ANNALOU PAGKATAPOS akong pagsalitaan ni Steven ng masasakit na salita at paratangan ng kung ano-ano ay sinikap kong hindi mag-krus ang landas naming dalawa dito sa mansyon. Nagkakasabay kaming kumain tuwing gabi kasama sina Mama at Papa pero madalas ay hindi ako umiimik. Hindi ko matanggap ang mga sinabi niya sa akin. Parang sinasabi niya na mukha akong pera. Hindi lang parang, dahil 'yon talaga ang ibig niyang ipahiwatig. Nang magtungo naman kami noon sa mall ay ilag ako sa kanya. Tanging kay Mama lang ako dumidikit. Sa tuwing aksidenteng nagkakasalubong ang tingin naming dalawa ay nahuhuli ko siyang masamang nakatingin sa akin. Nandito ako ngayon sa aking kwarto habang inaayos ang mga damit ko na nilabhan namin ni Manang Cecil. Hindi ko kasi hinahayaan na siya pa ang maglaba ng mga