Lorraine ‘Loreng’ Capili ~
“Siya ang bago kong asawa Loreng, tawagin mo siyang tatay,” sabi ni nanay saka ngumiti sa akin.
Napatingin ako sa lalaking pinakasalan ni nanay. Mukha namang mabait, mukha ring matalino at hindi halata sa hitsura nito ang katandaan.
“M-magandang araw po itay,” naiilang na sabi ko at alanganing ngumiti sa kanya.
Pasimple kong inilibot ang tingin sa kabuuan ng mansyon niya. Hindi lang basta mayaman ang bagong asawa ni nanay, sobrang yaman. Nalula nga ako kaagad pagtungtong na pagtungtong ko sa mansyon na ito.
Si Mr. Gustavus Dawson Fernandez ang napangasawa ni inay, isa raw itong business tycoon. Sabi rin ni inay na namamahala rin ito sa mga barko, yate at mga eroplano.
“Mamaya ipapakilala kita sa anak ko hija, pauwi na 'yon galing school,” nakangiting sabi ng bago kong itay.
Maagang pumanaw ang tatay ko dahil sa karamdaman, halos hindi ko na maalala ang hitsura niya. Ang nanay at ang lola ko na lang ang nagpalaki sa akin.
Nagtrabaho si nanay bilang katulong dito sa siyudad isang taon na rin ang nakakalipas, kulang kasi para sa pag-aaral ko ang kinikita niya sa pagtitinda sa palengke roon sa probinsya namin.
Nagulat na lang ako noong tawagan ako ni nanay para sabihing kinasal na siya sa amo niya. Sobra akong nagulat no'n pero hindi na lamang ako nagsalita, kung saan masaya si nanay, magiging masaya na lamang din ako.
Pinasundo niya kami ng lola ko sa probinsya pero hindi sumama si Lola, hindi niya raw kayang iwan ang sakahan namin doon. Ayaw ko mang iwanan mag-isa si Lola, wala rin akong nagawa dahil nagmatigas siya na mananatili siya sa probinsya.
“Anak, dito ka na titira. Sa susunod na linggo ang lola mo naman ang ipapasundo ko sa probinsya. Magaganda ang mga school dito,” nakangiting sabi ni Mama. Tipid na ngumiti na lamang ako at tumango.
Napatingin ako sa kanila ng bago kong tatay. Bakas sa kanilang mga mukha ang pagmamahal, mukha rin namang mabait si tatay. Nababakas sa mukha niya na mahal niya talaga si nanay, kaya wala rin akong tutol sa kanila.
“Anak, ipapakita ko sa 'yo ang magiging kwarto mo.”
Tumayo si nanay at lumapit sa 'kin. Binaling ko ang tingin kay tatay saka tipid na ngumiti sa kanya. Ngumiti lang din siya sa 'kin saka tumango.
Nakasunod lang ako kay nanay habang hinahatid niya ako sa magiging silid ko.
Napakalaki ng mansyon ng bago kong tatay. Sa aking palagay, maliligaw talaga ako rito kung walang gagabay sa akin.
“Halika anak, ito ang kwarto mo.”
Pakiramdam ko nalula ako nang makapasok ako sa bago kong silid. Ang laki ng kabuuan no'n at mukhang kumpleto sa gamit. Sa karkula ko mas malaki pa ang silid na ito ng tatlong beses kaysa sa tirahan namin sa probinsya.
“Loreng, pasenya na kung hindi ko nasabi agad sa 'yo na nagpakasal na ako rito. Naghahanap pa kasi ako ng lakas ng loob para masabi sa inyo ni inay eh,” sabi niya saka hinaplos ang mahaba at kulot kong buhok. Ngumiti ako sa kanya saka hinawakan ang kamay niya.
“Buong buhay mo nagpakahirap ka po na alagaan ako at palakihin, hindi ko naman po kayo pagbabawalan sa tanging kasiyahan niyo. Nararapat lang po na maging masaya ka nanay.”
Napangiti siya at niyakap ako. Gumanti naman ako ng yakap sa kanya, talaga palang namiss ko ang yakap ng nanay ko. Wala itong katulad sa buong mundo.
