“Hmm...” Bahagya kong idinilat ang mga mata ko nang maramdaman kong tumatama ang sikat ng araw sa mukha ko. Natigilan ako at napatingin sa katabi ko. Nakaharap sa pwesto ko si kuya Gun habang nakapikit, mabigat ang paghinga nito at mukhang tulog pa. Napangiti na lang ako at dinutdot ang tungki ng matangos niyang ilong. Mukha siyang maamong lalaki kapag tulog pero halimaw na kapag nagising. Napahagikhik na lang ako nang maalala ko ang mga araw na nagsusungit pa siya sa akin. Hindi muna ako bumangon at tinitigan na lang siya. Maaga pa naman eh, mahaba pa ang oras ko para kumilos, saka wala naman akong arte sa katawan. Hinaplos ko ang malambot na buhok niya pababasa pisngi niya. Anong oras na kaya siya nakatulog? Sa pagkakaalala ko gising pa siya bago ako tuluyang nakatulog. Napat