Kaya kahit napapahiyaw siya sa sobrang sakit na nararamdaman ei walang makakarinig sa kanya.
Naninikip ang dibdib niya kaya kailangan talaga niyang humiyaw. Halos pinagain niya ang dibdib at tinutubtob pa niya iyon sa pagbabakasakaling mabawasan ang sakit pero hindi ei, mas lalo lamang iyong lumalala at pakiramdam niya ikakamamatay niya ang sakit.
" Briiixxx, bakit? Bakit mo nagawa ito sakin? Anong kasalanan ko? Mahal na mahal naman kita ei, bakit nagawa mo akong lokohin tapos nagawa mo pang maging panoorin ng mga tropa mo? Ano bang naging kasalanan ko? Bakit?? Bakitttt?!!! " paulit-ulit niyang sinasabi habang walang humpay sa pag-iyak.
Patuloy lamang niyang tinutubtob ang dibdib pero wala pa rin, sobrang sakit pa rin. Nahihirapan na siyang huminga.
Isa pang kinasasama ng loob niya, dahil sa ginawa ni Brix. Ang tingin na sa kanya ng tropa nitong nakausap niya ay parausan. Babaeng mahilig sa s*x. Inaya pa siya ng barkada na makipags*x dito kapalit ng pagbura nito ng video. Napakababa ng tingin nito sa kanya at dahil iyon sa ginawa ni Brix, nangako pa ito na hindi gagawa ng ganon. Na kahit picture niya ay hindi ito magsasave. Pero ginawa nya, ngayon nanganganib na kumalat ang videong iyon.
Pero kahit na, hindi siya tanga para gawin yon. Ginago na nga sya ng pinagkatiwalaan niya. Ito pa kaya na ang gusto lamang ay matikman siya.
Maya-maya ay tumunog ang messenger niya, account ni Brix pero natitiyak niyang ito yong tropa nitong nakausap niya kanina.
Kinuha niya ang cellphone at binasa ang message nito.
At muli nanaman siyang napahagulhol.
Sinabi nito sa message na kapag hindi siya pumayag sa gusto nito. Ikakalat nito ang video nya.
Iaupload daw nito sa social media.
Nasabunutan niya ang kanyang sarili, halos maglabasan na ang ugat niya sa noo dahil sa sobrang sakit na nararamdaman. Parang puputok na iyon sa sobrang sakit, kasabay pa ang tila paninikip ng kanyang dibdib.
Naghalo-halo na kasi, takot, pangamba, sakit at pagkalito.
Ano nga ba ang dapat niyang gawin?
Kung hindi lamang sana siya nagtiwala ng lubusan kay Brix hindi sana siya nalagay sa ganitong sitwasyon.
Pero kasalanan ba niya iyon?
Nagmahal lang siya?
Nagtiwala siya dahil mahal niya ito.
Pero bakit ganito ang naging kabayaran ng pagmamahal at katapatan niya sa lalaki?
Papano kung ikalat nga ng lalaki ang video niya, alam niyang kayang-kaya nitong gawin iyon. Sa mukha palang nito, gwapo nga pero mukhang hindi mapagkakatiwalaan.
" Brix, please tumawag ka na. Gusto kong ikaw mismo ang magpaliwanag sakin ng lahat. " kausap niya kay Brix sa isipan.
Muling tumunog ang messenger.
Message ulit ng lalaki.
Sabi nito na ano na daw desisyon niya.
Nag-umapaw ang galit niya sa lalaki. Napakabastos nito, ang isip na nito ay madali siyang makuha dahil siguro sa napanood nito.
Bahala na kung ano ang gawin nito pero hindi siya tanga para pumayag sa gusto nito.
Alam niyang tao lamang si Brix nagkakamali kaya hihintayin niya ang paliwanag nito. Siguro meron nga itong girlfriend sa totoo pero hindi rin naman niya ito masisisi, malayo siya dito at kahit nagpupumilit itong magkita na sila hindi pa rin siya pumapayag.
At kung talagang wala na itong pagmamahal sa kanya, maluwag sa loob na palalayain niya ito. Ang hindi lang niya matanggap ay ang hinayaan nitong pagpyistahan siya ng mga tropa nito.
Pero kilala niya si Brix, alam niyang may dahilan ang lahat. Kaya hihintayin pa rin niya ang paliwanag nito.
Tumunog nanaman ang messenger at galit na message ng lalaki ang andon.
Sinagot niya ito.
Hindi siya papayag sa gusto nito, bahala ito sa kung ano man ang gusto nitong gawin pero sinabi niya na sana bago nito iyon gawin maisip nito na may Nanay rin ito at mga kapatid na babae. Sana makonsensya ito.
Bahala na, natatakot siya sa kung anuman ang mangyayari pero bahala na. Sirang-sira na siya dahil sa ginawang pagrerecord ni Brix pero ayaw na niyang mas masira pa.
Ayaw na niyang mas sirain pa ang buhay niya.
Halos magdamag siyang gising ng gabing iyon. Umiyak lang siya ng umiyak. Hinihintay niya na tumawag si Brix pero hindi ito tumawag kshit magmessage manlang.
Kinabukasan...
Tulalang nakatitig si Brix sa messenger niya. Nabasa niya ang mga message don ng hayop na si Ariel. Nginangatngat siya ngayon ng matinding konsensya, konsensya dahil sa ginawa. Konsensya dahil sa pagtataksil niya dito.
Kagabi ng makauwi siya, binalak sana niyang tawagan si Alliah pero pagbukas niya ng messenger, natuklasan niya ang kahayupang ginawa ni Ariel.
Bumalik siya sa condo at binugbog ang lalaki. Hindi naman ito nakapanlaban dahil di hamak na mas malaki siya dito. Binantaan din niya ito na kapag inulit pa ang panghaharas nito kay Alliah ay hindi lamang iyon ang mararanasan nito.
Sobrang bigat ng nararamdaman niya ngayon. Gusto niyang humingi ng kapatawaran dito. Gusto niyang magpaliwanag dito pero wala siyang mukhang maihaharap pa dito. Napakasama nya, wala syang kasing sama!
Naging napakabuti nito sa kanya, na wala na itong ginawa kundi ang mahalin lamang siya at pahalagahan. Pero ano tong nagawa niya, ng dahil lamang sa ilang sandaling kaligayahan ipinagpalit niya ang babaeng tunay na nagmamahal sa kanya.
Halos sundin nga nito ang lahat ng kanyang gusto,lahat lahat na kahit alam niyang labag sa kalooban nito ginagawa pa rin nito para masiyahan lamang siya.
Alam niyang sobrang sakit ng ginawa niya, pati na ang mga record na video na ipinangako niyang hindi niya gagawin ay natuklasan din nito at sa maling paraan pa nito nalaman.
Gustong niyang magwala, saktan ang sarili pero wala na ring magagawa kahit pa patayin niya ang sarili. Nangyari na, nasaktan na niya ito ng sobra-sobra. Natuklasan na nito ang pagtataksil niya pati na ang video na hinayaan pa niyang mapanood ni Ariel.
Kilala niya si Alliah, matinong babae ito. Na walang kamuwang-muwang sa mundo. Natuto ng mga ganong bagay ng dahil sa kanya, na kahit ayaw nito hinayaan lamang nito iyon para na rin sa ikasisiya niya.
Bago siya umalis sa condo ni Ariel tiniyak niyang wala itong nakuha ni isa mang picture o video ni Alliah sa phone nya. Minsan na syang naging tanga,ayaw na niyang mas mabastos pa si Alliah ng kung sino-sino lang.
Tumunog ang messenger niya.
Message ni Alliah.
" Bakit?! Bakit mo nagawa sakin yon?" sabi nito sa message.
Damang-dama niya ang bigat ng bawat katagang iyon, agad siyang napaluha.
Itutuloy