Kabanata 4
HALOS matampal ni Dusk ang mesa nang sa huling pagkakataon ay matalo pa siya. Iyon ang inaasahan niyang pambawi niya.
Tang-ina naman!
Naubos na niya niya ang dala niyang bilyones. Pinautang na siya ng kanang-kamay ng boss, bakit ba hindi pa rin dumapo sa kanya ang swerte, at talagang nagtuloy-tuloy ang kanyang kamalasan? His debt amounted to 300 Billion pesos in just a single night, and his loss was 50 Billion. Sa kagustuhan niyang makabawi ay ipinagpatuloy niya ang paglalaro. Sabi niya, hindi siya aalis sa casino na hindi nababayaran ang ipinahiram na pera sa kanya.
What happened?
"Son of a b***h," usal ng binata dahil sa sobrang pagkadismaya, lalo na nang siya ay pagtawanan ng mga kalaban nang siya ay tumayo na para umuwi.
Iiling-iiling siyang lumapit na lang kay Falcon, na naglilibot at nanonood ng mga naglalaro.
"Gob, nakabawi ka ba?" Nakangisi na tanong ng lalaki, hawak ang vape sa kamay at bumuga ng usok na amoy cool mint.
"I'll pay my debt tomorrow. I'll issue a check," inis pa rin na sagot niya rito.
"No problem. We accept checks. And don't worry because my boss can alwys offer you a good amout money. Makakabawi ka rin," nakabungisngis na sabi nito sa kanya.
He just nodded. He has to get back what he has lost. Kailan niyang manalo sa susunod na laro. For now, he has to go home and rest. Tonight wasn't just a lucky night. Naubos na ang ipinautang sa kanya.
Kinabukasan ay nag-issue kaagad si Dusk ng tseke matapos niyang magising bandang tanghali. Si Hermit ang nagdala ng mga iyon sa casino. Palagay na ang loob niya dahil wala na siyang utang. All that he has to do for now is withdraw. Mamaya ay magwi-withdraw siya ng pera. Wala siyang problema sa pagkuha ng pera sa bangko. He gets it right away because the bank manager knows him. Hindi na siya nahihirapan.
Isang tawag lang niya at pakita ng kanyang gwapong mukha ay dala na niya ang pera sa pag-uwi niya. Marami na naman siyang lulustayin. Pero may mga pagkakataon pa rin na nami-miss niya ang Maynila. He misses her brothers. Wala siya ritong ka-asaran. Nami-miss niya ang siyudad, ang maingay na paligid doon. Dito kasi ay alas otso pa lang, tahimik na ang lahat. Ang tanging maririnig lang sa labas ng mansyon sa gabi ay huni ng mga kuliglig, tapos ay huni ng mga palaka kapag umulan.
He sat on his chair at the coffee table. Nsa mataas iyon na parte ng bakuran kaya tanaw niya ang kabuuan ng lugar. It was very relaxing. Iyon ang isa sa mga nagustuhan niya roon, ang nakaka-relax na ambiance at natural na hangin na nalalanghap niya, na wala sa Maynila.
Just recently, he visited his relatives in Jose Panganiban. Doon naman talaga kasi nagmula ang kanyang angkan sa ina, kaya kahit saan ay may nakikita siyang kamag-anak niya. Sabi nga, sa Tagalog speaking towns, sure win siya. Kaya lang ang kalaban niya ay taga Daet kaya naman ang simpatya ng mga tao roon ay kay Rianna.
Speaking of that woman. He likes her company in bed. Parang si Valentine din iyon pagdating sa kama, walang kiyeme at bigay todo sa performance level. At sa totoo lang, wala maman siyang pakialam kung matalo siya ng babae sa eleksyon. He's not really interested to be a Governor. Alam naman niya sa sarili kung sino ang may gusto nito, kaya ang lahat ng mga Valdrosa ay umaasa na sa kanya ngayon. Ng hindi niya gusto ay parang hindi pinapayagan ang pamilya nila na magtayo ng mga makabagong negosyo. Pending daw ang mga business permits na kailangan, tulad na lang ng mga resorts, malls at iba pa.
Pakiramdam niya tuloy ay binigyan siya ng mabigat na obligasyon na hindi naman siya handa na gampanan.
Politics is not really in his mind. He loves freedom. He loves a happy and not stressful life. He hates obligations and responsibilities, that's why he doesn't have a plan of settling down. Now, if he wins, he will be obliged to settle down, and settling down means marrying this province. What a task?
"Ser," tawag ni Ramona sa binata, at nang lingunin niya ang komikerang kasambahay ay sasayaw-sayaw ito habang hawak ang apron.
"What?" His thick brows arched.
"Daddy ser called so many times last night. Like...one thousand times already. He saying that you are no contact."
Talo na mga siya sa sugal, ang isang ito ay ginagawa pang aroz caldo ang utak niya sa baluktot nitong English. Paano ay parati itong nasa dating apps, humahanap ng mga foreigners na ka-chat, puro naman scammers ang nakukuha.
"Yeah. I know. I've seen his missed calls. And what did he say?"
"He says, he finding out that you are still playing cards and trashing lots money. Because of that he says that you are no longer connected...t-to your ass?"
"What?" Naguguluhan niyang tanong.
"Kayo na nga lang po ang tumawag kasi ng dami niya pong sinasabi at hindi ko maintindihan. May binanggit siyang ass."
"What ass?"
"Ewan ko po, ser. Baka po pwet. 'Di ba po ay ass ang english sa pwet? Asshole, ganern?"
"He wasn't picking up. I tried calling him when I woke up."
"'Yon po ang problema. Baka po nagtampo na si Daddy Ser."
Tumalikod ang babae kaya napailing na lang siya. Syempre, alam niyang sisermonan siya no'n, lalo pa kung alam na nagsusugal na naman siya. Kanino naman kaya no'n nalaman ang ginagawa niya? Daig pa ng Papa niya ang may mata sa langit, na nakikita ang lahat kahit na ang layo naman sa kanila.
He didn't pay much attention to it. He was waiting for Hermit to come home so they can withdraw money. After his coffee, he decided to take a shower while waiting for his bodyguard. Dadaan na muna sila sa Tita Freya niya bago sila dumiretso s bangko.
Makalipas ang isang oras ng paghihintay ay dumating na rin si Hermit. Pinag-meryenda na muna niya ang mga tauhan, at sa labas na lang sila kakain ng tanghalian.
They went to the villa. Iyon ang tirahan ng mga Valdrosa sa bayan na iyon, at kabababa pa lang niya ay sinalubong na kaagad siya ng mga pinsan niya, tapos ay ang tiyahin niya. Nakangiti iyon sa kanya, kamukhang-kamukha ng Mommy niya.
Retired Schools Division Superintendent I ang tiyahin niyang si Freya. May anak ito sa pagkadalaga, si Anthony, isang doktor.
"Hi, Tita Freya."
"Napakagwapo ng pamangkin ko," anito saka siya hinawakan sa mya panganat hinalikan sa magkabilang pisngi.
"I dropped by to see you. Papunta ako sa bangko."
"Saang bangko?" Tanong nito pero nailing siya.
"Lahat, actually," he replied.
Medyo hinampas siya nito sa braso, "Mukhang malaki ang kukunin mo. Mag-ingat ka."
"Yes, Tita."
"Dalahin niyo na itong mga prutas na inani sa farm. May kinatay ditong baka, frozen naman. Ipahahatid ko na talaga sana kaya lang buti na rin na dumaan ka," sumenyas si Freya sa mga tauhan ng villa.
Maya-maya ay dala ng mga iyon ang pira-piraso ng mga karne ng baka, siguro ay nasa kalahating parte iyon ng kinatay. May mya gulay din at prutas.
"That's too much, Tita Freya."
"Naku, kulang pa 'yan sa hindi mo natikman dahil hindi naman mailuwas ng Maynila. Ilang beses lang doon nakapagdala at naalala ko bata ka pa yata no'n. Kumain ka niyang mya gulay para mas lalo kang magmukhang barako. Aba ay gwapong-gwapo sa iyo ang lahat ng taha labas ng villa. Ako naman ay proud Tita, at mas proud ako na sabihin na nandito ka para ituloy ang magandang pamununo ng pamilya natin sa probinsya."
Muntik mapangiwi si Dusk. Wala iyon sa kalooban niya, kung alam lang nito, kaya lang ay ang hirap biguin ng tiyahin niya.
"Bakit hindi mga kamag-anak natin dito ang sumubok, Tita?" Takang tanong niya.
"Parati, kaya lang sumuko na dahil hindi na nawala sa mga Zuñiga ang trono. Perahan na ang labanan dito at dayaan. And what are Vadrosas compared to a Castelloverde? What is Zuñiga compared to a Castelloverde? Your father is way lot richer than Zuñiga. I believe you are giving him a fair game, Dusk," anitong puno ng pag-asa ang mga mata.
Pag-asa na para bang ang hirap baliin at biguin. Diyos ko. Sana ay makapa niya sa puso ang kagustuhan na tulungan ang mga ito, dahil sa totoo, ang panalangin niya ay matalo siya para makabalik na siya ng Maynila. Taliwas iyon sa dasal ng lahat ng mga kapamilya niya, na manalo siya at mabawi nila ng buong probinsya sa isang sakim at kurakot na pinuno.
Pagkatapos na maikarga ng mga padalang inani ay umalis na rin sina Dusk. Una silang pumunta sa Bank of the Philippine Islands para sa kanyang withdrawal, pero nasa pinto na siya ng bangko ay may tumatawag sa kanya.
He stopped at the door and took the call. Si Falcon ang tumatawag sa kanya.
"Future Gob," anang lalaki at naiisip niya kaagad ang ngising sanggano ng lalaki, ma parang model ng veneers.
"Falcon," he answered.
"Naglolokohan ba tayo rito?" Anito kaya agad siyang napakunot noo at uminit ang ulo niya.
"Don't start my day. Hindi ako manloloko. What the hell is your problem?" He snapped right away.
"This is your problem, Sir and you better fix this before my boss sues you."
"Sue me?" Natawa siya, "Sue me for what? Iharap mo sa akin si Mister Enriquez."
"He's so mad. Binayaran mo siya ng talbog na tseke."
"What the hell?!" Bulyaw ni Dusk sa lalaki, "This is not a good joke, Falcon. I'm going to see you for this," puno ng warning ang boses niya, at sa oras na niloloko siya nito, masusuntok niya ito at sisiguraduhin niyang malalagas ang ngipin nitong halatang dental crowns.
"You better see us, Future Gob. Hindi birong halaga ang tatlong daang bilyon na inutang mo para bayaran kami ng tseke na walang pondo. Walang piyansa ang ganito kalaking halaga," nang-uuyam pa na sabi nito sa kanya kaya talagang kumulo na ang dugo niya.
Who is this man to talk to him this way? This is so ridiculous.
"Wait for me," he angrily said, brows were tightly knitted.
"May problema ba bossing?" Hermit asked him.
"That asshole was accusing me of issuing a bouncing check."
Nanlaki ang mga mata ng kanyang tauhan, "Lahat, boss?"
"Probably because he said, 300 billion isn't a joke," naiiling na sabi niya.
Nag-iisip siya kung ginu-good time ba siya ni Falcon dahil nasisiguro niya na marami siyang pera. Tang-ina. Kahit na kaapu-apuhan ng mga apo niya sa talampakan ay mabubuhay at kakain dahil sa dami ng pera niya.
"Let's go iside and withdraw," aniya.
Sumunod kaagad ang mga tauhan niya sa kanya. Diretso siya sa opisina ng manager, dala ang kanyang mga briefcase. Dadagdagan niya ang kukunin niya sa mga bangko para mabayaran niya ang iho de putang Falcon na iyon, at hindi na siya uutang sa demonyong iyon kahit kailan.
"Good afternoon, Mister Castelloverde," anang manager sa kanya.
"Hi. I'll make a withdrawal," he said right away, so itchy to hand the money.
"Oh sure, let me assist you. Just patiently wait here," inabot ng lalaki ang kanyang slip at saka lumabas ng opisina.
Kilala na siya roon kaya wala ng kung anu-anong requirements pa ang kailangan kapag siya ang kukuha ng malaking halaga ng pera. All that he has to do is sit back and wait.
Kinse minutos ang lumipas ay bumalik ang manager sa loob ng opisina, tapos ay tumanga sa kanya, na para bang hindi makaapuhap ng sasabihin. He noticed it right away, so he decided to ask.
"What's the matter, Mister Calandra?" Tanong niya.
Sumara ang bibig nito tapos ay bumuka, tumikhim, "I...I... Nagtataka ako dahil walang pondo. Your account was frozen, Mister Castelloverde."
What the f**k? Anong frozen?
"The order was from your father, Don Leonardo Castelloverde."
Doon na si Dusk napanganga. Nausal niya ang sunod-sunod na mura. Ito ang dahilan kung bakit tumalbog ang tseke niya. On hold ang kanyang bank accounts at palagay niya ay walang itinira ang kanyang napakabait na ama.