Agad akong tumakbo papuntang kusina. Nanghihinang napaupo ako at napahawak sa dibdib ko. Para ng sasabog ang puso ko dahil sa kaba.
Nanginginig ang mga tuhod na nagtungo ako sa ref para uminom ng malamig na tubig.
Kalimutan mo na iyon Loreng, wala lang 'yon. Siguro naglalaro lang sila? Tama, 'wag kang mag-isip ng kung ano-ano.
Pakiramdam ko literal na nanigas ako nang marinig ko ang pamilyar na yabag na 'yon. Dali dali kong nilagay ang pitsel sa ref at akmang aalis na ng hindi siya nililingon nang tawagin niya ako.
“Pip-squeak.”
Napalunok ako at napakagat sa ibabang labi ko. Magpanggap na lang kaya ako na parang walang nangyari?
“Humarap ka sa 'kin,” utos niya sa malalim na boses.
Nanginginig na yata pati ang labi ko. Haharap ba ako sa kanya? Paano kung magalit siya sa 'kin? O kaya naman ay bastusin niya ako ulit gaya ng ginawa niya noon?
“Sabi ko humarap ka sa 'kin!”
Napapitlag ako nang sunigaw na siya. Kahit kinakabahan ako, hinarap ko pa rin siya. Baka lalo lang siyang magalit.
Wala pa rin siyang damit pang-itaas. Nagfocus na lang ako sa pagtingin sa mukha niya at pilit na iniwas ang tingin sa katawan niya, sa magandang katawan niya.
“B-bakit po kuya Gun?” tanong ko na lang.
Nakatingin lang ako sa kanya nang kumuha siya ng canned beer sa ref at binuksan 'yon.
“You saw us right?” tanong niya saka uminom ng alak.
Hindi na lang ako sumagot saka napatungo. Hindi ko alam kung magsisinungaling ba ako o magsasabi ng totoo. Kapag nagsinungaling ako para naman akong ewan no'n dahil kitang kita niya ako kanina na nakatingin sa kababalaghang ginagawa nila ni Kishy.
“Wanna join us?”
Gulat na napatingin ako sa kanya. Pakiramdam ko nag-akyatan ang lahat ng dugo sa mukha ko. Pinakatitigan ko pa siya para analisahin kung nagbibiro lang ba siya o ano.
Huminga ako ng malalim saka napakunot ang noo. Pinipigil ko ang kamao ko na suntukin siya, kailangan kong magpigil.
Natigilan ako nang bigla siyang tumawa.
“Damn, you should have seen your face. f*****g epic,” natatawang sabi pa niya. Napahawak pa siya sa sandalan ng isang upuan malapit sa kanya. Ano ba ang nakakatawa sa mukha ko?
Ngunit natulala ako nang may mapagtanto ako...
Natawa siya.
Ngayon ko lang siya nakitang tumawa, ang sarap sa pandinig na marinig siyang natawa. Hindi ko maintindihan kung bakit pero napatulala na lang ako habang nakatingin sa kanya. Parang ibang tao ang nasa harapan ko ngayon at hindi si kuya Gun.
Natigilan siya nang mapansing nakatitig ako sa kanya. Napakurap siya at napatayo ng tuwid saka napaiwas ng tingin sa akin. Gusto kong matawa nang tumikhim siya na tila ba napahiya.
“I'm just kidding,” sabi niya sa seryosong boses.
Grabe, hindi ko na yata makakalimutan ang gabing 'to.
“Kuya Gun, g-girlfriend mo ba si Kishy?” tanong ko. Napakunot ang noo niya.
“What the f**k are you saying?”
“K-kasi ginagawa niyo ang b-bastos na bagay na ginagawa lang ng magkasintahan,” sabi ko saka napatungo.
Natigilan ako nang mapansin kong natahimik na naman siya. Napatingin ako sa kanya. Napakagat siya sa ibabang labi niya saka umiwas ng tingin sa 'kin ngunit hindi nakawala sa paningin ko ang pamumula ng pisngi niya na tila ba may pinipigil siya na kung ano.
“f**k,” napapailing na sabi niya saka huminga ng malalim. Nagtatakang napatingin naman ako sa kanya.
“She's not my girlfriend, she just offered me something, who am I to refuse? I'm just being a gentleman here,” sabi niya saka napakibit-balikat.
Ganoon ba ang pagiging gentleman para sa kanya?
“N-nasaan na si Kishy?” tanong ko na lang. Napakunot naman ang noo niya.
“Who the f**k is Kishy?”
Napaawang ang labi ko sa tanong niya. Seryoso ba siya?
“Gumawa po kayo ng bastos na bagay tapos hindi mo man lang alam ang pangalan niya?” nakakunot-noong tanong ko.
“Ah, umuwi na si Kisha,” sabi na lang niya. Lalong nagsalubong ang kilay ko.
“Kishy po ang pangalan niya!”
Hindi ko na napigilang sumigaw. Wala siyang galang sa mga babae!
“You're shouting at me now huh,” sabi niya habang nakakunot ang noo.
Napalunok naman ako dahil nakaramdam ako ng kaunting kaba. Hindi porke't tinawanan niya ako kanina ay ayos na kami. Dapat kong alalahanin 'yon.
“S-sorry po kuya,” hinging paumanhin ko.
Napabuntong hininga siya saka muling uminom ng alak. Natigilan ako nang lumapit siya sa 'kin saka hinawakan ang tuktok ng ulo ko. Napakunot ang noo ko sa ginawa niya saka nagtatakang napatingin sa kanya.
“Just forget what you saw and sleep peacefully. I apologize for what you saw earlier. Now, go to your room and sleep,” sabi niya saka inalis ang pagkakahawak sa akin. Napatango na lang ako.
Nagiging ibang tao talaga siya kapag nag-uusap kami rito sa kusina. Parang mas bumabait siya, pero malamang niyan magsusungit na naman siya ulit bukas.
Naguguluhan talaga ako sa kanya.
“Why the f**k are you looking at me like that?” masungit na tanong niya. Grabe, napakabilis naman yatang magbago ng mood niya.
“H-hindi ka po ba hihingi ng tawad sa pagnanakaw mo ng halik sa akin noong bata pa ako?” tanong ko habang seryosong nakatingin sa kanya.
Nagtatakang napatingin siya sa 'kin na para bang naguguluhan siya sa sinasabi ko.
Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kakaibang lungkot. Kung gano'n hindi pala niya naaalala ang pagkuha niya ng una kong halik noon.
“W-wala po, kalimutan mo na lang ang sinabi ko,” sabi ko saka tipid na ngumiti sa kanya. Akmang aalis na ako ng kusina nang tawagin niya ako ulit.
“Pip-squeak.”
Lumingon na lang ako sa kanya kahit mabigat sa loob ko.
“Good night,” sabi niya saka umalis agad ng kusina.
Tulala yata ako hanggang sa makarating ako sa silid ko. Pakiramdam ko hindi ako patutulugin ng simpleng good night niya.
***
“Tatay, si kuya Gun po ang naghahatid sa akin sa school. Hindi po ba ako nakakaabala sa kanya?”
Natawa si tatay sa tanong ko saka bahagyang ginulo ang buhok ko.
“Hayaan mo na siya hija, isa lang din naman ang way ng school mula sa kompanya, hindi iyon hassle para sa kanya,” sabi niya saka inabot sa akin ang sandwich na ginawa ni Riza. Paborito ko na yata ang sandwich na ginagawa niya.
Lumabas na ako ng mansyon at gaya ng inaasahan ko, nakaabang na sa labas si kuya Gun. Agad na napakunot ang noo niya nang makita ako. Bakit kusa yatang napapakunot ang noo niya sa tuwing nakikita niya ako?
“Get in the car pip-squeak,” utos niya saka agad na sumakay ng kotse. Sumunod na lang ako sa utos niya.
Tahimik na naman kaming pareho sa biyahe, palagi naman. Hindi ko alam kung bakit hindi man lang niya binubuksan ang radyo rito sa kotse niya para naman kahit papa'no ay hindi awkward palagi sa tuwing ihahatid niya ako.
Natigilan ako nang makarinig ako ng kakaibang tunog. Nagtatakang napatingin ako sa kanya.
“G-gutom ka?” tanong ko.
Hindi siya sumagot at napatikhim na lang. Pagkalam ng sikmura niya ang narinig ko. Hindi kasi siya nag-aalmusal eh.
Kinuha ko ang sandwich na pinabaon sa 'kin ni tatay mula sa bag ko.
“Kumain ka po muna ng almusal kuya Gun,” sabi ko saka inabot sa kanya ang sandwich.
“That's your sandwich pip-squeak,” may halo pa rin na pagsusungit na sabi niya.
“Kumain na ako ng almusal kanina kuya, sayo na lang ito,” sabi ko naman.
“I'm driving,” tipid na sagot niya. Napakamot na lang ako sa batok ko.
Inilabas ko mula sa container ang sandwich, lumapit ako ng kaunti sa kanya saka itinapat ko ang sandwich sa bibig niya.
“Ahh...” sabi ko na tila pinapanganga siya.
Halata naman sa mukha niya na nahihiya siyang kumagat.
“Kumain ka na po kuya Gun. Unahin mo po ang gutom mo kaysa sa pride mo. Sungitan mo na lang po ulit ako kapag busog ka na,” sabi ko saka mas inilapit pa sa bibig niya ang sandwich. Alam ko naman na hindi niya matitiis ang mabango at nakakagutom na amoy ng sandwich.
Kahit halatang nahihiya siya ay kumagat na lang din siya sa sandwich. Napangiti ako habang nakatingin sa kanya na ngumunguya. Bibigay ka rin pala eh.
Agad kong kinuha ang bottled water sa bag ko. Baka mabulunan pa siya, kasalanan ko pa kung sakali.
“Ah,” sabi niya na tila ba nagpapasubo ulit ng sandwich sa akin.
Napakagat ako sa ibabang labi ko para pigilan ang pagngiti saka muling inilapit sa bibig niya ang sandwich na agad niya namang kinagatan. Para siyang bata kung kumain.
Lalong lumaki ang ngiti ko nang maubos niya ang sandwich. Binuksan ko naman ang bottled water at itinapat iyon sa labi niya.
Napapitlag ako nang hawakan niya ang kamay ko na hawak ang bottled water saka uminom. Napalunok ako habang nakatitig sa kanya pati sa paggalaw ng Adam'a apple niya habang nainom siya. Pakiramdam ko may kuryenteng nadaloy mula sa kamay ko na hawak niya.
Nakahinga lang ako ng maluwag nang bitawan na niya ang kamay ko. Bakit gano'n ang naramdaman ko? Kakaiba, ngayon ko lang yata naramdaman ang ganoong kakaibang pakiramdam.
“B-busog ka na?” tanong ko saka sinara ang bottled water.
Tumango na lang siya saka pinunasan ang labi niya gamit ang likod ng palad niya. Gusto ko ulit matawa, ang cute niya sa paningin ko ngayon.
Nakarating na kami sa school makalipas ang ilang minuto.
“S-sige po, salamat sa paghatid kuya Gun,” sabi ko saka ngumiti sa kanya. Napaiwas na lang siya ng tingin sa 'kin saka tumango.
Nagpipigil ako ng ngiti hanggang sa makarating ako sa school. Kakaiba talaga ang mga nangyayari sa amin ni kuya Gun. Pakiramdam ko magkakasundo na talaga kami, kaunting panahon na lang at ituturing na niya akong kapatid.
“Hoy ganda ng ngiti mo ah,” sabi ni Darcie at kumapit sa braso ko.
“Wala lang, pakiramdam ko magkaka-ayos na kami ni kuya Gun,” nakangiting sabi ko. Napakunot naman ang noo niya.
Lagi ko kasing nakukwento sa kanya si kuya Gun at kung gaano kasama ang ugali nito sa akin kaya rin siguro hindi siya kumbinsido.
“Paano mo naman nasabi?” tanong niya habang patungo kami sa klase namin.
“Mas mabait na siya makipag-usap sa akin mula kagabi. Basta may kakaiba talaga,” sabi ko na lang. Natigilan ako nang patigilin niya ako sa paglalakad saka tinitigan ako sa mga mata. Nagtatakang napatingin naman ako sa kanya.
“Bakit?”
“Baka riyan na magsisimula ang love affair niyo ng kuya Gun mo. Yung palihim na kayong magkikita tuwing gabi para hindi kayo mahuli ng stepfather mo tapos alam mo na. Diba sabi mo gwapo ang kuya mo, edi ayos. Magkaka-love life ka na,” kinikilig na sabi niya saka hinampas pa ako sa braso. Agad akong napangiwi sa sinabi niya at hinila na lang ulit siya papunta sa klase namin.
“Ano ba'ng pinagsasasabi mo? Kilabutan ka nga, magkapatid lang talaga kami saka wala naman akong nararamdaman sa kanya na iba maliban lang sa gusto ko na ituring niya akong kapatid,” paliwanag ko. Tumango-tango na lang siya kahit halata sa mukha niya na hindi siya kumbinsido.
Dumating na kami sa klase. Siyempre panay pa rin ang kwento ni Darcie, hindi naman siya nauubusan ng kwento eh. Patuloy lang kami sa pagk-kwentuhan hanggang sa makaupo na kami sa upuan namin.
“Lorraine!”
Natigilan ako at napatingin kay Kishy na kakapasok lang ng room. Agad akong napaiwas ng tingin sa kanya at pinakalma ang sarili ko.
Dapat umakto akong normal. Magpapanggap na lamang ako na hindi ko nakita ang nangyari sa kanila ni kuya Gun kagabi. Tama, gano'n na nga.
“H-hello Kishy,” sabi ko na lang saka pilit na ngumiti sa kanya. Umupo naman siya agad sa tabi ko.
“Pasensya na kung bigla akong nawala kagabi. M-may emergency lang kasi,” sabi niya saka alanganing ngumiti sa akin.
“Okay lang Kishy, next time magtext ka na lang sa akin para hindi ako nag-aalala,” nakangiting sabi ko sa kanya.
“Ah gano'n ba? Pwede kong mahingi ang number mo?” tanong niya saka inilabas ang phone niya. Kinuha ko naman ang cellphone ko at inabot sa kanya.
Natigilan ako nang maramdaman ko na siniko ako ni Darcie.
“Ikaw talaga, masyado kang inosente at mabait,” bulong niya sa akin. Napailing na lang ako.
“Hey miss, you're Lorraine right?”
Natigilan ako nang may lalaki na lumapit sa akin. Napakurap ako dahil nasa akin na ang tingin ng mga kaklase namin. Sikat ba ang lalaking 'to?
“O-opo, Lorraine ang pangalan ko,” sabi ko na lang saka pilit na ngumiti sa kanya.
“What a pretty name for a pretty lady. I'm Arjad Collin, you can call me Jad,” pagpapakilala nito sa akin saka nilahad ang kamay. Nag-aalangang tumingin ako sa kamay niya.
Natigilan ako nang biglang hawakan ni Kishy ang kamay ko saka inilapit sa kamay ni Jad. Napasinghap ako sa ginawa niya.
“She's Lorraine Capili, type mo ba siya?” tanong ni Kishy kay Jad.
Nahihiya na ako dahil hindi ako sanay sa ganitong atensyon na ibinibigay sa akin, hindi talaga ako komportable.
Napakamot na lang si Jad sa batok niya habang tila nahihiyang nakatingin sa akin. Gwapo naman siya at mukhang mabait din, kaso hindi pa ako handang makipagrelasyon sa kahit kanino.
“Sorry ha, single ang kaibigan ko pero hindi siya available. Maboboring ka lang kasama siya kasi hindi pa 'yan nagkaboyfriend simula ng sinilang siya sa mundo,” sabi naman ni Darcie.
Pakiramdam ko nakahinga ako ng maluwag. Tumingin siya sa 'kin saka kinindatan ako na para bang sinasabi niya na sagot niya ako. Alam na talaga ni Darcie kung ano ang gagawin.
Noon pa man kapag may nagtatangkang manligaw sa akin ay kay Darcie agad ako nanghihingi ng tulong kahit pa paulit-ulit niyang sinasabi sa akin na dapat na akong magboyfriend.
“That's not a problem for me,” sabi naman ni Jad saka muling ngumiti sa akin.
Nahihiya na talaga ako sa mga nakatingin sa amin. Napakagat ako sa ibabang labi ko saka napaiwas ng tingin sa kanya.
“P-pasensya na Jad,” sabi ko na lang.
Paano niya nasasabi ang gano'ng mga bagay eh ngayon lang naman kami nagkakilala? Ganito ba talaga sa siyudad? Masyadong mabilis sa usapang pag-ibig.
“Kahit kaibigan lang, bawal?” tanong niya. Napatingin ako sa kanya saka ngumiti.
“Ayos lang naman sa akin makipagkaibigan,” sabi ko na lang. Napangiti siya saka muling naglahad ng kamay sa akin na tinanggap ko naman.
“Thank you Lorraine.”
Wala naman sigurong masama kung makikipagkaibigan ako.
***
“Nako, iba talaga ang amoy ko riyan sa Kishy na 'yan. Muntik ka pang ipahamak kanina.”
Napailing na lang ako habang nagsusuklay ng buhok. Kakaiba ang araw na ito, marami na ang kumakausap sa akin sa school, pinakilala rin ako ni Kishy sa mga kaibigan niya.
Sa totoo lang hindi na talaga ako komportable, buti na lang talaga at palagi akong nililigtas ni Darcie.
“Grabe ka naman, baka naman ganoon lang talaga sila. Laki tayo sa probinsya at hindi natin masyadong alam ang mga ugali nila,” sabi ko na lang sa kanya sa kabilang linya saka umupo sa kama ko.
“Alam mo noon pa man, problema ko na ang pagiging masyadong mabait mo. Naalala mo ba nung high school na inuto ko nina Renea. Alam kasi nilang matalino ka kaya inuuto ka nila, ako lang talaga ang hindi nila mauto dahil alam nilang suplada ako. Nako gigil na gigil talaga ako sa 'yo no'n,” pagk-kwento niya. Napailing na lamang ako saka sumandal sa headboard ng kama.
“Ang sa akin lang naman, masama rin ang mabilis na pagtitiwala sa mga tao. Dapat alam mo rin kung sino ang dapat at hindi dapat pagkatiwalaan,” dugtong pa niya. Napasimangot na lang ako.
“Sorry na nga, simula ngayon magiging maingat na ako.”
Naiintindihan ko naman na concerned lang talaga sa akin si Darcie. Halos magkapatid na ang turingan naming dalawa kaya talagang iniingatan niya ako at ganoon din naman ako sa kanya.
Napagdesisyunan kong mag-online muna pagkatapos naming magtawagan ni Darcie.
Napaawang ang labi ko sa dami ng friend requests sa akin. Bakit halos yata lahat ng estudyante ng Farthon University ay ina-add ako? Ganoon ba talaga kasikat ang Jad na iyon? Sabagay pati si Kishy ay mukhang sikat din sa school. Lalo akong maiilang nito, hindi ako sanay ng ganito.
Ang in-accept ko lang ay ang mga naaalala ko ang hitsura at pangalan. Hindi naman kasi ako basta basta nag-aaccept.
Pati ang friend request ni Jad ay in-accept ko na rin. Naisipan kong tingnan ang timeline niya, mukhang sikat talaga siya dahil ang daming nagrereact sa posts niya.
Natigilan ako nnag makita ko ang huling post niya.
Jad Collins
1 hour ago
You're so beautiful, simple but captivating.
Mayroong 2k reacts at 500 comments ang post niyang iyon. Natigilan ako nang mabasa ko ang ilan sa comments.
Si L ba 'yan? Hahaha
Tinamaan na ang gago.
Ligawan mo na dude.
Sino ang 'L' na tinutukoy nila?
Napailing na lang ako, marami namang L sa mundo. Saka hindi naman ako ganoong kaganda para hangaan ng gano'n.
Dahil naboboring ako, napagdesisyunan ko na magselfie na lang. Hindi naman ako mahilig magpicture, minsan lang kapag nasa mood ako at minsan lang iyon mangyari.
Agad kong pinost iyon at ginawang profile picture. Natigilan ako nang marami kaagad ang nagreact at nagcomment. Pero nangunguna ang comment ni Darcie.
Gurl, dapat magprivate ka na ng account. Ang ganda mo masyadong gaga ka.
Natatawang napailing na lang ako, ito talagang si Darcie.
Natigilan ako nang magcomment din si Kishy pati ang mga kaibigan niya. Nakaramdam tuloy ako ng pagkailang.
So pretty Lorraine. My heart
Hindi ko na lang nireplyan ang nga comments, yung iba naman kasi ay paulit-ulit lang. Saka hindi ko naman ka-close ang ibang nagcocomment. Natigilan ako nang pati si Jad ay nagcomment ngunit heart emoji lang naman.
Napailing na lang ako, dapat nga siguro ay magprivate ako ng account. Hindi ako sanay sa ganito.
Ngunit natigilan ako sa isang comment na nabasa ko. Napakurap naman ako at inilapit maigi ang cellphone ko sa mukha ko. Namamalikmata lang ba ako?
Gun Drake Fernandez
Delete this my ugly pip-squeak