you to live free and happily. Kaya rin kita pinipilit hangga’t hindi pa nagsisimula klase natin. Hindi na natin ‘to magagawa oras na maka-graduate na tayo dahil paniguradong tayo na ang hahawak sa responsibilidad ng mga magulang natin.” He’s right. Ito na lang talaga ‘yong oras namin na magliwaliw habang nag-aaral pa dahil kapag tumuntong na kami sa buhay na ginagampanan ng mga magulang namin sa kompanya ay hindi na kami basta-basta makakatakas. “I know,” tanging nasabi ko. Narinig ko naman sa kabilang linya ang pagbuntong-hininga niya. “Okay, we’ll see you there. Take care, Scott,” aniya na para bang alam niya nang magbabago pa ang isip ko. Matapos kong magbihis ay humarap na ulit ako sa salamin. Napabuntong-hininga na lang ako at saglit na sinuklayan ang buhok ko. Pagkatapos no’n ay inayos ko na ang mga gamit na dadalhin ko dahil nagbabalak na rin akong sumunod sa kanila. Magaling kasing magsalita itong si Jaxton, napapayag niya tuloy ako. No wonder there are a lot of girls in his timeline. Bwiset ‘yon, e. Ayos lang kung hindi na ako makakasama sa hiking nila dahil sa huling message ni Jaxton sa ‘kin na after nila mag-hiking ay pupunta naman sila sa hot spring. Doon ko na lang sila kikitain. Balak ko kasing tapusin na lang ang general assembly bago magpunta roon. Pagkababa ko ay nagpaalam na ako kina Manang na aalis na ako. “Ingat, Sir,” nakangiting sabi niya. “Thanks, Manang.” Pagngiti ko rin. Manang did help me a lot. She became my mother figure, too. Gusto ko nga na pangalan ko na lang ang banggitin niya, hindi na ‘yong sir pero doon daw siya mas sanay kaya hinayaan ko na lang siya sa gusto niya. Tumungo na lamang ang iba pang mga katulong. Hindi na ako lumabas sa main door ng mansyon, dumiretso na lang ako sa ground floor kung saan daan papunta sa kabilang mansyon. Hindi na ako magpapahatid o sundo sa family driver namin dahil nakapagpaalam naman na ‘ko kay Ama. Pumayag na siya kaya heto ako gagamitin na ang isa sa mga sasakyan namin na naka-display lang do’n. Magiging maingat naman ako sa pagmamaneho dahil ayoko nang maaksidente. At ‘yong nangyari sa ‘kin ay hindi ko naman kasalanan dahil no’ng araw na ‘yon ay hindi raw ako ang nag-drive. Iyon ang sabi sa ‘kin ni Ama. Napangiti na lang ako nang marating na ang mga sasakyan. Iniisip ko kung ano nang sasakyan ko nang tumunog muli ang cellphone ko. Si Dad na ang tumatawag. “Yes, Dad?” pagsagot ko. “Good luck on your first day, son.” “Thanks, Dad,” tugon ko at tipid na napangiti. “And I think, gagabihin yata ako mamaya. May pupuntahan kami ni Jaxton, Dad,” dagdag ko nang mapasilip ako sa suot kong relo. Mabuti nang makapagpaalam ako. Bahagya naman siyang natawa. “I already know that, son. You don’t have to worry. You should enjoy your day, Scott.” Tila nakahinga naman ako nang maluwag. “Thanks, Dad. I’ll go now.” “Okay, take care,” “Take care, too. I’ll see you next week, Dad,” tugon ko at in-end na ang tawag. Sedan na ang napili kong sasakyan kaya pumasok na ako ro’n at pinaandar na ito. Sa mansyong ito may censor naman ang main door kaya nang awtomatikong bumukas ito ay pinaharurot ko na ang sasakyan palabas nang mansyon. Nakabukas na rin ang main gate kaya dire-diretso na ang pagmamaneho ko. Tinanguan ko na lamang ang gwardiyang nagbukas ng gate. Makalipas ang ilang oras ay nakarating na ako sa school. Alam ko na kung saan akong department pupunta kaya hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Lumayo na ako sa mga nagkukumpulang estudyante. Pagpasok ko sa classroom ay halos lahat naman ay nakuha ko ang atensyon nila. Hindi ko na lang pinansin ang mga tingin nila. Dumiretso na lang ako sa bakanteng upuan na nasa bandang likod kung saan halos lahat din ng mga lalaki ay doon naka-pwesto. Hindi naman gano’n kaingay pero maririnig mong halos lahat ay nag-uusap usap. Gusto ko na lang talaga maka-graduate. Maya-maya pa ay may nagtangka nang kumausap sa ‘kin. Babae pa na nasa tapat ko. Lumingon pa talaga siya sa ‘kin para lang makausap ako. Tahimik lang din siya kanina pero nagawa niya na ‘kong kausapin ngayon. Bakit ba ako? “Hi, I’m Kimia. Kim for short. You?” pagpapakilala niya. “Scott,” tugon ko. Ngumiti naman siya at tumango pa. “Wala