Kabanata 6

2279 Words
Kabanata 6 HOLY s**t. Kulang na lang ay magbilang si Dusk ng damo sa buong paligid, sa loob ng isang linggo na nakalipas. Hindi na siya makatulog sa kakaisip ng paraan kung paano makakapag-sugal. Saan siya kukuha ng pera? Paano kung matalo siya? Anong ibabayad niya? Puri niya? Sinilip niya ang kayamanang likas sa loob ng boxer briefs. Magpuputa ba siya? Malaki pa naman ang kargada miya. Mabango naman ang mga itlog niya, amoy baby. Tiyak, marami sa kanyang pipila. Kung maglalako siya sa gabi, baka maka-milyon siya sa mga matrona. Tang-ina! Nabitiwan niya ang garter at umiling. Dala niya ang tubig sa kanyang babasaging tumbler. He sighed and walked. Muli niyang sinulyapan ang diyaryo. Kalay na kalat ngayon ang mukha niya roon, bilang mukha ng isang suragol na gobernador. Pakana ito nina Falcon dahil sa talbog niyang tseke, pero nagbayad na siya. Ano pang problema ng mga iyon? Mga iho de puta! Lalo lang sisirain ng lahat ang kagustuhan niyang mabawi ang mga ipinasarang accounts ng ama niya. Kapag nabuksan niya ulit ang mga kayamanan niya, malilintikan sa kanya si Falcon. Napadaan siya sa may lanai, at nakita niya si Ramona na nakaupo sa granite. Walang humpay nitong itinataktak ang piggy bank. Ang ingay-ingay ng alkansya ng babae kaya napatigil siya. He drank water and watched the woman. "What are you doing?" He asked. He got the maid's attention. Tumingin iyon sa kanya, "I'm getting my bank account, senyorito. I will lend it to you so you can double it and make me a millionaire." His brows furrowed. "You will gambling," anito saka luminga sa paligid sabay muwesra na huwag siyang maingay. Dusk sighed and shook his head. He continued walking, "Tigil-tigilan mo ako, Ramona." "Anong tigilan, senyorito. Look at you. You're so lonely. You are looking an old maid. Your hair...you don't comb...you don't ahit...you have no life. I'm afraid one day Daddy ser will send a kabaong to funeral you." "Anong funeral?" Inis na napakamot siya ng ulo. Lalong umiinit ang ulo niya kapag ito talaga ang kausap niya. "Because you're dying inside!" Bulalas pa nito. Diyos ko! Masasakal niya ang babaeng ito. "I am fine!" Singhal niya. "Talk to the bones," anito sabay ismid kaya napatanga siya. God. Where did his father get this woman? Para itong sa esophagus ipinagbuntis. Lalo lang nitong ipinararamdam sa kanya ang pagkawala ng kanyang numero unong libangan. Para siyang nasa rehab. Ang hirap. Kulang na lang ay humawak siya ng Bibliya at magsuot ng sotana para malibang siya. He is like a prisoner in his own house. He is like a bird in a cage, unable to fly. Nagtatanong pa rin siya kung bakit at paano ito nagawa ng ama niya sa kanya. Sa tuwing tumitingin siya sa kusina, puno iyon ng mga pagkain, walang ipinagbago. Bills are being paid, everything but no allowances. There were times wherein when he wanted to ask for money to her Aunt Freya, pero nilalamon naman siya ng hiya. Kaya niyang humiram, ang problema ay kung paano niya ibabalik. There's no assurance that he can return it. Ni wala siyang kasiguraduhan kung ibabalik pa ng Papa niya ang mga kinuha sa kanya. Well, alam niya. Sa kanya iyon nakasalalay. He holds the future. It's in his hands. But as if now, mas malabo pa iyon kaysa sa mata ng taong may katarata. Kahit siya, nalalabuan sa sarili niya. Noon, kuntento siya na sumusugal, walang iniisip na kung ano. He never imagined that this thing would ever happen to him, not even in his worst nightmare. "I think, my money to my bank account is 3k. Is it enough to gamble, senyorito?" Binalikan ni Ramona ang piggy bank na ginagamitan ng tyani. "Keep it. You can use it to buy sanitary napkin," aniya na lang saka iyon nilayasan. Kinuha niya ang sigarilyo at lumabas ng lanai. He stood by the poolside and lit his cigarette. Kapag hindi pa pinaunlakan ng Papa niya ang kanyang sigarilyo, hindi na niya alam. Magpapatiwakal na lang siya. Sobrang boring ng buhay niya. Namumuti na siya dahil hindi na siya lumalabas. Mga dalawang linggo pa, pwede na siyang mag-remake ng Snow White. Dala ng sobrang inip dahil sa kung anu-anong naiisip ay marahas na inilapag ni Dusk ang tumbler sa mesang kahoy. He scratched his head and sighed once more. Sana ay matapos na ang araw para siya ay matulog na. Every passing day is a big torture. Kung hindi lang matibay-tibay ang kapit ng mga turnilyo niya sa ulo ay malamang nasa mental na siya ngayon. "IHHHHH!" Tili ni Addison nang dumulas ang rubber shoes niyang suot sa pader na pinturado ng kulay puti. Kalahati ng mataas na pader ay mga malalaking angle bar na nakatayo, may tusok sa itaas. Pinturado naman iyon ng dark brown. Daig pa niya ang Gecko na yumakap sa bakal para huwag siyang tuluyang malaglag. Tamang-tama ang pwesto niya. Nakikita niya ang gwapong lalaking ito na walang pang-itaas. Abs ang nakikita niya, anim. Naka-boxer iyon na itim. Ang mga hita nito ay hulmang-hulma na parang sa isang atleta. Humihithit ito ng sigarilyo, pero sa sobrang pagkatunganga niya ay hindi niya naalala na nakatukod lang ang paa noya sa pader para makasilip sa loob ng napakaganda at laking bakuran ng aspiring governor. Muling nakahanap ng lakas si Addison matapos na manguyapit sa bakal. Kung sana ay sa katawan siya ni Mister Castelloverde nakasabit, masarap sana ang buhay, hindi itong nakayakap siya sa isang matigas nga naman na bagay, ang lamig naman at walang emosyon. "Kahit Addison, kapit para sa ekonomiya. Pusang-gala naman. Ang hirap maging state witness," aniya habang pilit na umaakyat sa pader. Mapalad siyang walang mga tauhan sa labas kaya malaya siyang nakaakyat. Wala ring alarm ang pader. Kung sabagay, ito ay probinsya. Wala siyang dapat na ipagtaka. Narito siya para magbigay ng babala. Sana ay palarin siya at bigyan ng Diyos ng pagkakataon. Hindi niya maaatim na magsawalang-bahala. Hindi maganda ang nasagap niya dahil sa pagiging tsismosa. Kung sana ay naging bingi na lang siya, wala sana siya rito ngayon da kalagayan na ito, na naghihirap ang kalooban niya dahil sa pagiging akyat-bahay, sa oras na tirik na tirik ang araw. She looked at Dusk's way away. Naroon pa rin ang target. Dapat niyang bilisan bago pa siya mahuli at makapasok iyon sa bahay na muli. This is her chance. Maswerte siya na lumabas ito. Parang sinasadya na ibigay talaga sa kanya ng langit ang pagkakataon. She inhaled deeply and stared at the man she doesn't even know that much. Why is she so concerned. Couldn't she just let him die? Feeling so sleepy, Addison yawned. Maghahatid na naman siya ng susi sa katiwala dahil tapos na siya sa trabaho. It's time to sleep. Kung may iba lang siyang choice, iba na lang ang papasukin niyang trabaho, kaya lang ay wala ng ibang option. Kapag sa fastfood siya nag-apply napakahirap. Bugbog rin siya sa trabaho, at napapagalitan pa kapag babagal-bagal. May kaibigan siyang nagtrabaho sa isang sikat na fastfood. Hindi rin tumagal dahil sa hirap ng trabaho. Salary deduction pa kapag nagkamali siya sa pa-order. Parang loob ng palengke ang fastfood dahil sa ingay. Mas mabuti na rin na nasa Casino siya, tahimik habang bumabalasa ng baraha. Tahimik nga ba? Napatigil si Addison nang mauligan ang galit na boses sa opisina. "Do it right away! I don't want to waste any moment!" Singhal ng lalaking hindi niya kilala ang boses. Nanatili siyang nakatayo sa may pinto na nakaaawang nang kaunti. At nakuha pa niyang sumilip sa loob. She saw men, men in black. Agad siyang napaatras ng ulo. Mafia ba ang mga ito tulad ng sa mga nobela sa pocketbooks? "He has to die! Kailangan kong makasiguro na mabubura siya sa mundo. Sa laki ng utang niyang tatlong daang bilyon, madali lang siyang i-salvage!" Agad na napatutop si Addison sa bibig. Salvage! Sinong isa-salvage! "I don't f*****g care if he's rich or so. Mananatiling patay ang alaala niya sa Jose Panganiban, tulad din ng mga ninuno niyang gobernador na ngayon ay masa history na lang ng Camarines Norte," may tunog na ngisi na sabi ng lalaki. Mabilis na humakbang si Addison nula sa kinatatayuan. Ramdam niya ang matinding pagpapawis ng kanyang mga kamay at talampakan. Diyos ko po. Halos mausal niya, ngatngat ang daliri. Sino ba ang sinasabi ng lalaking misteryoso? Opisina iyon ni Falcon. Si Mister Enriquez ba ang lalaking nagsasalita na iyon na masyadong maawtoridad? Kabog na husto ang dibdib ng dalaga habang wala sa sariling naglalakad sa pasilyo, na walang may access kung hindi mga heads, at sila na mga naka-toka sa paglilinis ng mga kwarto ng hotel. Hindi iyon si Mister Enriquez, Addy. Iba ang boses ni Enriquez. Isa pa, si Enriquez na tinatawag ni Falcon na boss ay malumanay magsalita, palangiti at mukhang mabait. Ang lalaking may kausap ngayon ay isang demonyo, nag-uutos na pumatay ng tao na may utang daw na bilyon. Maraming may utang sa pasugalan, mga inaalok ni Falcon kapag wala ng maitaya sa sugal, pero sino ba ang taong may bahid ang dugo ng pulitika? Hindi ba at si Dusk Castelloverde lang ang kaisa-isang lalaking sumusugal doon na mga gobernador ang ninuno? Napalunok siya at hindi namalayan na may tao na sa harap niya. Tuloy-tuloy pa rin siya na naglalakad. "Larissa!" Ani ng lalaki kaya nabuhay siya. Agad siyang napalingon. Si Chief Dante. "C-Chief!" Pilit niyang binuhay ang ngiti. "Ginawa mo akong multo, Larissa. Bakit ba tulala ka? Nilagpasan mo na ako," napakamot na sabi ni Dante, ang tagahawak ng mga susi ng mga kwarto sa hotel. "Susko, puyat na puyat ako, Chief. Sorry talaga," alibi naman niya saka humikab. Pasalamat siya dahil nakikiayon sa kanya ang sarili niyang bibig. "Halata nga. O sige na, umuwi ka na para makapag-pahinga ka na. Akin na ang susi. Ini-lock mo ba ang mga pinto?" Tanong pa nito nang abutin ang susi sa kanya at isinabit sa baywang nito. "Opo, Chief. Sige po, mauna na ako bago pa ako bumulagta rito," anaman niya, na tango lang ang isinagot ni Dante. Hindi niya alam kung paano siya nagiging kaswal sa kabila ng nerbyos niya. Ang galing niyang mag-drama. Diretso na siya sa exit. Bawal na kasing pumihit pabalik kapag nakapasok na doon. Sa exit na ang tuloy para lumabas. Lumilipad na parang