Tahimik kaming lahat sa sala. Si tatay ay seryosong nakatitig sa amin, napalunok ako. Ngayon ko lang yata siya nakita na ganito kaseryoso, kinakabahan tuloy ako. Umalis na ang mga bisita dahil sa nangyari, humingi na lang ng paumanhin si tatay sa nangyaring gulo. Buti na lang at kahit papano mabait si Oswald at pinatawad si Gun kahit hindi man lang ito nagsorry sa kanya, nagka-bukol pa tuloy yung tao. Nandito kami sa living room nina Tatay at Kionn, pati mga katulong nakikiusyoso na sa nangyayari. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko saka napatungo. “Gun, humingi ka ng tawad kay Oswald bukas na bukas din,” ma-otoridad na sabi ni Tatay. “Why would I? I won't apologize to that motherfucking d**k head,” pagmamatigas naman ni Gun. Pasimple ko siyang siniko, nasa ganito na nga kaming s