raw papasok na prof ngayon, eh. Gusto mo bang lumabas muna?” sabi pa niya. “Mamaya kasi general assembly na para diretso na tayo ro’n.” “Saan?” tipid kong sagot. “Library. Tahimik kasi…” tila nahihiya nang sabi niya. Now I understand her. She wants to be in a quiet place. Mukhang ako ang napansin niya dahil tahimik din ako kumpara sa iba na parang magkakakilala na agad. Kung ano-ano na ang pinag-uusapan. Ang aga-aga nga pero magkakakilala na yata lahat. Kami na lang ang naiwan na walang balak makisali sa kanila. “Let’s go,” sabi ko at tumayo na. Dali-dali naman siyang tumayo at sumunod na sa ‘kin. Wala na ‘kong pakialam kung anong maiisip nila tungkol sa ‘min. “Sorry, ha. Ikaw pa inabala ko. Hindi kasi ako maka-concentrate. Nag-aadvance reading na ‘ko para ready na ako bukas,” aniya habang naglalakad na kami papuntang library. Nasa tabi ko na rin siya. “No problem,” sabi ko habang nakatingin lang sa harapan. “Scott? Scott pangalan mo, ‘di ba?” pagpapatuloy niya. “K-kapag ano…may groupings. Tulad nang by partner, p’wede ba ikaw na lang partner ko? Nahihiya kasi ako sa iba. Alam mo naman parang lahat yata sila roon magkakakilala na…tapos ano—” hindi ko na siya pinatapos. Mali ako nang hinala. Madaldal pala talaga siya. “It’s fine with me,” at sumulyap sa kanya. Ngumiti naman siya. “Thank you!” at masigla nang sabi niya. Pinagbuksan ko na lang siya nang pinto nang makarating na kami sa library. Hindi gano’n karami ang tao kaya nakita ko na naman ang pagkasigla sa mga mata niya. Pagkaupo namin sa bakanteng upuan ay inilapag niya na ang gamit niya sa table. Pinanood ko na lang siya na gawin ‘yon. “You can sleep muna? Gisingin na lang kita kapag kailangan na tayo sa assembly,” aniya pagbaling nang tingin sa ‘kin. Saglit akong ngumiti at tumango. “Thanks,” sabi ko pa at inilapat ko na ang ulo ko sa table. Mabuti pang matulog muna ako dahil hindi rin naging maayos ang pagtulog ko kagabi. Hindi naman ako nanaginip, nahirapan lang ako makatulog kagabi. Kasalukuyan na ‘kong tumatakbo sa daang madilim na iisang ilaw lang ng poste ang nakikita ko. Hindi ko mawari kung sino ang tinatakbukan o hinahanap ko. Paulit-ulit lang na nangyayari hanggang sa makarinig na ako ng boses na nagmumula sa dulo ng daan. She’s a woman… Mag-isa lang siya at kung saan siya nakatayo ay may liwanag doon. Sa kanya lang nakatutok. “Gio!” “Stop running!” “Gio!” “Tumigil ka!” Hindi ko pa mamukhaan kung sino ‘yon dahil sa layo nang pagitan namin, ngunit ang boses niya ay maayos kong naririnig sa ‘king tainga na para bang ang lapit-lapit lang niya sa ‘kin. Pero… Wala akong maintindihan sa sinasabi niya. Gayunpaman, nagpatuloy ako sa pagtakbo para lang makalapit sa kanya nang bigla na lang nagkaroon ng unti-unting pag-c***k sa paligid ko hanggang sa tuluyan na ‘kong malaglag sa hindi malamang dahilan. “Scott…” “Hey—” Pagbangon ko ay nanlalaki na ang mga mata ko. Habol-habol ko rin ang hininga ko na para bang pagod na pagod ako sa ginawa ko. Nang maramdaman ko ang kamay na humawak sa balikat ko ay nilingon ko na si Kimia na kanina pa yata ako tinatawag. “Okay ka lang ba? Nananaginip ka, Scott. Kinailangan kitang gisingin dahil parang nahihirapan ka na,” nag-aalala pang sabi niya. “I’m okay. Thanks, Kim,” tanging nasabi ko. Ayoko nang pahabain ang usapan tungkol doon kaya tumayo na ako. “We should go now,” dagdag ko matapos tignan ang oras sa relo ko. Ilang minuto na lang naman ay kailangan na naming pumunta sa auditorium. Gusto ko lang na makaalis na rito dahil iba na ang pakiramdam ko. “Are you sure? You can talk to me naman,” sabi pa niya. “Para kasing masamang panaginip ‘yon, eh. Pero okay lang kung ayaw mo talaga. No worries! I’m just worried,” dagdag niya at sumunod na sa ‘kin dahil nagsimula na akong maglakad.   Umiling na lang ako dahil wala na ‘kong gana magsalita. Hindi ko naman masasabi sa kanya dahil hindi ko na maalala kung ano ‘yon. And I know it’s real that I’m dreaming again, and based on what she said, it might be a bad dream. But I can’t remember it anymore. f**k my life! I want to know what happened because this is making me crazy again. Hanggang kailan ako ganito? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD