Kabanata 8 HOLY s**t! Halos sumubsob ang buong katawan ni Dusk sa upuan sa harap niya nang biglaang pumreno si Hermit. Wala pa naman siyang seatbelt dahil ayaw niyang magkabit. Agad na nagsalubong ang mga kilay niya lalo pa at pinag-coveran siya ng mga tauhan niya. "Dapa lang boss," ani Jestoni sa kanya. "What the hell was that?" Walang kakaba-kabang tanong niya sa mga ito. "Bababa ako, boss. May babae," ani Hermit sa kanya. Nasa gitna ang sasakyan nila na stretched limousine. May isang hammer sa harap at hammer sa likod. Malamang, ang babae na sinasabi ay nabunggo ng driver ng unang sasakyan. "My God. Did Ace bump a woman?" Tanong niya. Gusto niyang umalis sa pagkakauklo pero nakaharang ang mga bodyguards niya sa may katawan niya. Maya-maya ay nagsalita si Hermit, "Clear, boss.