Napaluha siya,..
Sa isip niya...
" Mommy, ang sakit po."
" Daddy, sorry po. "
Hirap na hirap siyang huminga, hanggang sa unti-unti ng lumabo ang buong paligid at bago tuluyang dumilim narinig niya ang malakas na pagbukas ng pinto.
At sigaw ng Daddy niya.
Malalipas ang tatlong araw...
Naramdaman ni Alliah ang pagkirot ng kanyang leeg.
Agad na siyang napamulat.
Puting kisame ang kanyang nakita.
" Nasa heaven na ba ako? " tanong niya sa sarili.
" A-Anak?! Anak koooo, huhuhu... " umiiyak na niyakap siya ng Mommy niya.
" Buhay pa ako?! " sabi muli niya sa sarili.
" Anak ko, patawarin mo ako. Patawad sa mga nagawa ko, mahal na mahal kita anak. Promise, magpagaling ka ha. Babawi ako, babawi kami ng Daddy mo. Basta mangako ka na wag na wag mo na ulit gagawin yon ha. " umiiyak na pahayag nito.
Naiyak na rin siya.
Ngayon nararamdaman na niya ang pagmamahal at pagpapahalagang hinahanap niya noon sa mga ito.
" Oo anak, patawarin mo sana si Daddy ha. Kahit ampon ka lang namin ni Mommy mo, mahal na mahal ka namin. Sorry kung hindi namin iyon naipadama sayo, sorry kung akala namin basta mabigyan ka lang namin ng magandang buhay ei tama na yon. Pero anak, promise pakamamahalin ka na namin ng Mommy mo. Kaya wag mo ng uulitin yon ha, ikaw lang ang nag-iisa naming baby papano na kami ng Mommy mo kung iiwan mo kami. Anak ko, ibabalik natin ang mga nawalang sandali satin, babawi kami ng Mommy mo. I love you always baby, Mom and Dad will always love you. Sorry sa lahat-lahat ng pagkukulang namin. " umiiyak na mahabang pahayag ng Daddy niya.
Lalo naman siyang naiyak. First time nya marinig ang mga katagang ito sa kanyang Daddy, unang beses lang din niya itong makitang umiyak. Sobrang ligaya niya, mahal pala talaga siya ng mga ito.
Nagyakap silang tatlo.
Nang makabawi..
" Anak may mga bisita ka. Gusto daw nilang humingi ng tawad sayo. " sabi ng Daddy niya sa kanya.
" S-Sino po? " tanong niya.
Agad na may pumasok mula sa pinto, hindi niya makilala kasi may hawak-hawak itong bulaklak.
Nakatabing ng bahagya sa mukha nito.
" Mahal..." sabi nito.
" B-Brix?! " tuwang tawag niya dito.
Ngumiti ito, kinuha naman ng Mommy niya ang hawak nitong bulaklak.
Inalalayan siya nitong umupo at agad silang nagyakap.
Nag-iyakan silang dalawa habang paulit-ulit na humihingi ng kapatawaran.
" Wag ka ng umiyak ha, baka magkapano kapa. Promise, simula sa araw na ito hinding-hindi na ako gagawa pa ng ikakasama ng loob mo. Kaya mangako ka na hindi mo na gagawin ulit yon ha. Please lang, ikamamatay ko kapag tuluyan ng may masamang mangyari sayo. " umiiyak na pakiusap nito.
Tumango siya ng sunod-sunod, habang paulit-ulit na humihingi ng tawad.
Maya-maya lumayo ito.
" May mga gustong makipag-usap sayo. " ani nito.
Napakunot noo siya.
Pumasok ang isang grupo ng mga kababaihan sa kwarto, may mga bitbit na regalo.
Nagpakilala ang mga ito na mga basher niya sa video na nagleak. Humingi ang mga ito ng kapatawaran sa kanya at nangako na hindi na ulit mangbabash ng kung sino sa social media.
Dahil din sa nangyari sa kanya, nagtayo ang mga ito ng club about sa anti cyber bullying. At pinakita sa kanya ang libo-libong tao ang humingi ng tawad sa kanya.
Pinost kasi ng mga ito ang picture nya at ang caption ei about sa paghingi ng tawad sa pambabastos at pambubully sa kanya.
Sobrang nagpapasalamat talaga siya sa mga ito. Ang grupo rin ang gumawa ng paraan para makasuhan ang nagpost ng video. Si Ariel na nga iyon, ang sabi ei malakas ang laban nila sa kaso kaya asahan na ang pagkakakulong nito.
Napanood din daw nito ang live video niya kaya umamin na rin ito sa nagawa. Nakokonsensya na daw kasi ito.
Napag-alaman din niyang 3 araw na pala siyang walang malay. Gahibla nalang ang tyansa ng marescue siya ng magulang niya pero hindi sumuko ang mga ito.
Marahil nais pa rin ni God na mabuhay siya ng payapa at matiwasay kaya tinulungan siyang makarecover.
Simula ng makalabas siya ng hospital.
Naging maayos na ang samahan nila ng kanyang mga magulang. Never na niya naramdaman na iniitsapwera siya ng mga ito. Damang-dama niya ang pagmamahal at pag-aaruga ng mga ito.
Naging maayos na rin sila ni Brix.
Naipaliwanag na nito sa kanya ang totoong nangyari at nangako na hindi na ito muli pang gagawa ng kasalanan sa kanya. Ang sabi nito, natuto na ito sa kanyang pagkakamali.
Tuwing weekend dumadalaw ito sa kanila. Kahit pinagsasabihan na niya ito ei ayaw makinig. Tila bumabawi ito sa mga nagawa nito sa kanya.
Sabado ito dumarating at linggo na ng hapon umuuwi.
Iyon ang pinakapaborito niyang araw, ang makasama ito at sa gabi naman ay matulog katabi ang Mommy at Daddy niya. Dahil si Brix ang natutulog sa kanyang kwarto.
Simula din ng nangyari, natigil na rin ang pag-ungot nito ng s*x sa video call. Nagkasya na ito na tuwing weekend ei nahahawakan nito ang kamay niya at nayayakap.
Hihintayin nalang daw nito na maikasal sila.
Naging tahimik at payapang muli ang buhay niya, minsan may ilang taong iba pa rinnang turing sa kanya pero ipinapasa Diyos nalang niya iyon.
Ang mahalaga napakasaya niya.
Ibang-iba sa dati niyang buhay na puno ng lungkot at pangamba.
Lungkot dahil sa pananaghili niya sa pagmamahal ng magulang at pangamba na baka mawala rin sa kanya si Brix.
Ngayon, wala na siyang mahihiling pa.
Hindi talaga tamang lutasin ang problema sa madaliang paraan.
Dahil si God, andiyan para tayo ay gabayan at bigyan ng pangalawang pagkakataon magbago kahit na tayo ay down na down na.
Kahit tayo ay tila wala ng pag-asa...
Ika nga, habang may buhay may pag-asa.
THE END
A/N,
Muli po akong nagpapasalamat sa lahat ng taong walang sawang sumusubaybay sa mga isinusulat ko.
Sana po ay may mapulot kayong aral sa kwento, lalo na sa mga LDR couples diyan. Alam nyo na po ang tinutukoy ko. Sa mga boys na hindi makuntento sa isa, na kahit mahal na mahal sila ng girl ei nakukuha pa ring magtaksil. Kung mahal nyo talaga ang girlfriend nyo, matuto kayong makuntento.
Iwasan din po natin ang maging mapanghusga lalo na kung hindi naman natin alam ang totoong kwento.
Salamat po ulit, mabuhay tayong lahat!!