Part 10

1134 Words
Kanina natuklasan niya ang dahilan kung bakit ganon nalang siya ituring ng mga ito. Nadulas ang Mommy niya, naisigaw nito na sana daw pala hindi na siya nito inampon. Pinagsisisihan daw ng mga ito na inampon pa siya. Tila manhid na ang kanyang katawan, sa mga pasa niya, sa lahat-lahat ng sakit na kanyang naranasan,nagsama-sama na. Paulit-ulit niyang itinatanong sa tass, ano bang nanging kasalanan niya. Bakit ganito ang nangyari sa kanya? Nagmahal lang naman siya? Alam niyang mali na sundin lahat ng gusto ng mahal niya pero ang hangad lang naman niya ay maging maligaya ito. Dahil iniisip niya na baka mawala din ang pagmamahal nito gaya ng mga magulang niya. Baka mabaling din ang atensyon nito katulad ng magulang niya. Si Brix lamang ang nag-iisang taong nagpadama sa kanya na mahalaga siya. Kaya ayaw niya hanggat maaari na maramdaman nito na hindi ito mahalaga sa kanya. Sirang-sira na siya, ang lahat ay masamang babae ang tingin sa kanya. Ang mga kalalakihan naman ay pinagpipyistahan ang kanyang katawan at pinupukol siya ng malalaswang salita. Pakiramdam niya nasa isang balon siya na unti-unting nalulunod. Unti-unting lumulubog hanggang sa mawalan na siya ng hininga. Paulit-ulit niyang naririnig ang masasakit na salitang binitiwan ng kanyang Mommy at Daddy, ngayon mas malabo ng mahalin pa siya ng mga ito lalo pa at natuklasan niyang ampon lang pala siya ng mga ito. Gusto lang naman niya ng pagmamahal mula sa mga ito ei, kaya nga takot na takot siyang mawala sa kanya si Brix kasi ito lang ang nagmahal sa kanya ng totoo. Oo nagkasala ito pero alam niya na totoo ang pagmamahal na inukol nito sa kanya. Naalala niya ang lalaki, alam niyang narinig nito ang lahat ng nangyari kanina. Mapait siyang ngumiti... Nakatago ang mukha nito sa video. Kaya ligtas ito, hindi katulad niya na sirang-sira na ang buhay. Masaya pa rin siya para dito atleast makakapamuhay ito ng normal. Pero alam niyang hindi na siya maaari pang magpatuloy, lalo na kung siya ang magiging dahilan ng pagkasira nito. Mahihila lamang niya ito paibaba. Dahan-dahan siyang tumayo at kinuha ang cellphone, nanginginig ang kamay na binuksan iyon. Walang tigil ang pagtunog ng notification. Mapait siyang ngumiti, sikat na sikat na nga siya. Dati-rati tumutunog lang ang messenger niya kapag nagmessage si Brix. Pero ngayon, inuulan siya ng mga message. Binuksan niya ang messenger niya. Mapait siyang napangiti habang tumutulo ang luha. Almost 100k message request at message ng mga friends niya na ang karamihan ay pang iinsulto at pangbabastos. Wala ni isa man ang nagcomfort sa kanya, lalo na sa itinuturing niyang mga kaibigan. Animo diring-diri ang mga ito sa kanya. Hinanap niya ang message ni Brix. Sobrang dami nitong misscalls at message. Napakahabang mga message. Message na nagpapaliwanag sa nangyari. Message na paulit-ulit itong humihingi ng sorry. Umiyak siya ng umiyak. Nabasa niya ang mensahe nito kung gaano siya nito kamahal at humihingi ng tawad sa nagawa nito. Sa nasaksihan niya kagabi. At sa videong nirecord nito na lumabas. Nagpaliwanag ito na hindi siya ang may gawa non, alam naman niya iyon. Alam niya na ang tropa nito ang may gawa pero hindi niya pinagsisisihan ang pagtanggi sa alok nito. Tumunog ang messenger niya, tumatawag si Brix. Agad niya iyong sinagot. " Alliah, sorry... Huhuhu, hindi ko inakala na mangyayari ito, sana mapatawad mo ako. Napakatanga ko, napakagago ko! Patawarin mo sana ako mahal ko." umiiyak na sabi nito, halata ang maghapon nitong kakaiyak. Magang-maga na kasi ang mata nito. Ngumiti siya ng mapait. " Okey lang mahal, alam kong wala kang kasalanan alam kong hindi ikaw ang nag-upload. At pinapatawad na kita sa nagawa mong kasalanan. Magpromise ka na,na pagkatapos nito, babalik ka sa dati ha. Yong mamumuhay ka ng tahimik at masaya. Ako kasi, a-ako kasi alam ko na hanggang dito nalang ako. Hindi na kita pwede pang m-makasama pati na sina M-Mommy at Daddy, itinakwil na nila ako lalo ng malabo pang mahalin ulit nila ako. Mangako ka na mag-aaral ka ng mabuti at magiging maayos ang buhay mo kahit wala ako. K-Kahit wala na ako, susubaybayan pa rin kita. Dahil m-mahal na mahal kita. " mahabang pahayag niya habang patuloy sa pag-iyak. " Anong wala? A-anog ibig mong sabihin, wala akong pakialam sa sasabihin nila. Mahal kita Alliah, ayokong mawala ka. Please patawarin mo na ako, wag mo akong iwan, please wag kang makipagbreak sakin dahil lamang sa nagviral ka. Ako rin naman ang may kasalanan ng lahat ei, ako dapat ang sisihin. Ako dapat, pleasee handa kitang ipaglaban sa lahat. Mahal kita Alliah, please wag mo naman akong iwan oh.. " pakiusap nito sa kanya, akala nito ay makikipagbreak siya. " Lagi mong tatandaan na m-mahal na mahal kita, after nito mapapatawad na rin ako ng lahat, after nito baka sakaling mahalin na ako nina Mommy. W-wala na rin akong pupuntahan ei. Basta iingatan mo ang sarili mo ha, mahal ko. " umiiyak niyang sabi dito. " Alliah, anong ibig mong sabihin... Pleaseee, makinig ka sakin ha, kung anuman ang gumugulo sa isip mo please wag mong gawin yan. Parang awa mo na, lalo akong di matatahimik nito kapag ginawa mo yan. Pleasee parang awa mo na, wag mong gawin yan. Handa kitang pakasalan kung gusto mo, kukuhain kita dyan kahit bukas n bukas din. Please wag mong gawin to. " tila takot na takot ito habang sinasabi ang mga katagang iyan, umiiyak na halos magmakaaw na sa kanya. Ngumiti siya ng mapait. " Paalam mahal ko.. " yon lang at pinatay na niya ang video call. Pagkatapos ini-uninstall niya ang messenger dahil alam niyang hindi ito titigil sa kakatawag. Inopen niya ang kanyang f*******: account. At katulad ng inaasahan, marami ang pambabastos na post at comment para sa kanya. Halos sumambulat ang mga comment box sa dami ng mga bashers niya. Napangiti siya habang humahagulhol, sobrang sama ng loob niya. Sobrang bigat ng dibdib niya na halos hindi na niya makaya. Wala na talaga siyang pag-asa, ayaw niyang mabuhay sa ganito kagulong mundo. Ayaw niyang mabastos sa buong buhay niya. Isa pa wala na siyang matatakbuhan pa. Itutuloy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD