Chapter 5

3197 Words
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatitig sa comment ni kuya Gun. Paano niya nahanap ang f*******: account ko? Pakiramdam ko mas bumilis ang t***k ng puso ko nang i-add niya ako sa f*******:. Napakagat ako sa ibabang labi ko habang nakatitig sa friend request niya sa akin. Ia-accept ko ba ito? Saka bakit niya ako ina-add? Kapag in-accept ko siya mahihiya na ako magpost sa f*******:. Di bale, may i********: naman ako na ginawa ni Darcie. In-accept ko na lang siya. Huminga ako ng malalim saka chinat siya. May tatanungin lang ako sa kanya. Kuya Gun, nagf-f*******: ka po pala. Ewan ko ba kung bakit kinabahan ako bigla nang makitang ma-seen na niya ang chat ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Para akong naiihi na kinakabahan? I-private mo ang account mo. Pati profile picture mo nakapublic pa. Pinagp-piyestahan ka ng kung sino-sino. Napakunot ang noo ko sa reply niya. Himala at nagtagalog siya, madalas englishero siya eh. Napailing na lang ako, kahit sa chat niya lang sinabi iyon pakiramdam ko sinisigawan na niya ako. Parang naririnig ko yung boses niya. Napasimangot na lang ako, hindi naman kasi ako marunong sa public at private settings na iyan. Nagpapatulong lang ako kay Darcie palagi. Agad ko siyang ni-reply-an. Hindi po ako marunong kuya Gun. Paano po ba magprivate? Kagat-kagat ko ang kuko ko habang naghihintay ng reply niya. Tumayo ako at sinilip si kuya Gun sa balcony. Nagtago ako nang mapansin kong nasa pool area siya, hawak niya ang phone niya at nagtitipa roon. Pumunta ka rito sa pool area, tuturuan kita. Napasinghap ako sa chat niya sa akin. Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil pakiramdam ko gusto kong magtitili at tumalon sa kama ko. Pakiramdam ko magkakasundo na talaga kaming dalawa. Mukhang ito ang unang hakbang sa pagtanggap niya sa akin bilang kapatid. Sobrang saya ko. Excited ako nang lumabas ako ng silid ko. Agad akong lumabas ng mansyon at nagtatakbo papuntang pool area. Napangiti ako nang matanaw ko si kuya Gun na nakaupo roon. Nakatingin siya sa pwesto ko. “At kabayo!” Napasigaw ako sa gulat nang bigla akong natalisod. Pakiramdam ko nag-akyatan ang lahat ng dugo sa mukha ko lalo pa't nakatingin sa akin si kuya Gun. Kahit sobrang napahiya ako, nagtuloy lang ako sa paglalakad papalapit sa kanya. Napakagat ako sa ibabang labi ko nang mapansin na nakangisi siya sa 'kin nang makalapit na ako sa kanya. “M-may bato pala ro'n, hindi ko nakita,” sabi ko na lang saka nahihiyang napakamot sa batok ko. “Sit here,” sabi niya saka tinapik ang upuan sa tabi niya. Kinagat ko ang loob ng pisngi ko saka umupo sa tabi niya. Hindi nakawala sa paningin ko ang alak sa tabi niya. Hindi na ba niya maalis sa sarili niya ang pag-inom ng alak? Araw-araw na lang ah. “Where's your phone?” Agad ko namang inabot sa kanya ang cellphone ko. Hinablot naman niya iyon mula sa akin. “Ganito lang 'yan,” sabi niya saka kinalikot ang f*******: ko. Tumingin ako sa ginagawa niya. Napatingin ako sa kanya nang mapansin kong natigilan siya. “Paano nga ulit 'yon?” bulong niya na narinig ko naman. Nakatingin lang ako kanya nang mapansin kong nakakunot na naman ang noo niya. Napakamot siya sa kilay niya habang nakatitig sa cellphone ko. “H-hindi ka po ba marunong kuya Gun?” tanong ko. Hindi siya sumagot at nagpindot lang ng kung ano-ano sa cellphone ko. Gusto kong matawa, mukhang hindi nga rin siya marunong. “Kuya Gun kung hindi ka po marunong itatanong ko na lang bukas kay Darcie. Maalam siya sa---” agad niyang pinutol ang sasabihin ko. “Wag kang magulo! Alam ko 'to!” Imbis na mainis dahil binulyawan niya ako, natawa na lang ako sa inasal niya. Para siyang bata na ayaw magpapigil. Hindi na lang ako nagsalita at niyakap na lang ang nakatiklop kong mga binti at hita saka isinandal ang baba ko sa tuhod ko. Napatitig ako sa kanya na nakakunot ang noo habang nagpipindot ng kung ano-ano sa cellphone ko. Natigilan ako nang kuhanin niya ang phone niya saka nagtipa ro'n. “Hello Lion, paano ba magprivate ng account?” Tuluyan na akong natawa sa itinanong niya, agad niya naman akong tiningnan ng masama. “What the f**k are you laughing at pip-squeak?!” naiinis na tanong niya sa akin. Napatakip na lang ako sa labi ko saka umiling, baka mainis na talaga siya ng tuluyan. Nakatitig lang ako sa kanya habang kausap niya sa phone si Lion habang tutok na tutok siya sa cellphone ko. Sinusundan niya ang bawat instructions ni Lion. Sa isip ko na lang ako tumatawa, baka mapikon na naman siya. “Here's your phone. Okay na 'yan,” sabi na lang niya saka inabot sa akin ang phone ko. Ngumiti na lang ako sa kanya at kinuha iyon. “Hindi na po kayo dapat nag-abala, saka kaya naman po ito ni Darcie. Bukas naman magkikita kami sa school saka---” “Can't you just f*****g shut up?” masungit na tanong niya. Agad kong itinikom ang bibig ko. Mainit na naman ang ulo niya, dapat tantyahin ko rin pala ang mood niya. “S-sorry po,” sabi ko na lang saka ibinaling ang tingin sa cellphone ko. “Stop saying 'po' all the time, I'm not a f*****g old geezer you pip-squeak,” masungit na sabi niya saka uminom na lang ng alak. “Okay po--ibig kong sabihin, sige kuya Gun,” sabi ko na lang. Mukhang matagal-tagal bago ako masanay na hindi siya pino-'po'. Nakakatakot kasi siya palagi, parang dapat lagi siyang ginagalang. Natahimik na lang kaming pareho. Pasimple akong tumitingin sa kanya na nakatitig lang sa malayo. Ano ba ang dapat kong gawin? Dapat ba magpaalam na ako at umalis? Pero pakiramdam ko ayaw ko pang umalis dito. Gusto ko muna siyang katabi kahit hindi naman kami nag-uusap. “Kuya Gun, hindi ka po ba nakakatulog ng hindi umiinom?” tanong ko saka ininguso ang alak na hawak niya. Napabuntong hininga siya bago sumagot. “I'm not sure. Whether I drink or not, I still can't sleep,” sabi niya habang nakatitig pa rin sa kawalan. Napatingin ako sa mga mata niya. Halata nga sa mga mata niya na hindi siya nakakatulog ng ayos, ang lungkot ng mga mata niya, parang may gustong sabihin. “Nasubukan mo na po ba'ng uminom ng gatas?” tanong ko sa kanya. Gusto kong sampalin ang bibig ko, lagi na lang talaga akong nagp-'po' sa kanya. Hindi na maalis sa akin 'yon. “Why would I f*****g drink that? I'm not kid,” nakakunot-noong sabi niya. Natawa na lang ako. “Kapag po binabangungot ako o kaya naman ay hindi makatulog, nainom lang ako ng mainit na gatas tapos maya-maya lang makakatulog na ako. Bukas ng gabi ipagtitimpla kita para hindi na alak ang iniinom mo, masama sa kalusugan ang araw-araw nainom ng alak,” panenermon ko sa kanya. Inaasahan ko na magagalit siya at bubulyawan ako o kaya naman ay sasabihin na 'wag akong makialam pero nagulat ako sa isinagot niya. “Okay, I'll try,” sabi na lang niya at tumikhim saka napaiwas ng tingin sa 'kin. Agad na lumaki ang ngiti ko. Para na ring sasabog ang puso ko sa tuwa. Sana talaga ay magtuloy tuloy na ito. Gusto kong magkasundo na kaming dalawa bilang magkapatid. “Salamat talaga kuya Gun at binubuksan mo na ang puso mo sa akin,” nakangiting sabi ko sa kanya. Napakunot naman ang noo niya sa sinabi ko. “B-binubuksan ang puso? Ano ba'ng pinagsasasabi mo?! Matulog ka na nga!” pagtataboy niya sa akin. Tumayo na lang ako at malawak pa rin ang ngiti na hinarap siya. “Kuya Gun, bukas ha. Ipagtitimpla kita ng gatas at talagang makakatulog ka ng mahimbing no'n,” nakangiting sabi ko at nagthumbs up pa sa kanya. Natigilan ako nang mapansin kong tumaas ang isang sulok ng labi niya. Halata rin na nagpipigil siya ng ngiti. Magandang simula talaga ito. “Oo na, paulit-ulit. Matulog ka na at mapupuyat ka.” Dahil sa sinabi niyang iyon, maganda ang naging tulog ko. *** “Ay shala, mukhang diyan na talaga magsisimula ang love affair niyo ng kuya Gun mo.” Napailing na lamang ako sa sinabi ni Darcie. Kahit kailan talaga ito, palagi na lang niya akong ipina-pares kay kuya Gun eh kapatid lang naman talaga ang turing ko ro'n sa tao. “Tigilan mo nga ang kakasabi niyan Darcie, baka may makarinig pa sa 'yo at isipin na totoo ang sinasabi mo,” sabi ko na lang saka inabot sa kanya ang plastic cup na may lamang fishball. Narito kami sa may tapat ng school at nakain ng fishball. Maagang natapos ang klase namin dahil may emergency raw na kailangang asikasuhin ang prof namin. Imbis na tawagan ang driver at sabihin na tapos na ang klase, nagpunta muna kami ni Darcie sa tapat ng school para kumain ng fishball, buti na lang at meron ditong nagtitinda ng ganito, nakakamiss din pala. “Ano naman ang masama, hindi naman kayo magkapatid talaga,” sabi naman niya habang nakain ng fishball. “Kinasal pa rin si nanay at si tatay Gustavus, ano ka ba?” napapailing na sabi ko na lang. “Wala ng bisa ang kasal ng nanay mo at ng tatay ng kuya Gun mo kasi nga diba...” hindi na lang niya itinuloy ang sasabihin pero naiintindihan ko na 'yon. “Kahit na, wala naman sa isip ko iyon. Ang gusto ko lang talaga ay ituring na niya ako na kapatid,” sabi ko na lang habang nakain din ng fishball. Natigilan ako nang may pamilyar na itim na kotse ang tumugil sa tapat namin. Napatingin ako sa bintana nang magbukas iyon. “K-kuya Gun?” Napakunot lang ang noo niya saka tumingin sa fishball na hawak ko at kay Darcie. “Your class is over?” tanong niya saka  Tumango na lang ako saka alanganing ngumiti sa kanya. “Sakay, uuwi na tayo,” utos niya. “Darcie, uuwi na ako. Bukas na lang ulit, pakitapon na lang nitong plastic cup,” sabi ko saka inabit sa kanya iyon. Buti na lang naubos ko na ang fishball. Agad akong sumakay ng kotse matapos kong magpaalam kay Darcie. Agad niya namang pinaandar iyon nang makasakay na ako. “Kuya Gun, bakit ang aga yatang natapos ng trabaho mo?” tanong ko sa kanya. Salamat naman at wala ng 'po' sa sinabi ko. “Wala lang,” tipid na sagot niya at nagfocus na lang sa pagmamaneho. Napakunot ang noo ko dahil sa pagtataka ngunit hindi na lang ako nagsalita. Nakarating din kami agad sa mansyon. Agad akong bumaba ng kotse at gano'n din naman siya. “Kuya Gun, sa pool area ka natambay palagi tuwing gabi diba? Pupuntahan kita ro'n mamaya at dadalhan ng gatas. 'Wag ka ng iinom ng alak ha, i-try mo ang gatas,” nakangiting sabi ko. “Fine,” sabi na lang niya saka agad na pumasok sa mansyon. Napasuntok naman ako sa hangin dahil sa tuwa. Agad akong nagshower pagkauwi ko. Naabutan ko naman ang cellphone ko na nagriring nang makapagbihis na ako ng pambahay. Agad kong sinagot ang tawag nang makitang galing iyon kay Darcie. “Hello Darcie.” “Hoy babae! Ang gwapo pala talaga ng kuya mo aba, bagay talaga kayo!” Napailing na lang ako at natawa sa sinabi ni Darcie. “Ano ka ba? Masasakal na kita eh,” sabi ko na lang habang sinusuklay ang buhok ko. Natigilan ako nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. “Mamaya na lang tayo mag-usap Darcie ha,” sabi ko na lang. “Okay, tawag ka na lang sa 'kin kung trip mo,” sabi niya saka siya na mismo ang nagpatay ng tawag. Agad kong binuksan ang pinto at si tatay ang bumungad sa akin. “Anak maghahapunan na tayo, saka may ipapakilala ako sa 'yo,” sabi niya saka ngumiti sa akin. Sumunod na lang ako kay tatay papuntang dining area at mayroon ngang lalaking nakaupo ro'n. Umupo na lang ako sa upuan ko ar gano'n din si tatay. “Lorraine, siya ang pamangkin ko na si Kionn. Kionn, ito naman ang anak kong si Lorraine,” sabi ni tatay. Napatingin ako kay Kionn na nakangiti sa 'kin. Gwapo rin siya katulad ni kuya Gun at may pagkakahawig sila. Siguro ay mas gwapo lang ng kaunti si kuya Gun sa kanya. Mukha rin siyang mabait at palakaibigan hindi katulad ni kuya Gun na kapag tiningnan mo pa lang matatakot ka na dahil palaging nakakunot ang noo. “Hello po kuya Kionn,” magalang na sabi ko saka ngumiti sa kanya. “Kionn na lang, and please 'wag ka ng mag-'po' sa akin,” sabi niya. Tumango na lang ako. “S-sige, Kionn.” Nagsimula na kaming kumain. Nagtataka ako dahil hindi sumabay si kuya Gun. Nasaan na kaya siya? “Gun, ikaw pala. Kanina pa kita pinapatawag pero hindi ka nababa.” Kusa akong napaupo ng tuwid nang marinig kong sinabi ni tatay iyon. Napatingin ako kay kuya Gun na nakasuot ng sando at short na hanggang itaas ng tuhod niya. Medyo magulo ang buhok niya na bumagay naman sa kanya. Hindi sumagot si kuya Gun. Kumuha lang ito ng pitsel sa ref at kunuha rin ng baso saka uminom ng tubig. Hinabol ko lang siya ng tingin hanggang sa makaalis na siya ng kusina. Hindi ba siya kakain? Baka naman nakakain na siya? Pero bakit hindi na lang niya sabihin? Natapos na kaming kumain. Nagtungo na si tatay sa silid at kami na lang ang naiwan ni Kionn. “Gaano ka na katagal dito Lorraine?” tanong niya. “Hmm, mag-iisang buwan na rin,” sagot ko naman. Nagtungo kami sa may garden at doon na lang itinuloy ang pagk-kwentuhan. Masarap siya kausap dahil hindi siya nauubusan ng itatanong at sasabihin. Halatang sanay siyang makipag-usap sa ibang tao. “Nakakasama mo na ba noon pa man si kuya Gun?” tanong ko. “Hmm, noong mga bata kami lagi kaming magkalaro, pero nagbago siya simula nangpumanaw yung Mama niya,” sabi naman niya habang nakasandal sa upuan. “S-siguro iyon ang dahilan kung bakit masama nag ugali niya,” sabi ko na lang. Nakaramdam ako ng lungkot para sa kanya, hindi madali ang mawalan ng ina. Sa katunayan ay hanggang ngayon namimiss ko pa rin si nanay. Habang buhay ko siyang mamimiss. “Hindi naman masama si Gun, marami siyang pinagdaanan, hindi ko alam kung ano yung mga 'yon pero halata naman na hindi naging madali ang buhay para sa kanya. Hanggang ngayon, kahit hindi na kami nag-uusap siya pa rin ang pinakapaborito ko sa lahat ng pinsan ko kaya palagi akong napunta rito kahit alam kong hindi naman niya ako kakausapin.” Napatingin ako sa kanya, mukhang katulad ko lang din pala siya. Gusto niya rin na makasundo si kuya Gun at makausap ng maayos. “Lorraine,” pagtawag niya sa akin. “Hmm?” “Ahm si Gun ba, n-nagwawala pa rin? Nagagalit pa rin ba siya kahit sa maliit na bagay? O kaya naman ay nananakit?” tanong niya. Napakunot ang noo ko. “Palaging galit sa akin si kuya Gun pero hindi siya nagwawala o kaya naman nananakit. Ang totoo niyan