Kabanata 3

1702 Words
Kabanata 3 USAP-USAPAN ang gwapong tumatakbo sa pagka-gobernador nang mapadpad si Addison sa palengke, para bumili ng ulam. Nasa isang buwan na niyang nakikita ang lalaking laman ng tsismis ngayon ng mga palengkera. At nang siya ay humarap sa kaliwa, nakita niyang nakapaskil ang isang tarpauin sa poste ng tindahan ni Aling Balat. Namumutakti ang poste sa kagwapuhan ng isang Dusk Castelloverde. Iyon lang, may puna siya sa aspiring governor nila, sa kabila ng napakgwapo nitong mukha. Alam niya ang baho nito bilang isang notorious na sugarol. Sa kasamaang palad, hindi pa niya mata-timing-an na siya ang magbalasa para roon. Gusto rin niya na makaharap iyon nang malapitan. Bulag siguro siya na may crush pa rin sa lalaki sa kabila ng bisyo no'n. Ang tingin naman kasi niya ay hindi iyon nag-a-adik sa droga, sugal lang talaga. Pero kahit kailan ay hindi siya mag-aasawa ng isang sugarol. Iyon ay sa reyalidad, hindi tulad ng crush niyang sa pangarap lang naman kaya okay lang naman. Isa pa, wala naman siyang pakialam kung sugarol iyon dahil yaman naman no'n ang nauubos. Ang masama lang, anong hinaharap ang naghihintay sa kanila sa isang tulad no'n? Too bad. What future awaits with a gambler? Ang isa naman ay mukhang pakitang tao lang ang kabutihan, dahil alam naman ng lahat na ang ama ni Rianna ay nati-tsismis na maraming minahan, na halos ukab-ukab na ang buong probinsya sa walang pakundangan na pagmimina na hindi naman masupil ng nakaupong Gobernador ngayon, na overstaying na sa trono. "Manok po, Aling Balat," aniya sa babaeng tindera pero agad na itinuro ng babae ang tarpaulin. "Ayan, ayan ang manok natin ha, Tisay," nakangisi na sabi nito sa kanya. Nakanganga siyang tumingin sa tarpaulin. "Maganda ang rekord ng angkan niyan dito. Panahon pa ng magulang ko nang maupo ang mga ninuno niyan. Nakakatuwa na malakas ang loob niya na kalabanin si Gobernador Sakim, na halos wala ng ginawang maganda sa ospital natin para sa mahihirap. Puro na lang sabungan ang sumusulpot at mga pasugalan. Kahit na magkagalit ang mga Zuñiga at Lustre, wala pa rin akong tiwala sa mga Lustre. Siyemre ay magkakamag-anak pa rin ang mga iyan," daldal nito. "Bakit po, Aling Balat, ano hong maganda sa mga ninuno niya? Saka, hindi na po tumakbo si Governor ngayon. Hindi ba ho si, Engr. Lustre na?" "Naku, magaling ang mga ninuno niyan. Noong panahon ng inay at itay, napakahusay ng serbisyo ng ospital na pang-pobre. Ang gamot at libre. Kapag sinungitan ka ng nars, mananagot ang head ng ospital at walang pakundangan na pinapalitan kaagad kapag hindi mahusay ang serbisyo ng mga tao sa ospital. Madaling humingi ng tulong ang mga mahihirap. Kapag may kalamidad ay nariyan kaagad ang rasyon, galing sa sariling bulsa ng mga Valdrosa. May mga panturok sa nakagat ng aso, natuklaw ng ahas, may bangko ng dugo na di mo na kailangan na tumakbo sa kabilang probinsya para sa mga iyan. Ngayon, mamamatayin ka na itatakbo ka pa sa Naga dahil wala na ang lahat ng iyan dito." Valdrosa... She murmured in her mind. Ibig sabihin ay Valdrosa ang ina ng Dusk na ito dahil Castelloverde ito. Napatitig siya sa mukha ng lalaki. Magiging maganda ang hinaharap nila kung may mabuting kalooban din ang lalaking ito. At totoo ang sinasabi ni Balat. Naririnig na niya ang mga pagkumumpara ng mga naupong gobernador noon sa