Part 11

1149 Words
Inayos niya ang sarili. Nagsuklay... Nagpulbos... Nagliptint... At isinuot ang pinakapaborito niyang damit. Ang binili ng Daddy niya noong Grade 7 palang sya. Isang oversized tshirt na may print ni Stitch. Tuwang-tuwa siya ng araw na regaluhan siya ng kanyang Daddy, at natuwa pa siya na alam pala nito ang favorite cartoon character niya. Niregaluhan daw siya nito kasi matatas ang grades niya. Tsaka pinindot ang f*******: live. Magpapublic apology siya sa lahat. Siguro naman pagkatapos nito, mapapatawad na siya ng lahat. Sana lang muli syang tanggapin ng kanyang pinakamamahal na mga magulang. Agad na napakaraming viewers at sunod-sunod agad ang comment ng mga ito, pawang masasakit na salita. Sinadya niyang ipublic para mapanood ng lahat. " Hello po sa lahat... Unang-una nais ko lamang po sanang humingi ng tawad sa nagawa ko. " sabi niya ngunit pinukol agad siya ng mga negative comments.. Si Brix ay nanonood din. " Please mahal, itigil mo na to. Wala kang dapat ihingi ng tawad, ako ang may kasalanan ng lahat. " sabi nito sa comment. Hindi niya ito pinansin. Sinabi niya sa video ang lahat-lahat. Hindi para magpaawa o kung anuman gusto niyang sabihin yong side niya. Wala pa ring positive comments ang nababasa niya. May mga nagsabi pa na " pakamatay ka na" " kahiya-hiya ka" "bastos" " pala*y*t" "mahilig" . " Noon, nakikita ko lang ang mga ganitong scenes sa f*******: hindi ko akalain na mararanasan ko rin pala ito. Ano bang nagawa ko??! Nagmahal lang naman ako ei, naghanap ako ng pagmamahal na hindi ko maramdaman mula sa magulang ko. Inaamin ko mali yong ginawa ko, hindi ko alam na mayrecord, hindi ko alam na mangyayari to. Ang gusto ko lang maging masaya ang lalaking mahal ko. " patuloy niya habang umiiyak. " Hindi po siya ang nagpakalat ng videong ito, tropa nya na aksidenteng nakita ang mga video sa phone nya. Na tinangka pang alukin ako na makipags*x sa kanya kapalit ang hindi niya pagpapakalat ng video. Hindi ako nagsisisi na tinanggihan ko sya. Oo, sobrang natatakot ako na mangyari nga ang ganito pero ang private na bagay na yon ay para lamang sa mahal ko. At walang sinuman ang maaaring mambastos sakin ng dahil lamang sa videong yan. Hindi nyo ko kilala, kaya wag nyo akong husgahan. Marami sa inyo ang nagmamalinis pero alam nyo naman na mas masahol pa diyan ang ginagawa nyo. Ang kaibahan nga lang, ako ay navideohan at lumabas sa social media. Ginusto ko ba yong ganon na pagpyistahan ng kung sino-sino ang katawan? Ginawa ko ang bagay na yan dahil sa pagmamahal kaya wag nyo naman akong ituring na parang salot ng lipunan. " humahagulhol na patuloy niya. " Sorry, masama lang ang loob ko kaya ako nakapagsalita ng ganyan pero sana sa gagawin ko. Mapatawad nyo na ako at magsilbing aral ito sa inyo. Hindi biro ang mabash, ang maging biktima ng cyber bullying. " " Mommy, Daddy mahal na mahal ko po kayo, patawad po sa n-nagawa ko. S-Sana ingatan nyo ang sarili nyo, mahal ko kayo ng sobra-sobra. Kahit hindi ko naramdaman ang pagmamahal nyo, alam ko naman na kahit papano mahalaga pa rin ako sa inyo. " Napangiti siya ng may mga maglabasang comment na nagtatanong bakit parang nagpapaalam siya. " Pakikalat po sana ang video para, para mapanood din ng iba at magbigay aral sa nakararami. Para mapatawad na rin nila ako. " patuloy niya habang umiiyak. Marami ang comment na tila may concern na ang mga ito. Sunod-sunod din ang comment ni Brix. Nagmamakaawa ito sa kanya. " Nanonood ang mahal ko, lagi mo sana tatandaan na mahal na mahal kita at salamat sa pagmamahal at masasayang sandali na kasama ka. " " Sa nag-upload ng video, sana maging masaya ka kasi nagviral ang inupload mo. Sana mapanood mo rin ito at mas masiyahan ka kasi ito na ako oh, sirang-sira na. Mawawala ako sa mundong ito pero hinding-hindi kita mapapatawad sa ginawa mo. Sinira mo ang buhay ko, pati na ang mahal ko. Sana hindi mangyari sayo to. " patuloy niya.. Tsaka tumayo ay kinuha ang tali ng duyan niya. Inaalis niya iyon kapag pinapasok niya ang duyan niya sa loob ng bahay. Tumapak siya sa upuan at itinali iyon sa may kahoy na nasa itaas. Lahat ng nanonood ay napamulagat. Libo-libong tao ang nakikisimpatya sa kanya at nagcocomment na wag niyang gawin. Na kesyo napakabata pa niya at may pagkakataon pa siyang mamuhay ng tahimik. Lahat ng masasamang salitang nababasa niya ay puro kabaligtaran na ngayon. " Salamat, aalis akong maligaya dahil napatawad nyo ako. " Nabasa niya ang comment ni Brix. " Mahal na mahal kita love, sorry kung gagawin ko to. " " Dad, kasama ko sa pag-alis ang regalo mo. Mahal na mahal po kita,kayo ni Mommy. " " Salamat sa lahat... Sana maging aral ito sa lahat ng mga nakapanood. Please stop cyber bullying kasi hindi po lahat ng tao ay malakas. At sa mga nagpopost ng mga scandal video para maging VIRAL , sana tigilan nyo na yan. Napakaraming nasisira ang buhay at nagpakamatay dahil diyan. Salamat po ulit. Paalam. " " Baby!! Alliaahhh! Noooo... Please open the door. Love na love ka ni Mommy! Pleasee sorry sa nagawa ko, sorry na... " narinig niyang sigaw ng Mommy niya sa labas ng pinto. Humarap siya sa camera. Humagulhol siya ng todo. " Narinig nyo yon? Sabi ng Mommy ko love na love daw nya ako. First time yon, ang tagal kong hinintay ang mga salitang yon na magmula sa kanya. Ngayon masaya na akong aalis. I love you too soooo much Mom. " Tumayo siya at umakyat na sa upuan. Ang lahat ay pigil ang hiningang nakamasid sa kanya. Karamihan ay nagdarasal na mabuksan ng mga magulang nito ang pinto ng kwarto para marescue ito. Lahat ay nag-aalala ibang-iba kanina, na ang lahat ay inaalipusta siya, puro masasakit na salita ang ibinabato sa kanya. Lahat ng pambabastos ay sinasabi sa kanya pero ngayon. Awa na ang pumalit doon, pag-aalala at paghahangad na hindi matuloy ang balak nitong pagbibigti. Si Brix ay halos mabaliw-baliw na sa kwarto niya. Humihiyaw siya habang humahagulhol,paulit-ulit niyang tinatawag ang pangalan ni Alliah. Ikababaliw niya kapag itinuloy nito ang balak. Wala siyang magawa, kundi ang magdasal. Inilagay ni Alliah ang lubid na nakalawit sa leeg niya. Ngumiti siya sa camera at saka itinumba ang tinatapakang upuan. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD