Ngayon niya natiyak na mahal na mahal pala niya ito, ayaw niya itong nasasaktan. At ang sakit na nararamdaman nito ngayon ay parang damang-dama nya rin.
Walang siyang makapa na kahit anong sasabihin sa utak niya.
Kaya nagreply nalang siya ng...
" Sorry. " kasabay niyon ang paghagulhol niya.
Ganon din naman si Alliah...
Humahagulhol din ito na tila wala na yatang katapusan ang pagluha niya.
Sa simpleng salitang sorry ni Brix, agad-agad niya itong napatawad.
Andon ang pagnanais na yakapin ito at halikan.
Ganon siya... Ganon niya ito kamahal.
Napakalaki ng kasalanan nito pero isang word na " Sorry" tila naglaho na agad ang lahat ng sama ng loob niya dito.
Biglang nagvideo call si Brix, mapait na napangiti siya pinahid ang luha at sinagot ang call nito ngunit biglang may kumatok sa pinto ng room niya, agad niyang naitago sa ilalim ng unan ang phone ni hindi manlang niya iyon napatay.
Boses ng kanyang Daddy at Mommy na galit na galit ang naririnig niya kasabay ang sunod-sunod na katok sa pinto animo gigibain na ng mga ito ang pinto.
Binuksan niya ang pinto at agad na mag-asawang malalakas na sampal ang sumalubong sa kanya.
Si Mommy niya ang sumampal sa kanya na halos hindi siya makapaniwala. Hindi man maganda ang relasyon nilang mag-ina pero never pa siya ng mga itong nasaktan.
Agad na nag-unahang pumatak ang kanyang mga luha.
Ngunit mababanaag sa mga mata ng mga ito ang matinding galit at pagkasuklam.
Hindi niya alam kung bakit nagkakaganon ang mga ito.
" M-mommy? Bakit po?! " umiiyak na tanong niya dito.
" Bakkkit??!! P*tangina mo ka! Ano ito ha?! Ano itoooo??!! Napakababoy moooo! " galit na sigaw nito, na dahil sa sobrang galit ei umiiyak na rin.
Bigla ang pagbundol ng matinding kaba sa kanyang puso.
Nanginginig ang kamay na kinuha ang cellphone nito at tiningnan ang pinapakita nito sa kanya.
Agad na nanlalaki ang matang nabitiwan niya ang cellphone.
Isang VIRAL VIDEO iyon, video niya at ni Brix iyong video na unang beses may nangyari sa kanila.
Hindi kita ang mukha ni Brix dahil tinakpan iyon pero siya ang kitang-kita.
Agad siyang napaupo sa sahig,niyakap ang sarili at napahagulhol.
Kasabay ang masasakit na salitang binibitiwan ng kanyang Mommy at Daddy.
Wala siyang magawa kundi ang tanggapin ang mga sinasabi ng mga ito at hayaang mamaga ang kamay ng Mommy niya sa kasasapak at kakasabunot sa kanya.
Pakiramdam niya manhid na ang buo niyang katawan, masakit ang bawat pagsampal at sabunot ng kanyang Mommy pero mas masakit ang mga salitang binibitawan ng mga ito. Wala siyang ibang masabi kundi paulit-ulit na "sorry".
Si Brix naman ay hindi mapakali habang pinapakinggan ang malakas na pag-iyak ni Alliah. Halos napapamura na siya sa kakasigaw, wala siyang magawa kundi ang mapasuntok nalang sa pader at umiyak.
Dinig na dinig niya ang lahat ng masasakit na salitang pinagsasasabi ng magulang nito dito.
Agad niyang tiningnan ang cellphone at natuklasan niyang may nag upload ng video nila ni Alliah. Nagtangis ang bagang niya at pakiramdam niyay nais niyang pumatay ng tao.
Pinagsusuntok niya ang pader hanggang sa dumugo ang kanyang kamao dahil sa matinding galit.
" Putang*na mo Ariel! Papatayin kitang hayop ka! " galit na galit na sigaw niya.
Namatay ang call ni Alliah, lalo na siyang maulol-ulol sa pag-aalala dahil ang huling narinig niya ay ang pagbagsak ng kung anong bagay sa kwarto nito.
Agad niyang tinawagan ang number nito. Block siya, pati na sa messenger nito.
Agad siyang lumabas ng bahay, balak niyang puntahan ang hayop.
Ngunit ng makarating siya sa condo nito, wala ito doon. Hindi naman niya alam ang bahay ng magulang nito.
Agad na kumontak siya ng mapupwedeng makatulong para madelete ang lahat ng video ni Alliah. Maimpluwesya ang kanyang pamilya, humingi siya ng tulong sa ama. Hindi na siya nahiya na lumapit dito, gusto niyang mabura lahat ng videong kumakalat.
Ilang oras lamang at nabura ang video sa social media. Agad niyang kinontak si Alliah ngunit hindi ito sumasagot. Nakapatay ang phone nito. Halos mabaliw-baliw na siya sa pag-aalala.
Nabura man ang video, ngunit dahil sa ilang oras na nanatili itong nakapost. Kumalat na at marami na ang nakapagsave nito. Maging sa mga group chat ay kalat na kalat na ito.
Maging post ng mga netizens ay about sa viral video. Tila sasabog ang kanyang ulo dahil sa nangyari. Sising-sisi siya sa nagawa.
Sinira niya ang buhay ng isang babaeng ang nais lamang ay paligayahin siya. Ang babaeng walang ginawa kundi ang mahalin siya. Hindi na niya maibabalik pa ang nakaraan,paano na ito.
Papano na ang babaeng pinakamamahal niya?
Wala siyang magawa kundi ang maghintay ng tawag nito, hindi niya maiwasan ang hindi mapahagulhol. Pinagsabihan siya ng ama ngunit naiintindihan siya nito. Sinabi nitong kakasuhan ang mahuhuling mag-uplod ng video.
Pero kahit na, huli na ang lahat. Sikat na sikat na si Alliah, napakarami na nitong basher. Ang lahat ay bumabato ng masasakit na salita na halos hindi na makain, mga comment o sa post man na naglalaman ng pang aalipusta. Kung ano-anong bansag ang naimbento ng mga ito sa kanyang mahal.
Marami na ring fake account ang gumagamit ng pangalan nito,maging pictures nito ay kumalat na rin.
Ilang oras lang pero ganito na kalawak ang pinsalang ginawa niya. Ganito ang naging epekto ng kahayukan niyang makaranas ng panandaliang aliw.
Samantala sa silid ni Alliah.
Madilim na pero nananatiling nakapatay ang ilaw, nasa isang sulok siya ng kanyang silid habang wala pa ring tigil sa kakaiyak. Itinakwil siya ng kanyang Mommy at Daddy, pinagbabasag ng Daddy niya ang lahat ng mahawakang gamit sa loob ng kanyang kwarto.
Buti nalang hindi nito nakita ang kanyang cellphone na nailagay niya sa ilalim ng unan kanina.
Gusto niyang tawagan si Brix, tanungin kung anong nangyari pero hindi niya iyon ginawa.
Bagkus pinatay niya ng cellphone, kahit sandali lang ayaw muna niyang humawak niyon.
Kagabi pa walang lamang pagkain ang kanyang tiyan ngunit hindi niya alintana iyon. Iniisip niya ang kanyang kinahantungan, nakakabaliw isipin na pinagpyistahan ng ilang milyong tao ang katawan niya. Papano pa sya makakapamuhay ng tahimik? Papano na ang kinabukasan niya? Papano pa siya mapapatawad ng kanyang mga magulang?
Itutuloy