Chapter 2

3167 Words
“M-magandang gabi po kuya,” magalang na pagbati ko sa kanya. Sa mga oras na ito, pinagdarasal ko sa isip ko na sana ay nakalimutan na lang niya ang ginawa niya sa 'kin linang taon na ang nakakalipas. Sana hindi na niya maalala kung paano niya ninakaw ang una kong halik. Hindi siya sumagot at nilagpasan na lamang ako. Pakiramdam ko nakahinga ako ng maluwag. Hindi talaga maganda ang dulot niya sa sistema ko. Halos mapatalon ako sa gulat nang lumingon siya sa 'kin. “What the f**k are you still waiting for pip-squeak?” Napalunok ako dahil nakakunot na ang noo niya habang nakatingin sa 'kin. “P-po?” kinakabahang tanong ko. “You said you don't know where the f*****g kitchen is, I'll show you the way, ignoramus,” masungit na sabi nito saka muling naglakad. Napabuntong hininga na lang ako at sumunod sa kanya. Hindi niya yata kayang magsalita ng hindi nagmumura o kaya naman ay hindi nananakot. Siguro nga ay hindi siya nananakot pero kahit yata tumingin lang siya sa 'kin, natatakot pa rin ako. Nakarating na kami sa kusina. Nakatingin lang ako sa kanya nang buksan niya ang ref saka kumuha ng beer in can doon saka binuksan at ininom. “S-salamat po kuya Gun,” nakatungong sabi ko. Hindi siya sumagot at umalis na lang ng kusina. Pakiramdam ko nakahinga na naman ako ng maluwag. Sa kanya ko lang talaga naramdaman ang ganitong kaba sa buong buhay ko. Para akong mauubusan ng hangin sa katawan. Napagdesisyunan kong magprito na lamang ng kung anong meron sa ref. Marami namang pagkain dito pero yung ibang pagkain ay hindi pamilyar sa 'kin. Nagprito na lang ako ng dalawang pirasong hotdog. Nakakapagtaka na maraming stock ng hotdog sa ref nila. Sino naman kaya ang nakain ng mga hotdog na iyon? Parang imposible naman na si tatay. Baka sina Riza. Pagkatapos kong kumain, bumalik na ako sa silid ko. Laking pasasalamat ko dahil hindi ko nakalimutan kung nasaan ang kwarto ko. Nagtoothbrush muna ako saka humiga sa kama ko. Napabuntong hininga ako at napatitig sa kisame. Hindi ako makatulog, siguro namamahay ako. Bumangon ako at sinubukang manood ng TV. Wala akong masyadong maintindihan. Mas mahilig kasi akong magbasa ng mga libro kaysa manood ng telebisyon. Ewan ko ba, sadya yatang hindi ko hilig iyon. Napatingin ako sa cellphone na nasa bedside table. Ito ang cellphone na ibinigay sa 'kin ni tatay habang nasa biyahe kami kanina. Sabi niya nandito na ang number niya pati na rin ang number ng driver. Naka-connect na rin daw ito sa wi-fi. Marunong naman ako gumamit ng cellphone kahit papaano dahil sa kaibigan kong si Darcie. Naalala ko rin na ginawan niya ako ng account sa f*******: na hindi ko naman nabubuksan. Kinuha ko ang cellphone saka nag-log in sa f*******:, buti na lang at naaalala ko pa ang email at password. Bumungad sa akin ang tadtad na chat ni Darcie. Ui! Kamusta lyf mo diyan ghorl? Yayamanin ka ng gaga ka. Napailing na lang ako nang mabasa ko ang ilan sa mga chat niya. Ito talagang si Darcie kahit kailan. Sinubukan kong magselfie gaya ng ginagawa ni Darcie. Ang ganda ng camera ng cellphone na ito kaysa sa cellphone ni Darcie na malabo. Parang mas gumanda ako. Napakagat ako sa kuko ko saka ginawang profile picture ang maayos na picture na nakuha ko. Wala kasi akong profile picture eh. Natawa na lang ako nang agad na nagreact si Darcie at nagcomment. Putanginang kaganda talaga ng beshy ko! Nagtataka ako kung bakit 12 na tao kaagad ang nagreact doon. May mga friends naman ako sa f*******: na karamihan ay kaklase ko o kaya naman ay kapit-bahay namin ngunit wala kasi akong masyadong ka-close dahil na rin nahiyain ako sa ibang tao. Napakibit-balikat na lang ako at nag offline na. Napabuntong hininga ako, hindi talaga ako makatulog. Tumayo ako at binuksan ang sliding door sa balcony ng aking silid. Napangiti ako nang agad na bumungad sa 'kin ang madilim ngunit magandang langit. Agad akong napayakap sa sarili ko nang maramdaman ko ang malamig na hangin. Dapat pala nagsuot ako ng jacket. Bumaba ang tingin ko sa may pool area. Hindi naman kasi ganoong kataas ang silid ko kaya kitang kita pa rin ang pool area. Natigilan ako nang makita ko ro'n si kuya Gun, nakaupo siya sa upuan doon habang may hawak na beer. Hindi rin nakawala sa paningin ko ang sigarilyong hawak niya sa kabilang kamay niya. Nag-iinom na nga naninigarilyo pa. Hindi ko alam kung bakit imbis na unalis ako at bumalik na lang sa higaan ko, naglaan pa ako ng ilang minuto para tingnan siya. Pakiramdam ko ibang Gun ang nakikita ko ngayon. Napakalungkot siguro niya sa mga oras na 'to. Halata sa mukha niya na malalim ang iniisip niya. Napasinghap ako nang mag-angat siya ng tingin. Pakiramdam ko literal na nanginig ang buong katawan ko nang nagsalubong ang mga tingin namin. Pakiramdam ko natulos ako sa kinatatayuan ko, hindi kaagad ako nakakilos para tumakbo pabalik sa kwarto ko. Hindi ko alam kung saan ko kinuha ang lakas ng loob na makipaglabanan ng titig sa kanya. Parang may kung anong humihila sa akin para titigan siya. Napakurap na lang ako nang mapansin kong napakunot ang noo niya. Doon ako tila nagising sa pagkakahipnotismo. Agad akong tumakbo pabalik sa silid ko at agad na nagtalukbong ng kumot. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Bakit gano'n na lang katindi ang epekto sa akin ni kuya Gun? MAAGA pa rin akong nagising kahit halos kaunting oras lang ang naitulog ko. Namamahay talaga ako kahit pa napakaganda ng silid ko at kumpleto sa gamit. “Hija, nai-enrol na kita sa Farthon University. Sa pagkakaalam ko Education ang kursong kinuha mo bago ka tumigil. Pero kung gusto mong magbago ng kurso sabihin mo lang sa 'kin,” sabi ni tatay habang nakain kami ng almusal. “Ayos na po iyon, pangarap ko po ang maging teacher noon pa man,” nakangiting sabi ko sa kanya. “Mamaya ay kukuha ka ng entrance exam, ayos lang ba sa iyo o baka naman gusto mong baguhin ko ang araw ng exam?” tanong niya. Umiling naman ako. “Ayos lang po, kahit papa'no naman po ay may naalala pa ako sa mga napag-aralan ko.” Madalas ang tanong niya sa akin na magalang ko namang sinasagot. Malaki ang pasasalamat ko sa kanya sa pagkupkop sa akin at talagang pag-aaralin niya pa ako. Kahit wala na si nanay mabait pa rin siya sa 'kin.. Bakit hindi namana ni kuya Gun ang kabaitan niya? “Gun, good morning.” Pakiramdam ko kusa akong napaupo ng tuwid nang marinig ko na sinabi 'yon ni tatay. Tumungo na lang ako at binaling ang atensyon ko sa pagkain. “Morning,” tipid na sagot nito sa medyo paos pang boses. Pasimpleng tumingin ako sa kanya nang umupo si kuya Gun sa upuan sa tapat ko, buti na lang at hindi niya ako binalingan ng tingin. Medyo magulo pa ang buhok niya at mukhang kakagising lang. Bumaba ang tingin ko sa matipunong braso niya. Sando lang ang suot niya kaya kitang kita ang braso niya. Agad akong napaiwas ng tingin, marami namang kalalakihan sa amin na walang damit pang-itaas lalo na ang mga kargador pero bakit naiilang ako gayong naka-sando naman siya? Kung hindi niya sana ninakaw ang una kong halik noong kinse anyos ako edi sana malinis pa ang isipan ko. “Ano pang tinutunganga niyo?” masungit na tanong niya habang nakatingin sa mga katulong. “P-po?” tanong naman ng mga katulong. “f*****g serve me my breakfast!” Halos lahat yata sila ay napapitlag sa gulat nang bulyawan sila nito. Kahit ako ay napasinghap sa inasal niya. “O-opo,” nauutal na sunod nila at natatarantang ipinaghain siya. “W-wag ka pong magmura sa harapan ng pagkain,” pananaway ko sa kanya. Kahit si tatay ay halatang nagulat sa sinabi ko. Napalunok ako nang tumingin sa 'kin si kuya Gun. Lalong kumunot ang noo niya, ang sama ng tingin niya sa 'kin. “I will f*****g curse if I f*****g want to,” sabi niya na para bang iniinis niya pa ako. Palihim kong naikuyom ang mga kamay ko na nasa ilalim ng mesa. “Gun Drake!” pananway ni tatay sa kanya. “Hey you f*****g pip-squeak, just don't talk to me or even look at me and we're good,” sabi niya habang nakatingin sa 'kin na para bang wala siyang pakialam kahit pinagalitan na siya ni tatay. Hindi na lamang ako nagsalita at nagpatuloy na lang sa pagkain kahit na ang hirap para sa 'kin na lunukin ang pagkain. Nararamdaman ko naman na hindi na siya nakatingin sa akin, pero kinakabahan pa rin ako. “Lorraine anak, ipapahatid kita sa driver mamaya papuntang Farthon University,” biglang sabi ni tatay. Ngumiti na lang ako sa kanya saka tumango. “I'll take her to school.” Natigilan ako at gulat na napatingin kay kuya Gun nang sabihin niya 'yon. “Hindi na hijo, may trabaho ka pa. Driver na natin ang bahalang maghatid sa kanya,” sabi naman ni tatay saka tumingin sa 'kin. Sana 'wag siyang pumayag, hindi ko kakayaning makasama sa kotse si kuya Gun. Baka mapaaga ang buhay ko dahil sa kaba. “I have things to take care of there, and chill old man, I won't do something bad to that pip-squeak,” sabi naman niya habang seryosong nakatingin kay tatay. Napabuntong hininga na lang ito sa sinabi ng anak. “Lorraine, ayos lang ba sa 'yo na kuya Gun mo ang maghahatid sa 'yo sa school. Kung ayaw mo sa driver na lang kita ipapahatid.” Napalunok ako at pasimpleng tumingin kay kuya Gun na nakakunot ang noo habang nakatingin sa 'kin na tila ba nag-aabang sa isasagot ko. “S-si kuya Gun na lang po, ayos kang po sa akin,” mabigat sa loob na sabi ko. Kinakabahan ako sa gagawin niya kung sakaling tumanggi ako. Baka lalo lang siyang magalit sa 'kin. Nag-ayos na ako pagkatapos kong kumain. Simpleng blouse at pants lang ang sinuot ko. Maraming damit sa closet ko na hindi ko alam kung masusuot ko. Hindi ako mahilig magsuot ng mga dress, crop top at maiikling short. Lumaki kasi ako na simpleng damit lang ang meron kaya hindi ako komportableng magsuot ng talagang magagandang damit. Naghintay ako kay kuya Gun sa labas ng mansyon, nakahanda na rin ang kotse niya rito sa labas. “Hija, ito ang wallet mo. May mga cash diyan at credit card,” sabi ni tatay at inabot sa akin ang wallet na kulay puti. Wallet pa lang mukhang mamahalin na. “N-nako, hindi na po. May ipon naman po akong pera galing sa pagtatrabaho ko sa probinsya,” pagtanggi ko. Umiling naman siya at inabot sa akin ang wallet. “Sige na hija, 'wag ka ng mahiya sa akin. Anak naman kita,” sabi niya saka inilagay sa kamay ko ang wallet. “S-salamat po, babayaran ko po ang lahat ng ito sa hinaharap,” magalang na sabi ko. Sobra na ang ibinigay niya sa akin kahit hindi naman niya ako tunay na anak. “No need for that hija, just be happy and successful and you're paid. Anyway, good luck sa exam mo,” sabi niya at tinapik ako sa balikat. “Salamat po.” Pumasok na siya sa mansyon. Sumandal na lang ako sa itim na kotse ni kuya Gun habang hinihintay siya. Napatingin ako sa wallet na ibinigay ni tatay saka binuksan iyon. Halos lumuwa ang mga mata ko nang makitang may laman iyon na sampung libo at isang itim na card. Halos masamid ako at isinara iyon ulit saka inilagay sa bag ko. Buti na lang at hindi ako nagsusuot ng sosyal na damit, hindi naman siguro ako mahoholdap. Natigilan ako nang lumabas si kuya Gun mula sa mansyon. Pakiramdam ko bumigat na naman ang paghinga ko habang naglalakad siya papunta sa pwesto ko. Nakasuot siya ng busines attire, kulay abo ang coat at slacks na suot niya. Maayos din ang pagkakaayos ng buhok niya. Sa unang tingin ay hindi talaga maiiwasang mapahanga sa hitsura niya. Sa madaling salita, gwapo si kuya Gun. Sa tingin ko nga ay kulang ang salitang gwapo para ilarawan siya, dagdag pa na matipuno ang pangangatawan nito. Kung hindi lang sana masama ang ugali niya malamang... Natigilan ako sa biglang pumasok sa isip ko. Agad akong napailing at mahinang sinampal ang pisngi ko. Ano ba 'tong naiisip ko? Kuya ko siya. “What the f**k are you waiting for pip-squeak? Get in the car,” masungit na sabi niya. Tila napahiya naman ako at agad na sumakay ng kotse, sa tabi ng driver's seat. Hindi niya ba kayang magsalita ng hindi nagmumura? Napasinghap ako nang pumasok na siya sa kotse. Agad na kumalat ang mabangong amoy niya nang pumasok siya. Napakagat ako sa ibabang labi ko saka tumingin na lang sa bintana. Bakit ba rito ako umupo sa tabi niya? Nataranta kasi ako, lagi na lang siyang galit. Tahimik kaming pareho sa buong biyahe. Wala rin naman akong balak na makipagkwentuhan sa kanya. Kung may itatanong siya ay sasagutin ko naman. Makalipas ang ilang minuto na biyahe, itinigil niya ang kotse sa tapat ng malaking school. Napaawang ang labi ko saka tumingin sa nakalagay ro'n. Farthon University, dito ako mag-aaral. Agad na bumaba ng kotse si kuya Gun. Alam ko namang hindi niya ako pagbubuksan kaya lumabas na rin ako kaagad ng kotse. “Gun! Tangina ka!” Napangiwi ako nang makarinig ako ng malutong na mura mula sa lalaking papalapit sa pwesto namin ngayon. “Lagi ka na lang talagang late, ayusin mo buhay mo lalo ngayon. Mainit pa rin ang dugo sa 'yo ni Prince, alam mo naman,” sabi nito saka umakbay kay kuya Gun. Wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya. Halos magkasingtangkad lang yata sila ni kuya Gun, karkula ko hanggang dibdib o baba ng leeg niya lang ako. Kaswal na damit lang ang suot nito hindi katulad ng suot ni kuya. Napansin ko na gwapo rin ito at mukhang masiyahin. “Anak ng... Bakit may kasama kang bata Gun? Bata na ba ang mga trip mo ngayon?” tanong ng lalaki habang nakatingin sa 'kin. Agad naman akong napatungo. Hindi talaga ako sanay makipag-usap sa ibang tao na hindi ko pa nakikilala, mahiyain na talaga ako sa ibang tao noon pa man. “Shut up fucktard, she's my stepsister,” sabi naman ni kuya Gun saka inalis ang pagkakaakbay sa kanya ng lalaki. “Uy, stepsister pala. Hello stepsister ni Gun, ako nga pala si Lion, kaibigan ako ng kuya mo,” sabi ni Lion saka inilahad ang kamay sa akin. Nag-aalangang ngumiti na lang ako saka nakipagkamay sa kanya. “A-ako naman po si Lorraine,” pagpapakilala ko. “Mag-e-exam ka?” tanong pa niya. Ngumuti na lang ako saka tumango. “Mamaya pa simula ng entrance exam, sama ka muna sa 'min sa headquarters namin,” sabi niya saka inakbayan ako. Napakurap-kurap ako sa ginawa niya. Hindi ako sanay na basta na lang hinahawakan ng lalaki dahil hindi naman ako masyadong nakikipag-usap sa lalaki sa probinsya namin. Hindi ako nakapalag nang basta niya ako hilahin. Mukha namang wala lang kay Lion ang pinaggagagawa niya, mukha namang likas na palakaibigan lang siya. Napapanganga ako sa mga nadadaanan naming gusali sa school na 'to. Mukhang hindi talaga basta-basta ang paaralang 'to. Malamang mahal ang tuition fee rito. Lalo tuloy akong nakaramdam ng hiya kay tatay Gustavus. “Maganda mag-aral dito Lorraine, saka kapag may nang-away sa 'yo rito magsumbong ka lang sa 'kin. Teka ilang taon ka na ba?” tanong niya. “20 years old po,” sagot ko naman. Natigilan naman siya. “f**k, 20 years old ka na?” tila hindi makapaniwalang tanong niya saka tumingin sa 'kin. “O-opo,” sagot ko naman. “Tangina, akala ko 16 ka lang,” sabi naman niya saka napakamot sa batok niya. Nilingon ko si kuya Gun na nakasunod lang sa amin. Napasinghap ako nang tumungin siya sa 'kin, nakakunot na naman ang noo niya at mukha na namang galit. Kailan ba naging maamo ang hitsura niya? Hindi ko pa nga siya nakitang ngumiti eh. Napailing na lang ako at pilit na ibinaling ang atensyon ko sa mga kinukwento ni Lion. Hindi yata nauubusan ng sasabihin ang lalaking 'to. “Nandito na tayo sa headquarters namin,” sabi niya at itinuro ang malaking bahay sa bandang dulo na ng school na 'to. “Hindi na kami estudyante at may mga trabaho na pero nagkikita-kita kami rito once a month. Halika ipapakilala kita sa mga kaibigan din ng kuya mo,” sabi niya at hinila ako sa loob. Mag mga kaibigan pala si kuya Gun, ano kaya ang ugali niya sa mga kaibigan niya? Nakikipagtawanan ba siya sa kanila? “Hoy! May ipapakilala ako sa inyo!”. Napangiwi ako nang sabay-sabay na napatingin sa 'kin ang apat na lalaki na prenteng nakaupo sa couch. Agad akong napaiwas ng tingin dahil sa hiya. “Ito si Lorraine, stepsister ni Gun,” pagpapakilala sa akin ni Lion sa apat na lalaki sa loob. “May stepsister ka pala baril,” sabi ng lalaking nakasalamin. Hindi sumagot si kuya Gun at umupo na lang sa couch. “Hello Lorraine, I'm Tiger,” pagpapakilala ng lalaking nakasalamin. “I'm Bullet,” sabi ng lalaking katabi ni Tiger saka tipid na ngumiti sa 'kin. “Shark,” sabi naman ng isa na hindi man lang nag-abala na lumingon sa akin. Mukhang kalahi ni kuya Gun ang isang 'to. Napatingin ako sa lalaking may asul na mga mata. Nagtitipa lang ito sa laptop nito at tila walang pakialam sa nangyayari. “Si Prince ang isang 'yon, wala talaga 'yang pakialam sa mundo. May isa pa kaming kaibigan na si Dragon, kaso gumawa siya ng kagaguhan kaya wala siya rito,” sabi naman ni Lion. Tipid na ngumiti na lang ako sa kanya. “Are you f*****g done Faller?” masungit na tanong ni kuya Gun habang nakatingin ng masama kay Lion. “Ahm, oo?” Tumayo si kuya Gun at walang salita na hinila ako palabas ng headquarters nila. Napangiwi ako dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko. “K-kuya Gun...” sabi ko na lang habang pilit na inaalis ang pagkakahawak niya sa braso ko. Napasinghap ako nang marahas niyang binitawan ang braso ko, napahawak ako ro'n, sana hindi 'yon nagkapasa. “You are here to take the exam, you're not here to f*****g flirt with my friends!” sabi niya habang nakatingin ng masama sa akin. “W-wala po akong ginagawang masama kuya Gun,” nakatungong sabi ko na lang. Hindi ko alam kung sa paanong paraan ko ipagtatanggol ang sarili ko. “You know what, you really piss me off. I always get annoyed every time I see you... And don't call me kuya every f*****g time, I'm not your brother, pip-squeak.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD