“Bakit lutang ka maghapon ha? Hindi ka rin nakasagot sa tanong ng prof kanina, buti na lang at binulong sa 'yo ni Jad ang sagot.” Hindi ko na lang pinansin ang panenermon ni Darcie. Napabuntong hininga na lang ako habang nagsusulat ng kung ano-ano sa notebook ko. Hanggang ngayon nababagabag pa rin ako. Si kuya Gun lang ang laman ng isip ko simula pa kagabi kaya hindi ako makapagfocus sa ilang bagay. Halos napuyat ako kakaisip kung may nagawa ba akong mali o kaya naman ay may nasabing mali. Ayos pa naman kami noong una bago mangyari iyon. Nag-uusap na kami ng komportable kahit pa sinusungitan niya pa rin ako. “Huy, nakikinig ka pa ba sa 'kin?” Tila natauhan naman ako nang paluin ni Darcie ang braso ko. Agad akong napalingon sa kanya. “A-ano ulit yung sinasabi mo?” tanong ko. Napaira