“Okay na ba si Gun?” Napabuntong hininga si Kionn saka tumango. Pakiramdam ko natanggal ang tinik sa dibdib ko, kanina pa ako kinakabahan habang nasa loob ng silid ang psychiatrist ni Gun. Abala ang lahat ng katulong sa paglilinis ng mga kalat. Si tatay naman nagpunta sa ospital para bisitahin ang dalawang driver na binugbog ni Gun. Napabuntong hininga na lang ako at nanghihinang umupo sa upuan saka uminom ng tubig. “Hanggang ngayon tulog pa rin siya, mostly kapag umaatake ang sakit niya, hindi siya nagpapakita ng ilang araw kay Tito Gustav o sa kahit kanino.” Kinabahan ako sa sinabi niya. May punto siya, paniguradong makokonsensya si Gun at lalayo tulad nung unang date namin. Ayokong layuan niya 'ko, gusto kong makapag-usap kami ng masinsinan at sabihin sa kanya na hindi ako nagagalit