“Bukas na ang simula ng klase mo, handa ka na ba hija?”
Napalingon ako kay tatay at ngumiti saka tumango.
Nakahanda na ang mga gamit, uniporme pati ang mga papeles ko. Enrolled na ako sa Farthon University at ngayon ang unang araw ko sa pagpasok. Kinakabahan ako na nae-excite rin.
Hindi ako makatulog kinagabihan. Pakiramdam ko may kung ano sa tiyan ko, pakiramdam ko mas lamang ang kaba ko sa pagpasok sa Farthon University.
Napagdesisyunan ko munang lumabas para uminom ng tubig. Madalas talaga ay kinakabahan akong lumabas ng ganitong oras dahil baka sumulpot si kuya Gun.
Hindi naging maganda ang huling pag-uusap namin. Hindi ko nagustuhan ang ipinapakita niyang ugali sa 'kin, bakit ba gano'n na lang ang galit niya sa akin? Ano ba ang ginawa kong masama sa kanya para ganituhin niya ako?
Gusto ko lang naman na magkasundo kaming dalaww bilang magkapatid pero hindi niya pa maibigay sa akin 'yon.
Ilang araw na rin ang nakalipas simula noong entrance exam at simula no'n ay madalang ko ng makita si kuya Gun, gabi na raw itong nauwi ayon kina Riza at hindi na rin ito nasabay sa aming kumain.
Madalas ko lang siyang makita sa pool area tuwing gabi habang nainom ng alak o kaya naman ay naninigarilyo.
Napakalaki nga talaga ng galit niya sa 'kin na hindi ko alam kung saan nagmumula. Sa pagkakaalam ko naman ay hindi ko naman siya pinakitaan ng hindi maganda..
Natigilan ako nang makarinig ako ng pamiyar na yabag. Agad kong sinara ang ref, nataranta kaagad ako. Saan ako magtatago?
Agad akong nagtungo sa ilalim ng mesa para magtago. Napakagat ako sa ibabang labi ko nang bumukas ang ilaw. Si kuya Gun nga iyon, paa lang niya ang nakikita ko pero sigurado ako na siya 'yon.
Sinusundan ko lang ng tingin ang paa niya. Nagtungo siya sa ref at may kinuha ro'n na malamang ay alak na naman.
Nakahinga ako ng maluwag nang maglakad na siya paalis ng kusina ngunit natigilan ako nang bigla siyang tumigil.
Napakurap ako nang bumalik siya sa kusina at tumigil sa tapat ko mismo. Napatakip ako sa bibig ko para pigilin ang paglikha ng kahit anong ingay.
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang umupo. Nasa harapan ko na siya ngayon at nahuli na niya ako sa pagtatago rito sa ilalim ng mesa.
“Aaah!”
Napatili ako ng malakas nang hilahin niya ako palabas doon saka hinila naman ako patayo.
“What the f**k are you doing there?! I thought you're a f*****g thief! Muntik na kitang suntukin!”
Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Namumula na ang mukha niya sa galit at pakiramdam ko masusuntok niya nga ako anumang oras.
“S-sorry po kuya Gun,” nakatungong sabi ko na lang saka tinanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
Hindi talaga ako komportable sa kanya.
“Why are you hiding under the table?” tanong niya sa mas kalmado ng boses.
Natigilan ako, bukod sa kalmado ang boses niya, hindi rin siya nagmura. Walang f*****g o kaya naman ay pip-squeak sa sentence na sinabi niya.
Hindi ako sumagot sa tanong niya. Nanatili akong nakatungo. Ayokong sabihin sa kanya na pinagtataguan ko siya.
Napailing na lang siya at ininom ang alak na hawak niya.
“Go to your room and sleep, pip-squeak,” sabi niya saka lumabas ng kusina.
Napakurap na lang ako nang makaalis na siya. Napailing na lang ako at dali-daling nagtungo sa silid ko.
Nanghihinang umupo ako sa kama ko. Pakiramdam ko bibigay na ang mga tuhod ko. Ang lakas din ng kabog ng dibdib ko.
Minsan hindi ko na maipaliwanag ang nararamdaman ko sa presensya ni kuya Gun.
Napailing na lang ako at muling tumayo saka nagtungo sa balcony at umupo ro'n para hindi ako makita ni kuya Gun. Gaya ng inaasahan ko, nakaupo na naman siya ro'n habang nainom ng alak.
Ito ang mga oras na sa tingin ko ay nagiging ibang tao si kuya Gun. Hindi nakakunot ang noo niya at tahimik lang siya na nakatitig sa kawalan. Isa lang ang agad na pumapasok sa isip ko sa tuwing sinisilip ko siya sa may pool area... Sobrang lungkot.
Napabuntong hininga na lang ako habang nakatingin sa kanya.
Naiinis ako kay kuya Gun pero sa totoo lang ay gusto kong makita ang totoong nararamdaman niya.
***
“Ito sandwich Loreng, good luck sa first day mo,” sabi ni Riza saka inabutan ako ng maliit na container na may lamang sandwich.
“Salamat Riza.”
Huminga ako ng malalim saka pinakalma ang sarili ko. Kinakabahan talaga ako.
Lumabas na ako ng mansyon. Sabi ni tatay ay hatid-sundo raw ako ng driver sa school. Pero kung gusto ko raw magliwaliw o kaya naman ay gumala ayos lang din basta magsasabi ako sa driver.
Hindi naman ako mahilig maggala, mas gusto ko manatili sa library sa mansyon at magbasa ng mga libro na naroon.
Napatigil ako nang maabutan ko si kuya Gun sa labas ng mansyon. Nakatayo ito habang nakasandal sa kotse nito na para bang may hinihintay.
Nagtatakang napatingin ako sa kanya at gaya ng inaasahan ko, napakunot na naman ang noo niya.
“Ano pa'ng tinutunganga mo? Sakay,” masungit na utos niya.
“P-pero sabi ni tatay yung driver daw ang maghahatid sa akin,” sabi ko naman.
Nauubusan ako ng hangin kapag kasama ko siya sa kotse. Para akong aatakihin.
“I said get in the f*****g car!”
Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa sigaw niya. Napalunok na lang akonat nanginginig ang mga kamay na pumasok sa kotse.
Tahimik lang kaming pareho habang nasa biyahe. Tumingin na lang ako sa bintana at hinahabol ng tingin ang mga gusaling nadadaanan namin.
Hanggang kailan kaya kami magiging ganito ni kuya Gun? Habang buhay na lang ba kaming ganito?
Itinigil niya ang kotse nang makarating kami sa school. Hindi ko na siya hinintay magsalita at agad na akong bumaba ng kotse at dali-daling pumasok sa loob ng school.
Noong nakaraan ay may nagtour na sa amin sa kabuuan ng school. Inaral ko rin pati ang schedule at mga klase ko para hindi na ako maliligaw, diretso na lang sa klase.
“Loreng!”
Agad akong natigilan sa paglalakad nang marinig ko ang pamilyar na boses na 'yon.
“Darcie!”
Hindi ako palasigaw pero napatili talaga ako sa sobrang tuwa. Agad ko siyang sinugod at niyakap. Grabe, kahit napakadaldal at palamura ng babaeng 'to, talagang namiss ko siya.
“Grabe, amoy mayaman ka ng gaga ka!”
Natawa na lang ako sa sinabi niya at pabiro siyang hinampas sa braso.
“Teka, bakit ka nandito?” tanong ko.
“Nakapasa ako sa scholarship exam dito. Aba, nag-aral talaga akong mabuti, bigatin na school 'to noh. Sagot pa nila lahat ng expenses ng estydyante kapag nakapasa sa scholarship exam,” sabi niya saka naghawi pa ng buhok.
Matalino naman kasi talaga itong si Darcie kahit puro kalokohan ang lumalabas sa bibig niya. Hindi na nakapagtataka na pumasa siya sa napakahirap na scholarship exam ng Farthon University.
“Teka, education din ang kurso mo diba?” tanong ko. Ngumiti naman siya at nagthumbs up sa akin.
Matagal na kaming magkaibigan ni Darcie, noong high school pa lang, parehas naming gusto maging guro.
“Mathematics ang im-major ko, ikaw?!” tanong niya. Napapatingin sa amin ang ibang napapadaan dahil medyo malakas ang bibig ni Darcie.
Noon pa man talaga magaling na sa math itong si Darcie.
“English,” sagot ko naman.
Dahil hindi pa naman magsisimula ang klase naming dalawa at nagkwentuhan muna kami habang naggagala-gala sa school. Ang laki talaga ng school na 'to.
“Patingin ako ng schedule mo kung may magkaparehas tayong klase.”
Ipinakita ko sa kanya ang schedule ko na nasa phone ko.
“Wow, maraming subject na magkaklase tayo! We're meant to be talaga,” sabi niya saka hinampas ako sa balikat.
Natapos ang kwentuhan namin dahil kailangan ko ng pumasok sa first subject ko. Hindi ko kasi siya kaklase sa subject na 'yon, pero maraming subject na magkaklase kami. Buti na lang talaga at naisipan niyang magtake ng scholarship exam.
Nakaramdam ako ng panginginig ng mga tuhod nang pumasok na ako sa klase ko. Hindi pa namang ganoon karami ang estudyante sa loob, may mga nagk-kwentuhan, may nga tahimik lang at yung iba naman natutulog. Wala pa naman ang professor.
Umupo ako sa bandang likod sa may sulok kung saan walang masyadong estudyante. Natigilan ako nang may umupo na magandang babae sa tabi ko.
Maganda talaga siya at mukhang may lahing banyaga. Nanliit tuloy ako sa sarili ko.
“Hi,” bati niya sa akin. Tipid na ngumiti na lang ako sa kanya.
“H-hello.”
“Ako nga pala si Kishy Lustrana, ikaw?” tanong niya.
“Ahm, Lorraine Capili,” sagot ko naman.
Mukha naman siyang mabait kahit na medyo makapal siya magmake up, minsan judgemental lang talaga ako.
“Ahm, boyfriend mo si Gun Drake Fernandez? Nakita kasi kita na bumaba galing sa kotse niya,” sabi niya habang ngumunguya ng chewing gum. Agad akong natigilan sa tanong niya.
Bakit kilala niya si kuya Gun?
“H-hindi, kuya ko siya. I-ibig kong sabihin, stepbrother gano'n,” sabi ko na lang saka napaiwas ng tingin sa kanya.
“Wow, ibig sabihin nakatira ka sa kanila?” tanong na naman niya. Alanganing ngumiti lang ako saka tumango.
“That's good, ako naman ang magiging ate mo. Gustong gusto ko talaga si Gun noon pa,” kinikilig na sabi niya. Napangiwi naman ako.
Ano naman kaya ang nagustuhan niya kay kuya Gun? Oo nga at gwapo ito, pero ubod naman ng sama ng ugali.
“I hope we can be friends Lorraine,” sabi niya saka nilahad ang kamay niya. Kahit naiilang ako, nakipagkamay na lang din ako.
Panay ang kwento at tanong ni Kishy sa akin na sinasagot ko naman hanggang sa dumating na ang professor namin.
SA SUMUNOD na subject, kaklase ko na si Darcie no'n kaya excited ako.
“Loreng! Dito ka!”
Napailing na lang ako nang sigaw niya agad ang bumungad sa akin pagpasok ko ng klase, napatingin tuloy sa kanya ang ibang estudyante.
Umupo naman ako agad sa tabi niya. Sa kanya lang talaga ako komportable.
“Kamusta ang first subject mo?” tanong niya.
“Ayos naman, may naging kaibigan ako,” pagk-kwento ko sa kanya.
Nagkwentuhan muna kaming dalawa hangga't wala pa ang prof. Kung ano-ano ang pinagk-kwento niya sa 'kin, kapag talaga nagsimula ng dumaldal itong si Darcie, wala ng makakaawat.
“Lorraine!”
Natigilan ako nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon.
“Kishy, ikaw pala,” nakangiting sabi ko. Agad naman siyang umupo sa tabi ko.
“Sino 'yan?” tanong ni Darcie at ini-nguso si Kishy. Pasimple ko siyang siniko sa braso. Kahit kailan talaga itong si Darcie.
“Ah Kishy, kaibigan ko nga pala si Darcie. Darcie, ito naman si Kishy, siya 'yong bagong kaibigan ko na tinutukoy ko kanina.”
“Hello Darcie, ang cute ng name mo,” nakangiting sabi ni Kishy kay Darcie. Plastik na ngumiti lang si Darcie sa kanya.
“Hindi ko feel ang Kishy na 'yan, mukhang may hidden agenda,” bulong ni Darcie sa akin. Pasimpleng siniko ko ulit siya.
“Ano ka ba? Judgemental ka masyado,” sabi ko na lang sa kanya.
“Nako iniingatan lang kita noh, inosente ka pa naman sa mga ganyang bagay,” sabi naman niya. Napailing na lang ako.
Mukha namang mabait at katiwa-tiwala si Kishy eh.
***
“Sige Loreng diretso na ako sa dorm ko. Ingat ka sa paligid ha.”
Napailing na lamang ako nang pasimpleng tumingin si Darcie kay Kishy.
“Sige, ingat ka rin,” sabi ko na lang.
Kami na lang ang naiwan ni Kishy sa may waiting shed.
“Kishy, may susundo rin ba sa 'yo?” tanong ko sa kanya.
“Meron dapat kaso sabi ko sa driver ko 'wag na akong sunduin. Sasama ako sa 'yo,” sabi niya saka ngumiti ng matamis sa akin.
“H-ha? Bakit naman?” tanong ko saka napakamot sa batok ko.
“Gusto ko lang pumunta sa bahay ng bago kong friend, ayaw mo ba?”
“Ahm, h-hindi naman sa gano'n. Hindi pa kasi ako nakakapagsabi kay tatay. Saglit lang, magpapaalam lang ako sa kanya.”
Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at tinawagan si tatay. Buti na lang at agad niya iyong sinagot.
“Hello po 'tay, g-gusto pong pumunta ng kaibigan ko riyan sa bahay, okay lang po ba?”
“Of course hija, you can invite your friends here whenever you want to,” sagot naman niya. Napangiti na lang ako kahit hindi niya naman ako nakikita.
“Salamat po.”
Pinatay na rin agad niya ang tawag. Napatingin ako kay Kishy na nakatingin lang sa akin.
“Pumayag si tatay.”
Agad siyang napangiti sa sinabi ko at kumapit sa braso ko. Matangkad na babae si Kishy, hanggang ilong niya lang yata ako.
“OMG, excited na 'ko Lorraine,” sabi niya at napatalon pa. Napangiti na lang ako. Mukha namang hindi siya gano'ng kasama gaya ng iniisip ni Darcie.
Dumating din kaagad ang driver ni tatay para sunduin ako. Excited na sumakay ng kotse si Kishy.
Habang nasa biyahe kami ay panay ang kwento niya. Parehas lang sila ni Darcie na madaldal, ang kaibahan lang kapag nagk-kwento kasi si Darcie ay may kasamang malutong na mura palagi.
Nakarating na kami sa mansyon, pagabi na rin no'n. Medyo iba kasi ang schedule ng klase namin ngayong araw kaya ginabi na.
“Kishy, magsh-shower lang ako. Gusto mo bang sumama sa kwarto ko o maghihintay ka na lang dito sa living room?” tanong ko.
“I'll just wait here,” nakangiting sabi niya.
Nagtungo ako sa kwarto ko para magshower at magpalit ng damit. Kadalasan ay matagal ako sa banyo pero dahil naghihintay si Kishy sa sala, binilisan ko na lang.
Magkapares na pantulog na kaagad ang sinuot ko dahil gabi na rin naman. Hindi na ako nagtali ng buhok at hinayaan na lang na nakalugay ang kulot kong buhok.
Lumabas na ako ng kwarto ko pagkatapos kong magbihis at agad na nagtungo sa sala. Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko si Kishy na kausap si kuya Gun.
Nakatayo silang pareho habang magkausap. Todo ngiti si Kishy habang si kuya Gun naman ay nakakunot lang ang noo.
“Kaklase po ako ni Lorraine, it's nice to meet you po. Ikaw po si Gun Drake Fernandez diba po? Member ng Danger Zone?” tanong ni Kishy.
Hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko at nakikinig lang sa kanila. Sana naman ay 'wag niyang sungitan ang kaibigan ko. Alam ko naman na masama ang ugali niya pero sana naman ay makontrol niya paminsan minsan.
“Ahm, yeah.”
Natigilan ako sa sinagot ni kuya Gun.
Bakit ang bait niya habang kausap si Kishy? Hindi niya ito sinusungitan o binubulyawan hindi katulad kapag ako ang kausap niya. Palaging nakabulyaw, palaging nagmumura, palaging galit...
“Wow, ang gwapo mo pala talaga,” sabi naman ni Kishy. Napakunot ang noo ko.
“Thanks,” sagot naman ni kuya Gun bago umalis at nagtungo sa silid nito.
“Lorraine!”
Tipid na ngumiti na lang ako kay Kishy nang tumakbo siya papalapit sa 'kin saka kumapit sa braso ko.
“Doon tayo sa room mo, grabe, ang ganda rito. Pwede ba akong bumisita lagi rito?” nakangiting tanong niya. Tipid na ngumiti na lang ako saka tumango.
Lutang pa rin ang isip ko hanggang sa makarating kami sa silid ko. Kahit panay ang salita ni Kishy, hindi rin siya napasok sa isip ko.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kanina. Bakit gano'n? Bakit malumanay ang boses niya habang kausap si Kishy? Gano'n ba talaga siya sa ibang tao?
Pero bakit sa akin hindi? Hindi ko naman siya ginawan ng masama ni minsan, naging mabait naman ako sa kanya at ginagalang ko siya sa tuwing magkausap kami kahit palagi niya akong sinisigawan. Bakit hindi niya ako matrato ng ayos gaya ng pagtrato niya kay Kishy kanina?
“Hey Lorraine, are you alright?” tanong niya. Tila natauhan naman ako saka ngumiti na lang sa kanya.
“O-okay lang ako, may naalala lang,” sagot ko na lang.
“Lorraine, wala ka bang gusto kay Gun? I mean, hindi naman bawal na magkagusto ka sa kanya diba? Hindi naman kayo magkadugo.”
Agad akong napailing sa sinabi niya..
“N-nako hindi, kapatid lang ang tingin ko kay kuya Gun. Hindi ko ma-imagine na magkakagusto ako sa kanya,” natatawang sabi ko na lang.
Totoo naman iyon, ang gusto ko lang talaga ay magkaayos kami bilang magkapatid ni kuya Gun. Hinding hindi ko siya magugustuhan sa paraang iniisip ni Kishy.
“Buti naman kung gano'n, crush na crush ko kasi talaga ang kuya mo noon pa. Sobrang kinilig nga ako nung nag-usap kami kanina kahit saglit lang. Saka grabe, ang hot niya kapag galing sa trabaho. Naimagine ko tuloy kapag kinasal na kami,” kinikilig na sabi niya at napayakap pa sa unan ko.
“B-bakit mo ba crush si kuya Gun?” tanong ko. Sa totoo lang ay kanina ko pa gustong itanong iyan sa kanya.
“Wala lang, may mga issue kasi tungkol sa kanya na masama talaga raw siyang magalit. Nakaka-thrill lang, type ko ang mga bad boy,” sabi niya saka napahagikhik. Napailing na lang ako.
“Ahm Lorraine, lalabas lang ako saglit ha,” sabi niya saka tumayo.
“Saan ka pupunta? Sasamahan na kita,” sabi ko naman. Agad siyang umiling.
“Hindi na, saglit lang naman ako.”
Hinabol ko na lang siya ng tingin nang makalabas na siya ng kwarto ko.
Napabuntong hininga na lang ako at kinuha ang cellphone ko saka nag-online sa f*******:. Napakunot ang noo ko nang makitang may 43 friend requests sa akin. Isa isa kong tiningnan ang mga iyon, naaalala ko ang iba sa kanila. Yung iba ay kaklase ko sa Farthon University. Bakit nila ako ina-add friend? Kilala nila ako?
In-accept ko na lang ang iba sa kanila na natatandaan ko ang hitsura. Baka sabihin naman nila masyado akong snob.
Natigilan ako nang mapagtanto ko na hindi pa rin nabalik si Kishy. 30 minutes na yata ang nakakalipas simula ng lumabas siya ng kwarto ko.
Lumabas ako ng silid ko para hanapin siya. Sa living room agad ako nagpunta para silipin siya kaso wala siya ro'n. Pati sa garden at pool area wala rin siya.
Bumalik na ako sa loob ng mansyon. Tatawagan ko na lang siya, baka naman kasi umuwi na siya.
Natigilan ako sa paglalakad nang makarinig ako ng kakaibang ingay na nanggagaling sa silid ni kuya Gun. Napakunot ang noo ko saka lumapit doon.
Napansin kong hindi nakalapat ang pagkakasara ng pinto sa silid niya kaya sumilip ako sa loob. May masakit ba kay kuya Gun?
Napakurap ako nang makitang nakaupo siya sa may couch na nasa tapat ng pinto.
“f**k that's it, you're f*****g good.”
Wala siyang damit pang-itaas at pawisan ang katawan niya. Nakaigting ang panga niya habang nakapikit.
Ngunit ang nakaagaw ng pansin ko ay ang babaeng nakaluhod sa harapan niya, ang ulo ng babae ay nasa pagitan ng mga hita ni kuya Gun. Pamilyar sa akin ang gano'ng buhok.
Si Kishy.
Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin ko na nagalaw ang ulo ni Kishy habang sinasabunutan naman ni kuya Gun ang buhok niya.
Alam ko na kung ano ang ginagawa nila!
Akmang tatakbo na ako palayo pero natulos ako sa kinatatayuan ko nang idilat ni kuya Gun ang mga mata niya.
Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang tumingin siya ng diretso sa mga mata ko saka napangisi.