saranggola ang isip niya habang patuloy naman sa paghakbang ang mga paa. She could no longer feel the ground. Lutang ang mga paa niya habang naglalakad, nag-iisip kung anong gagawin niya. Paulit-ulit niyang inaanalisa ang narinig. Malinaw na may papatayin na tao, at kung bakit napakalakas ng kutob niya na ang running governor iyon, wala ng iba pa. Hindi pa pala iyon bayad sa utang? Kaya pala hindi na nagpapakita sa Casino ang lalaki ay dahil may atraso pa rin. Bakit wala na iyong naibayad? Mayaman ang lalaki na iyon. Iyon ang may pinakamalaking nalulustay sa sugal. Usap-usapan iyon parati nang mga nagdaan na linggo. Kahit ang babae na ikinakama ni Dusk ay nakakakuha ng malaki. Tubong lugaw ang babae sa isang gabi, pwede ng hindi magtrabaho ng ilang buwan. Ang kapalaran nga naman kapag naglaro. Ngayon, mapapahamak pa iyon dahil sa sugal. Dapat ba siyang makilam? Itinulak niya ang pinto ng exit at dumiretso sa locker para kunin ang kanyang bag. She has to go home... PUSANG GALA. Anong go home e para siyang sinampay ngayon na nakasabit sa bakod? Nagpupumilit siyang makatawid sa kabila ng palda niyang suot. Sumabit na nga ang kanyang stockings at nabutas na, pero kaunti na lang ay nasa loob na siya. Nakialam na siya sa maikling salita. Ito man iyon o ibang tao, she has to trust her instinct. She has to warn the future governor. Sirang-sira man ito ngayon sa lahat dahil sa lumabas na balitang may atraso ito sa pasugalan, iba pa rin kapag buhay na ng tao ang pinag-usapan. Bitbit ang kanyang sapatos ay tinantya niya ang lalagpakan. Mataas. Ni hindi niya alam kung paano siya nakapanhik. Ni hindi nga niya alam kung bakit siya pumanhik, sa halip na mag-doorbell at makipag-usap nang maayos. Wala kasi siyang tiwala na siya ay papapasukin. Alangan na magkunwari siyang GRO para makapasok sa loob. Bumaba pa si Addison nang kaunti. Halos dumulas ang mga paa niya sa makinis na pader, na daig pa ang model ng Maxipeel sa kinis. Nang medyo maiunat niya ang binti ay agad na siyang tumalon. "Iik!" Mahinang tili niya dahil buong katawan niya ang lumagapak sa bermuda gras. Napangiwi lang nang kaunti ang dalaga pero agad din naman siyang tumayo. Hindi siya dapat magsayang ng sandali. Kailangan niyang makausap si Dusk Castelloverde. Mabilis siyang kumilos matapos na maisuot ang mga sapatos na de takong. Tumingin siya sa may poolside at wala na roon ang lalaki. "Diyos ko. Nasaan na?" Takang tanong niya sa sarili. Humakbang siya at lumapit sa may kinatatayuan no'n kanina pero wala na, hanggang sa humaba ang leeg niya para silipin ang loob ng napakagarang lanai. Natitiyak niya na ito ang may pinakamagandang bahay sa buong probinsya, walang duda. She bent her body to peek the insides of the house. Walang tao, hanggang sa may tumikhim sa may likuran niya kaya agad siyang napatayo nang tuwid at napapihit. Hesus. Napanganga siya sa gandang lalaki ng kaharap niya. Wala itong kaayusan pero ito na ang pinawalang ayos na gwapo sa lahat ng nilalang sa mundo. His brows arched, arms crossed over his massive chest. "Anything I can do for your nice pair of butt cheeks, lady?" He asked, voice was baritone in low tone. Napalunok si Addison. Pangalawang beses na sila ay nagharap, pero ngayon ay hindi ito naka long sleeves. Wala itong saplot at kakapirasong pang-ibaba lang ang suot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD