Kabanata 5

1253 Words
Kabanata 5 SALUBONG ang mga kilay ni Dusk nang siya ay pumasok sa casino. Bitbit niya ang bag, at kasama ang kapatid na si Chaos. This was three days after he discovered that his accounts were temporarily shut. Walang itinira ang ama niya na kahit na ano, at halos maluha siya ng dugo nang kausapin niya iyon sa telepono... "Papa!" Dusk exclaimed when finally, after so many attempts of calling, his father answered the phone. Pangalawang araw na ito mula nang pumunta siya sa bangko para kumuha ng pera pero closed accounts na siya. "Oh, somebody here remembered me. Why?" Palatak ni Leonardo sa telepono kaya naman napahilamos si Dusk sa mukha. "Come on, Papa! You certainly know why I called." "And you do certainly knew too why I called so many times but you were so busy with your gambling addiction. Now, I'm busy, too. I'm golfing." "Papa!" Bulalas niya na parang bata na mawawalan ng ama, "Just...just pay my debt and that's it. Kahit hindi mo na i-open ang accounts ko, basta bayaran mo ang utang ko sa casino. Just that and I'll be fine." Napipilitan niyang sabi rito. Hindi iyon ang gusto niya pero sa timbre ng ama niya ay wala siyang aasahan na bubuksan nito ang naka-hold niyang mga accounts. His father is still so powerful. Kahit na nasa kanila na ang mana at share sa kita ng kumpanya, mga ari-arian, kaya pa rin nitong harangin ang lahat. Too lucky for Cain took so much of his inheritance and brought it with him somewhere. Bakit siya ba ay gagasino ang nakuhang kwarta sa mana niya? Bilyon ang halaga ng winawaldas niya, take note. "Pa," untag niya sa ama, "Pa naman." "And what will I get in return? Nothing? I sent you there yet you were still gambling. Hindi ka na talaga magbabago. Mas mabuti pang i-donasyon ko na lang ang lahat ng pera mo kaysa mauwi sa walang kwentang bagay at papagyamanin mo ang mga may-ari ng mga pasugalan na 'yan. And now, you have a debt? Jesus Christ, Dusk! Ikaw lang siguro ang bilyonaryo na may utang!" Hindi siya umimik. Kapag umimik siya baka hinri siya nito intindihin. He promised Flacon to pay in no time. He was only given three days and he'd be sued for it. "Pa, 300 Billion worth of a bouncing check isn't bailable." "That's good." "Papa naman!" Maiyak-iyak niyang sabi. "Ngayon may naalala kang Papa. Kapag nasa pasugalan ka ngising demonyo ka. 'Di ka makaalala ng Papa," sermon pa nito. "Please, Papa. Just pay it." Hindi ito umimik. Sabunot na niya ang buhok, dala-dala ang telepono kahit saan siya pumunta. "Pa... Hanggang bukas na lang at idi-demanda na ako." "Wait for Chaos!" Anito saka nawala bigla sa linya. Diyos ko! Salamat! Halos mapatalon siya dahil doon. Iyon lang ay sapat na. Hindi siya makukulong. Makakabayad na siya sa utang. Darating na ang kanyang anghel dela gwardiya, ang kanyang kapatid na si Chaos. Salamat sa Diyos. "THIS is the only help we can give you, Kuya. Papa warned us. If we help you when it comes to other matters, he'd also freeze our accounts and would accuse us stealing his money. You know his power. He's still the pioneer devilish Castelloverdes. Pasensya ka na pero hindi ka namin nabibigyan ng pera," anito sa kanya saka siya inakbayan. Hindi siya umimik. At least kahit paano ay mabayaran niya ang kompromiso niya. "I'll die inside my house now, Chaos," dismayado niyang sabi pero natawa na lang ito sa kanya." "You'll get through this. At least, Papa gave you 300B. Hindi 'yon barya. Para sa iyo, oo," anito pa kaya nailing din siya. That's quite true but now, what will happen? Everything ended for him. He's got no money. Paano pa siya magsusugal? Wala na. Tapos na ang kanyang masasayang araw, tinapos na ang kanyang ama. Hindi niya kailamman naisip na darating sa ganitong punto ang lahat. Yes, he was warned by Midnight but it never came into his mind that his father would honor his words. He was so f****d up. Pagkatapos nilang magbayad ay agad na umalis din sila sa lugar na iyon. Umuwi siya sa bahay habang si Chaos ay bumalik na sa Maynila, sakay ng kanilang chopper. Lugmok siya at para bang namatayan ng asawa. Ganito pala ang pakiramdam na mawalan ng adiksyon, nakakasira ng ulo. Anong gagawin niya? Hindi naman ganoon kalakas ang loob niya para mangutang dahil wala naman siyang ipambabayad? Kung naibabayad ang kanyang kagwapuhan at serbisyo sa kama, kanina pa niya sana ibinenta, kaya lang ay hindi. Malalaspag siya. Wala na nga siyang pera, laspag pa. Si Midnight lang ang laspag, hindi siya. He entered the house. Nakita na kaagad niya ang kotse ni Rianna sa may garahe niya kaya alam niyang nariyan ang babae. Hindi niya alam kung nasa mood siya na makipag-s*x. He thinks he isn't. Hindi nga rin niya alam kung hanggang kailan siya aabutin bago maka-recover sa pagkamatay ng kanyang misis. "Oh, there you are!" Bungad ni Rianna nang matanawan na siya. Galing ito sa kusina at may apron. He just smiled. Hindi niya alam kung mukhang peke iyon o ano. "Why are so so sad? Are you okay, babe?" "I am okay. What are you up to?" Tanong niya. Nakalapit na ang babae sa kanya at agad na nakalambitin sa batok niya. Rianna kissed her. Halos isang buwan na silang nagdi-date nito. Wala silang opisyal na relasyon, walang label pero parati silang nagtatalik. Parang mga nobya lang niya sa Maynila ang katayuan ni Rianna, walang katinuan at kasiguraduhan kung hanggang kailan. But in fairness to this woman, Rianna is very kind. Malapit ito sa mga charity, bagay na hindi niya ginagawa. Kaya lang, hindi niya alam kung bakit parang may kulang sa babae. Sa kabila ng lambing nito sa kanya, ng pag-aasikaso, galing sa kama, ay may kulang. Kumbaga sa ulam, parang may kaunting tabang, at hindi mapunuan ang lasa. "Is there a problem?" Masuyong tanong ng babae sa kanya, "I cooked something for you." "What is it? Tamang-tama dahil gutom na nga ako. Wala ka bang kampanya ngayon?" "Wala, kaya sinamantala ko ang pagkakataon na puntahan ka. We'll be very busy this coming week. I hope we'll be able to find a chance to be together again," yumakap ito sa braso niya at inihilig ang ulo sa balikat niya. "Are you sure you're okay?" Ulit pa ni Rianna sa kanya. Ganoon ba siya kahalata na nagdaramdam na husto sa pagkatigil ng pagsusugal niya? Well, who will even feel glad if all of his accounts were shut? Allowance ang ibinigay sa kanya ni Chaos. Allowance na saoat lang sa panggastos sa pagkain, naka-budget na. Ang pondo raw para sa kampanya ay direkta ng ipadadala ng ama nila sa campaign manager. That's so ridiculous but he had no choice. Parati naman siyang walang choice. Daig pa niya nito ang biglaang ipina-rehab. Nabigla siya sa mga pangyayaring ito sa buhay niya. For the very first time, he wanted to cry. Crying isn't his style but this time he wants to adopt it. Masama ang loob niya, pero napapaisip siya dahil sobra-sobra naman talaga ang kanyang nilulustay na pera. And he was terrified when his father said that he better donate everything that let him spend it unwisely. Paano na kaya siya ngayon? Maghapon na lang siyang matutulog tapos sa gabi ay ganoon din. Mas mainam sigurong sinabi niya sa ama niya na sana ay pinatay na lang siya. Gambling is life. No gambling means, no life!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD