Kabanata 2
ADDISON blinked after walking away. That's him. Yes. She will never ever forget that face. Mula pa sa Maynila ay nakikita na niya ang lalaking iyon. She was a fan of Richard Gomez, during his younger days. Mula sa kanyang maliit na telebisyon sa bahay ay pinapanood niya ang mga luma no'n na pelikula.
At nang makakita siya ng tulad no'n na tall, dark and handsome sa isang pasugalan, daig pa niya ang naengkanto.
"Anong ginagawa niya rito sa probinsya?" Tanong ni Addison sa hangin nang puntahan niya ang elevator.
He just came out from room 601, the room she was assigned to clean a bit later. Kakatapos niya lang na malinis sa kwarto na inukupa rin ng kanyang kasamahan sa casino, kasama ang isang matandang nagsugal doon. Ganoon talaga ang kalakaran sa pinasok niyang trabaho. They have the right to decide whether they would let some customers to bed them. Kakaiba iyon sa casino na dati niyang pinasok sa Maynila, pero dahil sa taas ng konsumo niya roon dahil sa board and lodging, mas inisip niyang umuwi na lang dito at dito na maghanap ng trabaho.
Before she came home, she tried applying to become a personal assistant, kaya lang ang iresponsableng boss ay hindi siya sinipot. Sayang, direct hiring sana siya ng isang matandang mayaman. Nasumpungan lang niya iyon sa Casino Natividad, at pagkatapos na makailang ulit siyang tingnan ay inalok siya ng isang trabaho. Hindi nga niya alam kung anong nakita ng matandang iyon sa kanya at natipuhan siya na maging yaya. Ang sahod daw niya ay 35 thousand.
Pera na sana ay naging bato pa. Pangalawang option lang sana niya ang pagiging card dealer dito sa Labo, dahil noong panahon ay wala pang permit ang Casino Royale para mag-operate. Pero dahil wala na nga siyang option, umuwi na siya at pinaunlakan ang sinasabing interview. She was qualified. She was hired. Karamihan lang sa mga kasama niyang dealer ay mga dating GRO. Kaya karamihan o halos lahat nga ay palaban at pumapayag na sumiping sa customers nila.
Siya naman ay chamber maid sa umaga. Sa hapon naman ay card dealer na siya.
Nasa loob na si Addison ng elevator nang bigla siyang matilihan. Parang namumukhaan niya ang lalaki na iyon bukod pa sa crush na niya iyon sa Maynila. Hindi ba at iyon ang sinasabing lalaban kay Governor Zuñiga? Tama. Iyon ang nakita niya sa balita, kahit hindi pa opisyal na inaamin. Ang makakalaban no'n ay ang pinsan ni Zuñiga na si Rianna Lustre.
Mukhang magiging mainit ang laban dahil babae at lalaki ang nag-aagawan sa posisyon, at kung tama ang tsismis, nasa dugo rin ng lalaking iyon ang pagiging pulitiko. Apo raw iyon ng dating Governor Valdosta, na isang magaling na Gobernador noong kapanahunan.
Kaya pala napadpad sa Camarines Norte ang gwapong lalaki mula sa Maynila ay dahil sa pangarap na kunin ulit ang trono mula sa bagong namamayagpag na pamilya sa Camarines Norte ngayon.
Napailing na lang siya. Ano kayang magandang kinabuksan ang naghihintay sa kanila lalo pa at sugarol ang lalaking nagbabalak na maging Gobernador? Ang isa ay overstaying na at dinadaya na ang lahat, halos ayaw ng bumaba sa pwesto. Ang isa naman ay laman ay laman ng casino. Hindi naman alam ng mga tao ang bisyo na ito ng lalaki.
Agad siyang napaitlag nang biglang papasara na ang pinto ng lift ay may kamay na nagpakita at pinigil ang pinto.
She blinked.
Addison saw burly men, one was carrying a briefcase, and in the middle was the handsome man she just saw from room 601.
Kitang-kita niya ngayon ang katawan nito sa malapitan na pinamumukulan ng muscles.
"Miss, sa ibang elevator ka na lang," utos ng lalaki sa kanyang may hawak ng briefcase.
Agad siyang napakunot noo. Sandali. Ito ba ang nagpagawa ng lift na iyon para palayasin siya? Siya ang nauna roon.
"It's okay. She's just a woman," tamad na sagot ng gwapong lalaki sabay kamot sa buhok.
Lalong nagulo ang dati na nitong gulo ng buhok, pero parang mas lalo lang nitong ikinagwapo. Sa pagkakaalam niya ay madaling araw na ay naroon pa ito nagsusugal. Natapos na ang duty niya at nakauwi ay nakaupo pa rin ito kaharap ang dealer na si Paula.
Umusog siya nang pumasok ang binata sa loob at mga tauhan nito. Isa itong VIP, halata niya. Nakayuko lang siya habang lulan sila ng elevator. Amoy na amoy niya ang pabango ng lalaki. He smells very expensive. At kahit na mukha itong walang ligo ay hindi ito tipikal na amoy higaan.
Kung si Paula ang kasama nito sa room 601, nangangahulugan na sumuping ito sa babaeng may asawa na at anak. May ka-live in na kasi si Paula at may isang anak na limang taon. Mabenta iyon sa mga manunugal kahit noong lihim pa lang ang operasyon ng pasugalan. Halos hindi iyon nababakante sa isang linggo. Iyon ang naghahanap-buhay para sa batugan na ka-live in. Ang sabi, magaling si Paula sa kama kaya gusto ng mga parokyano. Kahit daw may hiwa na sa t'yan ay hindi nabibitin ang lalaki sa kama. Malaki ang kitaan kapag nagpapalabas ang babae, pero siya na mag-isa naman sa buhay at tumutulong-tulong na lang sa mga pinsan niya na nag-aaral, sapat na sa kanya ang kinse mil na sahod buwan-buwan.
Minsan maswerte siya na naabutan ng tip ng mga nanalo sa sugal, pero kahit kailan ay hindi siya nagpalabas sa lalaki. Malinis na trabaho lang ang ginagawa niya, at walang halong bentahan ng puri at laman.
Lumabas siya sa lift nang tahimik. Hindi niya balak na lumingon pero kusang pumihit ang ulo niya para tingnan ang lalaki.
He was also looking at her. Nagkatitigan sila bago tuluyan na sumara ang pinto ng elevator, at napangiti siya sa sarili. Kinilig siya na sobra. Kung ganito kapogi ang magiging mister niya kahit magsasaka ay sasagutin niya. She knows that no rich man will ever like a poor woman like her no matter how pretty she is. Ang mga mayayaman ay para lang sa kapwa nila mayaman.
Addison was only eleven when she was left all alone by her parents. Unang namayapa ang kanyang ama sa heat stroke habang nasa kabukiran. Isang taon makalipas iyon ay pumunta naman sa Maynila ang Mama niya para mag-apply na domestic helper sa ibang bansa. Hindi pa siya nagbi-birthday para maging dose anyos ay hindi na sila nagkita ng Mama niya. Nakalipad agad iyon papunta sa Kuwait, pero doon ay nagkaroon iyon ng sakit. Ang nakakalungkot ay kahit daw nagkasakit na iyon ay pinagta-trabaho pa ng amo. Until she heard that her mother already passed away. Ni hindi na niya iyon nakita pa. Humingi sila ng tulong sa pamahalaan makuha man lang ang bangkay pero wala na raw. Ipinalibing na raw iyon ng amo dahil wala naman kumukontak na kapamilya.
She was raised by her Aunt. At dahil mahirap lang din ang pamilya ng tiyahin niya ay nag desisyon siya na huwag ng mag-aral pa ng kolehiyo. Nakipagsapalaran na siya sa Maynila at humanap ng trabaho sa edad na desi otso. Naging serbidora siya sa mga kainan. Tapos ay naging part time na katulong. Hanggang sa makapasok siya sa pasugalan dahil sa ganda niya. She was nineteen at that time, and now she's already twenty-one.
Still nothing changed in her life. Pobre pa rin siya hanggang ngayon. Gustuhin man niya na mag-abroad, may trauma na siya dahil sa nangyari sa Mama niya. Sana na lang ay mapagtapos niya ang pinsan niyang si Karina, para kahit paano ay umasenso iyon at baka hindi naman siya pabayaan pagdating ng araw.
Naglakad siya sa pasilyo para kunin na ang mga gamit na panlinis. Lumabas na ang lalaki mula sa room 601, kaya palagay ni Addison ay lalabas na rin maya-maya ang katrabaho niya. She was on her way to the utility room when she heard a voice.
"We already got his attention. He was finally here," anang boses na naulinigan niya.
Saglit siyang napatigil at napalinga. Walang tao sa parte na iyon ng building dahil naroon ang mga gamit panlinis, mga basahan at kung anu-ano pa. At sino namang pilato ang napadpad dito at may kausap pa, saka umi-ingles?
"Of course, Sir. I will not let him go. He belongs to us now. We can start executing your plans. Don't worry. I'll take care of everything. You can always rely on me. Other than that, wala naman ibang pasugalan dito, at ang tulad ni Castelloverde na adik sa sugal ay hindi rito hihiwalay."
Castelloverde?
Tunog yayamanin. Sandali. Parang narinig na niya ang Castelloverde na iyon. Saan nga ba? Big shot siguro iyon dahil ayaw pakawalan sa pasugalan. Ang katiwala pala ang naririnig niya na may kausap sa smartphone.
Hindi na niya iyon pinagtuunan pa ng pansin at dumiretso na siya sa pagkuha ng gamit. Mabuti pa ang mga mayayaman, inuubos lang ang pera sa sugal habang ang ibang tao ay walang makain at hirap na hirap humanap ng sentimos sa isang araw. Mayroon na bilad sa maghapon sa construction, limang daan lang ang sahod arawan, habang ang mga taong pumapasok dito sa building na ito ay milyon hanggang bilyon ang ipinatatalo sa pagsusugal.
Minsan ay natutukso na rin si Addison na ibenta ang sarili. Malaki raw kasi ang kita, pero kahit na anong gawin ay hindi makaya ng sistema niya iyon. Wala pa ngang yumayaman sa mga kasama niyang nagpapa-take out. Nauubos lang din naman sa gastusin at luho ang mga kinikita ng mga iyon.
"AY, nandito na ang ser kong pogi! Saktong-sakto ang asim ng itsura!"
Dusk looked at Ramona. Hawak ng babae ang telepono at nakabungisngis sa kanya.
He tossed his shoes and his clothes. Kapapasok lang niya sa living area, at balak niyang matulog na muna.
"Sino 'yan? If it's Dad, no," aniya sa babae.
"Hindi po si Don. Babae po ito."
"Who? Valentine? Mas lalong ayaw ko, Ramona."
"Rianna...Rianna Lustre," the woman informed him.
Napakunot noo siya. Rianna Lustre, his opponent. Saan kaya nakuha ng babae ang kanyang landline number? The first thing that came into his mind was Rianna's body. Sure that his opponent was hot and beautiful.
"What does she need?" Tanong pa niya.
Sa halip na sumagot ay tinanguan siya ni Ramona para iabot sa kanya ang telepono. Saglit muna siyang nag-isip. Kahit babaeng maganda ay kaya niyang tanggihan kung wala naman kailangan sa kanya.
He walked and handed the phone. Tikhim ang una niyang ginawa.
"Dusk Castelloverde? Is that you?" Malamyos na boses ng babae ang narinig niya mula sa kabilang linya.
"Speaking."
"Oh, hello there, Dusk. I'll call you Dusk, okay?"
"Sure. Where did you get my landline number, Rianna?" Diretsong tanong niya rito.
"Oh," she snapped, "I'm flattered you knew my name. I checked the directory. Ahm, matagal ko ng pinag-iisipan. I was just shy but... may I ask you out?"
Tumaas ang sulok ng labi ng binata at nadilaan iyon, "What do you mean by out? We are opponents."
"Oh, please. Spare that for now. We'll go out in whatever terms you want. You are my master. If you catch that up, good. Please..." Anito pang parang nakikiusap at gustong-gusto talaga na lumabas sila.
"I got that. Give me your phone number and I'll give you a ring if I am not busy," kunwari naman ay pakipot niya.
Pag-iisipan na muna niya dahil hindi naman niya ito kilala, at kalaban pa niya ito sa pulitika. His father told him not to trust anyone. Sabi nga, ang mga nagpabagsak sa lalaki ay mga babae. Ayaw niyang matulad kay Solomon na naloko ni Delilah. Marami namang babae na pwedeng hilahin para isama sa kwarto, hindi ang magpauto at magpaisa sa kalaban na baka kapahamakan lang ang dala sa kanya.
Pero hindi rin naman siya gano'n kahina para mauto nang basta-basta. What's wrong if he's going to see her? He is a very wise man and no woman must underestimate him. If Rianna Lustre has a different kind of plan for him, he can always use his charm to twist the plot of the story she's making.