pakiramdam ko bumabait na siya ng kaunti sa akin,” pagk-kwento ko naman. “Really? That's new,” sabi naman niya saka napatingin na lang sa mga bulaklak. “Bakit?” nagtatakang tanong ko. Tipid na ngumuti na lang siya sa akin saka umiling. “Nothing,” sabi na lang niya. Tumango na lang ako at napakibit-balikat. “By the way Lorraine, nagpaalam ako kay Tito Gustav na rito muna ako tutuloy. Magkwentuhan tayo ulit paminsan-minsan,” sabi naman niya saka bahagyang ginulo ang buhok ko. Napangiti na lang ako saka tumango. “Kionn natutuwa ako na halos parehas pala tayo.” “Bakit naman tayo naging parehas?” tanong niya. “Parehas tayo na gustong maging malapit kay kuya Gun, sana magtagumpay tayong pareho,” sabi ko saka naglahad ng kamay sa kanya. Natawa na lang siya at tinanggap naman iyon. “Wag kang magkakagusto kay Gun ha,” natatawang sabi niya. Agad ko naman siyang hinampas sa braso. “Hindi naman ako magkakagusto kay kuya Gun noh, ikaw talaga,” napapailing na sabi ko na lang. “Tama 'yan, sa akin ka na lang magkagusto. Hindi masyadong bawal,” natatawang sabi niya. “Palabiro ka pala talaga Kionn, puro kalokohan ang sinasabi mo,” napapailing na sabi ko na lang. “Hindi naman ako nagbibiro, nung una naging crush kita dahil ang ganda mo, pero ngayon crush kita dahil magaan ang loob ko sa 'yo,” sabi niya saka kinurot ang pisngi ko. Pumasok na lang kaming dalawa sa mansyon habang tuloy pa rin sa pagk-kwentuhan. Hindi ko na lang sineryoso ang sinabi niyang crush niya ako, bakit naman niya magiging crush ang isang tulad ko diba? “Hindi naman pangit ang buhok mo, ang ganda nga ng pagkakulot eh,” sabi ni Kionn habang hinahawakan ang buhok ko. Natigilan kaming pareho nang makarinig ng padabog na paglagay ng baso sa mesa. Akala ko mababasag ang baso. “Kuya Gun?” Hindi ako pinansin nito at agad ding umalis. Napakunot ang noo ko. Ano ang problema niya? “Ano na naman kaya ang problema niya?” tanong ko. “Hayaan mo na, ganiyan talaga si Gun. Sige Lorraine, bukas na lang ulit. Matutulog na 'ko,” sabi niya at tinapik ako sa balikat saka umalis. Napatingin ako sa wall clock. Gabi na rin pala, napahaba ang kwentuhan namin ni Kionn. Agad akong nagtimpla ng gatas para kay kuya Gun. Sa mga oras na 'to malamang nakatambay na naman siya sa pool area. Excited ako nang matapos na akong magtimpla ng gatas saka agad na nagtungo sa pool area. Tama nga ang hula ko at naroon na si kuya Gun. “Kuya Gun!” Agad akong lumapit sa kanya ngunit natigilan ako nang mapansin kong may alak na sa tabi niya. “Kuya Gun, diba ang usapan natin ay gatas ang iinumin mo ngayong gabi para makatulog ka na ng ayos,” sabi ko habang nakatingin ng masama sa bote ng alak. “Shut the f**k up.” Natigilan ako sa sinabi niya. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. Bakit galit na naman siya? “Ito na lang ang inumin mo at 'wag na iyan. Masama sa kalusugan ang---” Hindi na natuloy ang sasabihin ko nang kuhanin niya mula sa akin ang baso ng gatas saka inihagis iyon sa sahig. Natigilan ako sa ginawa niya. Napatingin ako sa nabasag na baso sa sahig. Agad kong naramdaman ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko kasabay ng panginginig ng mga kamay ko. “I'm so done with your s**t. Just f*****g leave me alone! I don't need you and your f*****g sweet facade!” Napatulala na lang ako nang umalis siya ng pool area. Napakagat ako sa ibabang labi ko nang agad na nagsilabasan ang mga luhang pinipigilan ko. Akala ko pa naman ay ayos na kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD