A FEELING
Sa kalagitnaan nang ceremony ay nakakaramdam na naman ako nang antok. Mukhang kailangan ko na talagang magpa-checkup ulit para naman sa sleeping problems ko. Kung saan-saan na rin tumatakbo ang isipan ko. Baka kailanganin ko na rin ng psychologist or neuropsychiatrist para sa utak ko. Ayoko na ngang matulog dahil baka managinip na naman ako. Isa pa ‘yon sa mga problema ko. Pinaka-problema ko.
I had all the means to go back again to the hospital, but I couldn’t manage to tell my father about it again. No’ng sinabi ko para pa siyang magagalit. He keeps on insisting that I am fine when I’m really not. He also said that I shouldn't go to the hospital anymore because my memories would just come back to me. But, for me, that’s not what’s happening.
There’s more than that…
Pagpasok ko sa opisina niya ay kinausap ko na siya agad tungkol sa pakay ko. “Dad, can I go to the hospital tomorrow? There must be something wrong with me—” hindi niya man lang ako pinatapos.
Napakunot ang noo niya. “Hospital? What now, son? You’re already fine,” pagputol niya sa sinasabi ko.
“But, Dad—”
“Kapag nakilala ka sa ospital, madami na naman silang masasabi sa’yo.” Bumuntong-hininga pa siya. “Alam mo namang ikaw ang tagapagmana ko, Scott. Madami pang gustong magtangka na kunin ang posisyon mo sa kompanya natin dahil sa kalagayan mo. Hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ‘yon.”
“That’s why I need to go, Dad,” mariin ko pang sabi. Iyon na lang ang nakikita kong paraan para sa problema kong ‘to. “Hindi ako magpapahuli,” dagdag ko pa.
Mahirap bang intindihin ‘yon?
Umiling siya at muling napabuntong-hininga. “Babalik naman ang mga alaala mo, Scott. Ang doctor na mismo ang nagsabi. You should wait patiently,” aniya at itinuon na muli ang atensyon sa mga papeles na kanina niya pa binabasa.
Napatango na lamang ako at lumabas na. Hindi ko na ginalit si Ama.
Kaya hanggang ngayon nag-aalangan ako kung pupunta baa ko o hahayaan ko na lang na lamunin ako ng mga nangyayari sa ‘kin. Ayoko namang magalit si Ama, imposible naman kasi na hindi niya malalaman kung tatakas ako.
Bahala na nga!
Tahimik na sa tabi ko si Kimia kaya ang buong atensyon ko ay nasa stage na lang at sa principal na nagsasalita. Ang boring.
Dapat pala hindi na lang ako pumasok. Ngayon ko na lang ulit kasi naranasan ‘to. Parang bago pa sa ‘kin. Tama nga ang lalaking ‘yon. Dapat talaga sumama na lang ako kay Jaxton at sa mga kaibigan niya na ngayon ko pa lang makikilala.
That dream really ruined my day, even though I can’t remember it. Malakas lang talaga ang pakiramdam ko sa tuwing nangyayari ‘yon.
Hindi ko lang akalain na pati pagtulog ko rito sa school ay magagawa pa rin akong gambalain ng mga panaginip ko na hindi ko pa rin maalala. At kapag ganoon ang nangyayari, gusto ko na lang gumawa ng mga bagay na magiging dahilan para makalimutan ko ‘yon. Iyon na lang ang paraan ko, e.
Ngayon pa talaga ako nagsisi, noh?
Paulit-ulit ko nang sinasabi pero… again and again! f**k my life. Really.
“Are you okay?” ani Kimia. Hanggang ngayon yata ay inaalala niya pa rin ako. This woman must be really nice.
Ngumiti ako. “Oo naman.”
“Okay,” nakangiti ring sabi niya at ibinaling niya na muli ang paningin sa harapan.
I was about to check my phone when it already rang in my pocket. A message notification. Hindi na ako magtataka kung sino ‘yon.
Jaxton: Let me guess. You’re getting bored?
Matapos naming tumayo at pumalakpak sa taong nagsasalita sa stage ay pinaupo na ulit kami. Hindi nagtagal ay nag-reply na rin ako kay Jaxton.
Scott: Malamang. Kasalanan mo ‘to, e.
Mas mabilis pa siyang mag-reply kaysa sa ‘kin. Ilang segundo pa lang, mayroon na agad. Kanina niya pa yata hinihintay na mag-text ako. Hindi niya lang napigilan ang sarili kaya nauna na siyang mag-text sa ‘kin. Parang tanga, nagha-hike ba ‘to o ano? Sa mga oras pa naman na ‘to nasa bundok na dapat sila, e.
Kung babae lang ‘to, matagal ko nang naisip na may gusto ‘to sa ‘kin. Dapat nga babae na lang, but this guy came. He’s so f*****g annoying, but I know he’s really a good friend.
Jaxton: Dude, that’s not my fault! Ikaw na mismo nagsabi niyan, ah?
Napailing na lang ako. He can really twist some words.
Jaxton: Ano pa hinihintay mo? Umalis ka na kaya diyan, Scott? Come on, have fun with us! They want to meet you, too.
Scott: Sa baba na ng bundok ko kayo kikitain. Sa hot spring na sinasabi mo.
Jaxton: ‘Yon, oh! Sure, ingat, bro! Kapag talk s**t ‘yan, you have to go with me to a club. Bawal talk s**t na kaibigan, lol.
Napangiwi na lamang ako at hindi na siya ni-replayan. Talagang tinakot niya pa ‘ko. Ayoko kasing pumunta sa club, ang ingay pa ro’n masyado at baka kung ano pang magawa ko lalo na’t hindi pa gano’n kataas ang alcohol tolerance ko.
“Wala naman yatang importanteng sasabihin,” nagsalita na muli si Kimia.
“I guess,” tugon ko at napatingin na sa orasan mula sa suot kong relo. “Ibibigay naman daw kasi ‘yong IRR model sa ‘tin via email para sa mga important details about our department,” dagdag ko dahil nalaman ko kay Jaxton.
“Hala, weh?” gulat niya pang sabi pagbaling nang tingin sa ‘kin. “Hindi ko alam! Sinabi ba sa group chat?”
Umiling naman ako. “May nagsabi lang sa ‘kin.”
Napanguso siya at isinukbit na ang bag niya, handa nang umalis. “Gusto ko ng umalis dito. Sayang lang sa oras, may iba pa akong gagawin, eh. Dapat pala hindi na lang ako pumasok,” aniya habang nakasimangot na.
Parehas lang kami kaya natawa na ‘ko sa reaks’yon niya.
Napakurap naman siya, hindi yata inaasahan ang pagtawa ko. “Scott?” pagbanggit niya pa sa pangalan ko.
Hindi ba talaga halata sa ‘kin na tumatawa rin ako? Na kaya ko ring tumawa o ipakitang masaya ako? Masyado ba talaga akong nagmumukhang masungit o tahimik lang? Pakiramdam ko nga, hindi naman talaga ako gano’n. Ewan ko ba.
“Wala,” at kinuha ko na rin ang bag ko. “Tara na,” dagdag ko at sumunod na lang siya sa ‘kin palabas sa auditorium.
Hindi naman kami nahuli dahil sa dami na ng tao sa loob.
Kasalukuyan na kaming naglalakad papunta sa parking lot nang magsimula na naman si Kimia. Dumaldal na naman siya sa tabi ko habang ako ay patango-tango lang sa ikinu-kwento niya.
“Buti na lang nagtanong na ako sa’yo, Scott. Thank you talaga! At least, makakauwi na ako agad. Madami pa kasi akong aaralin at aasikasuhin sa bahay. Ay, gagawin pala!” aniya na nagpakunot na nang noo ko. Nasa mamahaling unibersidad siya pero kung magsalita siya ay para bang hindi pa siya sanay lalo na sa paraan nang pagkwento niya.
Kapag mayaman ka, wala ka naman na masyadong gagawin. Mag-aaral ka na lang at malaya ka pa na gawin ang kahit anong gusto mo. Iyon ang napapansin ko sa mga mayayamang nakasalamuha ko na para bang hindi ko sila katulad.
It’s really weird that I’m having these kinds of thoughts.
“What do you mean?”
Natigilan naman siya sa paglalakad na para bang hinahanda niya na ang sarili na sabihin sa ‘kin ang tungkol sa buhay niya. Kaya napahinto na rin ako upang pakinggan siya.
“Ah! Alam ko na ibig mong sabihin,” natatawa pang sabi niya. “Hindi naman ako katulad n’yo na pinanganak ng mayaman. Ampon lang kasi ako at kaya ako nakapag-aral dito dahil na rin sa scholarship ko. Pagdating naman sa bahay, bukod sa pag-aaral may ginagawa pa akong ibang bagay. Mukha lang akong mayaman,” paliwanag niya habang nahihiya nang tumingin sa ‘kin.
Bahagya pang nanlaki ang mga mata ko. “Oh, wow…” tanging nasabi ko.
Napangiti naman siya. “Bakit?”
“I don’t know what to say. You’re just amazing, I guess.”
Ngayon pa lang sinasabi ko ng bilib na ako sa kanya. Alam kong nahihirapan na siya pero nandito pa rin siya. Malungkot man siya habang pinapaliwanag ang buhay niya, nagawa niya pa ring ngumiti sa ‘kin.
“Thank you, Scott,” nakangiti pa ring sabi niya.
Ngumiti na lang din ako at nagsimula na ulit kaming maglakad.
“Ah, nga pala! Una na pala ako. Magco-commute lang kasi ako. Hinatid lang talaga kita,” pagpapatuloy niya nang huminto na ako sa tapat ng sasakyan ko.
“Hatid na kita,” I offered.
Muli naman siyang ngumiti at marahang umiling. “Hindi na, Scott. Mabilis lang naman pauwi sa ‘min. Kaya ko na at saka nakakahiya na sa’yo. Kanina pa kita naaabala.”
“I don’t mind at all.” Pagngiti ko pa.
Dahil sa mga sinabi niya, parang gusto ko na siyang tulungan o samahan man lang. Hindi naman sa naaawa ako. Gusto ko lang talaga na makausap pa siya. Siya na rin naman ang nakasama ko simula pa kaninang umaga. At saka, plano ko na rin sana na yayain siyang kumain.
“H-hindi na talaga. Okay lang, Scott! Nakakahiya—”
“Are you sure? It’s on me, Kim. Yayayain na rin sana kita na kumain sa labas. Maglu-lunch na rin naman. What do you think? Hindi naman kailangan na umuwi ka agad, hindi ba?” sabi ko pa at muling ngumiti. I just persuaded her.
“Pero kasi—” may takot pa rin sa mga mata niya. Na para bang magiging makasalanan siya kapag sumama siya sa ‘kin.
Hindi naman ako nananakit o masamang tao pero naiintindihan ko siya. Hindi nga siya sanay sa ganito. I just feel like I want to know her more. I want her to be at my side. She was radiating and I wanted that. Ngayon ko lang tuluyang napansin.
“Do you trust me?” at inilahad ko na ang kamay ko sa kanya.
Kapag humindi siya, hahayaan ko na siya. Madali naman akong kausap. Ayoko ng pilitin ang isang tao kapag umayaw na siya. Hindi tulad ni Jaxton na gagawin ang lahat para lang mapa-oo ka pa.
Napapikit naman siya at unti-unti nang hinawakan ang kamay ko. “I… I trust you, Scott.”
“Good, then we’ll eat, okay? Ihahatid na rin kita pauwi. Makakatipid ka pa sa pamasahe, hindi ba?” pagpapatuloy ko.
Napangiti na siya at tumango. “Thank you…”
Pinagbuksan ko na siya ng pinto at pinapasok na siya sa loob ng sasakyan. Muli pa siyang nagpasalamat sa ‘kin at ngumiti na lang ako. Nang makapasok na rin ako sa sasakyan ay pinaandar ko na ito at pinaharurot palabas ng campus.
“By the way, gusto mo bang pumunta sa hot spring? Gagabihin nga lang tayo,” sinubukan ko na rin siyang yayain sa balak kong puntahan. “May iba pa naman tayong makakasama. Hindi lang ako ang nandoon,” dagdag ko nang hindi siya sumagot.
“Hindi ba ‘yon delikado?” tila nagtataka pang sabi niya.
Tuluyan na ‘kong napasulyap sa kanya. “What do you mean, delikado?”
“First time ko kasi, Scott. At saka, hindi ako pumupunta kahit saan. Pinagbabawalan ako, eh. School lang pinupuntahan ko. Kapag may bibilhin naman, sila na gumagawa no’n. Iyon talaga ‘yong totoo…”
“Seriously?” muling nanlaki ang mga mata ko. “You don’t have any freedom at all?” pagsulyap ko muli sa kanya. Inaasahan ko naman na ‘yon ang sasabihin niya pero hindi ko akalain na gano’n pa rin ang pagtrato sa kanya. Bakit pa sila nag-ampon kung ganoon din naman ang gagawin nila?
“Yeah… pero okay lang. Dahil sa kanila, nakakapag-aral na ulit ako at nakakakain ng maayos. H-hindi naman nila ako sinasaktan. Medyo strict lang talaga sila.”
I doubt that.
“But, still…” at napabuntong-hininga na lang. Ayokong maging malungkot ang araw na ito para sa kanya. “Are you still up for it? We’ll have some fun today. Sa malapit na lang tayo na hot spring para maihatid kita sa inyo before six.”
“P’wede bang next time na lang? Sorry, Scott. Biglaan kasi talaga ngayon.”
Nang mag-red light ay pinahinto ko muna ang sasakyan. “Okay, next time na lang,” at ngumiti na ‘ko sa kanya nang muling magtama ang paningin namin sa isa’t isa. “I understand. No need to say sorry, Kimia. Say sorry when you do something wrong.”
“Salamat, Scott…” mahinang sambit niya kasabay nang pagpunas niya sa namumuong tubig sa gilid ng mata niya.
Muntik na siyang maluha?
Sa mga oras na ‘to, unti-unti kong napagtanto na ganito talaga ang ugali at buhay na ginagalawan niya. Hindi tulad kanina.
I like this feeling. I will be able to know the real her.