“A-anong ginagawa mo rito?” tila hindi makapaniwalang tanong ko. Tumayo siya saka lumapit sa 'kin at niyakap ako. Napakurap na lang ako saka gumanti ng yakap sa kanya. Minsan nagugulat na lang talaga ako sa mga pinaggagagawa nitong si Gun. “Ako ang naghanap ng unit na tutuluyan mo kaya umalis ako kaninang umaga,” sabi niya saka sinubsob ang mukha sa leeg ko at himalik-halikan iyon. Napangiti na lang ako at yumakap sa batok niya. Namiss ko talaga siya. “Bakit hindi mo sinabi sa 'kin? Akala ko kanina umalis ka dahil sa nangyari,” sabi ko saka hinaplos ang buhok niya. “Wala lang, I just want to surprise you,” sabi niya saka umalis sa pagkakasubsob sa leeg ko. Tiningnan niya ako saka hinaplos ang pisngi ko. Napangiti na lang ako at ako mismo ang lumapit sa kanya para dampian siya ng halik