“Magpahinga ka na at alam kong napagod ka. Tatawagin na lamang kita kapag kakain na para maipakilala na rin kita sa kuya mo,” sabi niya. Tumango na lang ako bilang sagot.
Hinayaan ako na makapagpahinga ni nanay. Agad akong naligo sa banyo rito sa silid. Talagang nanibago ako dahil may bath tub pa at shower, sa probinsya kasi tabo ang ginagamit kaya talagang nanibago ako.
Pakiramdam ko amoy mayaman na rin ako matapos kong makaligo. Ang ganda ng mga damit sa malaking cabinet dito na mukhang sadyang pinagawa para sa akin. May malaking flat screen TV rin at may maliit na ref ako rito sa kwarto. Pati iyong kama ay malaki at talagang malambot at masarap higaan.
Isang oras din yata ang nakalipas nang may kumatok sa aking silid. Agad akong tumayo at pinagbuksan ang kumakatok. Si nanay pala.
“Halika na sa baba Loreng, pauwi na ang kuya mo.”
Tumango na lamang ako at sumunod kay nanay.
“Nanay, ilang taon na po ba ang bagong kuya ko?” tanong ko.
“Sa pagkakaalala ko, 20 years old na ang iyong kuya.” Tumango na lang ako sa sinabi niya.
Limang taon pala ang tanda sa akin ng bago kong kuya, kinse anyos pa lang ako.
Nagtungo kami sa hapag kainan. Napakahaba ng mesa rito na sa tingin ko ay kakasya ang mga tao sa baryo namin kapag dito sila kumain.
“M-magandang gabi po t-tatay,” nauutal na bati ko kay tatay. Naiilang pa rin ako kahit mukha naman siyang mabait.
Ipinaghain na kami ng mga katulong dito. Panay lamang ang ngiti ko sa kanila kada pinagsisilbihan nila ako. Hindi ako sanay ng ganito, at hindi rin ako komportable.
Natigilan kaming lahat nang makarinig ng mabibigat na yabag. Agad akong napatingin sa dumating.
“Gun, sit here. I'll introduce you to your step-sister,” sabi ni tatay sa purong Ingles sa matangkad na lalaking bagong dating.
Muli ko siyang sinuri ng tingin. Hindi ako nagbibiro noong sinabi ko na matangkad siya. Sa karkula ko nga ay hanggang dibdib niya lang ako.
Masasabi ko rin na talaga namang napakaganda niyang lalaki, gwapo kung tawagin ng karamihan. Medyo makapal ang kilay nito, itim na itim ang mga mata, matangos ang ilong, may kanipisan ang medyo mapulang labi nito at prominente ang panga nitong umiigting. Halata ring may dugong banyaga ito.
Ngunit napansin ko na may pasa siya sa gilid ng labi niya ngunit hindi naman nabawasan no'n ang pagiging magandang lalaki niya. Magulo ang buhok nito na bumagay naman sa hitsura niya at gusot din ang damit na suot niya, mukhang uniporme nila iyon sa pinapasukan niyang school.
“Bakit ganyan ang hitsura mo anak? Napaaway ka ba?” tila nag-aalalang tanong ni nanay sa kanya.
Hindi siya sinagot ng lalaki. Napasinghap ako nang ibaling niya ang tingin sa akin.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon, parang may kakaiba akong nararamdaman sa kalamnan ko habang seryosong nakatingin sa 'kin ang lalaki.
“Lorraine, he's my son Gun Drake, he is now your brother. Gun, she's Lorraine... anak siya ng Tita Ronna mo,” sabi naman ni tatay. Ang Ronna na binabanggit niya ay si nanay.
Gun pala ang pangalan ng bago kong kuya... Kuya Gun.
“The f**k I care,” sabi ni Kuya Gun sa matigas na Ingles saka dire-diretsong umalis sa hapag. Napakurap ako dahil sa inasal niya.
“Lorraine anak, pasensya na sa inasal ni Gun. Gano'n lang talaga siya simula nang pumanaw ang Mama niya,” hinging paumanhin sa 'kin ni tatay. Ngumiti ako sa kanya.
“A-ayos lang po sa akin,” magalang na tugon ko.
Si Kuya Gun lang ang laman ng isip ko hanggang sa matapos kaming kumain. Paano ko kaya siya makakasundo? Sa tingin ko ay mahihirapan ako rito dahil sa kanya.
Hindi rin ako nakatulog, iniisip ko kung galit ba si kuya Gun sa akin. Bakit gano'n siya sa 'kin?
Natigilan ako nang may kumatok sa pinto. Agad akong tumayo para pagbuksan kung sino man iyon, malamang si nanay 'yon.
Agad akong napaatras sa bumungad sa 'kin nang buksan ko na ang pinto.
“K-kuya Gun? A-ano po ang kailangan niyo sa 'kin?” may paggalang na tanong ko. Halos nakatingala na ako sa kanya dahil ang tangkad niya masyado para sa akin.
Napaiwas ako ng tingin sa mga mata niya, nakaramdam ako ng pagkailang. Bakit ganyan siya makatingin sa 'kin? Hindi ko maipaliwanag.
“Don't call me that, I'm not your f*****g brother,” sabi nito habang seryosong nakatingin sa 'kin.
Laki ako sa probinsya ngunit nakakaintindi at nakapagsasalita ako ng Ingles kaya alam ko ang ibig sabihin ng sinabi niya sa akin.
“B-bakit naman po kuya Gun? S-sabi ni nanay at tatay magkapatid na tayo. B-bakit ayaw niyo po ba akong maging kapatid?” tanong ko habang nakikipaglabanan sa intensidad ng pagtitig niya sa 'kin.
“Siblings don't do this.”
Napasinghap ako nang bigla siyang pumasok sa silid ko at sinara ang pinto sa likuran niya saka walang pakundangan na siniil ng halik ang labi ko.
“Hmp!”
Buong lakas ko siyang itinulak at sinuntok sa dibdib niya ngunit di-hamak na mas malakas siya sa akin sa kahit anong paraan.
Ang mas nagpakaba sa akin ay ang basta na lang niyang pagbuhat sa akin saka dinala ako sa aking kama at pumaibabaw sa akin habang patuloy pa rin akong hinahalikan sa inosente kong mga labi.
Hindi ako makapaniwala na ang nakakuha ng una kong halik ay ang bagong kuya ko pa.
“Hmp!” Kahit anong pilit kong magpumiglas ay hindi siya nakikinig, patuloy lang siya sa marahas na paghalik sa labi ko. Pakiramdam ko magkakasugat na iyon dahil sa paraan ng paghalik niya sa akin.
Hinihingal ako nang tuluyan na niyang pakawalan ang labi ko. Akala ko talaga ay malalagutan ako ng hininga.
Napatingin ako sa seryosong mukha niya na nakatitig sa akin. Nanlabo ang paningin ko dahil sa nagbabadyang mga luha.
“B-bakit mo nagawa sa akin iyon kuya Gun? M-menor de edad pa lamang ako, at k-kuya kita,” sabi ko saka napahikbi. Pakiramdam ko talaga ay may sugat na ang aking labi at namamaga na rin.
“Do you want me to do worst things to you? Huh?” tanong niya saka hinawakan ako sa panga. Agad akong umiling kasabay ng pagkawala ng mga luha mula sa aking mga mata.
“f*****g leave and go back where you f*****g came from. Don't let me see you ever again because I'll definitely do worst things to you that you'll surely regret you f*****g existed. Got that pip-squeak?”
Hindi ako nakatulog ng gabing 'yon kahit na umalis na si kuya Gun.
Pero pagkarating ng kinaumagahan, agad kong hiniling kay nanay na ibalik ako sa pribinsya...
..at laking pasasalamat ko nang pumayag siya.
***
“Nako Loreng, alam mo na gusto kong makatulong sa 'yo pero wala na rin kasi akong perang maipapautang sa 'yo eh.”
Tipid na ngumiti na lang ako kay Aling Biday.
“Ayos lang po, pasensya na po sa abala,” sabi ko saka umalis ng tindahan niya.
Nanghihinang umupo ako sa mahabang upuan sa may kanto. Napabuntong hininga ako saka napasandal sa sandalan. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Tatlong buwan na ang nakakalipas nang pumanaw si Lola dahil sa sakit. Wala ng naiwan sa akin kundi ang sakahan namin.
Ako na lang mag-isa.
Dalawang taon naman ang nakakalipas noong si nanay ang pumanaw dahil sa aksidente sa kotse. Hanggang ngayon ay nagluluksa pa rin ako dahil doon, ni hindi ko man lang siya nasilayang muli bago siya kuhanin sa akin.
Naalala ko si tatay Gustavus Fernandez, ang napangasawa ni Mama, noong nakaraang taon lamang ay niyaya niya ako na sa mansyon na lamang nila manirahan kasama si Lola noong nabubuhay pa ito ngunit tinanggihan ko ang alok niya.
Siguradong hindi matutuwa ang anak niya kapag sa mansyon nila ako nanirahan.
Ngayon ay hindi ko na alam ang gagawin ngayong wala na ang aking Lola. Sa katunayan ay nagluluksa pa rin ako sa pagpanaw niya ngunit pati iyon ay hindi maipagkaloob sa 'kin dahil sa problema ng sakahan.
Napakarami naming utang, sa katunayan nga ay napatigil na ako sa pag-aaral dahil sa kaliwa't kanang mga utang namin.
Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko ngayong mag-isa na lang ako sa buhay. Wala na akong aasahan kundi ang sarili ko na lang.
Mukhang malabo ng matupad ang pangarap ko na maging isang guro.
Agad na akong umuwi sa bahay para maghanda sa pagtitinda sa palengke. Sa ngayon ay roon muna ako nagtatrabaho hangga't wala pa akong nahahanapan.
Dalawampung taon na ako at kaunting taon na lang ay makakapagtapos na sana ako sa kolehiyo. Hanggang ngayon ay labis pa rin ang panghihinayang ko.
“Loreng, bakit hindi ka na lang magmodelo? Ang ganda ng katawan mo, ang ganda rin ng mukha mo, maamo at Pilipinang Pilipina,” pamumuri sa akin ng kaibigan kong si Darcie. Tipid na ngumiti na lamang ako sa kanya.
“Anong maganda ang sinasabi mo riyan ha? Maitim ako at pangit pa ang buhok ko, sino naman ang hibang na tatanggap sa akin sa pagmomodelo?” natatawang tanong ko na lang.
Pinahid ko ang pawis ko sa noo habang hinahati ang baboy na binibili sa amin. Buti na lamang at hindi ako maarte at sanay na rin akong marumihan.
“Anong maitim? Morena ang tawag diyan, saka ang ganda kaya ng buhok mo kahit kulot, maraming naiinggit sa 'yo rito sa lugar natin kung alam mo lang,” patuloy ni Darcie habang nagc-compute ng mga pinamili ng customer sa amin.
Napailing na lamang ako at hindi na nagsalita pa. Napatingin ako sa grupo nina Meana mula sa di-kalayuan, lahat sila ay masama ang tingin sa akin.
Hindi ko maintindihan kung bakit galit na galit sa akin ang mga 'yon. Di hamak naman na mas maayos ang pamumuhay nila kaysa sa akin. Kung hitsura naman ang pinagbabasehan nila, hindi naman ako gano'ng kaganda gaya ng sinasabi ni Darcie para mainggit sila sa akin ng ganyan.
“Loreng! Loreng!”
Agad akong napatingin sa tumatawag sa akin. Si Bela pala, bakit tila natataranta siya at humahangos pa?
“Bakit Bela? May problema ba?” tanong ko.
Nakaramdam ako ng kaba. Hindi kaya hinahanap na naman ako ng mga pinagkakautangan namin?
“M-may naghahanap sa 'yo, medyo matandang lalaki na may magarang kotse,” sabi niya habang nakahawak pa sa mga tuhod niya habang hinihingal.
Napakunot ang noo ko. Agad akong naghugas ng kamay at nagtanggal ng apron. Sino naman kaya ang tinutukoy niya?
“Darcie saglit lang ha, may naghahanap daw sa 'kin,” pagpapaalam ko sa kanya.
“Sige go lang, puntahan mo na kung sino man 'yon.”
Agad akong sumunod kay Bela patungo sa amin na hindi naman kalayuan mula sa palengke.
Ang daming natakbo sa isip ko, 'wag naman sana pinagkakautangan namin ang naghahanap sa akin dahil wala pa talaga akong ibabayad.
Natigilan ako at napatingin sa magarang at itim na kotse sa tapat ng aming simpleng bahay. Huminga ako ng malalim bago pumasok sa loob.
“Lorraine hija.”
Nakahinga ako ng maluwag nang makita si tatay Gustavus sa loob. Akala ko talaga ay pinagkakautangan na naman namin ang nagpunta.
“K-kumusta po tatay?”
Napansin ko na medyo marami na ang puting buhok niya, mayroon na rin siyang hawak na parang tungkod at mukhang hirap na siya sa paglalakad hindi tulad noon.
“Bakit po kayo napabisita tatay?” magalang na tanong ko at iginiya siya paupo sa upuan naming gawa sa kahoy.
“Hija, nabalitaan ko ang mga nangyayari sa 'yo ngayon.”
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya saka napatungo na lang.
“Sana hayaan mo na ako ang mag-alaga sa iyo. Nabayaran ko na ang lahat ng pinagkakautangan ninyo at narito ako para muli kang alukin na sa mansyon ko na lang manirahan,” sabi nito sa habang nakatingin sa akin ng seryoso.
Noon pa man gusto ko na talagang tanggapin ang alok niya pero hindi ko magawa dahil sa isang tao... Iyon ay ang anak niya.
“N-nagpapasalamat po ako sa kabutihan niyo sa akin kahit na pumanaw na si nanay, ngunit hindi ko po talaga matatanggap ang alok ninyo. Pasensya na po talaga,” magalang na pagtanggi ko rito.
“Hija, nangako ako sa iyong nanay na aalagaan kita. Hindi ko rin ito ginagawa dahil lang doon, anak na talaga ang turing ko sa 'yo at hindi makakaya ng kalooban ko na narito ka ng mag-isa at walang kasama. Sana naman ay payagan mo ako na maging ama sa 'yo,” puno ng pagsusumamong sabi niya.
Napabuntong hininga ako at napatungo. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin, ayoko siyang tanggihan pero...
“Dahil ba 'to kay Gun?”
Natigilan ako sa tanong niya.
“Kung ang anak kong si Gun ang inaalala mo, 'wag ka ng mag-alala hija. Laging abala sa trabaho ang anak kong 'yon, madalang mo siyang makikita at ipagtatanggol kita sa kanya. A-alam ko na masama talaga ang ugali ng anak kong iyon. M-may karamdaman siya na hindi ko maipapaliwanag ng maayos sa 'yo. Ngunit magtiwala ka lang sa 'kin, hindi siya makakalapit sa 'yo. Ang gusto ko lang ay mapagtapos ka ng pag-aaral at magkaroon ng magandang buhay, sana hayaan mo akong gawin 'yon hija,” puno ng sinseridad na sabi niya.
Natahimik ako at napaisip. Paano ako makakasiguro na hindi kami masyadong magkikita ni kuya Gun? Sana lang talaga ay nagbago na siya. 25 years old na siguro siya ngayon, sa tingin ko naman ay nagbago na siya.
“S-sige po,” pagtanggap ko sa alok niya.
Wala na rin naman akong ibang pagpipilian, para rin naman sa akin ito. Malaking tulong sa akin kung kukupkupin ako ni tatay.
Hindi na ako pinagdala ng maraming gamit ni tatay dahil marami na raw akong damit sa mansyon.
Tahimik lang ako sa biyahe namin. Paminsan-minsan ay nagtatanong siya sa akin na sinasagot ko naman.
Kotse niya ang ginamit naming transportasyon papunta sa siyudad kaya talagang inabot ng ilang oras ang biyahe.
Makalipas ang maraming oras na biyahe, nakarating din kami sa mansyon nila.
“Magandang gabi po,” magalang na pagbati ng mga naka-unipormeng katulong kay tatay Gustavus.
“Hija, naaalala mo pa ba ang dati mong silid dito?” tanong niya sa akin. Nahihiyang ngumiti ako saka umiling.
Limang taon na rin kasi ang nakakalipas kaya hindi ko na maalala. Napakalaki pa naman ng mansyon na ito at talagang nakakalula.
“Riza, ihatid mo ang anak ko sa kanyang silid,” utos ni tatay sa katulong na tinawag niyang Riza.
“Sige po Sir.”
Sumunod na lang ako kay Riza. Kumusta na kaya ang silid na 'yon? Hindi maganda ang huling alaala ko ro'n.
“Dito po ang silid niyo Ma'am, tawagin niyo lang po ako kung may kailangan kayo,” magalang na sabi ni Riza.
“Teka lang Riza, pwede mo akong tawaging Loreng. 'Wag na Ma'am, hindi ako komportable. Saka wag ka ng mag 'po' sa akin, mukhang magka-edad lang naman tayo,” sabi ko saka ngumiti sa kanya.
“Gano'n ba? Grabe, ang ganda mo na nga ang bait mo pa,” sabi niya saka ngumiti sa 'kin. Pakiramdam mo nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya.
“Nako hindi naman,” tila nahihiyang sabi ko.
“Sige Loreng, tawagin mo na lang ako kung may kailangan ka. Magpahinga ka na,” sabi niya saka iniwan na ako sa silid.
Napatingin ako sa kabuuan ng kwarto. Halos wala yatang nagbago rito simula nung huli ko itong nakita ngunit masasabi ko na wala naman masyadong nagbago. Halata rin na nalilinis ito palagi.
Napabuntong hininga na lang ako at nagtungo sa banyo para maligo.
Tiningnan ko ang sarili ko sa malaking salamin sa banyo ng aking silid. Hindi ko maintindihan kung bakit maraming nagsasabi sa akin na maganda ako, para sa 'kin normal lang naman ang hitsura ko, tipikal na Pilipina. Hindi rin naman katangusan ang ilong ko, tama lang. Siguro ang nagpapaganda sa hitsura ko ay ang mga mata ko lalo na ang mahaba kong mga pilik-mata.
Nagsuot ako ng komportableng damit pagkatapos kong maligo. Nagsuot ako ng magkapares na pantulog na kulay pink.
Lumabas ako ng silid ko para magtungo sa kusina. Hindi naman ako gutom, nauuhaw lang talaga ako.
Napakamot ako sa batok ko habang pagala-gala sa mansyon. May isa akong problema...
Hindi ko alam kung saan ang kusina.
Napabuntong hininga ako nang makarating ako sa sala. Umupo na lang ako sa couch habang palinga-ling sa paligid. Nasaan na kaya sina Riza? Kwarto ko lang ang alam ko na lugar dito.
Gabi na rin kasi talaga kaya malamang puro tulog na sila. Medyo nakakaramdam na ako ng gutom. Bakit ba walang tao?
Agad akong nabuhayan ng loob nang makarinig ako ng yabag. Agad akong napatayo at nilingon ang dumating.
“Nako salamat, saan ba rito ang kusina? Hindi ko kasi---”
Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang mapagtanto ko kung sino ang dumating. Agad akong napalunok kasabay ng panginginig ng mga tuhod ko.
Seryosong nakatitig lang siya sa 'kin. Nakasuot siya ng pormal na damit pangtrabaho at medyo gulo ang buhok niya.
Kung nakakatakot siya noon, pakiramdam ko mas doble na ang takot na nararamdaman ko sa kanya ngayon. Mas nakakakaba ang aura niya ngayon kaysa noon.
Nakakapanghina ng tuhod ang paraan ng pagtitig niya sa 'kin.
Si kuya Gun...