probinsya, at totoo na namayagpag ang mga Valdrosa, pero hindi alam ng lahat ang nakatagong pagkatao ng apo ni Senyor Joselito Valdrosa. And she's not in the right position to speak. Mahirap na ikalat niyang sugarol iyon at laman ng casino umaga at gabi. Lihim lang talaga iyon dahil nakalaan para roon ang pribadong daan sa likod ng hotel. He was the star of the Casino Royale every night with billions of pesos in his briefcase. Umuwi siya sa bahay at dumaan na muna sa kanyang Tiya Esmie para ibigay ang kahalating kilo ng manok na binili niya. Kasya naman sa kanya ang kalati at aabot na iyon ng dalawang araw. Ang nakakaawa ay ang pamilya ng tiya niya dahil mag-isang kumakayod ng babae sa pag-i-ekstra, matapos na iwan ng lalaking nahumaling sa sabong, hanggang sa nagpakamatay dahil wala ng maisugal. Naiwan ang tatlong anak no'n na lahat ay nag-aaral. Kaya sinalo niya ang pagpapa-aral kay Karina dahil ang dalawa ay elementarya pa lang. May edad na kasi nanganak ang tiya niya sa dalawang bunso, wala sa plano pero nabuo. She was currently washing the chicken when she heard a noise outside. May kalayuan ang kanyang tinitirhan sa bahay ng kanyang tiya. Nasa medyo mapuno na siyang parte ng Baustista, habang ang bahay nina Elsie niya ay nasa may tabing daan lang. "Tao po!" Tawag ng mga tao sa kanya kaya agad siyang nagpunas ng kamay at sumilip sa bintana. Mga taong naka-vest ang nakita niya, may mga nakasulat na Castelloverde sa likod. The color of the vest was purple, and so as the cap. Nakita niya ang isang lalaki na nakatalikod, nakapamulsa na tumitingin sa paligid. Ng crush niya! Agad na nataranta si Addison. Nangangampanya ang binata at makarating pa sa bahay niya. Lumabas siya dahil hindi niya alam kung mag-aayos pa ba siya o ano. "Magandang araw po!" Ani ng mga kasama ng binata. Pumihit kaagad si Dusk Castelloverde at pinag-plasteran ng malaking ngisi ang mukha. Nakita niya ang mga malayong kapitbahay na nakarating na sa lugar niya, kuha nang kuha ng litrato sa lalaking artistahin ang dating. Napatulala pa iyon nang makita siya, na para bang gulat na makita siya. Ibig bang sabihin no'n ay natatandaan din siya nito sa mukha? "Good morning!" Bati nito sa kanya at agad na lumapit. Kinamayan siya nito, na agad naman niyang tinanggap, pero halos hilahin niya iyon nang maalala niyang nagpunas lang siya sa basahan at hindi pa niya tapos hugasan ang manok. Kahit na mga tao nito ay para bang nagulat sa ginawa niya. "My hand is germ-free," birot nito sa kanya na parang may laman. "Ah, iyong kamay ko po ang marumi. Amoy manok po 'yan." Awtomatiko nitong naamoy ang kamay at nakita niya na parang nalukot ang ilong nito dahil sa malansang amoy ng manok. Sandali, ang manok niya. Hindi niya iyon natakpan. Baka iyon hilahin ni Fiyago at dalahin kung saan dalahin. "S-Sandali po, ang manok ko!" Bulalas niya at handa na sanang pumihit si Addison para balikan ang manok sa lababo, pero ganoon na lang ang paglaki ng mga mata niya nang makita niyang tumatakbo na si Fiyago, bitbit ang kalahating katawan ng manok na binili niya sa palengke. "Fiyagooooo! Ngiyaw-ngiyaw, ngiyaw!" Aniya pero ang bilis na tumakbo ng pusa niya at sumuot sa makapal ma mga damo. "Susmi! Ang ulam ko!" Aniyang parang pinagpawisan ng malamig. Kamuntik na niyang natutop ang noo kahit na mabaho ng mga kamay niya. She helplessly looked at the bush and sighed. Walang hiya naman kasi at inabala pa siya. Tuloy, ninakaw ng pusa niya ang ulam niya ng dalawang araw. Ang natira sa kanya ay ang papaya, luya at dahon ng sili, panghalo sana ngayon sa tinola. Tumikhim bigla si Dusk kaya napatingin siya rito. "I'll just replace the...chicken," anito sa kanya pero umiling siya. "Hindi na po, Gob." "I insist. This is not vote buying or anything. You've lost your chicken because we came. Accept it as an apology. Hermit," he called his bodyguard. Agad naman na dumukot ang lalaki ng pitaka at kumuha ng isang libo." "Here, Miss..." Dusk handed her the money but she refused. "Sobra na po 'yan. Kalahati lang po 'yon, 135 lang po. 'Wag na po." "Accept it," Dusk commanded her. Bakas sa aura ng mukha nito na hindi nito babawiin ang kamay hangga't hindi niya tinatanggap ang pera na iniaabot nito sa kanya. Tanggapin mo na. Mayaman naman 'yan at naglulustay ng pera sa casino. Gasino na ang isang libo sa bulsa niyan kapag nananalo sa sugal. At kahit hindi 'yan manalo, marami 'yang pera. Anang isip niya. Kusang kumilos ang kamay niya kapagkuwan para tanggapin ang pera. Nakita pa niya na nagsipag-tinginan ang mga taga-kampanya nito. Ano namang pakialam ng mga ito kung tinanggap niya. Mahirap na tumanggi sa grasya. Baka mamaya ay hindi lang kalahating kilo ng manok ang mawala sa kanya kapag nabusong siya. "Salamat po, Gob," aniya rito, nakangiti. He nodded at her, "Don't forget my name, okay?" "Naku hindi po," anaman niya tapos ay muli itong ngitian. Napakagwapo pala lalo nito kapag harapan. Mahihiya ang Makopa sa kinis ng mukha nito. Wala itong pores, Diyos ko. Namumula ang mga pisngi nito kahit ang balat nito ay may pagka-kayumanggi. Kahit ng ngipin nito kapag ngumiti ay parang ibinabad sa Tide powder sa sobrang puti. Ang pogi niyo po sa malapitan lalo. Aniya sa isip pero natawa ito ng mahina. "Salamat," anito kaya napamulagat siya. Narinig ba nito ang isip niya o talagang sinabi niya iyon? Nahihiya siyang hindi nakaimik. Sa dami pa naman na isaboses, iyon pa talaga. At least naman ay maganda iyong pakinggan kaysa naman sa sabihin niyang sugarol ito at baka nakawin nito ang kaban ng bayan kapag nawalan na ito ng pang-bisyo. After a moment, Dusk and his men left. Nanatili siyang nakatayo sa may pintuan, nakatanaw lang. Kung may magkakagusto lang sa kanya na tulad ng lalaking iyon pero hindi sugarol. Meron naman sa kanyang nagkakagusto, matanda, kalbo, panot, may asawa, o di kaya ay balo na ang anak ay 'di hamak na mas matanda pa sa kanya. Iyon kasi madalas ang laman ng pinagtatrabahuhan niya kaya ganoon ang mga lalaking madalas din na nakapalibot sa kanya. Nabaling ang atensyon ng dalaga sa pusa na lumabas na sa makapal na damo. Didila-dila iyon sa ilong kaya dinuro niya. "Magnanakaw!" Aniya sa alaga na mula onse siya ay kasama na niya. Ngumiyaw lang iyon at kukurap-kurap, halatang guilty sa ginawang kasalanan, pero ng dahil sa talent ni Fiyago na pagnanakaw ay nagkaroon pa siya ng isang libo, pang isang linggong ulam na rin niya iyon. Hindi na masama na ninakaw ng pusa niya ang kalahating kilo ng manok. Naghulog kaagad ang langit ng tripleng biyaya kapalit ng nawala. Agad siyang napahagikhik at kinarga ang pusa niya. Hinalikan pa niya ito at saka ipinasok sa loob ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD