Kabanata 7 "WALA na akong utang!" Galit na sambit ni Dusk sa babaeng kaharap niya, na makailang beses niyang tinanong kung anong pangalan pero ang sabi ay hindi mahalaga. Her name is Hindi and her surname is Mahalaga. Quite nice huh. Tapos, gusto siya nitong papaniwalain na may papatay sa kanya. Narinig daw nito iyon sa casino. Kung mayroon man, sana matagal na. Buwan na ang binilang ng pagsusugal niya roon, bakit naman ngayon lang? That's so impossible. Nagho-hotel pa siya roon. It would be so easy for them to execute him. Ngayon pa ba pahihirapan ng mga iyon ang sarili sa pagpatay sa kanya? And why? Wala siyang atraso kahit na kanino. "If this is some kind of a joke or a prank, this is not funny, Miss Mahalaga. Napakaganda mo pa naman pero niloloko mo ako," naiinis na sabi niya rito.